You are on page 1of 5

Lesson Exemplar in FILIPINO 5 Using the IDEA Instructional Process

Learning Area FILIPINO 5


Learning Delivery Modality MODULAR DELIVERY LEARNING MODALITY

LESSON Paaralan LILIW CENTRAL ES Baitang Baitang 5


EXEMPL Manunulat CYNTHIA O. JACINTO Asignatura FILIPINO 5
AR Petsa Week 1 Markahan Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN Pagtatapos ng aralin ito ay inaasahan ang mga kaalamang ito:


-Matutukoy ang gamit pang-abay na panlunan, pamaraan at pamanahon sa paglalarawan ng kilos.
-Maiuugnay ang gamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
-Mabibigyang pagpapahalaga ang kasipagan
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag - aaral ang kakayahan sa pagsasalita nang wasto upang maipahayag ang
kaalaman at ideya sa pagpapaunlad ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap Nagagamit ang uri ng pang-abay upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa
araling pangnilalaman.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) (Kung (MELC25) Nagagamit ang uri ng pang-abay (panlunan,pamaraan,pamanahon) sa pakikipag-usap sa
mayroon, isulat ang ibat ibang sitwasyon .
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay (Pang-abay na
pagpapaganang kasanayan.) pamanahon,panlunan at pamaraan)

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng - MELC Filipino G5 Q2, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide: (p.170)
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Hindi gagamit ng teksbuk sa pagtatalakay
d. Karagdagang Kagamitan Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos
mula sa Portal ng Learning
Resource https://www.youtube.com/watch?v=r0d3OsG5Gy8

B. Listahan ng mga Kagamitang


Panturo para sa mga Gawain sa - modyul
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan - papel/kwaderno
- bolpen

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula (Introduction) Ang Napapanahong Pagpapaalala:
 Ipapaalala ng guro sa mga bata ang mga panuntunan sa paggamit at pagsagot ng modyul

Balik- Aral

Magbugtungan tayo

1. Kay lapit-lapit na sa mata di pa rin makita.


2. Bulaklak muna ang dapat gawin . bago kainin.
3. Tinuktok ko ang bangka , naglapitan ang mga isda
4. Dalamo dala ka ng iyong dala
5. Pagkagat ng madiin, naiiwan ang ngipin
Paunang Pagtataya (Pre-Assessment)
6. Larawan at Sagot Mo

Sagutin ang tanong sa sa hanay B gabay ang larawan sa Hanay A

Hanay A Hanay B

Paghahabi sa mga Layunin

Ano ang tawag sa kasuotang


ito?

Anong Pagdiriwang ang


ginaganap sa ganitong
kasuotan?

Gabay na tanong:
1. Ano ang una mong naiisip kapag narinig mo ang salitang Ita?

Pamantayan sa Pagbasa ng Kwento


1. Maupo ng matuwid
2. Mga mata ang gamitin sa Pagbasa
3. Bumasa ng matuling hanggat maari
4. Unawain ang binabasa.

B. Pagpapaunlad Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Bagong Aralin


(Development)
Pagbasa/Panonood ng Video
Ati-atihan sa Kalibo Aklan
Pagsagot sa mga Katanungan Pamatnubay:

1.Ano ang masasabi mo sa mga Malayo?


2.Paano nila ipinagdiwang ng mga Ati at Malayo ang kanilang pagkakasundo?
3. Paano sumayaw ang mga Ati-atihan?
4. Ano ang masasabi mo sa kanilang kasuotan?
5. Saan unang nanirahan ang mga Ita?

Talakayin
Ang pang-abay ay isang bahagi ng pananalita na naglalarawan at nagbib9gay turing sa
pandiwa, pang-uri at maging sa kapwa nito pang-abay.

Mga Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamanahon- nagsasaad ng panahon ng pagganap at sumasagot sa


mga tanong na kailan
Halimbawa:

- Bukas ay sasayaw sina Yana, Vince at Yuan sa patimpalak.


- Taon-taon pumupunta ang buong pamilya sa Boracay

2. Pang-abay na Panlunan – nagsasaad ng pook o lugar na pinangyarihan ng kilos.


Ito ay sumasagot sa tanong na saan.
Halimbawa:
- Maraming masarap na pagkain ang itinitinda sa Kantina.
- Namasyal ang mag-ama kahapon sa parke.

3. Pang-abay na Pamaraan - nagsasaad kung paano ginawa ang kilos na isinasaad ng


Pandiwa. Sumasagot sa tanong na paano.

Halimbawa:
- Umiiyak ng palihim ang ama.
- Patagilid kung matulog si Kuya.

Narito ang iba pang halimbawa ng pang-abay na pamaraan:

Dahan-dahan pabulong
Paliyad bigla
Sadya walang-gawa
Ganap pangiti
Palihim unti-unti
kaagad

Ang panandang nang, na, at ng ay ginagamit sa pang- abay na pamaraan.

Halungkat Kaalaman:

Tukuyin kung anong uri ng pang –abay ang mga salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap.

1. Maingat na umakyat sa puno c Garret.


Pang-abay na pamaraan

2. Kanina pa naghihintay ang guro ng Grade5 – Mabini


Pang-abay na Pamanahon

3. Dahan –dahan itinulak ni Celia ang pinto.


Pang-abay na Pamaraan

4. Sa kalsada naabutan ng ulan ang magkakaibigan.


Pang-abay na Panlunan

5. Biglang dumagundong ang pagkalakas –lakas na kulog.


Pang- abay na Pamaraan

C. Pagpapalihan Pangkatang Gawain


(Engagement_

PANGKAT 1
I-guhit Mo!
Gumawa ng poster na nagpapakita ng makulay na kasuotan ng mga Ati .

PANGKAT 2
Isayaw Natin!
Bumuo ng maikling sayaw na ginawa ng mga Ati.
PANGKAT 3
Ulat mo!
Gumawa ng isang ulat tungkol sa naging bukay ng mga Ati

D. Assimilation Paglalapat
(Paglalapat)
Guro- Ano ang pang-abay?

Paglalapat ng aralin sa Pang-araw-araw na buhay

Panuto:

Bilugan ang pang-abay sa pangungusap. Isulat sa linya kung ito ay


pamaraan,pamanahon,panlunan.

___________ 1. Masigasig na ipinagpapatuloy sa isla ng mga Ivatan ang kanilang nakagisnang


kaugalian.

___________ 2. Matapat na nakikitungo ang mga naninirahan sa Batanes sa kanilang kapwa.

___________ 3. Payapang namumuhay ang mga mamayan dito.

___________ 4. Nagsisimba ang karamihan sa kanila tuwing Linggo.

___________ 5. Sa mga burol nagtutungo ang mga turista upang mamasyal

Pagtataya.

1. Post test/ pangwakas na pagtataya

Isulat kung ang mga pariralang pang-abay na may


salungguhit ay pamaraan, panlunan o pamanahon.

______1. Tulung-tulong na naglilinis ang mga tao bago magpiyesta.


______2. Umusad nang dahan-dahan ang mga sasakyan.
______3. Sila’y nagtatanim sa mga bukiring may patubig.
______4. Nahuhuli sa dagat na malapit sa Estancia ang maraming isda.
______5. Sa Linggo ng hapon magpupulong ang mga magulang at guro.

______6. Tuwang-tuwa at patalun-talon na sumalubong ang kanyang aso.


______7. Umalis siya na mabigat ang damdamin.
______8. Naglilinis sila ng silid aralan pagkatapos ng pulong.
_______9. Iwinawagayway ang watawat tuwing may pambansang pagdiriwang.
_______10. Ang matitibay na kahoy ay matatagpuan sa kagubatan ng Pilipinas.
Takdang Aralin

Ipapatala ng guro ang tamang sagot sa gawaing ito sa kuwaderno at ipapakita sa kanyang
kamag-aral.

Panuto: Umisip at sumulat sa kuwaderno ng 10 pangungusap tungkol sa nagaganap na


suliraning kinakaharap ng ating bansa. Bilugan ang pang-abay Isulat kung anong uri ng
pangabay ang napaloob sa bawat pangungusap.

Karagdagang Gawain

Sumulat ng maikling talata tungkol sa ginagawang pag-iingat ng iyong pamilya sa


pagsugpo ng COVID 19 sa inyong tahanan (gamit ang mga uri ng pang-abay )

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kuwaderno, journal o portfolio ng kanilang
A. (Pagninilay sa mga Uri ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga susmusunod na prompt.:
Formative Assessment na
Ginamit sa Araling Ito) Naunawaan ko na _______________________.
Nababatid ko na _______________________.

Inihanda ni:

CYNTHIA O. JACINTO
Guro III

Binigyan Pansin ni:

LORWENA B. HORMILLADO JOEL A. DECHAVEZ


Dalubguro II Dalubguro I

Sinang-ayunan ni:

ZOILA I. BADULIS, Ed. D.


Punongguro III

You might also like