You are on page 1of 17

Department of Education

3 National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

AGHAM
Ikalawang Markahan – Modyul 3
Department of Education
National Capital Region
S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Bahagi at Gamit ng Katawan


ng mga Hayop

Ma. Sabina J. Bandayrel

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa inyong mga
mag-aaral. Ginawa ito upang matulungan kang matutunan ang
mga bahagi ng katawan ng hayop na gamit sa pagkilos at bahagi
ng katawan ng hayop na gamit sa pagkain. Ang saklaw ng modyul
na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa iba't ibang sitwasyon
sa pag-aaral. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang magkakaibang
antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos
upang sundin ang karaniwang pagkakasunud-sunod ng kurso.
Ngunit ang pagkakasunud-sunod ng iyong pagbabasa ay
maaaring mabago upang tumugma sa aklat na ginagamit mo
ngayon.

Ang module na ito ay naglalaman ng aralin na: Natutukoy


ang bahagi ng katawan ng mga hayop at gamit nito.
S3LT-IIc-d-4

Matapos pag-aralan ang modyul na ito, ang mga


mag - aaral ay inaasahang:
 nailalarawan ang mga karaniwang bahagi ng
katawan ng mga hayop na matatagpuan sa lupa,
tubig, at hangin at
 nailalarawan ang mga karaniwang bahagi ng
katawan ng mga hayop na ginagamit sa pagkilos at
pagkain.

Subukin
Basahin ang sumusunod na sitwasyon at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Alin sa sumusunod na bahagi ng katawan ng ibon ang kanilang
ginagamit sa pagkain?
A. Dila C. Tuka
B. Ngipin D. Bibig

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
2. Si Pedro ay nakatira sa paanan ng kabundukan. Alin sa
sumusunod na mga hayop ang maaari niyang sakyan patungo
sa bayan?
A. Tupa C. Manok
B. Baboy D. Kabayo

3. Alin sa mga bahagi ng katawan ng ibon ang ginagamit sa


paglipad?
A. Buntot C. Paa
B. Pakpak D. Sungay

4. Alin sa mga halimbawa ng hayop ang mabilis tumakbo?

A. C.

B. D.

5. Ano ang ginagamit ng palaka sa pagkuha ng pagkain?


A. Dila C. Kuko
B. Tuka D. Ngipin

6. Alin ang halimbawa ng hayop ang nakalilipad nang mataas?

A. C.

B. D.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
7. Alin sa sumusunod na bahagi ng isda ang ginagamit sa
paglangoy?
A. Paa C. Pakpak
B. Palikpik D. Balahibo

8. Alin ang ginagamit ng mga aso at pusa sa paglakad at


pagtakbo?
A. Paa C. Pakpak
B. Buntot D. Sungay

9. Ano ang ginagamit ng leon at tigre sa pagkuha ng pagkain?


A. Dila C. Tuka
B. Ngipin D. Ngipin at kuko

10. Alin sa sumusunod na hayop ang WALANG buntot?


A. Aso C. Pusa
B. Unggoy D. Palaka

Aralin Bahagi ng Katawan ng Hayop na Gamit sa


1 Pagkilos

Balikan
Sa araling ito ay iyong matutuhan ang iba’t ibang bahagi ng
katawan ng mga hayop na ginagamit upang makakilos o
makagalaw. Ang mga hayop ay nabubuhay sa iba’t ibang uri ng
kapaligiran. Masasabi natin na ang bawat hayop ay mayroong
kani-kaniyang bahagi ng katawan na angkop sa uri ng kapaligiran
na kaniyang ginagalawan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Sa nakaraang aralin, maraming iba’t ibang uri ng hayop ang
iyong nakilala. Pumili ng tig-isang halimbawa ng hayop na
matatagpuan sa lupa, tubig, at hangin. Buksan ang iyong
imahinasyon, kung paano kumikilos ang mga napiling halimbawa ng
hayop. Alin sa mga ito ang nakalalakad, nakatatakbo, nakalilipad,
at nakalalangoy? Tukuyin ang bahagi ng katawan na ginagamit nila
sa kanilang pagkilos.

Tuklasin
Basahin at intindihing mabuti ang maikling kuwento tungkol
kina Pong Pagong at Kong Kuneho.
Si Pong Pagong at Kong Kuneho
Isang hapon, nagkita sina Pong Pagong at Kong Kuneho. Nilait
ni Kong Kuneho ang maliliit na paa ni Pong Pagong. Pinagtawanan
niya ang pagiging mabagal ni Pong Pagong. Nasaktan si Pong
Pagong sa mga sinabi ni Kong Kuneho. Hinamon niya si Kong
Kuneho upang patunayan ang kaniyang kakayahan.
Kong Kuneho: Ang bagalbagal mong maglakad! Kahit kailan hindi
mo ako mauunahan!
Pong Pagong: Huwag kang masyadong mayabang. Tumigil ka na
sa pagsasalita. Halina’t simulan na natin ang karera!
Kong Kuneho: Aba! Napakalakas ng iyong loob na hamunin ako!
Sige Pong Pagong! Hindi kita uurungan!
Malaki ang tiwala ni Kong Kuneho sa kaniyang sarili na matatalo
niya si Pong Pagong. Inimbitahan niya ang lahat ng mga hayop sa
kagubatan. Nang magbigay hudyat sa pagsisimula ng karera,
kumaripas si Kong Kuneho. Naiwan sa malayo si Pong Pagong. Batid ni
Kong Kuneho na matagal - tagal bago makahabol si Pong Pagong.
Naisipan niyang matulog muna sa ilalim ng puno.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Laking gulat niya nang imulat niya ang kaniyang mga mata at
nakitang abot kamay na ni Pong Pagong ang tagumpay.

Suriin

Ang mga hayop ay gumagamit ng iba't ibang mga bahagi


ng kanilang katawan upang makakilos at makagalaw.
 Karamihan ng mga hayop na matatagpuan sa lupa ay
kumikilos gamit ang kanilang mga paa.
 Mayroon ding mga hayop na matatagpuan sa lupa ngunit
walang mga paa. Ang ahas at mga uod ay mga halimbawa
ng hayop na gumagapang sa lupa.
 Ang mga hayop na matatagpuan sa tubig tulad ng mga isda,
balyena, pating at butanding ay mayroong mga palikpik at
buntot. Ang mga bahaging ito ang kanilang ginagamit sa
paglangoy.
 Samantala, ang mga hayop na nakalilipad sa hangin ay
mayroong mga pakpak. Subalit, hindi lahat ng mga ibon ay
nakalilipad nang mataas sa himpapawid. Ang penguin, ostrich
at bibe ay ilan sa halimbawa ng mga ibon na hindi nakalilipad
nang matayog.
 Mayroon ding mga hayop na higit sa apat ang mga paa. Ang
mga insekto ay mayroong anim na paa. Ang mga gagamba
ay mayroong walong paa. Ang mga alimango ay mayroong
sampung paa.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Pagyamanin

Gawaing may Paggabay


Gawain 1.1: Tingnang mabuti ang mga larawan. Pagtambalin ang
Hanay A at Hanay B sa pamamagitan ng pagsulat ng letra ng tamang
sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

_____ 1. a.

_____ 2. b.

_____ 3. c.

Gawain 1.2: Iguhit ang kung wasto ang isinasaad ng


pangungusap at naman kung hindi.
______ 1. Ang mga hayop ay mayroong iba’t ibang bahagi ng
katawan na ginagamit sa pagkilos.
______ 2. Ang palikpik ay ginagamit ng mga ibon sa paglipad.
______ 3. Ang mga kabayo ay mabilis na nakatatakbo gamit
ang kanilang mga mahahabang binti.
______ 4. Ang mga hayop na lumalangoy sa tubig ay mayroong
mga palikpik at buntot.
______ 5. Ang ahas ay nakapaglalakad.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Isagawa
Bawat hayop ay mayroong natatanging paraan ng
pagkilos. Ang iba’t ibang mga hayop ay gumagamit ng iba’t
ibang bahagi ng kanilang katawan upang makakilos sa
kapaligiran na kanilang kinabibilangan.
Karamihan ng mga hayop na nabubuhay sa lupa ay
kumikilos gamit ang kanilang mga paa at katawan.
Samantala, ang mga hayop na nakalilipad sa himpapawid ay
ginagamit ang pakpak. Ang mga hayop naman sa tubig ay
nakalalangoy sa pamamagitan ng kanilang palikpik at buntot.

Isaisip
Magbigay ng dalawang (2) pangungusap kung paano
mapangangalagaan ang mga hayop sa ating kapaligiran.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Karagdagang Gawain
Tukuyin kung anong bahagi ng katawan ang tumutulong sa
mga sumusunod na hayop sa pagkilos.

_____ 1. a.

_____ 2. b.

_____ 3. c.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Aralin Bahagi ng Katawan ng Hayop na Gamit sa
2 Pagkain

Sa araling ito ay iyong matututuhan ang klasipikasyon ng mga


hayop batay sa bahagi ng katawan na kanilang ginagamit upang
makakain. Masasabi natin na ang bawat uri ng hayop ay
gumagamit ng iba’t ibang bahagi ng katawan upang makahuli o
makakuha ng pagkain.

Balikan

Alalahanin sa naunang aralin ang tatlong halimbawa ng mga


hayop na matatagpuan sa mga pangunahing uri ng kapaligiran.
Subukang tukuyin ang kanilang kinakain sa araw-araw. Ilarawan
ang paraan kung paano sila nakakukuha ng makakain. Ano-anong
bahagi ng kanilang katawan ang ginagamit sa pagkain?

Tuklasin

Basahin at intindihing mabuti ang maikling kuwento.


Masayang nagdiriwang
ng kaarawan si Teng Tigre.
Nagpunta ang kaniyang mga
malalapit na kaibigan upang
makasama siya sa espesyal na araw na ito.
Ang mga ibon ay humuhuni na tila umaawit sa pagbati kay
Teng Tigre. Magiliw na nakikinig at umiindak ang mga aso at pusa.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Naghanda ng masasarap na pagkain ang mga magulang ni Teng
Tigre. Mayroong mga damo, karne, maliliit na isda, insekto, at
marami pang iba. Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ni Teng Tigre.
Ang mga dumalong baka, kalabaw, kambing, at kabayo ay
sabik na sabik nang matikman ang mga berdeng damo. Takam na
takam na tinititigan ng mga leon at tigre ang mga nakahaing karne
sa hapag kainan. Hindi na maitago pa ng mga palaka ang kanilang
mga dila nang makita nila ang napakaraming inihandang insekto.
Tiyak na matutuwa ang mga aso sapagkat malalaki at matataba
ang mga buto. Gayundin ang mga pusa na siguradong mabubusog
sa mga masasarap na isdang nakahain.
Matapos ang kantahan at sayawan, ipinatawag na ang lahat
ng mga hayop upang kumain. Masaya silang nagsalo-salo.
Kailanman ay hindi nila makalilimutan ng mga hayop ang kaarawan
ng kaibigan nilang si Teng Tigre!

Suriin
Ang iba't ibang mga hayop ay kumakain ng iba't ibang uri ng
pagkain. Ang mga ito ay mayroong mga bahagi ng katawan na
ginagamait upang makakuha ng pagkain.
 Ang ilang mga hayop ay may ngipin at ang ilan ay wala. May
iba't ibang uri ng ngipin para sa pagkuha ng pagkain.
 Ang mga tigre, pusa, at aso ay may mahaba at matalim na
ngipin para sa pagpira-piraso ng mga karne.
 Ang mga kabayo, tupa, at baka ay may malalapad na ngipin
na ginagamit sa pagkain ng mga damo at dahon ng
halaman.
 Ginagamit ng mga palaka at butiki ang kanilang mahabang
dila upang humuli ng mga insekto.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
 Ang mga ibon ay may tuka. May iba’t ibang uri ng tuka
depende sa kinakain ng ibon.
 Ang agila ay mayroong malaki at matatalas na tuka upang
makahuli ng maliliit na hayop na makakain. Samantala ang
mga ibong maya at pipit ay may maliliit at malalambot na
tuka na ginagamit na panghuli ng mga bulate. Mayroon din
silang matatalas na kuko katulad ng mga leon, tigre, at pusa.
 Ginagamit ng mga chimpanzees at unggoy ang kanilang mga
kamay sa pagkuha ng pagkain.
 Ang mga giraffe ay may mahahabang leeg na ginagamit sa
pagkuha ng pagkain.

Pagyamanin
Gawaing may Paggabay:
Gawain 2.1: Punan ng wastong letra upang makumpleto ang salita
na tumutukoy sa bahagi ng katawan ng hayop na ginagamit sa
pagkain.

1.

2.

3.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Gawain 2.2: Suriing mabuti ang mga larawan. Pagtambalin ang
Hanay A sa Hanay B. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B

_____1. a.

_____2. b.

_____3. c.

_____4. d.

_____5. e.

Isaisip
Ang mga hayop ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng
bahagi ng katawan upang makakain. Ang ngipin, tuka, at dila
ay mga pangunahing bahagi ng katawan na ginagamit ng
mga hayop sa pagkain.
Gumagamit din ng ibang mga bahagi ng katawan ang
mga hayop sa pagkuha o paghuli ng makakain. Ang matatalas
na kuko, at mahahabang galamay ay mga halimbawa ng
ibang bahagi ng katawan ng hayop na tumutulong upang
makakuha ng pagkain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Isagawa
Magbigay ng dalawang (2) pangungusap kung paano
matutulungan ang mga hayop sa kapaligiran na makakuha ng
kanilang makakain.
_______________________________________________________________
________________________________________________________________

Karagdagang Gawain

A. Kumpletuhin ang tsart.

Mga Bahagi ng Katawan

Gamit sa Pagkilos Gamit sa Pagkain

1. ______ 2. ______ 3. ______ 4. ______ 5. ______ 6. ______

B. Iguhit ang iyong paboritong hayop sa isang malinis na papel.


Bilugan ang bahagi ng katawang ginagamit sa sa pagkuha ng
pagkain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
Tayahin
Basahin ang sumusunod na sitwasyon at bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod na hayop ang kumikilos gamit ang mga paa?
A. Ahas C. Baka
B. Pugita D. Bulate

2. Alin sa mga hayop na ito ang nakalilipad?


A. Kuwago C. Baboy
B. Kambing D. Alimango

3. Alin sa sumusunod na mga hayop ang nakalalangoy?


A. Unggoy C. Isda
B. Elepante D. Kalabaw

4. Si Pedro ay nakatira sa may kabundukan. Alin sa sumusunod na


hayop ang maaari niyang sakyan patungo sa bayan?
A. Tupa C. Manok
B. Baboy D. Kabayo
5. Alin sa mga bahagi ng katawan ng mga ibon ang ginagamit
kapag kumakain?
A. Tuka C. Ngipin
B. Dila D. Kamay
6. Anong bahagi ng katawan ng kabayo ang ginagamit upang
makakain?
A. Kuko C. Tuka
B. Ngipin D. Leeg
7. Alin sa mga bahagi ng katawan ang ginagamit ng
mga leon at tigre sa panghuli ng makakain?
A. Dila C. Tuka
B. Ngipin D. Ngipin at kuko

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
8. Alin sa mga bahagi ng katawan ng isda ang ginagamit sa
paglangoy?
A. Paa C. Pakpak
B. Balahibo D. Palikpik at buntot

9. Alin sa mga halimbawa ng hayop na ito ang mabilis na


nakatatakbo?

A. C.

B. D.

10. Alin sa sumusunod na halimbawa ng ibon ang


nakalilipad nang mataas?

A. C.

B. D.

Sanggunian
Science Learning Material for Grade 3

Illustrations:
a. Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
b.Online Link
https://www.buhayofw.com/userdata/posts/uID-204/0e0bde02d.jpg - story

https://content.twinkl.co.uk/resource/4d/81/t-tp-7266-animal-body-parts-ikea-
tolsby-frame-
_ver_1.pdf?__token__=exp=1594927128~acl=%2Fresource%2F4d%2F81%2Ft-tp-7266-
animal-body-parts-ikea-tolsby-frame-
_ver_1.pdf%2A~hmac=86c87b4b3d8f6e80646fa6ac7d10f73f62f24b626538f46d74a22d
093e7ba06f – missing body parts

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14
https://i.pinimg.com/236x/2f/77/1d/2f771d6c2a58ff552a9c7e93cd870864--
cartoon-monkey-cute-cartoon.jpg - monkey

https://www.clker.com/cliparts/u/b/j/E/2/o/monkey-arms-hi.png - monkey hand

https://www.pinclipart.com/picdir/big/23-234367_free-library-snake-tattoo-png-
transparent-quality-images.png - snake

https://i.dlpng.com/static/png/1178493-dolphins-tail-seawater-watercolor-tail-png-
image-and-clipart-dolphin-tail-png-600_638_preview.png - shark tail

https://lh3.googleusercontent.com/proxy/RiMW4lCkHQi880d1qejk5Eb21X64LAhy5L
uzd6hepUbX10X-g2AQ4GO9-4VD6I9QZaTlfPmgmVGvGrJBftbL5sjAHsPfh7Xs1g - beak

Susi sa Pagwawasto

5.
Karagdagang Aralin 2 Subukin
Gawain Pagyamanin 1. C 4.
2. D
Aralin 1: 3. B 3.
Gawain 4. B
1. B
2.1: 5. A
2. C 2.
1. tuka 6. C
3. A
2. ngipin 7. B
3. dila
1.
Aralin 2: 8. A
Gawain 9. D
1. Pakpak
2.1:
Gawain 1.2:
2. Paa 10. D
1. C
3. Palikpik
3. B
2. D
4. Tuka
2. A
3. E
5. Ngipin
1. C
4. A
6. Dila
Gawain 1.1:
5. B
Pagyamanin
Aralin 1

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 15
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ma Sabina J. Bandayrel
Mga Tagasuri: Vilma B. Camba
Marilyn T. Cortez
Tagasuri- Panloob: Jessica S. Mateo
Galcoso C. Alburo
Catherine Panungbatan
Tagasuring Panlabas: Paul S. Magbanua (PNU)
Tagaguhit Ma Sabina J. Bandayrel
Tagaguhit ng Kober: Dennis Baquial
Charo Marie Defeo-Baquial
Tagalapat: Marie Cris D. Cruz
Jemwel Dela Paz
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Jessica S. Mateo
Superbisor sa Agham

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 16

You might also like