You are on page 1of 23

Aralin 2

Paniniwala Mo,
Iginagalang Ko

Ma’am Diosa
Linggo ng umaga…
Maja at Berting: Magandang umaga, Clarita.
Clarita: Magandang umaga, Maja. Magandang
umaga, Berting.
Maja: Saan ka pupunta?
Clarita: Magsisimba ako. Nandoon na ang tatay at
nanay sa simbahan.
Berting: Ah, ganoon ba? Kami naman ay sumamba
noong Biyernes sa aming Masjid.
Maja: Noong Huwebes naman kami sumamba ng
aming pamilya.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang pinag-uusapan ng
mga bata?
2. Bakit kaya iba-iba ang araw
ng kanilang pagpunta sa
kanilang lugar sambahan?
Bilang isang kasapi ng isang
pangkat na naniniwala sa Diyos,
ano kaya ang maaari mong gawin
upang ipakita na ikaw ay may
paggalang sa paniniwala ng iba
tungkol sa Diyos?
Ako si Miguel. Isa akong
Sabadista. Kapag may
misa sa simbahan na
malapit sa aming
bahay ay hindi ako nag-
iingay.
Ako naman si Estella.
Sinasabihan ko ang aking
nakababatang kapatid
na huwag paglaruan ang
rosaryo ng aming pinsan
na isang Katoliko.
Gawain I
Paano natin maipakikita ang paggalang sa paniniwala ng
iba tungkol sa Diyos sa sumusunod na sitwasyon? Sagutin
ang mga tanong sa ibaba sa iyong kuwaderno at ibahagi
ito sa iyong klase.
1. Nagulat ang iyong pinsan sa malakas na tunog ng
tambol. May prusisyon pala para sa pagdiriwang ng
kanilang patron na si San Isidro Labrador na
pinaniniwalaan nila na patron ng masaganang ani.
Sinabi niya sa iyo na siya ay naiinis sa ginagawang ito
ng mga Katoliko.
Ano ang iyong gagawin?
2. Sinasabi ng iyong kamag-aral na higit na
mabuting maging kasapi ng kanilang relihiyon.
Pinipilit ka niyang sumama at makinig sa
kanilang pag-aaral sa salita ng Diyos. Ano ang
iyong gagawin?
3. Ikaw at ang iyong nakababatang kapatid ay
inanyayahan ng iyong kaibigang Muslim sa kaniyang
kaarawan. Dahil paborito ng iyong kapatid ang inihaw
na baboy ay nagtanong siya sa iyo nang palihim kung
may ganoon silang handa. Ano ang iyong sasabihin sa
iyong kapatid?
Gawain 2
Gamitin ang tsart sa ibaba para sa bahaginang isasagawa sa
inyong pangkat. Magtalaga ng tagapagsalita na magbabahagi
sa buong klase ng inyong mga napag-usapan.
Isapuso Natin
Iyong pagnilayan ang sumusunod na tanong:
• Narasanan mo na ba na ikaw ay pinagtawanan o
kinutya dahil sa iyong paniniwala? Ano ang iyong
naramdaman?
• May pagkakataon din ba na napagtawanan mo ang
iba dahil sa kanilang paniniwala? Ano sa palagay mo
ang kanilang naramdaman?
• Paano mo maipakikita ang paggalang sa paniniwala
ng iba?
Tandaan Natin
May iba’t ibang relihiyon o paniniwala ang mga tao
tungkol sa Diyos. Magkakaiba man ang ating paraan
ng pagsamba, nagkakaisa tayo sa pag-asang sa
pamamagitan ng mga paraang ito, maipararating natin
ang ating pagsamba at papuri sa Diyos.

Nararapat lamang na igalang natin ang paniniwala


ng iba tungkol sa Diyos. Hindi sila dapat pagtawanan o
kutyain sapagkat sila ay tulad din nating may mga
damdaming nasasaktan.
“Kung ano ang nais mong gawin sa iyo ng
iyong kapuwa, iyon din ang gawin mo sa
kaniya.” Naalala mo pa ba ang kasabihang ito?
Hindi ba’t angkop ito sa ating aralin?
Tama. Kung nais mong igalang ng iyong
kapuwa ang iyong paniniwala, nararapat
lamang na igalang mo rin ang kaniyang
paniniwala.
Isabuhay natin
1. Sa tulong ng iyong guro, isagawa o
ipagdiwang ang Araw ng Pananampalataya kung
saan magtatanghal kayo ng isang maikling
palatuntunan at maaaring anyayahan ang mga
guro, magulang, mga kawani, at mag-aaral
sa paaralan upang maibahagi ng mga panauhing
tagapagsalita na katulad mong mga bata rin ang
kanikanilang paniniwala, awit ng pagsamba, at
kaugnay na kaugalian.
2. Sa simula ng palatuntunan, mangyaring magkaroon ng
panimulang panalangin. Inyo ring pasalamatan ang mga taong
pinaunlakan ang inyong imbitasyon.
3. Tapusin ang inyong maikling palatuntunan sa panalangin
na pangungunahan ng mga bata, magulang, at guro mula sa iba’t
ibang pananampalataya.
4. Bilang tanda ng pasasalamat sa lahat ng dumalo sa
pagdiriwang, bibigyan ang bawat bisita ng isang hugis dahong
papel kung saan isusulat niya ang kaniyang mensahe at pangalan.
5. Lahat ng mga dahon na may nakasulat na mensahe ay
ididikit sa isang puno na gawa sa karton. Ang punong ito ay
tatawaging “Puno ng Nagkakaisang Iba’t Ibang Paniniwala.”
Subukin Natin
I. Iguhit ang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba tungkol sa Diyos, kung hindi.

___a. Pinagtatawanan ang batang nagbabasa ng Koran.


___b. Sinasabihan ng isang batang Muslim ang isang bata
na huwag paglaruan ang krus.
___c. Nakikinig nang may paggalang ang mga batang
Muslim habang pinag-uusapan ang mga gawain ng
Katoliko.
___d. Batang Muslim na pinasasalamatan ng isang bata
dahil dumalo ito sa kaniyang kaarawan.
II. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang
dapat gawin para sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng
iyong sagot sa kuwaderno.
1. Nakita mo na pinupunit ng iyong kamag-aral ang
mga pahina ng isang banal na aklat.
a. Kukuhanin ko ang Koran mula sa kaniya upang
di na niya ito tuluyang mapunit.
b. Hahayaan ko lamang siya sa kaniyang
ginagawa.
c. Sasabihan ko na huwag niyang punitin ang mga
pahina ng banal na aklat.
2. Malakas ang tunog ng radyo habang nakikinig
ang iyong tatay ng balita. Narinig mong
nagdarasal ang mag-anak na Muslim na inyong
kapitbahay.
a. Magpapaalam ako sa aking tatay na
hihinaan ko ang radyo dahil nagdarasal ang
aming kapitbahay.
b. Tatahimik na lamang ako habang sila ay
nagdarasal.
c. Hihintayin ko ang aking tatay na sabihan
akong hinaan ang radyo.
3. Alam mong pupunta ang kaibigang Muslim ng
iyong kapatid sa inyong bahay sa araw ng
piyesta.
a. Sasabihin ko sa kaniya ang mga handa
naming walang sahog na baboy at maaari niyang
kainin.
b. Sasabihin ko sa aking nanay na puro
lutong may karne ng baboy ang dapat naming
ihanda.
c. Sasabihan ko ang ate ko na huwag na lang
siyang papuntahin.
4. Ipinakikilala sa iyo ng iyong pinsan ang
kaniyang matalik na kaibigan. Isa siyang kasapi
ng Iglesia ni Cristo at ikaw naman ay Methodist.
a. Maayos ko siyang kakausapin matapos
akong maipakilala sa kaniya ngunit hindi ibig
sabihin ay makikipagkaibigan na ako sa kaniya.
b. Makikipagkaibigan ako sa kaniya kahit iba
ang aming paniniwala tungkol sa Diyos.
c. Hahayaan ko ang aking pinsan sa nais
niyang gawin.
5. Nakita mong naglalaro sa loob ng isang
kapilya ang mga bata.
a. Hahayaan ko sila sa kanilang paglalaro
at hindi ako sasali sa kanilang paglalaro
upang hindi na makadagdag sa ingay.
b. Pagsasabihan ko sila na maglaro na
lamang sa palaruan.
c. Hahabulin ko sila hanggang mapilitan
silang lumabas ng kapilya.
Takdang Aralin
Mag-isip ng iba pang paraan kung
paano mo maipakikita ang
iyong paggalang sa paniniwala ng
iba tungkol sa Diyos. Iguhit
mo ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.

You might also like