You are on page 1of 2

DETAILED LESSON PLAN

DLP Blg. Asignatura: Baitang: Markahan: Oras:


9 Araling Panlipunan 3 Fourth 40 minutes
Mga Kasanayan: Naiuugnay ang pakikipagkalakalan sa pagtugon ng mga pangangailangan Code:
ng sariling lalwigan at mga katatig na lalawigan sa rehiyon at ng bansa. AP3EAP-IVc-6
Susi ng Pag-unawa na Iba’t iba ang paraan ng pagpapalitan ng produkto ng mga lalawigan sa rehiyon.
Lilinangin: Ang pakikipagkalakalan sa iba’t-ibang lalawigan o rehiyon ay nakakatulong sa pag-unlad ng
sarling ekonomiya.
Ang pagtaya sa kalidad ng mga kalakal ay susi sa matagumpay na kalakalan.
1. Mga Layunin:
Kaalaman Naiuugnay ang pakikipagkalakalan sa pagtugon ng pangangailangan ng sariling lalawigan at
mga karatig na lalawigan sa rehiyon
Kasanayan Nakakagawa ng isang collage tungkol sa mga iaanagkat na produkto.
Kaasalan Naipapakita ang ugnayan ng kabuhayan ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon at sa
ibang rehiyon.
Kahalagahan Napapahalagahan ang ang ugnayan ng kabuhayan ng mga lalawigan sa kinabibilangang
rehiyon at sa ibang rehiyon.
2. Nilalaman Kahalagahan ng Imprastraktura sa Kabuhayan
3. Mga Kagamitang Mga Larawan, tsart
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain 1. Magbalitaan tungkol sa ginawang panayam sa isang negosyante ng lalawigan. Bigyang diin
(2 minuto) ang mga konsepto na nakuha mula sa mga tanong.
-Ano ang mga produktong kinakalakal?
-Bakit kailangan na mag-angkat mula sa ibang lalawigan?
-Ano ang kailangan upang madala ang mga kaalakal mula isang lalawigan hangang sa
kanilang lalawigan?
2. Tanggapin ang kanilang mga sagot at iugnay sa aralin.

4.2 Mga Bigyan ng pagkakataon ng mga saliksik ang mga magaaral tungkol sa mga produkto
Gawain/Estratehiya (5 iniaangkat pa mula sa ibang lalawigan batay sa datus. (kung walang kagamitan, maaring mula
minuto) sa mga dyaryo ang datus na gamitin o di kaya gumawa ng sariling datus)
Ipasulat ang kalakal at ang pinanggalingan na lalawigan.

4.3 Pagsusuri (3 minuto) Ilahad ang aralin gamit ang susing tanong sa Alamin Mo LM p. 408. Bigyan ng mga halimbawa
ang pagkikipagugnayan bilang konsepto ng ekonomiya.
-Ano ano ang mga produktong galing sa ibang lalawigan o kaya ibang bansa?
-Bakit inaangkat ang mga produktong ito?
4.4 Pagtatalakay (15
minuto) Ugnayan at Kalakalan ng mga Lalawigan sa Rehiyon ng Gitnang Visayas

Ang mga rehiyon ng bansa ay may iba-ibang katangiang pisikal. May pagkakataon na
magkatulad ang katangian nito subalit magkakaiba sa klima at sa uri ng pananim. Ang
kalagayang ito ay may malaking epekto sa uri ng pamumuhay ng bawat lalawigan.

Ano ang maitutulong ng rehiyon upang magkaroon ng pag-uugnayan ang kaniyang


mga lalawigan? Itinatag ng pamahalaan ang mga rehiyon upang mapabilis ang paghahatid ng
mga pangunahing pangangailangan at paglilingkod sa mga lalawigan, bayan at barangay. Ang
bawat rehiyon ay may mga pinunong namamahala upang matugunan ang mga
pangangailangang ito.

Ang suliranin ng kawalan ng isang rehiyon at matutugunan ng ibang rehiyon gayundin


sa mga lalawigang sakop nito. Halimbawa: ipapadala ang sobrang supply ng mais ng Cebu sa
ibang lalawigan sa rehiyon at sa iba pang lalawigan ng bansa na mayroong kakulangan ng
supply ng mais.

Ang lalawigan ng Siquijor ay sagana sa supply ng saging kaya maipapadala nila ang
sobrang supply sa ibang lalawigan ng rehiyon. Ang mangga ng Cebu ay inaangkat ng ibang
lalawigan sa rehiyon. Kabilang na nito ang pag-aangkat ng anapog at tuyo na danggit.

Isa sa paraan ng pakikipag-ugnayan sa kalakal ng mga lalawigan sa rehiyon ay ang


pagdaos ng mga pagdiriwang na nagpapakita nga mga pangunahing produkto ng lalawigan.
Sa ganitong paraan, makikilala ang mga produkto na lalawigan na maging daan sa paglago ng
ekonomiya nito.

Sagutin:
1. Ano-ano ang paraan ng pag-uugnayan ng mga lalawigan sa rehiyon?
2. Paano nakatutulong ang produkto ng isang lalawigan sa ibang lalawigan?
3. Paano nakatutulong ang pag-uugnayan ng mga lalawigan sa pag-unlad ng
ekonomiya?
4. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang pagdaraos ng mga festival ng produkto sa
pag-uugnayan ng mga lalawigan o rehiyon? Bakit?
5. Paano nakikipag-ugnayan ang iyong lalawigan sa ibang lalawigan ng rehiyon?

4.5 Paglalapat (5 Ilista sa chart ang mga produkto sa imong lalawigan nga gidala sa ubang lalawigan.
minuto)
Ngalan ng Produkto Gigikanang Lalawigan

5. Pagtataya
(5 minuto) Butangi sa hustong tubag ang kada blangko. Isulat kini sa papel.
1. Nagsalig ang lalawigan ug rehiyon sa ubang lalawigan ug rehiyon sa gikinahanglang
mga_____________ aron mapun-an ang ilang kulang.
2. Gikan sa ________ ang mga giangkat nga asukar.
3. Gikan sa Cebu ang mga giangkat nga _______, ________, ug _______.
4. Ang mga lalawigan sa rehiyon kay sa __________ sila moangkat og anapog.
5. Ang lalawigan sa ____________________ ang makahatag og ubay-ubay nga saging
sa rehiyon.

Answer Key:
1. Produkto
2. Negros Oriental
3. Mais, buwad nga danggit ug anapog
4. Cebu
5. Siquijor

6. Takdang-Aralin
(3 minuto) Gumawa ng collage ng mga produkto ng lalawigan na iniluluwas sa ibang lalawigan. isulat ang
saloobin mo kapag nakarinig ka ng maganda tungkol sa kalidad ng inyong produkto.
7. Paglalagom/ Ang guro tumawag ng mga bata upang makapagbigay ng boud sa aralin.
Panapos na Gawain
(2 minuto)

Inihanda ni:

Pangalan: SHEILA BARRIGA DUTERTE Paaralan: GUINSAY ELEMENTARY SCHOOL

Posisyon/Designasyon: TEACHER 1 Sangay: DANAO CITY

Contact Number: 09322640402 Email Address: sheila.barriga@deped.com

Appendices:

1. Araling Panlipunan (Gabay ng Guro) pahina 197-199


2. Araling Panlipunan (Sangguniang Aklat) pahina 171-172
3. Araling Panlipunan (Kagamitan ng Mag-aaral) pahina 408-413

You might also like