You are on page 1of 8

3

Araling Panlipunan
Magkakaugnay na Pangkabuhayan
ng mga Lalawigan
Kwarter 4 Linggo 5
Pangalan:___________________________
Baitang: __________ Petsa: ______

Magkakaugnay na Pangkabuhayan
ng mga Lalawigan

Layunin: Naiuugnay ang pakikipagkalakalan


sa pagtugon ng mga pangangailangan ng
sariling lalawigan at mga karatig na lalawigan
sa rehiyon at ng bansa.

Mga Kailangan Kong Gawin


Magandang araw. Kumusta ka na? Bagong araw,
bagong aralin na naman ang iyong matutunan ngayon.
Ang araling ito ay tungkol sa ugnayan ng pangkabuhayan
ng mga lalawigan sa rehiyon.
Alam mo ba na may mga gawaing nakatutulong sa
pagkakaisa, kaayusan, at kaunlaran ng sariling lalawigan at
kinabibilangang rehiyon. Kaya ating tuklasin ang mga ito.

1
Paghahanda
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang isinasaad
sa pahayag at MALI naman kung hindi.

_____1. Mas mabilis ang pagdala ng mga produkto sa bayan


dahil sa lubak-lubak na kalsada.

_____2. Ang mga sira at hindi maayos na pantalan ay


nakatutulong sa mabilis na pagdaong ng mga barko.

_____3. Ang mga tao ay mahihirapang pumunta at pagdala


ng kanilang mga produktong ikakalakal sa karatig
lalawigan kung walang tulay na nag-uugnay nito.

_____4. Magkakaroon ng mgandang ani ang mga


magsasaka kung maayos ang irigasyon.

_____5. Mas mabilis ang pagdala ng mga kalakal sa mga


malalayong lugar kung may paliparan sa
ating bayan.

Pagiging Mas Mabuti


Gawain 1
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Isulat sa kahon ang
kalakal ng mga tao na nakikita sa larawan.

1.

2
2.

3.

4.

5.

Gawain 2
Panuto: Isulat sa talahanayan ang mga produktong galing sa
mga lalawigang nakatala na maaaring ikalakal sa
ibang lalawigan.

Mga Lalawigan Mga Produktong maaaring


ikalakal sa ibang lalawigan
Davao de Oro
Davao del Norte
Davao del Sur
Davao Occidental
Davao Oriental

3
Pagiging Dalubhasa
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa patlang.
1. Ano ang epekto kapag kakaunti ang suplay ng
gulay sa palengke?
A. tataas ang presyo C. mag-iiba ang presyo
B. bababa ang presyo D. wala sa mga nabanggit

2. Bumagyo sa lalawigan at hindi madaanan ang ilang


mga tulay. Alin dito ang maaaring mangyari sa mga
presyo ng isda sa palengke?
A. tataas C. mananatili
B. bababa D. wala sa mga nabanggit

3. Ano ang dahilan kapag hindi matugunan ang


pangangailangan ng mga tao?
A. kalabisan sa kalakal
B. kakulangan sa kalakal
C. mananatili ang presyo
D. kakulangan sa produksiyon

4. Ano ang dahilan kapag sobra ang kalakal sa


pangangailangan ng mga tao?
A. kalabisan sa kalakal
B. kakulangan sa kalakal
C. kawalan sa produksiyon
D. magkapantay na bilang ng kalakal

5. Ano ang dahilan ng pakikipagkalakalan ng iba’t


ibang lalawigan sa ating rehiyon?
A. iniuugnay nila ang kanilang gawain at pananim
B. labis na ang produksiyon
C. kakulangan ng suplay
D. lahat nang nabanggit
4
Pamantayan sa Pagwawasto

Not applicable

Mga Dapat Kong Tandaan


Ang bawat lalawigan ay may mga sariling likas na
yaman na pinagkukunan ng kanilang mga produkto.
Natutugunan nila ang kanilang pangangailangan mula sa
mga likas na yaman ng kanilang kapaligiran.
Ngunit, may mga pagkakataon na ang
pangangailangan ay kinakailangan pang kunin sa karatig na
lugar o ibang tao. Dito nakikita ang pakikipagkalakalan ng
mga tao sa isa’t isa upang matugunan ang sariling
pangangailangan.

Writer: Dwendeline O. De Asis


School: Isabelo Calma Sr. Central elementary School
Division: Davao del Sur
Illustrator: Dwendeline O. De Asis
School: Isabelo Calma Sr. Central elementary School
Division: Davao del Sur
In-house Evaluator/ Editor: Lovelyrose Mary L. Sabuga-a
School: Romaguera Elementary School
Division: Davao del Sur

5
Susi sa Pagwawasto

Paghahanda:
1. MALI
2. MALI
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA
:

Pagiging mas mabuti


Gawain 1
1. Alahas
2. Isda
3. Prutas
4. Bigas
5. Damit
Gawain 2
Mga Lalawigan Mga Produktong maaaring
ikalakal sa ibang lalawigan
Davao de Oro bigas, ginto
Davao del Norte saging, pilak, tanso,
Davao del Sur palay, paso
Davao Occidental Paminta
Davao Oriental niyog, abaka

Pagiging dalubhasa
1. A
2. A
3. D
4. A
5. D

6
Sanggunian

Alhabsi , Imie T.. Araling Panlipunan Altenative Delivery


Mode. Quarter 4 Module 4. Rehiyon XI-Rehiyon ng
Davao. F. Torres Street Davao City.

Thea Jy G. Manalo, Charity A. Capunitan, Walter F. Galaraso


at Rodel C. Sampong. (2015). Araling Panlipunan
Patnubay sa Guro, pahina 397-403

Thea Jy G. Manalo, Charity A. Capunitan, Walter F. Galaraso


at Rodel C. Sampong. (2015). Araling Panlipunan
Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 479-486

You might also like