You are on page 1of 4

LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)

HEALTH 3
QUARTER IV – WEEK 5-6

Week 5-Mga Pananda sa Kalsada


MELC: Explains the meaning of traffic signals and road signs. (H3IS-lVe-23) (Week 5)
Paghahawan ng Balakid
 Panananda o Simbolo- ay palatandaan sa kalsada nanganagahulug an ng
pag-iingat o pag-iwas sa sakuna

Iba’t ibang Pananda sa Kalsada

Week 6- Mga Panganib sa Daan, Maiiwasan


MELC: Describes dangerous, destructive, and disturbing road situations that need to be reported to
authorities. ( H3IS-IVf-24 ) (Week 6)
Paghawan sa Balakid
 Panganib – Ito ay sitwasyon na nagbabanta sa buhay o peligro sa ari-arian o buhay ng tao.
 Nakakagambala- Nakakasagabal o nakakaistorbo.
 May kapangyarihan – May katungkulan o may kakayahang gawin o baguhin ang sitwasyon.
Mga Bagay na Maaaring Magdulot ng Panganib sa bawat Tao na Dumadaan sa Lansangan

Ito ay maaaring magdulot ng panganib sa isang drayber. Maaari


siyang sumalpok o bumangga dito o kaya’y kapag umuulan,
maaaring magkaroon ng pagdahili ng mga buhangin sa daan at
maging sanhi ng disgrasiya.

2. Paggamit ng Telepono o Cellphone


habang Nagmamaneho

Ang paggamit ng telepono o cellphone habang nasa lansangan ay dapat iwasan.


Dahil dito, ang drayber ay wala sa kaniyang konsentrasyon o pokus kaya
nagkakaroon ng peligro o aksidente.

3. Mga Batang Naglalaro sa lansangan


Ang mga batang naglalaro sa lansangan ay maaaring mapahamak at maging sanhi
rin ng pagkadisgrasya ng mga nagmamaneho ng sasakyan. Sa mga magulang,
huwag pabayaan ang mga anak na maglaro sa kalsada upang hindi madisgrasiya.
4. Mga Nakawalang Hayop sa Kalsada gaya ng aso, at iba pa.
Ang mga hayop gaya ng mga aso ay isa sa mga naging sanhi ng problema sa
kalsada. Dahil sa dito, maaaring madisgrasya ang nagmomotorsiklo o di kaya
naman ay makagat ng aso. May mga probinsiya o lugar na nagpapatupad ng
batas na dapat nakatali o nakakulong ang mga aso. Maaari ring makakagat ang
aso sa mga taong naglalakad sa kalsada.

5. Mga Sirang Tulay o Lubak na Kalsada


Sirang tulay o lubak na kalsada ay maaaring magdulot ng panganib sa sasakyan
at sa taong naglalakad. Maaari silang mahulog dito.

6. Mga Poste ng Kuryente o Kable na nakahambalang sa daan


Mga poste o kable ng kuryente ay maaaring bumagsak habang may naglalakad
o bumabiyahe sa kalsada kaya, isa ito sa dapat bigyang-pansin ng
kinauukulan.
7. Mga Manhole sa kalsada
Mga manhole o butas sa daan na walang sarado. Binubuksan
lamang ito kapag nililinis o inaayos ang mga kanal. Isa din ito
sa napakadelikadong sakuna sa mga taong naglalakad.

Gawain 1
Panuto: Pagtapatin ang pananda sa kalsada sa Hanay A at ang
kahulugan nito sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.
B

A. babaan at sakayan
B. lugar paaralan
C. ilaw trapiko

Susi sa pagwawato:
Gawain 2
Gawain 2

\
Gawain 1

1. C
2. A
3. B
Inihanda ni:
CONCHITA G. NACIONALES
Guro III

WORKSHEET IN HEALTH 3
QUARTER IV – WEEK 5-6

Pangalan: ____________________________ ________________ Petsa: ______


Baitang/ Seksyon: ________________ Marka: ______

Week 5
Panuto: Piliin at bilugan ang titik nang tamang sagot.
1. Si Bugoy ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay. Nais niyang tumawid sa
kabilang kalsada upang bumili ng tinapay. Alin sa mga sumusunod na pananda
ang dapat niyang hanapin upang makatawid nang ligtas?

2. Nakita ni Mang Danilo ang panandang ito kaya binagalan


niya ang takbo ng kanyang traysikel.
Ang panandang ito ay nangangahulugan na____.
A. pook tawiran C. lugar paaralan
B. pook ospital D. pook sakayan

Week 6
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.
3. Pupunta kayo ni nanay sa palengke habang nakasakay kayo napansin mo na
sa inyong dinadaanan ay may mga nakatambak na buhangin. Ano ang
maaari mong gawin?
A. Hahayaan lang ito
B. Papahintuin ang sasakyan
C. Sasabihin kay nanay upang isangguni niya ito sa barangay
D. Sasabihan ko si tatay na tawagin ang mga kapitbahay at hakutin ito
4. Isa sa mga pangunahing banta ng panganib sa daan ay ang______.
A. Pagtawid sa tamang daan
B. Pagtingin sa kaliwa’t kanan ng daanan
C. Pagpasuyo sa traffic enforcer sa pagtawid
D. Paggamit ng cellphone habang tumatawid o nagmamaneho ng
sasakyan
5. Nakita mong gumagamit ng cellphone ang iyong tatay habang
nagmamaneho. Ano ang gagawin mo?
A. Paalalahanan ng may paggalang si tatay na mali ang paggamit ng cellphone habang
nagmamaneho.
B. Hahayaan lang ang tatay dahil matanda na rin ito alam naman niya ang
kanyang ginagawa.
C. Makikinig lamang sa usapan ng tatay at nanay habang sila ay
masayang nagkukuwentuhan.
D. Pagsasabihan ko si tatay na puwede naman siyang gumamit ng cellphone kung minsan
kapag siya ay nagmamaneho.
PERFORMANCE OUTPUT IN HEALTH 3
QUARTER IV – WEEK 5-6
Week 5
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba na nagpapakita ng isang sakuna sa kalsada. Pumili sa loob ng
kahon ng dalawang pananda sa kalsada kung paano ito sumakay at tumawid nang ligtas. Bilugan
ang tamang pananda.
Week 6
Panuto: Isulat sa kahon ang mga bagay o sitwasyon na nagdadala ng panganib sa daan.

A. Gumagalang aso sa kalsada


B. Mga nakatambak na buhangin at graba
C. Mga nagbabarang manhole
D. Mga babala sa mga sirang lansangan
E. Nakalaylay na kable ng kuryente

You might also like