You are on page 1of 5

I.

Layunin Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan


A. Pamantayang Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap F3TA-0a-j-3 Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang
bilis, diin, tono, antala at ekspresyon
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na nanatili ang
Isulat ang code ng bawat kasanayan kahulugan F3PT – IIIci -3.1
II. Nilalaman Tambalang Salita
Kagamitang Panturo
A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Pahina 290-291
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Batang Pinoy Ako, kagamitan ng mag-aaral sa Filipino, pahina 156-157.
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning DepEd Common
Code.
B. Iba pang Kagamitang Panturo Tsart ,larawan, Powerpoint at Laptop
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula Bago ang Balik-aralin, pakantahin at pasayawin muna ang mga mag-aaral.
ng bagong aralin. Ang pamagat nang kanta ay “Kung ikaw ay masaya”
Ano ang iyong natutunan sa ating nakaraang aralin?
PANUTO: Tukuyin ang ngalan ng bawat larawan. Lagyan ng tsek ( / )
sa patlang ang akmang naglalarawan sa bawat isa.

1. bata
______ A. Ang bata ay masayang nagbabasa ng libro.
______ B. Ang bata ay umiiyak na nagbabasa ng libro.
______ C. Ang bata ay malungkot na nagbabasa ng libro.

2. mga lobo
______ A. Ang lobo ay iisa.
______
3. B. Ang mga lobo
bahayay marami.
______C. Ang
_______A. Angmga loboay
bahay aymaliit
unti-unting nabibitak.
at marumi.
_______B. Ang bahay ay malinis at maganda.
_______C. Ang bahay ay maraming halaman sa paligid.

4. bola
_______A. Ang bola ay kulay berde.
_______ B. Ang bola ay hugis tatsulok.
_______C. Ang bola ay hugis bilog at kulay kahel.

5. guro
_______ A. Ang guro ay masipag magturo.
_______ B. Ang guro ay masipag manggamot ng mga bata.
_______ C. Ang guro ay masipag mag-alaga ng mga bata.
B. Paghahabi ng layunin ng ara lin. Tingnan ang mga larawan. Bigyan pansin ang mga salitang
nakalimbag Na itim sa bawat pangungusap.
Ano ang pangarap mo sa buhay? Tulad mo, ang bawat
tao ay may pangarap na nais maabot. Marahil, ang iba
ay abot-kamay na nila ito.

Ikaw ba ay may kapit-bahay? Isang


taong nakatira na malapit o nasa tabi
lamang sa inyong bahay.

Naranasan mo na bang makapasok sa isang bahay-


kubo? Makalanghap ng sariwa at preskong hangin sa
loob nito?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin. Basahin ang Dayalogo
Juana: Alam mo na ba Jose kung ano pangarap mo na nais
maabot?
Jose: Oo naman, pangarap kong maging sundalo balang-araw.
Juana: Wow! Ang galing naman. Ako,pangarap ko naman maging
chef.

Jose: Mangyayari lamang yan kung pagbubutihan natin ang ating


pag-aaral. Darating ang araw ay pareho natin abot-kamay ang mga
pangarap na iyon.
Juana: Tama! Kaya habang inaantay natin iyon. Maglaro muna
tayo.
Jose: Dali! Kunin mo ang iyong palayuk- palayukan at pati na ang
aking sunda- sundaluhan.
Juana: Sige, kuya. Doon po tayo maglaro sa ating bahay-kubo.
Isasali ba natin ang ating kapitbahay?
Jose: O sige. Tawagin natin s’ya.
Juana: Oo para mas marami mas masaya.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Pag-unawa sa Binasa:
bagong kasanayan #1 1.Sino ang dalawang batang nag-uusap sa dayalogo?
2.Tungkol saan ang dayalogo? Ano ang mabuting ipinakita ng
dalawang bata?
Tingnan ang mga salitang may nakalimbag sa usapan.
3. Ano ang mga salitang ito?
4.Ilan salita ang bumubuo sa abot-kamay, bahay-kubo at
kapitbahay?
5. Ano ang tawag sa mga salita ito?
6.Ibigay ang kahulugan ng abot-kamay, bahay kubo at kapit bahay
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at pagalalahad Pagtalakay sa Paksa
ng bagong kasanayan #
Ang pagsasama ng dalawang magkaibang salita ay
ginagawa upang makalikha ng isang salita na posibleng mayroon
nang ibang kahulugan. Madalas, isinusulat ito na may gitling sa
pagitan ng dalawang salitang pinagtatambal tulad ng mga salita sa
itaas. Ito ay tinatawag na tambalang salita.
Mayroong umiiral na dalawang uri ang mga tambalang
salita. Tambalang salita na nananatili ang kahulugan at tambalang
salita na may bagong kahulugan. Ang nauna ang mas bibigyan
natin ng tuon sa araling ito.
A. Tambalang salita na nananatili ang kahulugan
Sinasabing may mga tambalang salita na ang kahulugan o
nais ipahiwatig ng dalawang salita ay nananatili at hindi nababago.
Ilan sa mga halimbawa nito ay abot-kamay, kapit-bahay, at bahay-
kubo.

Tingnan nating halimbawa ang tambalang salitang


silid-aklatan. Ang mga salitang “silid” at “aklatan”
tumitindig sa sari-sariling kahulugan; at kahit pa
pinagsama’y tumutukoy pa rin naman sa “isang silid
na may lamang mga aklat.”
Narito pa ang ilan sa mga tambalang salita na nananatili ang
kahulugan.
• akdang-sining (gawaing sining)
• aklat-dasalan (aklat na naglalaman ng mga dasal)
• bahay-gagamba (tinitirhan ng mga gagamba)
• baybaying-dagat (lupang dinaraanan malapit sa dagat)
• gawang-kamay (bagay na likha ng mga kamay)
• hugis-puso (hugis na inilalarawan ang puso)
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Tingnang mabuti ang larawan. May ilang tambalang salita na
Assessment) nakatago sa mapa. Hanapin ito at sabihin ang ibig sabihin.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na Pangkatang Gawain
buhay
Unang Grupo: Tukuyin ang kahulugan o ibig sabihin ng bawat
tambalang-salita.
1. tubig-alat
A. tubig na ginagamit sa pagluluto
B. tubig na malamig
C. tubig sa dagat o kinuha mula sa dagat
D. tubig na malabo
2. labas-pasok
A. akto ng paulit-ulit na paglabas at pagpasok
B. hindi mapakali sa gagawin
C. magnanakaw
D. taong madalas na pinalalayas
3. ingat-yaman
A. taong matipid sa paggastos
B. pinunò ng tanggapan o samahan na may tungkuling
mag tago ng salapi at talaán ng mga gastos
C. taong maramot
D. guwardiya ng makakapangyarihang tao
4. lampas-tao
A. malaking bilang ng mga tao sa isang grupo
B. mas mataas sa karaniwang tangkad ng tao
C. pangkat ng mga kabataan
D. malayo sa kasalukuyang kinalalagyan ng tao
5. ulilang-lubos
A. taong ipinaampon sa iba
B. taong patay na ang mga magulang; o wala
nang buhay na kamag-anak
C. labis na nalulungkot
D. naligaw ng landas

Pangalawang grupo: Bumuo ng tambalang salita mula sa mga


sumusunod na larawan at ilagay ang kahulugan nito.Piliin sa kahon
ang kahulugan nito.
ayaw mahiwalay sa
magnanakaw taong maramdamin isa’t-isa
pinuno ng mga guro sa
taong kaawa-awa paaralan taos-puso

Pangatlong Grupo: Basahin ang pangungusap. Isulat ang tambalang


salita na ginamit sa pangungusap at piliin ang tamang kahulugan sa
kahon.
kaluluto pansinin taos-puso
mura nakikita lumaki sa Maynila
1.Si Jose ay laking-Maynila kaya siya ay maputi.
________________________=____________________________
2. Ang bahay nila Alma ay abot-tanaw na rito.
________________________=___________________________
3. Si Rosa ay agaw-pansin noong dumating sila galing Maynila dahil
sya ang tinitingnan ng mga tao.
 4. Ang presyo ng mga bilihin ngayon ay abot-kaya na ng mga tao.
_________________________=______________________
5.Ang nanay niya ay may bagong-lutong pinakbet sa kanilang kusina.
_________________________=______________________
H. Paglalahat ng Aralin Sa pagsasama-sama ng dalawang salita, nakabuo ako ng bagong
salita na may kahulugan. Ang tawag dito ay _____________ salita.
Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng halimbawa.
I. Pagpapahalaga Integrasyon s Edukasyon sa Pagpapakatao
Panuto: Pumalakpak kung ang isinasaad ng bawat pangungusap ay
mabuting gawain, pumadyak naman kung hindi mabuti.
______1. Ang mga mag-aaral ng Sta. Cruz Elementary School ay
taos pusong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.
______2. Sina Manny at Rowel ay naglinis ng kanilang silid-kainan
bago naglaro.
______3. Sina Jose at Juana ay masayang nakipaglaro sa kanilang
kapit-bahay.
______4. Ang mga bata ay nagtulong-tulong upang maalis ang
damong-ligaw sa kanilang sa paaralan.
______5. Si Jona ay hindi nakagawa ng kaniyang takdang-aralin dahil
nanood siya ng palabas sa telebisyon kagabi.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat ang titik sa patlang ng tamang kahulugan ng bawat
tambalang salita sa hanay A at hanay B.
Hanay A Hanay B
____1. Balik-aral a. nagtutulungan
____2. Kapit-bisig b. kuwarto na pinag-aaralan
____3. Likas-yaman c. muling pag-aaral sa dating aralin.
____4. Palo-sebo d. isang larong lahi na padulasan
____5.silid-aralan e. yaman na nanggagaling sa
kalikasan
J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at Maglista ng sampung halimbawa ng tambalang salita.Gamitin ito sa
remediation
pangungusap.

Prepared by:

CATHERINE L. FAJARDO
Teacher I

Checked by:

JULIE ANN V. DOMINGUEZ IMELDA B. RUEDA


Master Teacher II Master Teacher I

Noted by:

CARMENCITA S. PINTOR
Principal II

You might also like