You are on page 1of 10

December 18, 2023

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


I.Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Natutukoy ang pagkasunod – sunod sa kwento.
b) Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagiging matatag at pagkakaroon ng
determinasyon at naiuugnay ito sa totoong buhay; at
c) Nakasusulat ng sariling tula tungkol sa ipinakitang katangian ni Don Juan.
.
II.Paksang Aralin
Paksa: Ibong Adarna kabanata 17 “ANG MAHIWAGANG BALON” ni
Jose Dela Cruz
Sanggunian: Ibong Adarna, Gladys E Gimenez at Leskie S. Navarro (2017)
Blazing Stars Publication. Pahina 54-58
Kagamitan: Mga grapikong pantulong, pantulong biswal, Scotch tape,
Cartolina,
Pisara, Projector, laptop at power point presentation.

III.Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A1.Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat klas!
Magandang umaga din po Ma’am.
A2. Panalangin

Tayo ay manatiling nakatayo at


magkakaroon tayo ng isang panalangin
na pangungunahan ni Bb. Alexa!
Amen
Bago kayo magsiupo ay pulitin ang mga
kalat na nakapalid sa inyong mga upuan!
Opo Ma’am
A3.Pagtala ng Lumiban sa Klase
Mayroon bang lumiban sa ating klase
ngayon?
Wala po Ma’am
Mabuti kung ganon. Ako ay nasisiyahan
dahil kumpleto kayo sa araw na ito.

Kayo ba ay handa na sa ating tatalakayin


ngayong araw na ito klas?

1
Opo Ma’am
Bago ako magtatalakay ay basahin muna
natin ang ating Layunin sa araw na ito.

A4. Balik-aral
Tungkol saan ang tinalakay natin
kahapon?
Patungkol po sa korido Ma’am
Mahusay! Ang korido ay isang
pasalaysay na awit panulaan na isang uri
ng ballad. Isang uri din ito ng panitikang
pilipino na nakuha ang impluwensiya
mula sa espanyol. Ito ay may sukat na
walong pantig bawat taludtod at may apat
na taludtod sa bawat taludturan.

A5. Alituntuin
Nauunawaan ba ang ating mga B-ago maupo
alituntunin klas? A-yusin ang mga upuan
L-aging panatilihin ang katahimikan sa
O-ras ng klase
N-ng maging maayos ang ating talakayan

Layunin:
A. Natutukoy ang pagkasunod
– sunod sa kwento.
B. Naisasabuhay ang
kahalagahan ng pagiging
matatag at pagkakaroon ng
determinasyon at naiuugnay
ito sa totoong buhay; at
C. Nakasusulat ng sariling tula
tungkol sa ipinakitang
katangian ni Don Juan.
B. Pagganyak

Bago tayo dumako sa aralin ay


magkakaroon muna tayo ng maikling
gawain
Gawain1:Buuin mo ako!

Panuto: :Batay sa graphic organizer,sa


loob ay may mga larawan. Ayusin ito
upang makabuo ng isang larawan.
Pagkatapos bigyan ng katangian o ideya

2
niyo batay sa inyong nabuo.

Ano ang nabuong larawan?

Ma’am Isang balon po.


Ano ang masasabi niyo sa balon?
Mahiwaga.
Malalim po mam.
Sino na nakakita ng balon? Madilim po.

Ako po Ma’am
Bakit mahalaga ang balon?
Dahil ito ang mapagkukunan ng tubig
ma’am
Sino pa ang makakapagbahagi?
Ma’am maaaring magpaganda ng
bakuran dahil pwedeng pang display po.
Mahusay!Bigyan ng limang bagsak yan.

D. Pagpapakilala sa Aralin

Batay sa ating ginawa ano kaya ang ating


paksa sa araw na ito?
Ang Mahiwagang Balon “ng Ibong
Adarna.
Magaling! Sa araw na ito ang ating
tatalakayin ngayon ay tungkol sa “Ang
Mahiwagang Balon “ng Ibong Adarna.

E. Pag-alis ng Sagabal

Bago ang lahat, Atin munang bigyang


kahulugan ang mga matatalinhagang

3
salita upang mas lalo nating maintindihan
ang paksang ating tatalakayin . Gawain 2: Hanap- Kahulugan

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga


kahulugan ng mga salita sa bawat bilang.

__________1. Nakakakit
__________2.Nalusog
__________3.Nanamlay
F. Pagtalakay sa Paksa __________4.Hiwaga
__________5. Kauwagan
Bago ang lahat, ay atin munang kilalanin
ang awtor ng ibong adarna. Pagkatapos Sagot:
ay mayroon akong inihandang mga 1.Nagagandahan
tanong na ating bibigyang tugon at
unawain niyong mabuti ang kwento. 2. Linubog
Naiintindihan ba ? 3. Nawalan ng Lakas
4. Misteryoso
5. Duwag
6. ihugos

Si José de la Cruz ay ipinanganak noong


ika-21 ng Disyembre 1746 at pumanaw
noong ika-12 ng Marso 1829. Siya ay
mas kilala sa tawag na Huseng Sisiw.
Siya ay isa sa pinakadakilang manunulat
Sino nga ba si Jose Dela Cruz o mas
kilala bilang si Huseng Sisiw? na Pilipino sa panahon ng pananakop sa
atin ng mga Espanyol.

Si Jose De la Cruz ay isa sa mga tatlong


makata na tanyag sa paggawa ng korido,
isang uri tula. Ang dalawa pa ay sina
Francisco Balagtas at Ananias Zorilla.

Gabay na Tanong:

1. Ano ang pamagat ng kwento na


bin
asa niyo?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa

4
kwento?
3. Ano ang nakita nila sa kanilang
paglalakbay?
4. Bakit si Juan ay nagpatuloy sa
ibaba ng balon?
5. Paano mo maihahambing ang
katangian mo kay Juan sa inyong sarili?
6. Para sa iyo, sa tatlong
Ang galing. Lahat ay nasagutan niyo ng magkakapatid, sino ang pipiliin mo at
tama. Bigyan natin ng Fireworks clap ang bakit?
mga kaklase niyo.

Sagot:

1. Ang Mahiwagang Balon ng Ibang


Adarna
2. Don Pedro, Don Diego at Don
Juan ang mga tauhan sa kwento.
3. Ang nakita nila ay isang
mahiwagang balon.
4. Si Don Juan ay nagpatuloy
sapagkat hindi siya duwag kahit ito
ay madilim.
5. Sa buhay natin ay kailangan
maging matatag tayo na kahit may
problema ay harapin natin.
6. (Iba iba ang sagot ng mga mag
aaral

Bibigyan ko kayo ng kopya sa “Ang


Mahiwagang Balon”.
Dahil mahaba ang sakop ng saknong ng
“Ang Mahiwagang Balon”ay akin lamang
kinuha ang mahalagang saknong na tiyak
maintindihan niyo.

Sa ibaba mababasa niyo ang buod nito.

Unang pangkat basahin ang saknong 481 Saknong 481


Balo’y lubhang nakaakit
Sa kanilang pagmamasid,
Malalim ay walang tubig,

5
Sa ibabaw ay may lubid.

Pangalawang Pangkat basahin niyo ng


sabay-sabay ang Saknong 492.
Saknong 492
Tatlumpung dipa lamang
ang nalusong ng panganay,
lubid agad nang tinantang,
Sunod naman sa unahang ito basahin nang umaho’y nananamlay
niyo ang Saknong 497.
Saknong 497
Sa amin ay ibalita Kung tapos na ang
hiwaga…”
Sumagot ding namumutla
Ng: “Ewan ko… Wala, wala.

Lahat ng babae basahin niyo ang


Saknong 506. Saknong 506
Sa sarili’y nawiwikang:
“Ano’y akin pang ninasa
Na tuklasin ang hiwaga
Kung hindi rin magagawa?

Lahat ng lalaki basahin sabay-sabay ang Saknong 507


Saknong 507. “Anuman ang kasapitan
Ito’y di ko uurungan,
Ang malaking kabiguan
Ay bunga ng karuwagan.

Lahat basahin sabay-sabay ang Saknong


512.
Saknong 512
Ang Prinsipe, sa paghanga’y
Parang namamalikmata…
At ang sabi:—”O, hiwaga…
Ito’y sa engkantadong

Buod:
Sa kabanatang ito ng Ibong Adarna,
natagpuan ng magkakapatid na sina Don
Pedro, Don Diego, at D c gawa!”

on Juan ang isang misteryosong balon


habang sila’y naglalakbay. Ang balong
ito’y napapaligiran ng makikinis na
marmol, at ang lumot sa paligid ay may

6
gintong nakaukit. Kinagigiliwan nila ang
kaanyuan ng balon, na bagaman malalim,
ay walang tubig sa loob. Tangan ng balon
ang isang lubid para sa mga nagnanais
na sumubok bumaba.

Unang bumaba sa balon si Don Pedro,


ang panganay sa magkakapatid. Ngunit
dahil sa kakulangan ng liwanag,
hanggang sa tatlumpung dipa lamang ng
balon ang kanyang narating. Sinundan
siya ni Don Diego, ngunit tulad ng
kanyang kuya, hindi rin siya nagtagal sa
ilalim ng balon.

Ang huli na sumubok bumaba ay si Don


Juan. Pinagpatuloy niya ang kanyang
lakbay sa loob ng balon kahit na lubhang
malalim na ito. Sa kabila ng kaba at
pangamba ng kanyang mga kapatid, hindi
ito sapat upang pigilan si Don Juan sa
kanyang paglalakbay.
F. Paglalahat

Ngayon ay magkakaroon kayo ng Gawain #3 Grahic Organizer


pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo sa
apat na grupo. Bibigyan ko kayo ng
tatlong minuto para gawin ang inyong
gawain.

Pamantayan:
Presentasyon – 10 puntos
Pagiging Malikhain – 10 puntos
Kooperasyon – 5 puntos
Kabuuan : 25 puntos

7
G. Paglalapat

. Gawain 3: Balon ng katanungan

Panuto: Pumili ng balon at sagutin ang


nakapaloob sa bawat katanungan.
Bakit hindi natagalan si Don Pedro?

Bakit nasabi ni Don Juan na ang balon ay


mahiwaga?

Dapat bang sundin ang lahat ng sinasabi


ng mas nakakatanda sa atin?

Sa iyong pananaw ano ang katangian ni


Don Juan na dapat mong tularan ?

Dapat nga ba hindi tayo pabigla bigla ng


desisyon sa buhay?

Salamat sa inyong napakagandang


presentasyon. Naway marami kayong
natutuhan sa ating aralin sa araw na ito.
Palakpakan ng limang bagsak ang inyong
mga sarili.

8
IV. Ebalwasyon

Panuto: Batay sa binasang saknong at buod ng kwento ay sagutin ang mga


sumusunod. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pamagat ng kwento ng binasa niyo?


A. "Ang Mahiwagang Balloon"
B. "Ang Mahiwagang Baon"
C. "Ang Mahiwagang Balon"
D. " Ang Mahiwagang Bato"

2. Sino ang nagpatuloy sa balon kahit ito ay madilim?


A. Don Juan
B. Don Diego
C. Don Pedro
D. Don Jan

3. Isa ito sa katangian ng balon na nakita ng tatlong magkakapatid.


A. Luma
B. Mahiwaga
C. Mataas
D. Maliit

4. Kung ikaw si Don Juan gagawin mo rin ba ang ginawa niya?


A. Oo
B. Hindi
C. Matapang at hindi agad umurong sa gitna ng kadiliman
D. Mayabang

V. Kasunduan
Panuto: Ģumawa ng isang tula na kapupulutan ng aral katulad ng koridong binasa .
Maging malikhain sa inyong paggawa at ipapasa ninyo sa ating susunod na pagkikita.

9
Pamantayan: Puntos

Nilalaman 20 puntos
puntos
Kaayusan 5 puntos
Pagkamalikhain 5 puntos

Inihanda ni:
MAY ANN PASION

Iniwasto ni:
AILEEN MELODY DEVERA LPT
Guro ng wika

10

You might also like