You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

IKA-ANIM NA BAITANG

I. Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;


a. Natutukoy at naipapaliwanag ang Alamat,
b. Nakapagbahagi ng mensahe o aral ng nabasang alamat “Alamat ng Saging”.
c. Nakasasagot sa mga tanong patungkol sa paksa
II. Paksang Aralin
Paksa : Alamat
Sanggunian: Module sa Filipino VI
Kagamitan: Larawan, Powerpoint presentation
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paghahanda

a. Panalangin

 Magsitayo ang lahat, manalangin muna tayo.


 Bago umupo, paki-ayos ng inyong upuan at
panatilihin na kayo ay nasa linya.

b. Pagtsetsek ng liban at hind liban sa klase. Wala po

 Mag tse-tsek muna ako ng inyong


atendans,May lumiban ba sa klase?
Magandang umaga rin po Ma’am.hy
c .Pagbati

 Magandang umaga klas!

TOMMY: Ma’am noong nakaraang araw, ang


c. Pagbabalik-aral Tinalakay po natin ay tungkol sa Karunungang
Bayan.
 Klas,noong nakaraang araw ano nga ang
ating tinalakay ?

Donna: ang karunungan bayan ay isang sangay


Tumpak Tommy! ng panitikan kung saan nagiging daan upang
maipahayag ang mga kaisipan na napapabilang
Ano nga ulit ang karunungang bayan klas? sa bawat kultura ng isang tribo.
Magaling, bigyan natin
siya ng limang palakpak.

At ang karunungang bayan ay binubuo ng


salawikain, sawikain, palaisipan, bugtong,
kasabihan, at kawikaan.

Dahil nauunawaan niyo na ang ating tinalakay,


ngayon ay dumako na tayo sa ating
susunod na paksa.

B.Pagganyak

Mayroon akong ipapakitang larawan.at Nais


kong magbigay kayo ng ideya sa Larawan.

Sino ang may ideya?

Unang larawan: PAMILYA


Emran: Ang nasa larawan po ay isang pamilya
na kung saan sila ay nagtutulungan at sa
ganyang paraan po ay nagiging bonding na nila
ito.

Magaling Emran.

Pangalawang Larawan: Guro na nagtuturo

Fahudi: isang guro po na nagtuturo upang may


matutunan ang kanyang mga studyante.

Magaling Fahudi.
C. Gawain (Activity)
May ipapakita akong larawan sainyo at gusto
kong buo-in niyo ito at kulayan.

D. Pagsusuri (Analysis)

1. Ano ba ang nabuong larawan?  Saging po (lahat)


2. Saan ba napapabilang ang saging?  Prutas po
3. Nakakain na ba kayo ng ganito?  Opo
4. Alam niyo ba na may alamat ang saging?  Hindi pa po
5. May ideya na ba kayo kung ano ang ating  Hindi pa po pero sa tingin namin ay may
tatalakaying ngayon? kinalaman ang saging

E. Paghahalaw (Abstraction)

Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mga


mag-aaral ay inaasahang ;
a. Natutukoy at naipapaliwanag ang
Alamat,
b. Nakapagbahagi ng mensahe o aral ng
nabasang alamat “Alamat ng Saging”.
Normida (babasa)
c. Nakagagawa ng sariling Alamat.

Sa ngayon ay alamin natin kung ano ang ibig


sabihin ng alamat at kung ano ang alamat ng
saging.

Alamat- ang alamat o folklore sa wikang Ingles


Ay isang kuwentong maaaring kathang-isip
lamang o may bahid ng katotohanang
tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay,
lugar, pangyayari, o katawagan.
Karaniwang nakapaloob sa isang
alamat ang kagitingan o kabayanihan ng
ating mga ninumo.
Bahagi ng Alamat
1. Simula
Sa simula ay inilalarawan ang mga tauhan sa
Kwento.

2. Gitna
Sa gitna naman ay kabilang ang saglit na kasigla
han, pakikipagsapalaran ng tauhan.

3. Wakas
Kabilang naman sa wakas ang katapusan ng kwento

Elemento ng alamat

1. Tauhan- karakter sa kwento


2. Tagpuan- lugar at panahon na pinagaganapan ng
eksena
3. Suliranin - ang suliraning tinatamasa o pinagda
Daanan ng Karakter sa kwento.
b

Ngayon naman ay dumako tayo sa alamat ng


saging.

“ALAMAT NG SAGING”

Noong
unang panahon sa isang nayon
ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si
Aging. Labis nilang minamahal ang isa’t isa.
Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa
kanilang pag-iibigan. Gayunpaman ay ‘di ito
alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang
nakikipagkita kay Aging.

Isang araw, naabutan sila ng ama ni


Juana. Bigla itong nagalit at hinabol ng taga
si Aging. Naabutan ng ama ni Juana ang braso ni
Aging at ito’y naputol. Tumakas si Aging at naiwang
umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging
at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana


sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran.
Ito’y kulay luntian, may mahahaba at malalapad na dahon.
May bunga itong kulay dilaw na animo’y isang kamay na
may mga daliri ng tao.

Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng


halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.
Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni
Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng
puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

Ang punong iyan ay si Aging!” wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na “Aging”


at sa katagalan ito’y naging “Saging”.

Ang aral sa “Alamat ng Saging” ay huwag itago sa


mga magulang kung ikaw ay may kasintahan na.
Sa halip, humingi ng pahintulot at gabay sa
kanila. At kung hindi man sila pumayag,
tanggapin ito at intindihin na ito ay para sa iyong
ikabubuti.

E. PAGLALAPAT
Dahil alam niyo na ang alamat ng saging
ay may sasagutan kayo.

“ALAMAT NG SAGING”

1. Ano ang pamagat ng Alamat na


ating tinalakay?
a. Alamat ng Paro-paro
b. Alamat ng Saging
1. B - Alamat ng saging
c. Alamat ng Chocolate hills 2. C. Aging at Juana
3. B. Juan
d. Alamat ng Mangga
4. C. Braso
5. C. Saging

2. Sino ang bida sa Kuwentong


Alamat ng Saging?
a. Sandro at Ana
b. Maria at Juan
c. Aging at Juana
d. Rosa at Jose

3. Sino ba ang tutol sa


pagmamahalan ng dalawa?
a. Aging
b. Juan
c. Rosa
d. Jose

4. Anong parte ng katawan ang


naputol kay aging na biglang tumubo?
a. Paa
b. Daliri
c. Braso
d. Tuhod

5. sa paglipas ng panahon ay nabago


na ang Aging at itoy tinawag na?
a. Kamote
b. Bayabas
c. Saging
d. Mangga

IV. Pagtataya (Assessment)


Sagutan ang mga tanong:

1. Anong aral ang inyong natutunan Sansaluna: Ang aral sa “Alamat ng Saging” ay
mula sa alamat ng saging? huwag itago sa mga magulang kung ikaw ay
may kasintahan na. Sa halip, humingi ng
pahintulot at gabay sa kanila. At kung hindi man
sila pumayag, tanggapin ito at intindihin na ito
ay para sa iyong ikabubuti.
2. Sa tinging ba ninyo ay mahalaga
ang mga alamat? Bakit? Jay-Ar: napakahalaga po ng alamat. Lalo na po
sa ating panitikan na kung saan gamit ang
alamat ay nailalarawan din nito ang tradisyon o
kultura ng mga Pilipino.

V. Takdang aralin
Magbasa ng isang alamat, tukuyin at isulat ang aral nito sa isang buong papel.

Inihanda ni:
Bb. Norol-in O. Sabacan

You might also like