You are on page 1of 6

Pablico, Trisha Mae S. BEEd II-A.

MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA


ELEMENTARYA

I. Layunin
A. Nakapagpapakta ng paraan kung paano ang mga larong kalye.
B. Napapahalagahan ang nasambit sa tula.
C. Nabibigkas ang tula ng malinaw.

II. Paksang Araln


Paksa: maglaro Tayo !
Sanggunian:https://samutsamot.com/2018/11/09/tula-maglaro-tayo/
Materyales: Larawan, pisara, laptop, at projector

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Magandang umaga mga bata !
Magandang umaga po ma’am !
Bago tayo dumako sa ating paksa
ngayon. Pwede niyo bang sabihin kung
ano ang ating natalakay kahapon ?
Ang tulang tinalakay natin kahapon ay
ang Munting Langgam.
Tama ! Pwede bang bigkasin natin
ito ng sabay-sabay ?
Opo !
Ang Munting Langgam
O, ayan na pala sila,
Ang mga kasam mo !
Sila’y mga kamag-anak, kaibigan,
kabarkada at katrabaho.

Susundan nila ang daan na tinahak mo.


Tutulongan ka nila na tapusin ang
gawaing ito.

Paalam, munting langgam !


Paalam na sa inyon !
Matagpuan ninyo sana ang hinahanap
niyo.

Paalam, nga Kaibigan.


Hahayaan ko na kayo.
Sana balang araw,
Kasing sipag niyo rin ako.
Magaling !
2. Pagganyak
Nakikita niyo ba kung ano ang mga
larawang ito ?

Ano ang mga ito ? Opo !

Tama ! Mga larong kalye po !


Pumili kayo ng isang larawan at
iyon ang ating lalaruon ngayon.

Napagod ba kayo mga bata ? (Pumili ang mga bata at naglaro.)

Umupo muna kayo at mamaya ay Opo !


sisimulan na natin ang ating paksa.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Mga bata ano ang ating ginawa
kanina ?
Naglaro po !
Tama ! kaya naman ang ating
tatalakayin ngayon ay ang tulang
Maglao Tayo ! Pakiulit nga mga bata ?
Maglaro Tayo !
Magaling !

2. Pag-alis ng sagabal
Basahin nga ang nakasulat sa
pisara.
Ang trumpo ni Juan ay kulay asul.
Ano ang nasalangguhitan ?
Trumpo !
Tama. Ang trumpo ay isang klase
ng laruan at gantio ito. (nagpakita ng
larawan ng trumpo.)
Basahin ang pangalawa.
May hawak na holen si Leroy.
Magaling. Ano ang
nasalugguhitan ?
Holen po !
Tama. Ang holen ay isang bilog na
laruan. At ganito iyon (nagpakita ng
larawan.) Maliwanag mga bata ?
Opo !
3. Unang pagbasa ng guro
Aking babasahin ang tulang
Maglaro Tayo. Makinig ng mabuti.

Maglaro Tayo !
Bata, bata, maglaro tayo !
Langit-lupa o tumbang preso
Eroplano na papel o saranggola
Lumundag ng mataas ssa luksong-
baka.

Baka gusto ming magsipa tayo


O kaya’y magpaikot ng trumpo
Kung ikaw ay may holen sa bulsa
Maglaro na tayo, halika na !

Luksong-tinik ay larong masaya


Ipatong-patong, kamay at paa
Kung patintero, gumuhit sa kalsada
Tawagin na natin ang buong
barkada.

Tagu-taguan o habulan kaya ?


Sawsaw suka, ang mahuli’y taya !
Lumundag, tumakbo, tumawa’t
sumigaw
Maglaro sa ilalim ni Hari Araw.

Pagka’t kung ang gabi ay dumating


Wag mong limutin kanilang bilin
Umuwi sa sariling tahanan
Bukas muli, mga kaibigan !

4. Ikalawang pagbasa ng guro (bilang


modelo)
Ngayon, babasahin ko ulit ang tula at
sundan niyo ako maliwanag ?
Opo !
Maglaro Tayo !
Maglaro Tayo !
Bata, bata, maglaro tayo !
Bata, bata, maglaro tayo !
Langit-lupa o tumbang preso
Langit-lupa o tumbang preso
Eroplano na papel o saranggola
Eroplano na papel o saranggola
Lumundag ng mataas ssa luksong-
baka.
Lumundag ng mataas ssa luksong-
baka.
Baka gusto ming magsipa tayo
Baka gusto ming magsipa tayo
O kaya’y magpaikot ng trumpo
O kaya’y magpaikot ng trumpo
Kung ikaw ay may holen sa bulsa
Kung ikaw ay may holen sa bulsa
Maglaro na tayo, halika na !
Maglaro na tayo, halika na !

Luksong-tinik ay larong masaya


Luksong-tinik ay larong masaya
Ipatong-patong, kamay at paa
Ipatong-patong, kamay at paa
Kung patintero, gumuhit sa kalsada
Kung patintero, gumuhit sa kalsada
Tawagin na natin ang buong
barkada.
Tawagin na natin ang buong
barkada.
Tagu-taguan o habulan kaya ?
Tagu-taguan o habulan kaya ?
Sawsaw suka, ang mahuli’y taya !
Sawsaw suka, ang mahuli’y taya !
Lumundag, tumakbo, tumawa’t
sumigaw
Lumundag, tumakbo, tumawa’t
sumigaw
Maglaro sa ilalim ni Hari Araw.
Maglaro sa ilalim ni Hari Araw.

Pagka’t kung ang gabi ay dumating


Pagka’t kung ang gabi ay dumating
Wag mong limutin kanilang bilin
Wag mong limutin kanilang bilin
Umuwi sa sariling tahanan
Umuwi sa sariling tahanan
Bukas muli, mga kaibigan !
Bukas muli, mga kaibigan !
Magaling mga bata !

5. Talakayang pangkaisipan
Ano ang pamagat ng tula ?
Maglaro Tayo !
Magaling !
Row 1, basahin ang 1 at 2 na
saknong.
(Binasa ang 1 at 2 saknong.)
Ano ang larong nasa mga
saknong ?
Langit-lupa o tumbang preso,
eroplano na papel o saranggola, luksong-
baka, sipa, trumpo, at holen.
Row 2, basahin ang 3 saknong.
(Binasa ang 3 saknong.)
Ano ang larong nasa saknong ?
Luksong-tinik at patintero.
Magaling !
Row 3, basahin ang 4 saknong.
(Binasa ang 4 saknong.)
Ano ang larong nasa saknong ?
Tagu-taguan o habulan, at sawsaw
suka
Row 4, basahin ang 5 saknong.
(Binasa ang 5 saknong.)
Ano ang bilin sa huling saknong ?
Umuwi sa sariling tahanan.
Magaling !

6. Ikatlong pagbasa (Mga bata)


Kayo naman ngayon ang
magbabasa sa tula maliwanag mga
bata ? Opo !

Maglaro Tayo !

Bata, bata, maglaro tayo !


Langit-lupa o tumbang preso
Eroplano na papel o saranggola
Lumundag ng mataas sa luksong-
baka.

Baka gusto ming magsipa tayo


O kaya’y magpaikot ng trumpo
Kung ikaw ay may holen sa bulsa
Maglaro na tayo, halika na !

Luksong-tinik ay larong masaya


Ipatong-patong, kamay at paa
Kung patintero, gumuhit sa kalsada
Tawagin na natin ang buong
barkada.

Tagu-taguan o habulan kaya ?


Sawsaw suka, ang mahuli’y taya !
Lumundag, tumakbo, tumawa’t
sumigaw
Maglaro sa ilalim ni Hari Araw.

Pagka’t kung ang gabi ay dumating


Wag mong limutin kanilang bilin
Umuwi sa sariling tahanan
Bukas muli, mga kaibigan !
7. Pagpapahalaga
Mga bata, ano inyong natutunan
niyo ngayong araw ?
Ma’am !
______ ?
Mga klase ng larong kalye ma’am !
Tama ! Sa tingin niyo mga bata ano
ang naidudulot ng mga larong ito sa
ating katawan ?
Ma’am !
______ ?
Ang naidudulot po ng mga larong
nabanggit ay para lumakas ang ating
katawan at hindi tayo gaano mapapagod
kung may mga gagawin tayong mga
activities katulad ng mga larong
nabanggit.
Tama ! Sa tingin niyo, ang mga
larong nabanggit ba ay masayang
laruin ?
Opo !
Magaling mga bata !

IV. Pagtataya
Bigkasin ang tula sa harap (by row)
V. Kasunduan
Isaulo ang tula.

You might also like