You are on page 1of 6

Banghay Aralin

LAYUNIN:

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang limang mahahalagang elemento ng maikling kwento.

b. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay.

c. Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa kabutihan ng isang guro.

PAKSANG ARALIN:

Paksa: ‘Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute

Sanggunian: Daloy ng Mithi III (pahina 21-25)

Kagamitan: PowerPoint Presentation

PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
Luffy, maari bang pangunahan mo ang
panalangin? Magandang Umaga rin po
b. Pagbati
Magandang Umaga mga bata!

c. Pagtala ng mga lumiban


Ma’am tungkol po ito sa malaki at maliit
d. Pagbabalik-aral na titik
Sino sa inyo ang nakakaalala ng ating (Nagbigay ng halimbawa)
nakaraang talakayin?
Tama, maaari kabang magbigay ng
halimbawa?

Okay ngayon ay pag aaral naman natin


ang mga elemento bg maikling kwento.

B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
– Para sa mga lalaki, bubunot sila ng
isang tinupi-tuping papel na naglalaman
ng salitang “Gwapo ako” at “Macho ako”.
Ang sinumang makabubunot ng “Macho
ako” ay maaari nang maupo,
samantalang ang makabunot ng “Gwapo
ako” ay pupunta sa harapan at
magbibigay ng ideya tungkol sa salitang
“mabuti”.

b. Pag-alis ng Sagabal
– Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga
letra at kanila itong aayusin upang
mabuo ang kasingkahulugan ng mga
sumusunod na salita:
1. Karakter – hautan –
2. Paksa – amte –
3. Labanan – tngglnuaia –
4. Burador – aabnghy –
5. Tipanan – tga
c. Pagbasa sa Kwento
– Tatawag ng isang mag-aaral na
siyang babasa ng kwento sa
harapan.

d. Pagtatalakay sa Nilalaman ng
Kwento
– Dito tatalakayin ang gabay na
mga katanungan.
– Tatalakayin ang kaisipang
ipinahihiwatig ng kwento.

e. Pagtatalakay sa Kwento bilang


Akdang Pampanitikan
– Ano nga ba ang kwento?
– Anu-ano ang limang
mahahalagang elemento ng
maikling kwento?
– Ano ang kaugnayan ng kwento sa
totoong buhay?

f. Pagpapahalaga
– May naging guro ka na ba na
laging nagpapayo sa klase? Ano ang
mga payo niyang kinalulugdan mo?
– May naidulot ba ito sa iyong
buhay-estudyante?

g. Malikhaing Gawain
– Papangkatin sa tatlong pangkat
ang klase. Mula sa grupong
kanilang kinabibilangan, sasagutin
nila ang mga katanungang
hininihingi sa pamamagitan ng
pagsasadula:

Unang Pangkat – Ikaw ay


naging isang guro sa isang
paaralang malayo sa
kabihasnan. Walang sapat na
mapagkukunan ng panibagong
kaalaman, walang maayos na
palikuran at kulang ang mga
kagamitang pampagtuturo.
Nasanay ka na sa mga
marurusing at maiingay na mga
estudyante sa paaralang iyon.
Isang araw ay inalok ka ng isang
kilala at pampribadong
institusyon sa bayan. Tatanggapin
mo ba ang magandang
oportunidad o mananatili sa
piling ng mga batang
nangangailangan sa iyo bilang
isang pangalawang ina?

Pangalawang Pangkat – Narinig


mong nag-uusap ang mga
kaklase mo tungkol sa isa niyong
guro. Nalaman mong usap-
usapan na sa bayan ang
pagpapakasal niya sa nobyo
niyang German. Balak daw nilang
manirahan na sa ibang bansa. Ang
gurong iyon pa naman ang
pinakamalapit sa iyong puso. Marami
kayong mga bagay na pinagkakaisahan
at natutunan sa isa’t isa. Ano ang
gagawin mo kung totoo nga ang mga
narinig mo?

Pangatlong Pangkat – Magreretiro na


sa serbisyo ang inyong guro. Ilang
beses ka na niyang pinagalitan sa
klase. Magdaraos ang buong klase ng
isang malaking salu-salo. Linapitan ka
niya bago ang araw ng pagdiriwang ng
naturang okasyon. Kinausap ka niya na
pumunta ngunit may lakad sana ang
buong pamilya sa araw na iyon, ang
unang pagkakataong mamamasyal ang
pamliya niyo. Alam mong magagalit sa
iyo ang iyong guro sapagkat minsan
lamang siya kung mang-imbita ngunit
nakatakda rin ang pamamasyal ng
inyong pamilya. Saan ka dadalo? Sa
salu-salo o sa pamamasyal?

IV. PAGTATAYA:

– Kumuha isa’t kalahating papel.

Tama o Mali. Sagutin kung tama ba o


mali ang isinasaad ng sumusunod na
mga pangungusap.

1. Siya’y tinatawag naming lahat na


Mabuti kung siya’y nakatalikod.

2. Ang ama ng batang may kaarawan


ay konduktor.

3. Tagpuan ang tawag sa pangunahing


ideya o paniniwala ng kwento.

4. Si Mabuti ay balo.

5. Ang may akda ng kwento ay si Jose


Corazon de Jesus.

6. Anim na taong gulang na ang anak


ni Mabuti.

7. “Iyon lamang nakararanas ng mga


lihim na kalungkutan ang maaaring
makakilala ng mga lihim na
kaligayahan” ay pangungusap ni
Mabuti.

8. Ang tagpuan ay sa kusina kung saan


siya nakita ni Mautiing kumakain.

9. Ibig nilang maging manggagamot


ang anak ng kanilang guro.

10. Ang salitang mabuti ay palaging


binabanggit ng guro.

V. TAKDANG ARALIN:

– Gumawa o gumuhit ng isang larawan


ng gurong nagpapakita ng katangiang
gusting-gusto mo sa isang guro. Idikit o
iguhit ito sa isang malinis na putting
papel (bond paper). Tukuyin ang
katangian at ipaliwanag kung bakit
iyon ang katangiang gusto mo sa isang
guro.

You might also like