You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO SA FILIPINO

Baitang/Taon: Ikapitong Baitang


Nakalaang Oras: Animnapung Minuto
Petsa:

I. MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. nauunawaan ang nais ipahiwatig ng kuwento;
2. nakasusulat ng mga kakaibang elemento na alam nila; at
3. napapahalagahan ang mga payo ng magulang.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Ang Mga Duwende
B. Sangguniang Batayan: Panitikang Filipino 7, pahina 39-40
C. Mga kagamitan: Prodyektor, mga larawan, enbelop, cartolina at pentel pen
D. Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapahalaga
E. Halagang Pangkatauhan: nabibigyang halaga ang mga payo ng mga magulang
F. Estratehiya: Tanong-sagot, Talakayan at Pangkatang Gawain

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsisiyasat ng liban
4. Pagwawasto ng takdang-aralin
Klas, nang nakaraang talakayan ay
may ibinigay ako sa inyong takdang-aralin na
kung saan ay aalamin ninyo ang kahulugan ng
kuwentong bayan.
Ano nga ba ang kuwentong bayan?
Ang kuwentong bayan ay mga salaysay
hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan.
Tama! Iba pang kasagutan?
Ito rin ay nagmula sa bawat pook na
naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng
kanilang lugar.
Magaling! Ngayon ay ipasa na ito
paharap upang mairekord.
(Ipapasa ng mga mag-aaral ang kanilang
takdang-aralin)

5. Pagbabalik Aral
Ngayon ay atin munang sulyapan ang
nakaraan nating leksyon.
Ano nga ang tinalakay natin
kahapon?
Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol
sa tulang Kay Mariang Makiling.
Tama! Sino ang may-akda nito?
Ang may-akda nito ay si Edgar Calabia
Samar.
Tumpak! Sino ang nagsasalita sa
tula?
Ang nagsasalita sa tula ay ang anak.
Magaling! Ano ang nais ipahiwatig ng
tula?
Ito ay nagpapahiwatig tungkol sa
paglisan ng kanyang ina na inihalintulad kay
Mariang Makiling.
Mahusay! Natutuwa ako at naikintal sa
inyong isipan ang nakaraan nating pinag-
aralan.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating paksang
aralin ay magkakaroon muna tayo ng
pangkatang gawain. Kung mapapansin niyo
ay may mga nakatapat sa inyong upuan na
mga larawan ng kapre at aswang. Ang mga
larawang iyan ang magsisilbing palatandaan
kung saang pangkat kayo napapabilang. Ang
mga nakakuha ng mga larawan ng kapre ang
magsisilbing pangkat una at ang mga
nakakuha naman ng mga larawan ng mga
aswang ang magiging pangkat dalawa.
Nauunawaan ba?
Opo ma’am!
Bawat pangkat ay magsusulat ng mga
kakaibang nilalang o elemento na alam ninyo.
Kung anong pangkat ang may
pinakamaraming naisulat ang tatanghaling
panalo. Bibigyan ko lamang kayo ng tatlong
minuto para magawa ito. Sa bandang kanan
ko uupo ang unang pangkat at sa bandang
kaliwa ko naman uupo ang ikalawang
pangkat. Maliwanag ba?
Opo ma’am!
Okey! Pumunta na kayo sa inyong
mga miyembro. (Ang mga mag-aaral ay pupunta sa
kanilang mga miyembro)
Handa na ba kayo sa inyong gawain?
Opo ma’am!
Kung gayon ang inyong tatlong minuto
ay magsisimula na.
(Tahimik na gagawin ng bawat pangkat
ang kanilang gawain)
(Magmamasid ang guro sa bawat
pangkat)

(Pagkatapos ng tatlong minuto)

Klas, ang inyong tatlong minuto ay


tapos na, ngayon ay ipaskil niyo na ito sa
pisara at pumili ng isang miyembro na siyang
magbabahagi sa klase ng inyong ginawa.
(Bawat pangkat ay magbabahagi sa klase)
(Iwawasto ng guro ang ginawa ng
bawat pangkat)

(Magbibigay ng reaksyon ang guro sa


bawat pangkat at ibibigay ang katibayan sa
pagkilala)

2. Paglalahad
Batay sa inyong ginawa ay
mahihinuha kong mayroon na kayong
paunang kaalaman sa paksang ating
tatalakayin. Dahil diyan ay may ikukuwento
ako sa inyo, ito ay pumapatungkol sa mga
kakaibang nilalang. Habang kayo ay nakikinig
ay maaari niyong itala ang mga
mahahalagang pangyayari o impormasyon na
nakapaloob sa kuwento. Nauunawaan ba?
Opo ma’am!
(Magsisimulang magkuwento ang
guro)

3. Pagtatalakay
Ano ang pamagat ng kuwento?
Ang pamagat ng kuwento ay “Ang Mga
Duwende”
Tumpak! Ang mga duwende ay
halimbawa ng mga kakaibang elemento o
nilalang. Saan nagmula ang kuwentong ito?
Ang kuwentong ito ay nagmula sa Bicol.
Tama! Ito ay isa sa mga kuwentong
bayan mula sa Bicol. Sa unang bahagi ng
kuwento ay mapapansin nating abalang-abala
sa pananahi ang dalawang magkapatid na
babae. Ano kaya ang tinatahi nila?
Ang tinatahi nila ay ang mga kamisa at
saya nila.
Magaling! Saan nila ito isusuot?
Isusuot nila ito para sa isang misa
kinaumagahan.
Okey! Ibig sabihin ay magsisimba ang
dalawang magkapatid. Ano ang parating
ibinibilin ng kanilang ina bago sila matulog?
Ang parating ibinibilin ng kanilang ina
bago sila matulog ay siguruhing isara ang
pinto at mga bintana.
Mahusay! Ano kaya ang mangyayari
kapag naiwanan nilang bukas ang pinto at
mga bintana?
Kapag naiwanan nilang bukas ang pinto at
mga bintana ay papasok ang mga duwende.
Tama! Papasok ang mga duwende na
gumagambala sa kanila tuwing hatinggabi.
Batay sa kuwento ng kanilang ina, ano ang
ilan sa mga kapilyuhang ginagawa ng mga
duwende?
Ang ilan sa mga kapilyuhang ginagawa ng
mga duwende ay ang pagsira sa ma
muwebles at mga larawan, pagbasag sa mga
salamin, baso, plato at tasa.
Tumpak! At kung hindi naman sila
makahanap ng mga bagay na babasagin o
sisirain, ano naman ang ginagawa ng mga
duwende?
Kinukurot nila ang mga pisngi, braso, at
katawan ng mga tulog na babae upang
maging mabigat ang kanilang pakiramdam
pagkagising.
Magaling! At kung hindi kinaaasaran ng
mga duwende ang mga taong nakatira sa
bahay na madalas nilang bisitahin,
nagpapakita sila ng kabaitan sa mga ito. Sa
papaanong paraan kaya?
Sa pamamagitan ng pagdadala ng mga
masasarap na pagkain sa kanila.
Tama! Ano pa?
Ipinagtatanggol din sila laban sa mga
masasamang nilalang.
Mahusay! Batay sa kuwento, itinuturing
din silang mga nilalang na nagtataglay ng
kakaibang karunungan, ano pa kaya ang kaya
nilang gawin?
Kaya rin nilang malaman o mahulaan ang
mga lihim at ikinikilos ng mga tao.
Magaling! Kaya kung sinuman ang
magsabi ng hindi maganda o magbalak ng
masama sa kanila kahit pa na hindi nila ito
marinig ay pinaparusahan nila at hindi na
muling babalikan pa. Sa katapusan ng
kuwento, mahihinuha nating naiwanan ng
dalawang magkapatid na babae na bukas ang
pinto at mga bintana, kaya ng maghatinggabi
na ay nakarinig sila ng mga kakaibang tunog.
Ang mga tunog na ito ay mula sa mga
duwendeng nakapasok na pala sa pinto ng
kanilang bahay. At katulad ng inaasahan ay
tumakbo at tumalon siya papasok ng bahay
papunta sa mga dalaga na naging dahilan ng
pagkasipa ng duwende ng isang gasera na
nagpaliyab sa mga kamisa at saya nila. Sa
kabuuan, ano ang aral ng kuwento?
Palaging alalahanin at sundin ang bilin ng
ating mga magulang.
Tama! Dahil walang magulang na gustong
mapahamak ang kanilng mga anak.

4. Paglalahat
Muli nating balikan ang kuwentong
ating napakinggan upang subukin ang inyong
kaalaman. Para sa unang pangkat, kunin niyo
ulit ang mga larawan at ganoon din ang
ikalawang pangkat. Lahat ng mga nakakuha
ng mga larawan na may pulang laso ay
tumayo. Kayo ang mapalad na makakasagot
sa ipapagawa ko sa inyo. Bibigyan ko kayo ng
tig-isang de-kulay na papel na naglalaman ng
mga pahayag tungkol sa kwentong ating
tinalakay. Ang gagawin niyo lamang Mayroon
akong inihandang kahon na naglalaman ng
inyong mga pangalan. Kung sino ang
mabubunot ko ay siyang magbabasa ng Opo ma’am!
pangungusap na nakasaad diyan sa papel na
nakatali diyan sa mga larawan na hawak niyo.
Kung sa tingin niyo ay tama ang binasa niyong (Ang bawat mag-aaral na tinawag ay
pahayag, sabihin lang ang salitang TAMA, tatayo at sasagot sa mga pahayag na
kapag sa tingin niyo naman ay mali, sabihin nakasaad sa papel na nakatali sa kanilang
niyo lamang na MALI at ipaliwanag kung bakit hawak na larawan)
naging mali ang pahayag. Nauunawaan ba?

(Magsisimulang bubunot ang guro ng


mga pangalan na nasa maliit na kahon)

Opo ma’am!

5. Paglalapat (Bubunot ng enbelop ang lider)


Sa puntong ito, ay magkakaroon ulit
tayo ng pangkatang gawain. Kung ano ang
pangkat niyo kanina ay iyon din ang magiging
pangkat ninyo ngayon. Nauunawaan ba?

Pumili ng lider na siyang bubunot ng


enbelop dito sa harapan.

Bago kayo magsimula ay basahin muna


ang panuto.

Panuto: Basahin at unawain ang


nilalaman ng bawat enbelop at pagkatapos ay
gawan ito ng wakas at isulat niyo rin kung
anong aral ang napulot niyo rito. Isulat niyo ito
sa isang buong papel.

Pamantayan:
Kaangkupan sa Paksa----------------40%
Pagkakaisa ng Pangkat---------- ----20%
Presentasyon----------------------------40%
Kabuuan---------------------------------100%

Mga gagawin ng bawat pangkat:


Unang Pangkat
Si Kardo ay lumaki na halos walang
kaibigan. Palagi lang siyang nakakulong sa
bahay. Ayaw ng kanyang mga magulang na
makisalamuha siya sa ibang bata. Palagi
siyang pinapayuhan nito na huwag lumabas
ng bahay ng hindi nagpapaalam dahil baka
may masamang mangyari sa kanya.
Hanggang sa isang araw, naisipan niyang
makipaglaro sa mga batang hindi niya kakilala
ng hindi nagpapaalam sa kanyang magulang.
Naglaro sila ng tagu-taguan hanggang
napunta siya sa kagubatan na kung saan ay
siya lang mag-isa roon. Alalang-alala ang mga
magulang ni Kardo nang napag-alaman ang
nangyari.
Sa inyong palagay, ano kaya ang
mangyayari kay Kardo? Pagsisisihan kaya
niya ang kanyang ginawa?
Magbigay ng aral na napulot sa
sitwasyon.

Ikalawang Pangkat
Si Malia ay kaisa-isang anak nina Mang
Mateo at Aling Lia. Nakatira sila malapit sa
ilog. Palagi siyang pinapaalalahanan nito na
huwag maligo sa ilog ng mag-isa. Isang araw,
nagpaalam siya na maligo sa ilog. Hindi
pumayag ang kaniyang magulang dahil baka
may mangyaring masama sa kanya at isa pa
ay wala siyang kasama. Kahit ayaw payagan
ng magulang, pumunta parin si Malia sa ilog
at naligo. Habang lumalangoy si Malia,
dumating ang ibang bata na gusto ring
lumangoy sa ilog. Niyaya siyang lumangoy sa (Mag-uusap ang mga miyembro ng bawat
bandang gitna ng ilog. Sumama naman siya pangkat at pagkatapos ay ibabahagi nila sa
hanggang sa hindi na niya namalayan na klase ang kanilang ginawa)
napunta na siya sa malalim na bahagi ng ilog.
Sa palagay ninyo, ano kaya ang
mangyayari kay Malia?
Magbigay ng aral na napulot sa
sitwasyon.

IV. PAGTATAYA O EBALWASYON:


I.Panuto: Kumpletuhin ang bawat
pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang
tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa
nakalaang patlang.

Ang Mga Duwende Ang Nuno sa Punso


Blusa at palda Bikol
Kamisa at saya Nakabukas
Nakasara Ilo-Ilo Misa Kasal

1. Ang pamagat ng kuwentong tinalakay


ay ____________________.
2. Ang kuwentong ito ay mula sa ______.
3. Ang tinatahi ng dalawang magkapatid
na babae ay ____________.
4. Isusuot nila ito para sa isang _______
kinaumagahan.
5. Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing
____________ ang pinto at mga
bintana bago matulog.

II.Panuto: Basahin at unawaing mabuti


ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang
TAMA kapag tama ang pangungusap at isulat
ang salitang MALI kapag mali ang
pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa
nakalaang patlang.

________6.Ilan sa mga kapilyuhang


ginagawa ng mga duwende ay
ang pagsira sa mga muwebles at
mga larawan.

________7.Kung hindi makahanap ang mga


duwende ng mga bagay na
sisirain ay kinukurot nila ang mga
pisngi, braso at katawan ng mga
tulog na babae.

________8.Kung hindi kinaaasaran ng mga


duwende ang mga nakatira sa
bahay na madalas nilang Mga inaasahang sagot:
bisitahin, nagpapapakita sila ng 1. Ang Mga Duwende
hindi maganda sa mga ito. 2. Bikol
3. kamisa at saya
________9.Ang mga duwende ay malalaki. 4. misa
5. nakasara
________10.Ang mga duwende ay may 6. TAMA
mahabang bigote. 7. TAMA
8. MALI
9. MALI
10. TAMA
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
V. TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Sumulat ng isang maikling kuwento tungkol sa mga kababalaghan o mga
kakaibang nilalang. Isulat ito sa isang buong papel.

Inihanda ni:
_____________________
SHARMAINE M. MARTOS
Tagapakitang-turo

Iniwasto ni:
________________
KIM F. MACATOL
Gurong-tagapatnubay

Inaprubahan ni:
_____________________
FLORENCIO D. MUYO JR.
Teacher-in-Charge

You might also like