You are on page 1of 3

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin

Napipili ang isang napapanahong paksa sa pagsulat ng isang sanaysay (F8PU-IIf-g-27)


II. Paksang Aralin:

Paksa: Isang Napapanahong Paksa ng Sanaysay na Pinamagatang “Ang Kahalagahan Ng Pag-aaral

o Edukasyon Tungo sa Pag-unlad ng Bansa”

Sanggunian: Francis, Shandy (2007) http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/20/Sanaysay


Kagamitan: Manila paper,kartolina strips

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid
B. Pagganyak
Magpapakita ng mga larawan ng tatlong napapanahong paksa na ginagamit sa pagsulat ng
sanaysay at pipili ang mga estudyante ng kanilang napupusuang larawan na sasagutan.

C. Paglalahad
Ang mga napiling larawan ng mga estudyante ay tungkol sa edukasyon, kahirapan at pamilya. Ito
ay iilan lamang sa mga napapanahong paksa sa pagsulat ng isang sanaysay. Ipapakilala ng guro
ang paksang napili na pinamagatang “Ang Kahalagahan Ng Pag-aaral o Edukasyon Tungo sa Pag-
unlad ng Bansa”. Babasahin ang nakasulat na layunin at magbibigay ng karagdagang impormasyon
tungkol sa mga paksang napapanahong sa pagsulat ng sanaysay.

D. Pagtatalakay
Magpapaskil ang guro sa harap ng pisara ng nakasulat na napapanahong sanaysay na pinamagatang
“Ang Kahalagahan Ng Pag-aaral o Edukasyon Tungo sa Pag-unlad ng Bansa” na isinulat ni
Yolanda Panimbaan. At pagkatapos basahin ng mga estudyante ay magtatanong ang guro ng mga
sumusunod na katanungan:
1. Tungkol saan ang paksa ng binasa ninyong sanaysay?
2. Ano ang pamagat ng binasa ninyong sanaysay?
3. Napapanahong ba ito?

E. Paglalahat
1. Sa buong pagtatalakay ano nga ba ang mga napapanahong paksa na magagamit natin sa
pagsulat ng isang sanaysay?
2. Sa napiling napapanahong sanaysay na pinamagatang “Ang Kahalagahan Ng Pag-aaral o
Edukasyon Tungo sa Pag-unlad ng Bansa”. Masasabi niyo bang napapanahong paksa ito
sa pagsulat ng isang sanaysay?
3. Ano ang iyong natutuhan sa “Ang Kahalagahan Ng Pag-aaral o Edukasyon Tungo sa Pag-
unlad ng Bansa” na napili nating talakayin na isang halimbawa ng napapanahong paksa sa
pagsulat ng sanaysay?

F. Paglalapat
Igrupo ang klase sa dalawa ang unang grupo ay sa kanan at ang pangalawang grupo naman
ay nasa kaliwa. Pipili sa loob ng kahon ang bawat lider ng grupo at sa loob ng kahon ay
may dalawang napapanahong paksa na tungkol sa pamilya at kahirapan. Ito ay gagawan
nila ng isang sanaysay.

Unang grupo- Sumulat ng isang sanaysay na may paksang tungkol sa pamilya sa 5 minuto
at ipaskil ito sa harap ng pisara.

Ikalawang grupo-
Sumulat ng isang sanaysay na may paksang tungkol sa kahirapan sa 5 minuto at ipaskil ito
sa harap ng pisara.

IV. Pagtataya
Pumili ng isang napapanahong paksa sa pagsulat ng isang sanaysay na makikita natin sa ating
lipunan isulat ito sa isang malinis na papel at isumite pagkatapos ng sampung minuto.

V. Takdang Aralin
Pumili sa mga sumusunod na napapanahong paksa: Edukasyon, Kalikasan, Pag-ibig at Sa iyong
sarili at isulat ito na may panimula, gitna at wakas. Ilagay ito sa long size bondpaper at
seguradohing sundin ang pamantayang nasa ibaba.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG NAPILING NAPAPANAHONG SANAYSAY:
Kaugnayan sa paksa: 15

Istilo sa pagsulat: 15

Nilalaman: 15

Kalinisan: 5

Kabuuan: 50

Ipinasa nina:
Reyes, Rose Ann
Dela Torre, Mary joy
Luna, Angel
Lobaton, Irish Mae
Bomban. Joanna

You might also like