You are on page 1of 15

Mga alituntunin na dapat sundin kapag naka-online class

1. Humanap ng maayos at komportableng lugar para hindi ka


maistorbo.
2. Alisin ang mga bagay na makakahadlang sa pakikinig o
pag-aaral.
3. Makinig sa guro o kamag-aral kapag sila ay nagsasalita.
Panatilihing naka mute ang app pag wala kang sasabihin.
4. Igalang ang lahat huwag mag screen – shot o mag picture
ng mga bagay na makikita sa online class at i-send sa iba.
5. Huwag kumain habang naka-online class.
Bago tayo mag-umpisa sa ating aralin sa araw na
ito, nais kong sukatin muna ang iyong kaalaman
sa ating aralin sa linggong ito. Basahin at
unawaing mabuti ang mga pangungusap.
Panuto: Sabihin ang / ang mga pangyayaring naganap na sa iyong
buhay ayon sa nakatala sa ibaba at X kung hindi.
1. Hindi nakadalo sa iskawting dahil nagkasakit.
2. Napagsabihan ng guro dahil maingay sa klase.
3. Nahuli sa pagpasok sa paaralan.
4. Walang natanggap na regalo sa kaarawan.
5. Naulanan dahil nakalimutang dalhin ang payong.
ARALIN 10: Naiuugnay ang Binasa sa Sariling Karanasan

Sa ating buhay, may mga pangyayaring ating


naranasan. Iba’t ibang hatid ang mga
karanasang ito. Ano ang karanasang hindi mo
makalilimutan? Bakit?
TUKLASIN: Alamin ang kahulugan ng mga salitang nakapaloob sa
kuwentong ating babasahin sa susunod na gawain sa
pamamagitan ng pagsagot sa pagsasanay na nasa ibaba.
A. Panuto: Sagutin ng Oo o Hindi ang bawat tanong.
1. Makikita ka ba sa labas ng bahay kapag dumungaw ka sa
bintana?
2. Ayaw mo bang dumating ang taong nananabik sa araw na
pinakahihintay mo?
3. Ang tao bang pabalikwas na bumangon ay nagulat nang
siya’y nagising?
4. Nanunukso o nang-iinis ba ang taong pakantiyaw magsalita?
5. Ang taong nerbiyoso ba ay matatag ang loob at hindi madaling
matakot?
Mabuti na Lamang
“Alberto, halika na. Dali!” Malakas na sigaw ni Rod. “Nag-umpisa na silang maglaro,
baka tayo mahuli. Si Alberto ay kasalukuyang nag-aaral nang marinig ang tinig ni Rod.
Huling Markahang Pagsusulit na kaya pinagbubuti niya ang pagbabalik-aral. “Nag-aaral ako.
Di ba’t test natin bukas? Bakit ka naririto?” tanong ni Alberto nang dumungaw sa bintana.
“Mamaya ka na mag-aral. Mas masayang makipaglaro sa mga bata sa kabilang kalye,”
wari’y nanunuksong wika ni Rod. “Teka, teka, aayusin ko lamang ang mga gamit ko,” sagot
ni Alberto na nananabik ding makalabas ng bahay. Wala ang nanay at tatay ni Alberto.
Libreng-libre siyang gawin ang anumang gusto niya. Walang pipigil sa kaniya. Kaya ngayon
lalabas siya. Pero nasa hagdan na siya nang bigla siyang mapaurong. “Huh! Baka ako
bumagsak sa test. Tiyak na wala akong maisasagot kung hindi ako mag-aaral ngayon,”
bulong ni Alberto sa sarili. “A, hindi na lang ako makikipaglaro ngayon”. Bumalik siya sa
bintana at sumigaw. “Rod, huwag na tayong makipaglaro ngayon. Mag-aral na lang muna
tayo . Di ba’t may “warning” ka na kapag hindi mo naipasa ang mga pagsusulit sa huling
markahan, babalik ka sa Baitang 6? Sige na. Umuwi ka na at nang makapag-aral ka nang
mabuti.” “Masyado ka namang nerbiyoso. Maaari pa naman tayong mag-aral mamayang
gabi, a,” pakantiyaw na wika ni Rod. “Tiyak na maipapasa mo ang mga pagsusulit. Ikaw pa?
E, mas marunong ka kaya kaysa sa akin.”
“A, basta, ayaw ko! Ikaw na lamang kung gusto mo,” matatag na tugon ni Alberto.
Walang nagawa si Rod kundi ang umalis nang hindi kasama si Alberto. Gayon man,
binalewala niya ang di-pagsama ng kaibigan. Nakipaglaro siya sa ibang bata at umuwi na
lamang nang magdilim na ang paligid. Dahil sa matinding pagod, pagkatapos na pagkatapos
kumain ng hapunan, nakatulog na si Rod. Kinabukasan…… “Rod, bangon na. Maleleyt ka
na sa klase. Maligo ka na at magsipilyo. Nakahanda na ang almusal,” usal ng kaniyang ina.
Pabalikwas na bumangon si Rod. “Naku! Hindi na ako nakapag-aral kagabi. Tatlo pa naman
ang test ko ngayon.” Sa paaralan…. Sa silid-aralan nina Alberto at Rod. “Hindi ko alam ang
sagot sa mga tanong na ito,” nagkakamot ng ulong naisaloob ni Rod. Tumingin siya kay
Alberto. “Buti pa siya. Mukhang nadadalian sa pagsagot.” Tulad ng inaasahan, pawang
bagsak ang mga resulta ng pagsusulit ni Rod sa unang araw. Bagaman naipasa niya ang
test noong sumunod na araw, hindi naging sapat iyon upang mahila pataas ang
pangkalahatang marka ni Rod. “Alberto, uulit daw ako ng Baitang 6,” malungkot na balita ni
Rod sa kaibigan. “Pinaalalahanan na kita pero hindi ka nakinig,” tugon ni Alberto. “Mabuti na
lamang hindi ako nagpasulsol sa iyo.” “Tanggap ko na ang aking pagkakamali. Nagsisisi na
ako. Isang aral ang natutuhan ko sa aking kamalian. Sa susunod, titiyakin kong gagawa ako
ng tamang pasya para makaiwas sa suliranin
SAGUTIN ANG MGA TANONG

1. Bakit tinawag ni Rod si Alberto?


2. Bakit libreng-libre si Alberto na gawin ang anumang gusto niya?
3. Bakit hindi sumama si Alberto kay Rod?
4. Kung ikaw si Alberto, hindi ka rin ba sasama kay Rod para
maglaro gayong wala naman ang mga magulang mong
maaaring pumigil sa iyo? Bakit?
5. Sa tingin mo ba, totoong gagawa na ng tamang pasiya si Rod
sa susunod kung pagbabatayan ang mga ikinilos niya sa
kuwento? Ipaliwanag.
6. Anong karanasan mo ang maiuugnay tungkol kay Alberto at
Rod?
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na mga pangyayari mula sa
nabasang kuwento.Sabihin / kung ang pangyayari sa kuwento ay
naranasan mo na at X kung hindi pa.
1.Pag-aaral ng liksiyon sa gabi
2.Paghahanda para sa pagsusulit sa paaralan
3.Paglalaro kahit hindi mag-aaral ng liksiyon sa gabi
4.Pagsama sa kaibigan na maglaro hanggang gabi
5.Nahuli sa pagpasok sa paaralan
6.Natuto sa isang kamalian na huwag nang uulitin pa
7.Nagpapasulsol sa kantiyaw ng kaklase
8.Natutuwa kapag naipasa ang pagsusulit
9.Nalulungkot kapag hindi naipasa ng kaibigan ang pagsusulit
10.Pagsunod sa utos ng mga magulang kahit hindi ka nila
nasusubaybayan o nakikita
ISAISIP
Isa sa pinakaangkop na paksa ng isang kuwento
ay ang karanasan ng tao. Madaling maunawaan
ang kuwento kapag ito ay ibinatay sa karanasan
A.Panuto: Ano ang dapat na gagawin sa bawat sitwasyon? Sabihin ang letra ng
angkop na sagot na may kaugnayan sa sarili mong karanasan.

1. Mayroon kang gustong bilhin. Pero natutulog pa ang mommy mo.


A. Hihintayin kong magising ang mommy ko.
B. Kukuha ako ng pera sa pitaka ng mommy ko.
2. Sinabihan ka ng nanay mong huwag kang maligo sa ulan dahil may sipon ka.
A. Makikinig ako sa nanay ko. B. Magtatago ako habang naliligo.
3. Iskedyul ngayon ng pangkat ninyo na maglinis sa inyong silid-aralan. May mga
kaklase kang hindi tumutulong at naglalaro lamang.
A. Kausapin ko nang mahinahon ang mga kaklase na tumulong sa paglilinis.
B. Sasama ako sa mga kaklase ko na maglaro na lamang.
4. Nagbalak ang barkada mong huwag nang bumalik sa paaralan
pagkatapos nilang kumain ng pananghalian. Gusto nilang manood ng
sine sa isang mall.
A. Hindi ako sasama. Babalik ako sa paaralan kahit kantiyawan pa ako.
B. Sasama ako. Masaya ang manood ng sine nang maraming kasama.
5. Sumasagot ka sa pagsusulit. Nabasa mo ang sagot ng iyong katabi
tuwing inaangat nito ang takip sa papel. Nakita mo rin ang iyong guro na
palibot-libot sa silid-aralan.
A. Aasikasuhin ko na lang ang pagsagot sa pagsusulit. Hindi ako
mangongopya.
B. Titiyempuhan kong sa iba nakatingin ang aming guro bago ako
sumilip sa katabi ko
ISAGAWA
Panuto: Ang sumusunod ay hango sa mga ilang tekstong nabasa. Alin dito
ang may kaugnayan sa iyong karanasan? Sabihin ang Oo kung naranasan
mo na at Hindi kung hindi mo pa naranasan.
1. Magpabili ng pinakamahal na selfon kahit alam mong kapos kayo sa pera
ngayon.
2. Isipin mong mabuti ang iyong isasagot sa pagsusulit upang makuha ang
tamang sagot.
3. Ipinagmamayabang sa mga kaklase ang bagong damit at sapatos na
padala ng iyong tatay mula sa ibang bansa.
4. Binawi ng inyong mga magulang ang pangako nilang mamamasyal kayo
isang Sabado dahil may mahalaga silang gagawin sa araw na iyon at
pumayag kayo nang maluwag sa kalooban.
5. Pinaghuhusayan ang gawaing sining na ipapasa sa iyong guro upang
makakuha ng mataas na marka.
TAYAHIN
Panuto: Magbigay ng iyong karanasan na may kaugnayan
sa sumusunod. Pumili lang ng isa. Gawing gabay ang
rubriks sa pagsulat ng talata para sa makukuhang
marka.Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Pagsakay sa tsubibo
2. Tumaya sa Running Lights
3. Panonood ng Mahika
4. Panonood ng konsiyerto
5. Pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo

You might also like