You are on page 1of 42

FILIPINO 6

Unang Markahan
Ikalawang Linggo-Ikalawang
Araw
I. LAYUNIN:
A. Nasasagot ang mga tanong
tungkol sa napakinggang/nabasang
pabula, kuwento, tekstong pang-
impormasyon at usapan
B.Naipamamalas ang pagpapahalaga
at pagrespeto sa mga hayop.
C.Naisasakilos ang bahaging
naibigan
II.PAKSANG-ARALIN:

A. PAMAGAT NG ARALIN:
Pagsagot sa mga tanong sa napa-
kinggang pabula.
“Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw”
1. Dril
Bigkasin ang mga salita ayon sa
isinasaad sa ibaba.
Malumi Mabilis
puno puno
sawa sawa
saya saya
amo amo
basa basa
B. BALIK-ARAL
Awitin ang balikan natin bilang
pagbabalik-aral sa nakaraang
aralin.

Tanong: Anong kuwento sa mga


hayop ang huli ninyong nabasa?
1. Ipakita ang larawan ng kalabaw
1. Saan kalimitan natin makikita ito?
2. Paano sila nakatutulong sa mga tao ?
3. Ano ang naitutulong ng kalabaw
sammga tao ?
4. Dapat bang mahalin ang mga hayop ?
Bakit ?
2. PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN
Tukuyin at kahunan ang kahulugan ng salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap.
1. Malaking suliranin ng mga magsasaka ang mga
pesteng kumakain sa kanilang mga pananim.
a. problema b. kalungkutan
c. kasiyahan d. pananagutan
2. Salamat at pinaunlakan n’yo ang aking
paanyaya.
a. tinanggihan b. tinanggap
c. tinupad d. tinapatan
3. Narinig ko ang tinuran ni Kinay Kuwago.
a. sinabi b. tinanong
c. napakinggan d. inawit
4. Napagtanto niya ang dahilan ng pagdami ng
peste.
a. napagsabihan b.napagtanungan
c. napag-alaman
5. Naalimpungatan ang natutulog na si Kinay.
a. nabigla b. nagising bigla
c. naingayan d. nagulat
Ang Suliranin ni Kardong Kalabaw
Pabula:Pinagyamang Pluma 6 p.7-9 F6PN-12g-3.1
Isang araw ,sa isang kagubatang
malapit sa malawak na taniman ng palay,
ipinatawag ni Kardong Kalabaw ang
kanyang mga kaibigang hayop para sa
isang pagpupulong. Gusto niyang hingin
ang tulong ng mga ito.
“Magandang araw sa inyong lahat,
mga kaibigan.Salamat at pinaunlakan
ninyo ang aking paanyaya.”ang bati ni
Kardong Kalabaw.
 
“Ano ba ang ating pag-uusapan?
Bakit mo kami ipinatawag? “tanong ni
Lira Lawin.
“ Marahil ay tungkol ito sa suliranin
ng kanyang mga amo,” ani Mara
Matsing.” Hindi ba’t nababahala sila
sa pagdami ng mga daga at kulisap na
kumakain ng kanilang tanim na
palay?” dagdag pa niya.

Tanong: Bakit Nagpatawag ng


pulong di Kardong Kalabaw?
“Tama ang iyong tinuran ,Mara Matsing.
Iyan nga ang gusto kung ihingi ng tulong sa
inyo .Halos walang natitira kapag
umaatake ang mga daga at kulisap sa
taniman ng aking mga amo. Doon pa
naman nila kinukuha ang kanilang
ikinabubuhay.Nakakaawa sila.
Maaari n’yo ba akong matulungan sa
paglutas ng problemang ito? Ang
nag-
mamakaawang sabi ni Kardong
Kalabaw.
Tanong: Ano ang suliranin ni
Kardong Kalabaw?
Nagkatinginan ang mga hayop habang
nag-iisip. Maya- maya pa’y sabay-sabay
silang napatingin kay Kinay Kuwago na
noo’y natutulog.Tila naramdaman niya
ang mga matang nakatitig sa kanya,
naalimpungatan ito.B-b-bakit ganyan
kayo makatingin?May nagawa ba akong
mali?ang naguguluhang tanong nito.
“ Hindi mali… kundi, ano ang
hindi mo ginagawa,” ang sagot
ni Mara Matsing” Di ba’t
katungkulan mo ang manghuli
at kumain ng mga daga upang
hindi sila dumami at
makapinsala?”
Tanong: Ano ang naging damdamin ni
Mara Matsing habang nakatingin siya
kay Kinay Kuwago?Maaari ring isakilos.
“ Aaaaa….. pasensya na . Napakabilis
magparami ng mga daga at kaunti na
lang ang aming bilang kaya’t hindi na
naming kayang kontrolin ang dami ng
mga ito”, nahihiyang paliwanag ni
Kinay Kuwago.”E teka
muna ,Bakit di n’yo rin tanungin si
Simang Sawa? Trabaho rin niya
ang panghuhuli at pagkain ng
mga daga ,a.”
Tanong: Paano idinipensa ni Kinay
Kuwago ang kanyang sarili?
Dumako ang tingin ng mga hayop sa
paparating pa lamang na si Simang
Sawa.” Narinig ko ang sinabi ni Kinay
Kuwago.Katulad nila ay hindi na rin
sapat
ang dami naming upang mapigilan ang
pagdami ng mga daga.”
Hindi rin mapakali si Lira Lawin
kaya’t nagwika.” Humihingi rin ako ng
paumanhin.Kaming mga lawin ay wala
ring magawa.Maliit na rin ang aming
bilang
at malato na rin sa mga kabahayan
ang aming tirahan.”
Natigilan at napaisip si Kardong
Kalabaw. Bakit nga ba lumiliit ang
populasyon ng mga ibon at ahas na
tagakain ng mga daga, habang ang
mga ito naman ay patuloy sa mabilis
pagpaparami? Hindi naman ganito
noon .Ano nga ba ang mangyari?
Tanong: Ano ang natuklasan ni Kardo
sa kapwa nya hayop?
Tahimik na nag-iisip ang lahat nang
bigla na lamang may batong muntik
nang tumama sa ulo ni Kinay
Kuwago. Sa pagkagulat ay mabilis
na lumipad palayo si Kinay at Lara
Lawin habang sina Simang Sawa at
Mara Matsing ay mabilis na nagtago
sa makapal na dahon ng mga puno.
Sa isang iglap ay nawala sa paningin
ni Kardong Kalabaw
pagpupulong.
“Sayang ! Hindi mo tinamaan.
Nakalipad tuloy,”ang narinig ni
Kardo mula sa mga batang may
mga hawak na tirador.”Halikayo,
baka marami pang ibang ibon o
hayop ang mahuli natin sa dako pa
roon.”
Tanong: Ano ang nasaksihan ni Kardo?
Nang tuluyan nang makalayo ang mga
bata ay saka pa lamang naglabasan ang
mga hayop na takot na takot.” Marahil
ngayon ay alam mo na ang dahilan
kung bakit ang populasyon naming taga
kain ng daga at kulisap ay
lumiliit na,” ang sabi ng mga hayop kay
Kardong Kalabaw.
“ Hindi lamang ang mga ibon ang
nakararanas ng kalupitan ng mga
tao,”ang hinain ni Simang Sawa.”
Kaming mga ahas din ay pinapatay nila
sa tuwing kanilang makikita.
“Bukod sa pagbaril o pagtirador sa
amin, sinisira din nila an gaming
tirahan. Kinakalbo nila ang
kagubatan ,dagdag ni Mara Matsing.
“ O kaya naman ay nagsasabog sila
ng mga kemikal na nakalalason din sa
amin,” dagdag ng iba pang mga hayop
sa pulong.” Marami sa ating mga
kasamahan ang mga nangamatay
dahil sa kagagawan ng mga tao
kaya paano naming sila tulungan
kung sila mismo ang sumisira sa
balanse ng kalikasan?
Tanong: Sa inyong palagay
makatarungan ba ang
ginagawa ng mga tao
sa pulong.” Marami sa ating mga
kasamahan ang mga nangamatay
dahil sa kagagawan ng mga tao
kaya paano naming sila tulungan
kung sila mismo ang sumisira sa
balanse ng kalikasan? Sa mga
hayop?Mangatwiran.
sa mga hayop?Mangatwiran.
Walang nagawa at nasabi si Kardong
Klabaw nang isa- isang nagpaalam na
sa kanya ang mga kaibigan.
Napagtanto niyang totoo ang tinuran
ng kanyang mga kaibigan.
Sagutin ang mga sunusunod na tanong.
1. Sino-sino ang mga pangunahing
tauhan sa kuwento?
2. Ano ang mahalagang tungkulin na
ginagampanan ng bawat isa ?
3. Paano malulutas ang suliranin ni
Kardong Kalabaw?
4. Bakit mahalagang malutas ang
problema ni Kardong Kalabaw?
5. Ano ang maramdaman mo nang
mabatid mo ang suliranin ng mga
hayop?
6. Ano ang gagawin mo para
mapangalagaan ang mga hayop sa
kagubatan?
7. Bakit hindi dapat sila hulihin/patayin?
8. Malaki ba ang maging epekto sa mga
hayop ang pagpinsala sa kanila?
9. Sa paanong paraan sila nakatutulong
sa mga tao?
10.Kung ikaw ang mga bata sa
kuwento,gagawin mo ba ang ginawa nila sa
mga hayop? Bakit?
Pangkatang Gawain
Pangkat 1:Gumawa ng slogan na nagpapakita ng
pangangalaga at Pagmamahal sa mga hayop.
Pangkat 2:Pumili ng talata na naibigan sa
pabula,isalaysay ito sa padula.
Pangkat 3:Isakilos ang gawain ng mga hayop sa
pabula.
Pangkat 4:Gumawa ng debate tungkol sa naging
ugali ng mga tao. Makatarungan ba ito o hindi?
EBALWASYON/PAGTATAYA :
1.Sino ang nagpatawag nga pagpupulong?
a. Nardong Kalabaw c. Kardong Kalabaw
b. Kardong Kabayo d. Nardong Kabayo
2. Bakit siya nagpatawag ng pagpupulong?
a. May pag-aaway-away ang mga hayop.
b. Mayroon silang suliraning dapat pag-uusapan .
c. May paligsahang kailangang paghandaan .
d. May nagyaring kakaiba sa lugar nila.
3. Ano ang hinihingi ni Kardo sa kanyang mga kaibigan?
a. tulong sa paglutas ng problema
b. tulong sa pag-organisa ng paligsahan
c. tulong sa mapagkasundo-sundo ang mga nag-aaway
d. tulong sa paghahanda sa kapistahan.
4. Anong hayop ang naninira sa mga pananim ng mga
magsasaka?
a. matsing b. kuwago c. dagad. ahas
5. Ano ang nangyari habang nagpupulong sina
Kardong Kalabaw at mga hayop?
a. Dumating ang amo ni Kardong Kalabaw.
b. Dumating ang mga batang naninirador ng
ibon.
c. Nang-away si Kardo sa mga hayop.
d. Nakatulog ang magkaibigan.
6. Aling hayop ang hindi kumakain ng daga?
a. kalabaw b. sawa c. lawin d. kuwago
7. Anong hayop ang hindi nabanggit sa pabula?
a. pagong b. matsing c. ahas d.
kalabaw
8. Anong aral ang nais maiparating ng pabula?
a. pagiging masipag c. pahalagahan ang mga
hayop
b. paggalang sa mga tao d. pakainin si Kardong kalabaw
9. Anong uri o genre ang iyong binasa?
a. gramatika b. panitikan c. balitaan d. pabula
10. Naiparating kaya ni Kardo sa mga tao ang hinaing ng
kanyang mga kaibigan?
a. oo b. hindi c. marahil d. lahat ng nabangit
Takdang-Aralin:
Humanap ng isang kuwentong
pabula at basahin ito sa klase.
Sagutin ang mga
tanong.

You might also like