You are on page 1of 14

Modified 

In‐School Off‐School Approach Modules (MISOSA) 
Distance Education for Elementary Schools 
F  SELF‐INSTRUCTIONAL MATERIALS 






N  MAIKLING 
O  BUOD 
 
4  Department of Education 
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 
2nd Floor Bonifacio Building 
DepEd Complex, Meralco Avenue 
Pasig City 
Revised 2010 
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), 
DepEd ‐ Division of Negros Occidental 
under the Strengthening the Implementation of Basic Education 
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). 

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the


Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”

This material was originally produced by the Bureau of Elementary


Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

  This edition has been revised with permission for online distribution 
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal 
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported 
by AusAID.  
MAIKLING BUOD

Sa pagtatapos ng araling ito inaasahang makasusulat ka na ng


maikling buod ng kuwentong nabasa.

Pagbalik-aralan Mo

Basahin mo ang kwento.

Ang Lagalag na mga Hudyo


(salin sa Filipino ni Jong del Fierro)

Walang sariling tirahan ang mga Hudyo. Sila ay pinapatay ng mga Kosak
sa kanilang teritoryo. Si Golda ay isa sa mga batang babaing Hudyo. Naglalaro
sila sa maputik na kalsada nang walang anu-ano, nakarinig sila ng sigaw. “Mga
bata, takbo! Magtago kayo! Dumarating ang mga Kosak.” Ang mga Kosak ay
mga koboy na Ruso. Walang Hudyo na nakaliligtas kapag inabutan ng mga
Kosak sa kalsada.

1
Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsipaghanap sila ng mapagtataguan. Ang
mga pintuan at bintana ng mga kabahayan ay nagsipagsara. May ilang batang
naiwan. Nagtakbuhan din sila. Isa ang nadapa, si Golda. Nasubsob ang mukha
niya sa putik.

Papalapit ang yabag ng mga kabayo. At nagtalsikan ang mga putik.


Tumigil ang ragasa ng mga kabayo sa tabi ng sinubsuban ni Golda. Napasigaw
siya ngunit wala na ring silbi. Nasa harap na niya ang mga Kosak.

Pinaglaruan ng mga Kosak si Golda. Pinalundagan siya ng mga kabayo.


Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Humaging sa kanyang ulo ang mga bakal
na sapatos ng mga kabayo. Nagdasal siya na sana ay di siya mapatay. Inikut-
ikotan siya ng mga Kosak. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumahimik na ang
paligid. Papalayo na ang mga Kosak.

Tumulo ang luha ni Golda. Noong mga panahong iyon ang mga Hudyo ay
walang sariling bansa. “Kailangang matigil na ang paglagalag ng mga Hudyo,”
ang hikbi niya. Nang lumaki si Golda, siya ang nakatulong upang maging
malayang bansa ang Israel, ang bansa ng mga Hudyo.

A. Lagyan mo ng bilang ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga


pangyayari ang kahon sa unahan ng mga pangungusap. Gawin sa
kuwadernong sagutan.

 Inabutan ng mga Kosak si Golda matapos madapa sa putik.

 Nang lumaki si Golda tumulong siya upang magkaroon ng sariling


bansa ang mga Hudyo.

 Naglalaro sa kalsada si Golda kasama ng mga bata nang matanaw


ng mga tao na dumarating ang mga Kosak.

 Nagtakbuhan ang mga tao at si Golda ay naiwan dahil nadapa sa


maputik na lansangan.

 Pumikit si Golda siya at nagdasal na lamang hanggang sa pag-alis


ng mga Kosak.

 Pinaglaruan ng mga Kosak ang batang si Golda.

2
B. Bumuo ng 5 sariling mga pangungusap tungkol sa mga pangyayari sa
kuwentong “Ang Lagalag na mga Hudyo”. Ayusin ang mga pangungusap
ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula sa
kuwento.

Isaayos at isulat sa kuwadernong sagutan ang mga pangungusap ayon sa


maaaring pagkakasunud-sunod ng pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5.

A. _____ Napakaraming bulaklak at halamang malalago.

_____ Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang nagbubuga


ng mga usok, unti-unting namayat ang mga halaman.

_____ Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry.

_____ Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang Henry.

_____ Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga halaman.

B. _____ Nagkaroon ng proyekto tungkol sa palinisan ng kalye.

_____ Dati-rati’y maruming-marumi ang aming barangay.

_____ Ang aming barangay ngayon ay isa sa pinakamalinis na


barangay sa aming bayan.

_____ Ang mga tao’y tamad at hindi nagtutulungan.

_____ Nang mahalal ang bagong Barangay Captain ay muling


sumigla ang mga tao.

Ref. Kayumanggi Pagbasa pp. 163-164

C. Ipakita sa guro ang ginagawang pagsasanay upang malaman ang


susunod mong aralin.

3
Pag-aralan Mo

Basahin ang talata.

MINDORO

Matatagpuan ang pulo ng Mindoro sa Timog Luzon. Ito ay hinati sa


dalawang lalawigan noong 1950. Sila’y ang Occidental Mindoro at ang Oriental
Mindoro. Ang mga likas na hangganang naghihiwalay sa dalawang lalawigan ay
ang Bundok Halcon at Bundok Baco.

Ang Occidental Mindoro ay nasa gawing kanluran na napaliligiran ng


Verde Island Passage sa hilaga, Mindoro Strait sa kanluran at timog, at Oriental
Mindoro sa silangan. Ito ay may kabuuang lawak na 5,880 kilometro kwadrado.

Mayaman sa mga di-pangkaraniwang hayop ang luntiang kagubatan ng


Mindoro. Sa katunayan, dito lamang matatagpuan ang tamaraw, mas maliit
kaysa kalabaw subalit mas malakas at maaaring makamatay. Ang iba pang likas
na yaman ay marmol, asin, buhangin at graba.

Bukod sa pagsasaka ay patuloy ring nililinang ng mga mamamayan sa


Occidental Mindoro ang mga mineral sa kagubatan tulad ng chromite.

A. Piliin sa kahon ang kasalungat na kahulugan ng salitang may salungguhit.


Isulat ito sa sagutang papel.

1. May hangganang naghihiwalay sa dalawang lalawigan.


2. Mayaman sa di-karaniwang hayop ang Mindoro.
3. Makapal na makapal ang mga kagubatan sa Mindoro.
4. Sagana sa likas na yaman ang lugar na iyon.

karaniwan ang dami kulang

madalang wala nagdurugtong

4
Ganito ba ang iyong sagot?

Kasalungat

1. naghihiwalay – nagdurugtong
2. mayaman – madalang
3. makapal na makapal – kulang
4. sagana – wala

B. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kwadernong sagutan.

1. Saan matatagpuan ang pulo ng Mindoro?


2. Anu-ano ang mga lalawigan nito?
3. Ano ang naghihiwalay sa mga lalawigan nito?
4. Gaano kalawak ang Mindoro?
5. Anu-ano ang mga kayamanang matatagpuan sa lalawigan ng
Mindoro?

C. Piliin ang tinatalakay sa sumusunod na talata. Isulat sa kwadernong


sagutan ang napili mong sagot.

1. Unang talata

a. Tungkol sa kinaroroonan ng Mindoro


b. Tungkol sa kinaroroonan ng 2 lalawigan nito
c. Tungkol sa kayamanan nito

2. Pangalawang talata

a. Tungkol sa kayamanan ng Mindoro


b. Tungkol sa kinaroroonan ng 2 lalawigan nito
c. Tungkol sa kinaroroonan ng Mindoro

3. Pangatlong talata

a. Tungkol sa kinaroroonan ng 2 lalawigan ng Mindoro


b. Tungkol sa kinaroroonan ng Mindoro
c. Tungkol sa kayamanan ng Mindoro

5
D. Punan ng mga patlang upang mabuo ang talata.

Ang pulo ng Mindoro ay matatagpuan sa _______ Luzon. Hinati sa

dalawang lalawigan, ang ________ at ________. Ang mga likas na

hangganang naghihiwalay sa dalawang lalawigan ay ang ________ at

_________.

Ang Occidental Mindoro ay nasa gawing _________ na napapaligiran

ng _________ sa hilaga, Mindoro Strait sa _________at __________, at

Oriental Mindoro sa __________.

Mayaman sa mga di-pangkaraniwang _________ ang luntiang

kagubatan. Dito lamang matatagpuan ang __________. Ang iba pang

likas na yaman nito ay marmol, __________, buhangin, at ___________.

E. Bumuo ng 1-5 pangungusap tungkol sa talatang binasa

Isaisip Mo

Maaari mong maibigay ang buod ng talata o kuwento sa pamamagitan ng


pagbibigay ng magkakaugnay na pangyayaring binanggit sa talata o
kuwento.

6
Pagsanayan Mo

A. Basahin ang talambuhay ni Diosdado P. Macapagal. Bumuo


ng buod sa tulong nitong story frame. Isulat sa kuwadernong
sagutan.

Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan

Narinig na ba ninyo ang pangalan ko? Marahil nais ninyong malaman ang
aking makulay na talambuhay. Maging inspirasyon sana sa mga kabataan ang
aking karanasan.

Diosdado Pangan Macapagal ang tunay kong pangalan. Isinilang ako


noong ika-28 ng Setyembre 1910 sa nayon ng San Nicolas, Lubao, Pampanga.
Galing ako sa maralitang angkan. Sina Urbano Macapagal at Romana Pangan
ang aking mga magulang. Ang aking ama ay isang manunulat ng mga dulang
pantanghalan sa wikang Kapampangan na walang palagiang kita. Ang aking ina
ay galing din sa mahirap na pamilya. Hindi siya marunong bumasa’t sumulat.
Kumikita siya paminsan-minsan sa paglalabada.

7
Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North Diversion Road at South
Expressway, pabahay para sa mga sundalo at kawani ng pamahalaan at ang
pagtatatag ng Philippine Veterans Bank.

Noong Disyembre 30, 1961 ay nanumpa ako bilang ikalimang Pangulo ng


Ikatlong Republika. Itinaguyod ko ang Repormang Pansakahan para sa mga
magsasaka.

Sumulat din ako ng mga aklat. Ilan sa mga ito ang: Democracy in the
Philippines noong 1976; Memoirs of a President. A New Constitution for the
Philippines at Land Reform in the Philippines.

Sa aking ginawang mga batas at proyekto, binigyang pansin ko ang


kapakanan ng karaniwang tao, kaya’t binansagan akong “Kampeon ng Masa.”
Nahirang din akong isa sa “Sampung Natatanging Mambabatas” mula 1949-
1957. Tinagurian akong “The Best Lawmaker” mula 1954-1957.

Napatunayan ko sa aking buhay, na hindi hadlang ang kahirapan sa


pagkakamit ng tagumpay. Kailangan natin ang maalab na hangaring umunlad.
Ang naranasan kong pagsala sa pagkain, pangingisda sa gabi at araw na walang
pasok at iba pang kahirapan ang nagtulak sa akin upang marating ang
tagumpay. Hindi ko akalain na ang isang mahirap na batang tulad ko ay maging
Pangulo ng Bansang Pilipinas.

Sanggunian:

Lazaro, Isagani L. Mga Dakilang Lider na Pilipino. Binagong Edisyon Metro


Manila, National Book Store, Inc. 1994, pp. 78-93

8
Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan

1. Ang talambuhay ay kay___________________________________


_____________________________. Siya ay ipinanganak
________________________________________________________.
Ang kanyang mga magulang _________________________________.
Galing siya _______________________________________________
________________________________________________________.

2. Nanumpa siya bilang pangulo _____________________________


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________.

3. Sa kanyang pagiging mambabatas nahirang siyang ____________


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________.

4. Tinawag siya ng karaniwang tao na “_________________________


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_____________________. Tunay nga siyang dakilang
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________.

B. Ibigay ang buod ng kuwento sa dugtungang paraan.

1. Ang kapanganakan at mga magulang ni Macapagal.


2. Ang panunumpa niya bilang pangulo.
3. Ang mga ginawa niya.
4. Ang bansag at tawag sa kanya ng mamamayan.

9
Subukin Mo

A. Basahin “Ang Bata at ang Leon”. Buuin ang kasunod na mga


pangungusap upang mabuo ang buod ng kuwento. Isulat sa
kuwadernong sagutan.

Ang Bata at ang Leon

Saklolo, saklolo! Kawawa naman Tulungan mo


Maawa kayo sa ang leon akong makalabas
akin ditto.

Para mo nang awa, Ngayon humanda ka! Hindi naman yata


tulungan mo naman akong Ikaw ang una kong tama ang gagawin
makaalis ditto. Tatlong kakainin. mo.
araw na akong di kumakain
Kawawa ka naman
sige tatanggalin ko
ang kadena ng
kulungan mo

10
Bakit hindi natin
Batang Paslit, tanungin ang Ano ang nais ni Leon, Padre, si Leon po ay
anong alam mo sa paparating na pari ngayon? nasa kulungang iyon
tama at mali? kung tama o mali ang at sa awa ko’y
gagawin mo? tinulungan kong
makalabas

Teka nga. Sa laki Kung maipapakita mo O sige, padre tingnan


mong iyan paano ka sa akin na galling ka mong maigi kung
Gutom na gutom na riyan, maaari mong paano ako kakasya sa
nakapasok sa
ko, kakainin ko siya. kainin ang bata loob ng kulungan.
kulungan

Oo at hindi ka na Kung natuto kang


maaari pang Maraming salamat tumanaw ng utang
makalabas. po, Padre. na loob, kasama
Nakita mo na Nailigtas po ninyo dito sa labas
Padre, nasa loob na ako.
ako ng kulungan. Padre maawa kayo
sa akin palabasin
ninyo ako ditto.

11
Isang araw may isang ___(1)__ na nagnanais ___(2)___ sa kanyang
kulungan. ___(3)___ ang leon sa bata. At ___(4)___ naman siya nitong
___(5)___. Laking gulat ng bata dahil ___(6)___.

Dumating ang pari, tinanong ng bata kung ___(7)__. Nagalit ang leon
at siya ay muling ___(8)___. Isinara ng pari ang kulungan. Ang leon ay
di natutong ___(9)___ at siya ay hindi na ___(10)__.

B. Tapusin ang talata upang makagawa ng buod ng kuwento.


Sipiin ang pangungusap sa kuwadernong sagutan.

Isang leon ang nagnanais na makaalis sa kanyang kulungan. Nakita siya


ng bata _______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________.

C. Isulat sa apat o limang pangungusap ang buod ng kuwento.

D. Ipakita sa guro ang ginawang pagsasanay upang malaman


ang susunod mong aralin.

Ang ibang kuwento at mga pagsasanay ay kinuha sa aklat


Filipino 4.

12

You might also like