You are on page 1of 8

COLEGIO DE STA MONICA OF POLANGUI

Polangui, Albay
School Year: 2020-2021
FILIPINO 4

MAIKLING BUOD

Basahin mo ang kwento.


Ang Lagalag na mga Hudyo
(salin sa Filipino ni Jong del Fierro)

Walang sariling tirahan ang mga Hudyo. Sila ay pinapatay ng mga Kosak
sa kanilang teritoryo. Si Golda ay isa sa mga batang babaing Hudyo. Naglalaro
sila sa maputik na kalsada nang walang anu-ano, nakarinig sila ng sigaw. “Mga
bata, takbo! Magtago kayo! Dumarating ang mga Kosak.” Ang mga Kosak ay
mga koboy na Ruso. Walang Hudyo na nakaliligtas kapag inabutan ng mga
Kosak sa kalsada.
Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsipaghanap sila ng mapagtataguan. Ang
mga pintuan at bintana ng mga kabahayan ay nagsipagsara. May ilang batang
naiwan. Nagtakbuhan din sila. Isa ang nadapa, si Golda. Nasubsob ang mukha
niya sa putik.

Papalapit ang yabag ng mga kabayo. At nagtalsikan ang mga putik.


Tumigil ang ragasa ng mga kabayo sa tabi ng sinubsuban ni Golda. Napasigaw
siya ngunit wala na ring silbi. Nasa harap na niya ang mga Kosak.

Pinaglaruan ng mga Kosak si Golda. Pinalundagan siya ng mga kabayo.


Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Humaging sa kanyang ulo ang mga bakal
na sapatos ng mga kabayo. Nagdasal siya na sana ay di siya mapatay. Inikutikotan
siya ng mga Kosak. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumahimik na ang
paligid. Papalayo na ang mga Kosak.

Tumulo ang luha ni Golda. Noong mga panahong iyon ang mga Hudyo ay
walang sariling bansa. “Kailangang matigil na ang paglagalag ng mga Hudyo,”
ang hikbi niya. Nang lumaki si Golda, siya ang nakatulong upang maging
malayang bansa ang Israel, ang bansa ng mga Hudyo.

A. Lagyan mo ng bilang ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga


pangyayari ang kahon sa unahan ng mga pangungusap. Gawin sa
kuwadernong sagutan.

 Inabutan ng mga Kosak si Golda matapos madapa sa putik.

 Nang lumaki si Golda tumulong siya upang magkaroon ng sariling bansa ang mga
Hudyo.

 Naglalaro sa kalsada si Golda kasama ng mga bata nang matanaw


ng mga tao na dumarating ang mga Kosak.

 Nagtakbuhan ang mga tao at si Golda ay naiwan dahil nadapa sa maputik na


lansangan.

 Pumikit si Golda siya at nagdasal na lamang hanggang sa pag-alis ng mga Kosak


 Pinaglaruan ng mga Kosak ang batang si Golda.

Isaayos at isulat sa kuwadernong sagutan ang mga pangungusap ayon sa


maaaring pagkakasunud-sunod ng pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5.

B. Ipakita sa guro ang ginagawang pagsasanay upang malaman ang susunod


mong aralin.

Basahin ang talata.

MINDORO

Matatagpuan ang pulo ng Mindoro sa Timog Luzon. Ito ay hinati sa


dalawang lalawigan noong 1950. Sila’y ang Occidental Mindoro at ang Oriental
Mindoro. Ang mga likas na hangganang naghihiwalay sa dalawang lalawigan ay
ang Bundok Halcon at Bundok Baco.

Ang Occidental Mindoro ay nasa gawing kanluran na napaliligiran ng


Verde Island Passage sa hilaga, Mindoro Strait sa kanluran at timog, at Oriental
Mindoro sa silangan. Ito ay may kabuuang lawak na 5,880 kilometro kwadrado.
Mayaman sa mga di-pangkaraniwang hayop ang luntiang kagubatan ng
Mindoro. Sa katunayan, dito lamang matatagpuan ang tamaraw, mas maliit
kaysa kalabaw subalit mas malakas at maaaring makamatay. Ang iba pang likas
na yaman ay marmol, asin, buhangin at graba.

Bukod sa pagsasaka ay patuloy ring nililinang ng mga mamamayan sa


Occidental Mindoro ang mga mineral sa kagubatan tulad ng chromite.

A. Piliin sa kahon ang kasalungat na kahulugan ng salitang may salungguhit.


Isulat ito sa sagutang papel.

1. May hangganang naghihiwalay sa dalawang lalawigan


2. Mayaman sa di-karaniwang hayop ang Mindoro.
3. Makapal na makapal ang mga kagubatan sa Mindoro.
4. Sagana sa likas na yaman ang lugar na iyon.

B. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kwadernong sagutan.

1. Saan matatagpuan ang pulo ng Mindoro?


2. Anu-ano ang mga lalawigan nito?
3. Ano ang naghihiwalay sa mga lalawigan nito?
4. Gaano kalawak ang Mindoro?
5. Anu-ano ang mga kayamanang matatagpuan sa lalawigan ng
Mindoro?

C. Punan ng mga patlang upang mabuo ang talata.


Ang pulo ng Mindoro ay matatagpuan sa _______ Luzon. Hinati sa
dalawang lalawigan, ang ________ at ________. Ang mga likas na
hangganang naghihiwalay sa dalawang lalawigan ay ang ________ at
_________.
Ang Occidental Mindoro ay nasa gawing _________ na napapaligiran
ng _________ sa hilaga, Mindoro Strait sa _________at __________, at
Oriental Mindoro sa __________.
Mayaman sa mga di-pangkaraniwang _________ ang luntiang
kagubatan. Dito lamang matatagpuan ang __________. Ang iba pang
likas na yaman nito ay marmol, __________, buhangin, at ___________.

A. Basahin ang talambuhay ni Diosdado P. Macapagal. Bumuo ng buod sa tulong

nitong story frame. Isulat sa kuwadernon sagutan.

Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan

Narinig na ba ninyo ang pangalan ko? Marahil nais ninyong malaman ang
aking makulay na talambuhay. Maging inspirasyon sana sa mga kabataan ang aking
karanasan.
Galing ako sa maralitang angkan. Sina Urbano Macapagal at Romana Pangan
ang aking mga magulang. Ang aking ama ay isang manunulat ng mga dulang
pantanghalan sa wikang Kapampangan na walang palagiang kita. Ang aking ina
ay galing din sa mahirap na pamilya. Hindi siya marunong bumasa’t sumulat.
Kumikita siya paminsan-minsan sa paglalabada.

Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North Diversion Road at South


Expressway, pabahay para sa mga sundalo at kawani ng pamahalaan at ang
pagtatatag ng Philippine Veterans Bank.

Noong Disyembre 30, 1961 ay nanumpa ako bilang ikalimang Pangulo ng


Ikatlong Republika. Itinaguyod ko ang Repormang Pansakahan para sa mga
magsasaka.

Sumulat din ako ng mga aklat. Ilan sa mga ito ang: Democracy in the
Philippines noong 1976; Memoirs of a President. A New Constitution for the
Philippines at Land Reform in the Philippines.

Sa aking ginawang mga batas at proyekto, binigyang pansin ko ang


kapakanan ng karaniwang tao, kaya’t binansagan akong “Kampeon ng Masa.”
Nahirang din akong isa sa “Sampung Natatanging Mambabatas” mula 1949-
1957. Tinagurian akong “The Best Lawmaker” mula 1954-1957.

Napatunayan ko sa aking buhay, na hindi hadlang ang kahirapan sa


pagkakamit ng tagumpay. Kailangan natin ang maalab na hangaring umunlad.
Ang naranasan kong pagsala sa pagkain, pangingisda sa gabi at araw na walang
pasok at iba pang kahirapan ang nagtulak sa akin upang marating ang
tagumpay. Hindi ko akalain na ang isang mahirap na batang tulad ko ay maging
Pangulo ng Bansang Pilipinas.

Sanggunian:
Lazaro, Isagani L. Mga Dakilang Lider na Pilipino. Binagong Edisyon Metro
Manila, National Book Store, Inc. 1994, pp. 78-93

You might also like