You are on page 1of 13

Doc. No.

: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE


Page: 1 of 1

College/Department:__ COLLEGE OF EDUCATION___________________________________


Course Code/Course Name: _LIT 202B PANITIKAN NG REHIYON________________________
Semester of Academic Year: __ SECOND SEMESTER AY 2020-2021_____________________

Topic

ANG PANITIKAN NG REHIYON I

Introduction

Ang Rehiyong Ilocos sa Pilipina s, tinatawag ding Rehiyon I, ito ay matatagpuan sa hilagang kanlurang
bahagi ng Luzon. Ang Rehiyong Administratibo ng Cordillera at Lambak ng Cagayan ang hangganan
nito sa silangan, Gitnang Luzon sa timog, at Dagat Timog Tsina sa kanluran.

Rationale

Ito ay inihanda para mapag-aralan mo ang mga kilalang manunulat at iba’t ibang panitikan
sa Rehiyon I. Taglay nito ang ilang aralin, pagsasanay at pagsubok na sumasaklaw sa mga
masasalamin sa kanilang panitikan na katangian, kaugalian, kalinangan at iba pang pagkakakilanlan
ng mga naninirahan dito. Inayos ang mga Gawain upang mabigyan ka ng sapat na kahandaan
nang maunawaan mo ang nilalaman ng mga akda sa rehiyon I.

Intended Learning Outcomes

A. Natutukoy ang mga probinsya at bayang nakapaloob sa Rehiyon I


B. Nakikilala ang mga manunulat buhat sa ehiyon I
C. Nasusuri ang ilang sa panitikang nasulat sa Rehiyon I batay sa katangian, kaugalian, kalinangan at
iba pang pagkakakilanlan ng mga naninirahan dito
D. Napapahalagahan ang pagiging masunurin, paggalang at pagmamahal sa panitikang
Filipino

Activity

Panuto: Tukuyin ang lugar na matatagpuan sa Rehiyon I. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

1. Ito ang capital city ng Ilocos Norte, binansagang “Ilocano the place of light or clarity”.
2. Kilala ito sa matatanda o lumang mga bahay at gusali.
3. Ito ay isang bayan sa tabi ng dalampasigan sa hilagang dulo ng Luzon na kilala bilang
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

4. Sa lungsod na ito matatagpuan ang sikat na Sand Dunes.


5. Ito ang kabisera ng San Fernando.

Cordillera Pagudpud Vigan La Union Laoag Currimao

Discussion

Tagahubog ng panitikan

1. Kultura, Kaugalian at Tradisyon. Ito ang mga masasalamin sa mga akdang pampanitikan.
2. Hanapbuhay o Gawain/ Propesyon. Ang mga salitang ipinapahayag ng manunulat ay may kinala-
man sa hanapbuhay o propesyon.
3. Lipunan at Pulitika. Ito ay nakakaapekto sa buhay ng mga mamamayan.
4. Edukasyon at Pananampalataya. Ang mga laman ng nasusulat ay naayon sa edukasyon at pananam-
palataya ng tao.
5. Lugar na tinitirahan. Ito ay may malaking epekto sa isipan at damdamin ng isang tao.

Mga Lalawigang Bumubuo sa Rehiyon I


Lalawigan Kabisera
1. Ilocos Norte Lungsod ng Laoag
2. Ilocos Sur Lungsod ng Vigan
3. La Union Lungsod ng San Fernando
4. Pangasinan Lungsod ng Lingayen
Ilocos Norte

Ang Ilocos Norte ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng ILocos sa Luzon.
Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Laoag at nakaharap ang lalawigan ng Ilocos Norte sa dagat
Luzon sa kanluran at sa kipot ng Luzon sa hilaga. Matatagpuan ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng
pulo ng Luzon at ang hangganan nito sa silangan ay ang mga lalawigan ng Cagayan at Apayoa, at sa
timog ay ang mga lalawigan ng Abra at Ilocos Sur.
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

Mga lugar:

Cagayan

Apayao

Abra

Laoag – ang capital city ng Ilocos Norte, binansagang (Ilocano the place of light or clarity)

Bagaman karamihian ng mga mamamayan ng Pilipinas ay tagasunod ng Romano Katoliko, ang


karamihan sa lalawigan ay naniniwala sa Simbahang Aglipay, na itinatag ng taal ng Batac na si
Gregorio Aglipay. Ang Ilocos Norte ay my kabuohang land area na 3,400 sq.km at ito ay may 22 na
mga lugsod at 477 na baranggay.  Lugar na pinanganak si Former Philippines President Ferdinan
Marcos.

Ang Kailukanuhan ay binubuo ng higit kumulang na 21,945.49 na mga lupain. Napapaligiran


ang mga lupain ng mga matatarik na bangin at ang pinakamahalagang baybaying dagat. Lagusan
ng rehiyon ng dalawampu’t siyam na ilog na dumadaloy hanggang dagat Tsina. Daanan ng mga
bagyo, tulad ng Batanes.

Makikita ang kasipagan ng mga tao rito sa kanilang pagpasok sa iba’t ibang local na
industriya katulad ng paghahabi, paggawa ng mga asin, bagoong at basi. Dahil ito sa kasalatan ng
patag na lupain, ang mga tao sa rehiyong ito ay nagtatanim ng palay, tabako, bulak at mga gulay
sa mga mabubuhanging bahagi ng lupa. Naging bukas din ang kanilang pag-unawa sa
kahalagahan ng edukasyon.

Ang Rehiyon 1 ay binubuo ng mga lalawigang La Union, Pangasinan, Ilocos Norte at Ilocos
Sur. Pinaniwalaang ang mga sumusunod na kadahilanan ang pinagkunan ng mga Ilokano ng
salitang Ilokos:

1. Ang bayan ng mga taong ito sa Hilaga ay matatagpuan sa maliit na baybayin na tinatawag
na “look”. Ang unlaping “I” ay nangangahulugang “mula sa” o “ilog”.
2. May nagsasabing ito’y nagmula sa “loko” na ang ibig sabihin ay “bayan sa kapatagan” at
dinagdagan lamang ng “I”.
3. Maaari rin umanong nagmula sa salitang tagalog na “ilog” at dahil sa nahihirapan ang
mga Kastilang bigkasin ang “g” ang ilog ay naging “iloc”. (Laconsay, 1984;4)
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

Ilokano ang tawag sa lipi ng mga taong naninirahan sa mga unang lugar na nabanggit.

Ang wika ng mga Ilokano ay tinaguriang SAMTOY, na nagmula sa mga salitang “saomi datoy”
na nangunguhulugang “wika naming ito”. Isang wikang sinasalita ng may higit-kumulang na
sampung milyong tao. At walang pagdududa na ang lenggwaheng ito ay “Austronesian”.
Bagaman may kaunting punto sa pagsasalita, hindi ito katulad ng mga Ibanag at Gaddang.

Bunga ng kasalatan sa kasaganaan ng kanilang lupain, napilitan ang mga Ilokano na lumipat sa
ibang lugar upang humanap ng masaganang lupa. At dahil dito, lumaganap ang
ILOKONISASYON. Malaki ang paniniwala ng mga Ilokano na ito’y magiging wika ng bansa.

“Kurditan”, tawag sa kanilang panitikan, na nagmula sa salitang “kurdit” na ang ibigsabihin ay


“sumulat”. Hindi maitatwa na ang Kurditan ay pumapangalawa sa lawak at husay sa Panitikang
Tagalog.

Hindi naitala ang mga unang anyo ng Kurditan. Lumaganap ang mga kauna-unahang
Kurditan sa mga salindila bago p dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Sumibol ang mga talang
Panitikang Ilokano nang matapos ang pananakop ng mga Kastila. Kapansinpansin ng tatak
Kristyanismo ang bawat kada sa panahong ito. Ito’y bunga ng maigting na pagnanais ng mga
manunulat na iligaw ang mga dalubhasa sa pagtukoy kung alin sa mga akdang ito ang naisulat
bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila at alin ang naisulat sa panahon ng
Kristiyanismo.

Ang Doctrina Christiana ni Cardinal Bellarmine na isinalin ni P. Francisco Lopez ang kauna-
unahang aklat na Iloko na nalimbag noong 1621. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga unang
taulang Iloko at mga bahagi ng nasulat nang mga katutubong script ng mga Ilokano. Naging
katuwang ni Lopez sa pagsasalin si Pedro Bukaneng ang Ama ng Kurditan, at kilala rin sa mga
taguring “Ilokano Milton”. Dahil sa kabila ng kanyang kapansanan sa paningin ay nakapagsulat
pa rin siya ng mga mahuhusay at di matatawarang mga obra maestra. Tinatawag din siya
“Ilokano Socrates” dahil sa kanyang pagiging pilosopo at pagbibigay ng aral sa mga lansangan.

Uri ng Panitikang Iloko

Ang Panitikang Iloko ayon sa matiyagang pagsasaliksik ay panulat ni Leopoldo Y. Yabes na inuri
sa mga sumusunod:
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

a) mga simu-simula

b) mga akdang ukol sa pananampalataya at kagandahang-asal

c) mga akdang ukol sa wikang Iloko

d) panulaang Iloko

e) maikling kwento at nobela at

f) mga dula.

I.Mga Simu-simula. Ang yaman sa istruktura ng mga nasulat na mga akdang Iloko ang naglagay
sa kanila sa ikalawang antas ng pinakamayamang mga nasulat na akda. Hindi paman nasusulat
ang mga akdang Iloko lumaganap na sa Kailokanuhan ang mga kantahing bayan, kuwentong
bayan at karunungang bayan.

A.Mga Kantahing Bayan

Ang mga kantahing bayan ng mga Ilokano ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Pinagbiag- awiting nagpapahayag ng mga kuwento ng bayani. Katutubong awitin ng mga


Ilokano ay nahahati sa dalawang uri: awiting nagpapahayag ng kaisipan at saloobin, at
ang awiting nagpapahayag ng kuwento.
2. Dallot- awitin sa mga kasalan, binyagan, at iba pang pagtitipon, habang sinasaliwan ng
sayaw at pagbibigay payo sa bagong kasal. Pinapalagay din itong isang uri ng pagtatalo
ng mga babae at lalaki sa saliw ng TULALI, isang plawtang Iloko na may 6 na butas.
3. Badeng- isang awit ng pag-ibig na kadalasang ginagamit ng mga kalalakihan sa
paghaharana.
4. Dung-aw – isang panaghoy sa namatay kasabay ang pagsasalaysay ng buhay nito mula sa
pagkasilang hanggang sa kamatayan.
5. Dasal na patungkol sa mangmangkik- ang mga mangmangkik ay mga espiritu ng
kagubatan na dinadasalan upang hindi sila magagalit.
6. Arinkenken- paligsahan ng mga lalaki’t babae sa kasalan, ang tema nito ay tungkol sa
karapatan at responsibilidad na haharapin ng bagong mag-asawa.

Ang ibang awiting Iloko ay nagpapakita ng kanilang mga pang-araw-araw na Gawain


tulad ng awit sa pagtatanim, awit sa paggapas, awit sa pangingisda, awit bago tumungo sa
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

digmaan at iba pa.

Dallot

Halimbawa:

Da Mangngalap Ken Agsansana

Ipagsanaankami Taktakiagmi a napigsa,


Asin ti pagbiaganmi Kettang ken bannogmi dikam aginana
Awan ti dukdukonmi Aglalo no adda ni Manong ditoy denna.
Naragsak ti biagmi, Lalaki:
Nupay aduda’t manglalais mangbabain Adingko, aganuska
Ta napanglawkam la nga agas-asin. Bagim ti agsansana
Babai: Babai:

Ang mga Mangingisda at Mag-aasin

(Da Mangngalap Ken Agsansana)

Salin ni Deogracia del Castillo-Santos


Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

Ipagpaumanhin kami

Asin an gaming ikinabubuhay

Wala na kaming ibang kabuhayan

Gayunpama’y masaya aming buhay

Kahit na nilalait at nililibak

Pagkat mga abang mag-aaasin lamang

Babae:

Doon sa tabing dagat

Kailangan naming mauna

Na may kasamang mga kantahan pa

Kaya naman mga baywang lumalakas

Anumangpagod di alintana

Lalu pa’t nasa tabi ko si kuya

Lalaki:

Kapatid ko,magtiis pa

Ang pag-aasin, asikasuhin mo

Babae:

Oo, kuya magmadali ka

Manguha na ng isda at pugita

Di ba’t talagang makaiinggit buhay nila

Mangingisda at mag-aasin

Kapwa itinadhana.
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

Ang tulang ito ay isang halimbawa ng “dallot”. Tumutukoy s buhay ng mangingisda at


gumagawa ng asin. Pag-ibi ang karaniwang tema ng ganitong tula.

Badeng

Halimbawa

Manang Biday

Mang biday,ilukat mo man

Ta bentana ikalumbabam

Ta kitaem toy kinayawan

Ay matayakon no dinak kaasian

Assinno kag aglabaslabas

Ditoy hardinko pagay-ayamak

Sabong ti Lirio, di pay nagukrad

Denggem adding ta bilinenka

Ta inkanto diay sadi daya, agalakanto’t bunga’t manga

Ken Lansones pay, adu nga kita

No nababa dimo gaw-aten, no nangato dika sukdalen

No nagregreg dika piduten, ngem labaslabasamto metlaeng

Daytoy paniok no magreregkoti makapindot ikutannanto

Ta nagmarka iti naganko, nabordaan pay ti sinampuso

Alaem dayta kutsilyo, ta abriem toy barukongko

Tapno maipapasmo ti guram,kaniak ken ti sentimiento.


Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

Manang Biday

Salin ni Deogracia del Castillo-Santos

Manang Biday,Buksan mo naman

Ang iyong bintanang dinudungaw

At tunghayan yaring umiibig

Ako’y mamatay pag di kinaawaan

Sino kang padaan-daan

Dito sa harding aking pinaglalaruan

Alam mo naman na ako’y dalaga

At ang bulaklak ng liryo ay di pa mamumukadkad

Pakinggan mo adding ika’y aking bibilinan

Ika’y pumunta sa silangan at magtinda ng manga

Pati lansones upang dumami ang kita

Pag mababa iyong abutin, pagmataas iyong sungkitin

Kung nalaglag iyong pulutin

Pagkat iyong dinadaan-daanan lang naman

Itong aking panyo pag nalaglag ko, makapulot nawa’y isauli mo

Pagkat may burda ng pangalan ko at may kasama pang puso ito

Kunin mo ang kutsilyo at buksan yaring dibdb

Upang maibuhos ang galit mo pati iyong sintemyento

Ang Manang Biday ay isang halimbawa ng sinaunang Badeng. Tungkol ito sa pag-ibig na
idinudulog ng isang binate sa dalagang sinisinta.
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

Badeng

Halimbawa: Palimunawen (https://www.tagaloglang.com/pamulinawen-ilocano-song/)

Ito’y isang halimbawa ng Badeng na nagpapakita ng pagsusumamo ng isang binate na matugunan


ang kanyang pag-ibig.

Dung-aw

Halimbawa: As-Asug Daguiti Kararua

Ito ay isang halimbawa ng Dung-Aw. Ang mga Ilukano ay may kakaibang tradisyon kung sila ay
namamatayan. Naniniwala sila ang isang pag-awit o patula ay maghahatid sa kaluluwa ng
kanilang mahal sa buhay sa langit.

Hele

Halimbawa: Duayya (Hele)

Ang mga Ilukano, katulad ng mga Tagalog ay mahilig din sa pag-awit, masasalamin ito sa mga
awiting may kaugnay sa pang-araw-araw na Gawain tulad ng pagpapatulog ng bata.

B.Kwentong Bayan

Ang unang kwentong bayan ng mga Ilokano ay may kababawan. Ang mga tauhang ginamit sa
bawat kuwento ay halos hindi kapani-paniwala. Halimbawa nito ang “Alamat kung Bakit
Umaakyat sa Damo ang mga Suso?”

Exercises

A. Suriin ang awiting bayan na Pamulinawen at Manang Biday batay sa katangian,


kaugalian, kalinangan, lipunan, pulitika, edukasyon, lugar na tinitirhan at iba pang
pagkakakilanlan ng mga Ilokano
B. Bumuo ng “Repleksyon” tungkol sa kabuuan ng aralin.
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

Pamantayan:

Presentasyon………………………………………….30 puntos

Nilalaman………………………………………...…...40 puntos

Kaliwanagan……………………………………….….30 puntos

KABUUAN…………….……100 puntos

Assessment

1. Panuto: Suriin ang sumusunod na akda. Tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga Ilocano
na masasalamin dito batay sa katangian, kaugalian, kalinangan, lipunan, pulitika,
edukasyon at lugar na tinitirhan.

BAKIT UMAAKYAT SA HALAMAN ANG SUSO


Di-umano, noong bata pa ang daigdig, ang mga hayop ay sama-samang naninirahan sa
isang bayan-bayanan. Sa isang munting bahay ay nagkasundong magsama ang
magkakaibigang dalag, tutubi, putakti, at suso.

Napagkaisahan ng apat na hatiin ang mga gawaing-bahay nang ayon sa kani-kanilang


lakas at kakayahan. Si Dalag, na siyang pinakamaliit at pinakamalakas sa kanila, ang
ginawang pinakapuno ng sambayanan. Bilang puno’y tungkulin niyang humanap ng kanilang
pagkain.

Si Tutubi ang nahirang na maging sugo sapagkat siya ang pinakamatulin sa kanilang lahat.

Dahil naman sa kanyang kamandag na kagat, si Putakti ang napiling maging tanod. Bukod sa
pagiging bantay, siya rin ang magkukumpuni ng anumang sira ng pira-pirasong lupa at iba
pang sangkap sa bahay. Si Suso ang naatasang maging tagapagluto dala ng kabagalan.

Isang araw ay maagang humanap si Dalag ng kanilang maiuulam. Sa paglangoy niya nang
paroo’t parito sa pagitan ng mga halamang-tubig ay nakatanaw siya ng isang bagay na
gumagalaw sa ibabaw ng tubig. Lumapit siya at nakitang isang matabang palaka ang
kumakawag. “Aba, kapalaran ko na iot!” ang naibulong ng Dalag. “Makapag-uulam kami ng
masarap.!” At pagkasabi nito’y buong bilis na sinagpang ang palaka. Mariin at mahigpit ang
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

ginawa niyang kagat upang hindi makawala ang huli. At siya’y lumangoy na pauwi.

Subalit, laking kasawian. Isa palang munting kawit na may sima ang nakakabit sa palaka.
Anumang palag ang kanyang gawin ay hindi siya makahulagpos sa tagang tumimo sa
kanyang ngalangala. Di nagtagal ay may dumating na isang mangingisda. Dinakma siya at
isinilid sa buslo. At pagdating sa kanyang kubo’y iniluto ng mangingisda si Dalag.

Mangyari pa, nainip sa paghihintay ang mga kasambahay ni Dalag. Sa pag-aakalang naligaw
lamang, inatasan ng magkakasama si Tutubi upang siya’y hanapin.

Bago lumakad ay mahabang oras munang inayos ni Tutubi ang kanyang kurbata. Lipad
dito, lipad doon ang kanyang ginawa. Sa paghahanap niya’y nakita si Bolasi, isang isdang
labas-masok ang bural na labi. Nagalit si Tutubi. Akala niya’y pinagtatawanan ni Bolasi ang
kanyang kurbata. Inisip niyang baka maluwag ang pagkakatali ng kurbata kaya hinigpitan ito.
Gayunman’y patuloy pa rin ang pagtawa ni Bolasi tuwi silang magkakaharap. Sa gayo’y
patuloy rin ang paghigpit ni Tutubi sa kanyang kurbata. Sa kahihigpit niya’y naputol ang
kanyang leeg.

Dalawang araw na ang nakararaan ay wala pa rin si Dalag at si Tutubi. Gutom na gutom na si
Putakti at si Suso. Si Putakti ang higit na nakakaawa sapagkat hindi maaaring kumain ng
putik na tulad ni Suso. Nang sukdulan na ang kanyang kagutuman ay lumipad si Putakti
upang hanapin si Dalag at si Tutubi. Naging maliit na maliit na ang kanyang baywang dahil sa
patuloy niyang paghihigpit ng sinturon. Habang lumilipad ay pahapdi ng pahapdi ang kalam
ng kanyang sikmura. Dahil sa paghihigpit niya ng sinturon, siya ay namatay.

Napag-isa si Suso. Tinangka niyang hanapin ang mga kasama. Habang daa’y lumuluha siya.
Sa paghahanap niya’y putik lamang ang kanyang kinakain. Tuwing makakikita siya ng puno
ng damo o kaya’y tangkay ng anumang halamang-tubig ay pagapang niyang aakyatin. At
siya’y tatanaw sa buogn paligid. Buo ang kanyang pag-asang makikita ang sinuman sa mga
kaibigang nawawala.

Hanggang sa ngayon, ang mga Suso’y patuloy na naghahanap na lumuluha. Ang malagkit
at malapot nilang luha’y nakaguhit sa kanilang dinaraanan. At tuwi namang makatatagpo ng
puno ang damo o halamang nakaungos sa ibabaw ng tubig ay inaakyat ito. At mula rito’y
tatanaw sa lahat ng dako sa pagbabasakaling masumpungan an pinaghahanap ng mga
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

kasambahay.

Prepared by: Noted by:

_IMELDA L. AMAZONA, MEM-MAEd___ __RENALYN B. ALMARIO, PhD_________

Instructor Assistant Dean, College of Education

You might also like