You are on page 1of 1

Pahambing na Pag-aaral ng Morpolohiya sa Wikang Sebwano at Wikang Filipino

Richel Leola Sumagang


Bukidnon State University

Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mailarawan ang morpolohiya ng dalawang wika;
ang wikang Sebwano at wikang Filipino. Ang mga layunin nito ay ang mga sumusunod; 1).
Maihahambing at masusuri ang mga kayarian ng salita ng dalawang wika. 2). Maihahambing at
masusuri ang alomorp ng dalawang wika.3). Maihahambing at masusuri ang pagbabagong
morpoponemiko ng dalawang wika. Ang ginamit sa metodolohiya para mag-analisa ay ang
Descriptive Analytic Approach para maihambing at mailarawan ang mga nakalap na datos.
Base sa mga datos, ang wikang Sebwano at wikang Filipino ay magkapareho ang tuntunin ng
mga kayarian ng salita at alomorp maliban sa panlaping [-ay] sa Sebwano na wala sa Filipino.
Ang pagbabagong morpoponemiko sa dalawang wika ay magkapareho rin sa tuntunin maliban
lang sa pagpapalit ng ponema at metatesis. Ang resulta sa pananaliksik na ito ay magkapareho
ang tuntunin sa morpolohiya ng dalawang wika. May kaibahan man ngunit halos lahat ay
pareho lamang. Kaya ang pananaliksik na ito ay nagrerekomendang pag-aralan ang anyong
ponolohikal at sintaktikal upang mas mailarawan pa ang dalawang wikang ito.
Susing salita: morpolohiya, wikang Sebwano at Filipino, kayarian ng salita, alomorp at
pagbabagong morpoponemiko.

You might also like