You are on page 1of 2

1. Ang paggamit ng wika upang buuin at ipahayag ang identidad o ang diwa ng sarili.

a. Gamit ng Wika bilang Heuristiko


b. Gamit ng Wika bilang Personal
c. Gamit ng Wika bilang Representatibo
d. Gamit ng Wika bilang Heuristiko

2. Ang paggamit ng wika upang maglahad o magpahayag ng kaalaman at impormasyon sa kausap.


a. Gamit ng Wika bilang Heuristiko
b. Gamit ng Wika bilang Representatibo
c. Gamit ng Wika bilang Personal
d. Gamit ng Wika sa Mass Media

3. Dito’y ginagamit ang wika upang matuto ng kaalaman at umunawa.


a. Gamit ng Wika bilang Heuristiko
b. Gamit ng Wika sa Mass Media
c. Gamit ng Wika bilang Personal
d. Gamit ng Wika bilang Representatibo

4. Dito’y malaki ang ginagampanang papel ng wika upang maiparating sa higit na nakararami ang
mensahe. Isa sa mga paraan upang maisagawa ito ay ang tri-media.
a. Gamit ng Wika bilang Heuristiko
b. Gamit ng Wika bilang Personal
c. Gamit ng Wika sa Mass Media
d. Gamit ng Wika bilang Heuristiko

5. Ito ay halimbawa ng Impormal na tungkulin na gamit ng wika bilang Personal kung saan
nakapagpapahayag ang tagapagsalita bunsod ng matinding emosyon ngunit may kasamang
negatibong reaksiyon.
a. Exclamation
b. Hesitation Markers
c. Curses
d. Greetings

6. Ang Pormal na tungkulin na gamit ng wika bilang Personal ay ginagamit sa mga sumusunod
MALIBAN SA ISA.
a. pagsulat ng reaksiyong papel tungkol sa napanood na pelikula
b. sa pakikipag-usap sa kaibigan
c. pagpapahayag ng opinyon tungkol sa pinag-uusapang isyu sa klase
d. pagsasabi ng damdamin sa loob ng isang debate

7. Ito ay isa sa pangunahing gamit ng wika bilang Heuristiko kung saan nagbabasa ng mga batayang
aklat, ensayklopidya at diksiyonaryo ang isang tao upang maunawaan ang mga bagay-bagay.

a. Heuristikong Gamit ng Wika sa Pormal na Edukasyon


b. Heuristikong Gamit ng Wika sa Midya at Pampublikong Panayam
c. Heuristikong Gamit ng Wika sa Pananaliksik
d. Heuristikong Gamit ng Wika sa Exclamation

8. Ang sumusunod ay ilan sa mga salitang ginagamit sa pagbibigay apirmasyon o pagtanggi sa


ibinigay na datos MALIBAN SA ISA.
a. “may”
b. “mayroon”
c. “wala” at “hindi”
d. “baka”

9. Alin sa mga sumusunod na gamit ng wika ang naipapamalas kapag ikaw ay nagsasagawa ng isang
survey?
a. Gamit ng Wika bilang Heuristiko
b. Gamit ng Wika bilang Personal
c. Gamit ng Wika bilang Representatibo
d. Gamit ng Wika bilang Heuristiko

10. Sa paglalahat na sinabi ni Bb. Apple sa huling bahagi ng talakayan, saan nakasalalay ang maayos
at malinaw na komunikasyon?
a. sa ating sarili
b. sa ating mga magulang
c. sa ating katabi
d. sa ating guro

You might also like