You are on page 1of 5

Learner’s Activity Sheet

Filipino (Unang Markahan – Linggo 1)

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ________________


Guro: _______________________________________ Petsa:______________________________
Paaralan: ________________________________________________________________________

Mahal kong mag-aaral,

Magandang araw!
Sa linggong ito, matututunan ninyong suriin ang kalikasan, gamit, mga
kaganapang pinagdaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.

Sa katiyakan, matututunan mo ang mga sumusunod:

1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa


mga konseptong pangwika;
2. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa
lipunan; at
3. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa
pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa.

Sa Paksang ito, ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at


gamit ng wika sa lipunang Pilipino ay integrado.

Ang iyong guro

Paksang Aralin
Pagtukoy sa Kahulugan ng mga Konseptong Pangwika

Sa pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika, kailangan ang


literal na kahulugan nitona maaaring kunin sa diksyonaryo o iba pang
babasahing wika.
Maaaring sa pamamagitan din ito ng panayam sa mga taong eksperto sa
larangang ito. Higit sa lahat, ang karanasan ng mga taong gumagamit ng
wika o nagpapahalaga rito na gamit sa aktuwal na buhay sa araw-araw na
pakikisalamuha sa iba’t ibang tao, ay maaaring batayan din sa pagtukoy sa
kahulugan ng mga konseptong pangwika.

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat kahon.


Pansinin ang mga iba’t ibang wika na ginamit ng mga mag-aaral ng Baitang
11. (10pts.)

Hangad ko ang

11
Mag-recess na tayo pagkakaroon natin ng
mgandang ugnayan.

1
X2-y2= Hellow pow! Mustah u?

Sanaol! May Naimbag nga bigat


nagmamahal kakabsat!

1. Pamilyar ba sa inyo ang mga nabanggit na mga pahayag? Ano ang


nais ipahiwatig nito?

2. Bakit mahalaga na matutuhan ang maraming wika? Magbigay ng


ispesipikong sitwasyon.

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang tulang “Wika ng Karunungan” ni Myrna


Diva-Gornez (piyesa-Buwan ng Wika 2016, lungsod ng Heneral Santos
dibisyon).
Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong sagutang
papel. (15pts)
1. Tungkol saan ang tula?

2. Ano ang halaga sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa?

3. Ano sa iyong palagay ang pagkakaroon ng maraming wika sa ating


bansa?

4. Paano binibigyan ng kahulugan ng may-akda ang kahulugan ng


wika? Bakit ito mahalaga?

5. Para sa’yo, paano mo palaganapin at isapuso ang iyong pagka-


Filipino?

11
Mga Konseptong Pangwika

2
Mga batayan ng Konseptong Pangwika at mga kahulugan o kalikasan nito.
Pangalan Kahulugan/kalikasan
Wika Instrument ng komunikasyon na binubuo
ng mga tunog, simbolo at mga tuntunin
Wikang Pambansa Wikang pinagtibay ng pambansang
pamahalaan
Wikang Panturo Wikang ginagamit sa pormal na edukasyon
Wikang Opisyal Principal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan, sa politika, sa komersyo at
industrya.
Bilingguwalismo Magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles
bilsng midyum ng pagtuturo
Multilingguwalismo Paggamit ng maraming wika
Register Estilo sa pananalita; batay sa gamit
Homogenous Isa lang ang gamit ng wika o wikang puro
Heterogenous Iba-iba ang gamit ng wika o binubuo ng iba’t
ibang barayti ng wika

Gawain 3 Pagyamanin!

Panuto: Punan ng wastong sagot ang tsart sa ibaba sa pamamagitan ng


pagbibigay kahulugan at pagpapaliwanag. Isulat sa inyong
sagutang papel. (30pts)

SALITA KAHULUGAN PAGPAPALIWANAG


WIKA
WIKANG PAMBANSA
WIKANG PANTURO
WIKANG OPISYAL
BILINGGUWALISMO
MULTILINGGUWALISMO

Gawain 4

Panuto: Isang kaibigan na humingi ng tulong sa iyo na sagutin ang


kanyang takdang aralin tungkol sa kahulugan ng wika. Nalaman mo mula
sa mga dalubwika na kagaya nina Gleason, Hutch, Sapiro at iba pang kilala
mong dalubwika ang mga kahulugsn ng wika. Sino sa mga dalubwika ang
iyong pipiliin at ipaliwanag kung bakit. Sagutin lamang sa isang talata na

11
hindi bababa sa limang pangungusap. (15pts)

3
Gawain 5

Panuto: Ang sumusunod na katanungan ay susukat sa iyong natutuhan


mula sa mga paksang tinalakay sa modyul na ito. Isulat sa iyong sagutang
papel ang letra ng wastong sagot. (10pts)

1. Ang wikang gagamitin sa edukasyon, sa pamahalaan, sa politika, sa


komersyo at industriya ay Filipino bilsng principal na wika. Ito ay
tinatawag na
a. Wikang Opisyal c. Monolingguwalismo
b. Bilingguwalismo d. Wikang Panturo
2. Kapag pinatutupad ang paggamit ng wikang Ingles bilang wikang
panturo sa asignaturang Agham at Matematika at wikang Filipino
naman sa iba pang asignatura ay tinatawag itong konseptong
pangwika na
a. Bilingguwalismo c. Wikang Opisyal
b. Multilingguwalismo d. Register/Barayti ng WIKA
3. Kapag ang isang komunidad ay gumagamit ng isang barayti ng wika,
tinatawag itong
a. Wikang Katutubo c. Lingguwistikong Komunidad
b. Wikang Popular d. Homogenous
4. Magaling si Vince sa pagsasalita ng wikang Ilocano dahil iyan ang
kanyang kinagisnan mula sa kanyang mga magulang. Ito ay
tinatawag na
a. Wikang Opisyal c. Wikang Pambansa
b. Register d. Unang Wika
5. Ayon sa Saligang Batas ng 1987 na pinagtibay ng Komisyong
Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino, an gating
pambansang wika ay .
a. Tagalog c. Filipino
b. Pilipino d. Cebuano
6. Ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit sa
pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayan.
a. Wika c. Wikang Panturo
b. Wikang Pambansa d. Wikang Opisyal
7. Sa konseptong ito ng wika, ipinahahayag na may iisang katangian ang
wika tulad ng language universals.
a. Barayti c. Homogenous
b. Register d. Heterogenous

11
8. Kapag laganap ang eksposyur ni Joanna sa maraming wika at may
kakayahan siya sa pagsasalita sa anomang wika, ito ay konseptong
pangwika na

4
a. Bilingguwalismo c. Multilingguwalismo
b. Register d. Linggwistikong Komunidad
9. Sinasabi na ang wikang pambansa ang gagamiting nwika para mabilis
ang paglaganap ng kaalaman sa loob ng klase. Tinatawag ang wikang
ito bilang
a. Wikang Opisyal c. Wikang Panlahat
b. Register d. Wikang Panturo
10. Ayon sa kanya, “Ang wika ay isang likas at makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at mga
hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na
lumikha ng tunog. Sino siya?
a. Gleason c. Hamphill
b. Sapiro d. Hutch

Sanggunian:

1. K to 12 Most Essential Learning Competencies


2. Self-Learning Module Department of Education – SOCCSKSARGEN

KATUNAYAN
Ito ay nagpapatunay na ang aking anak ay matagumpay na isinagawa ang lahat ng
mga gawain na nakapaloob sa Learning Activity Sheet.

_______________________________________________ ____________________
Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapangalaga Petsa ng Paglagda

5
11

You might also like