You are on page 1of 12

Computer Systems Technological College, Inc.

Gen. Luna St, Maharlika Highway, Arrelano Subdivision, Sariaya, Quezon

BANGHAY- ARALIN
SA
FILIPINO 11
(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura)

Inihanda ni:

Christian Mark A. Ayala


Guro

Binigyang Pansin:

Agnes E. Da Silva
Punongguro

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Unang Markahan
Mga Paksa:

Aralin 1: Mga Konseptong Pangwika pp. 8-24

A. Ang Wika

B. Ang Wikang Pambansa

C. Wikang Opisyal at Wikang Panturo

Antas ng Wika

Aralin 2: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo pp. 25-40

A. Unang Wika, Pangalawang Wika

B. Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo

Aralin 3: Mga Barayti ng Wika pp. 41-57

A. Heterogenous at Homogenous na Wika

B. Barayti ng Wika

Dayalek
Idyolek
Sosyolek
Etnolek
Register
Pidgin at Creole

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO

FILIPINO 11

LINGGO 1-2
Hulyo 4-8 , 2016

I – Layunin :
A . Nabibigyan ng sariling pakahulugan ang salitang wika.

B. Nakapagasadula gamit ang ibat – ibang wika.

C. Nakapagbabagi ng epektong pandamdamin tungkol sa wika.

II – Paksa :

WIKA

Mga Kagamitan :

Mga larawan, pentel pen, manila paper, coloring material,

Sanggunian :

Pinagyamang Pluma nina Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario pp. 8-
12

III – Pamamaraan :

A.Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagbati sa guro
 Pagtatala ng liban
 Pagganyak

Magdidikit ng mga iba’t ibang salita pisara at tutukuyin kung anong


lenggwahe ito kabilang.

Magandang Zao an
Naimbag nga Umaga
bigat
Good morning bonjour

Ohayo Guten Morgen Maayong


gozaimasu
buntag
B. Paglalahad ng Gawain

1. Aktibiti

 Pagsasadula ng ilang sitwasyon ng bawat pangkat.

Pangkat Isa:

Gumawa ng isang pag –uusap gamit ang telepono. Gamit ang Ingles na
linggwahe.

Pangkat Dalawa:

Gumawa ng isang pag-uusap ng isang tindero at mamimili sa palengke.


Pangkat Tatlo:

Gumawa ng isang pag-uusap ng pagkikita ng magkakaibigan sa lansangan.

2. Analisis

Ano- anu ang inyong natuklasan sa batay sa ipinakitang sitwasyon ng bawat pangkat?

Ano ang ginamit ng bawat isa sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan?

Bakit nahihirapan tayong umangkop kaagad sa isang lugar na pinupuntahan natin kung
hindi tayo marunong ng kanilang wika?

3. Abstraksyon

 Sa iyong sariling pakahulugan ano ang ibig sabihin ng wika?

WIKA

 Sa kabuoan ano ang wika?


 Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang
minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo n gating ekspresyon at
kumunikasyon na epektibong nagagamit at pakikipag-usap sa ibang tao, at
maging sa pakikipag-usap sa sa sarili. (Paz,Hernandez, at Peneyra; 2003)
 Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa
pamaraang arbitaryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura. (
Henry Allan Gleason,Jr.)
 Ang wika sa ganitong paraan: ito ayisang sistema ng komunikasyong nagtataglay
ng mga tunog, salita at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga
mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng Gawain. (Cambridge
Dictionary)

4. Aplikasyon

Magbibigay ang bawat mag-aaral ng sariling pakahulugan sa salitang Wika sa


pamamagitan ng paggamit ng Akrostik.

W ika ang ginagamit sa


pakikipag-komunikasyon o pakikipagtalastasan sa tao.

I to’y sumasalamin sa kultura ng isang bansa, kung saan


nakikilala ang lahing pinanggalingan
IV- Takdang – Gawain

Magsaliksik ng mga batas tungkol sa Wikang Pambansa. Alamin ang naging


tulong nito sa kasalukuyang kalagayan ng wika sa ating bansa.
BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO
FILIPINO 11
LINGGO 1
HUNYO 24-28 ,2019
(FilPS-Ib-86)
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman at mga karanasan

I . Layunin :
A. Nakapag – uulat ng mga mahahalagang batas tungkol sa wikang pambansa.

B. Nakapagbabahagi ng kahalagahan ng wika sa isang bansa.

C. Nakakabubuo ng timetable ng mahalagang pangyayari sa wikang

pambansa.

II . Paksa :

Ang Wikang Pambansa


Mga Kagamitan :
Laptop, pentel pen, manila paper, tape
Sanggunian :
Pinagyamang Pluma nina Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario pp. 12 - 15

III . Pamamaraan :

A.Panimulang Gawain

Panalangin
Pagbati sa guro
Pagtatala ng liban
Pagbabalik – aral

1. Ano ang ating tinalakay kahapon?


2. Ano ang wika?
3. Para kina Paz, Hernandez at Peneyra ano daw ang wika?
4. Bakit naman inihalintulad ng siyentipikong si Charles Darwin ang wika sa pagbe-bake
cake o paggawa ng serbesa.

Pagganyak
Magpapanood ng isang maikling video, kung saan nagpapakita ng pag uusap na walang diyalogo at pag uusap
na iba’t ibang wika ang gamit.

Magtatanong. Base sa iyong napanood ano inyong naobserbahan?

B. Aktibiti

Pangkatang Gawain:

Pagpapa-ulat. Kakalapin ng bawat pangkat ang mga


nasaliksik ng bawat miyembro. Iuulat ito sa klase. Ibibigay
nila ang mga kahalagahan nito. Kung paano nakatulong
mapaunlad ang wikang pambansa.
C. Analisis
1. Bakit kailangan ng ating bansang magkaroon ng isang wikang pambansang magagamit at nauunawaan ng
nakararaming Pilipino?
2. Sa paanong paraan sinuportahan ng dating Pang. Manuel L. Quezon ang pagkakaroon natin ng wikang
pambansa? Nararapat ba ang parangal sa kanya bilang “ Ama ng Wikang Pambansa”?Ipaliwanag.
3. Bakit kinailangang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa? Ano ang pangunahing tungkulin nila?
4. Ano – ano ang naging pamantayan ng mga miyembro ng Surian sa pagpili ng wikang pambansa.
5. Sa iyong palagay, angkop kaya ang Tagalog sa mga pamantayang ito? Bakit oo bakit hindi?
6. Bakit kaya maraming tao rin ang tumutol o sumalungat sa pagpili ng Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa? Sa iyong palagay, ano –ano kaya ang dahilan ng kanilang pagtutol?

C. Abstraksyon
Bakit mahalaga na may sariling wika ang isang bansa o wikang pambansa ginagamit? Ipaliwanag.

D. Aplikasyon
Bumuo ng timetable ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan na nagbigay daan sa pagpapatibay sa Filipino
bilang wikang pambansa.

Nagkaroon ng
Kumbensiyong
konstitusyonal kung
saan isa sa
mainitang tinalakay
at pinagtalunan ang
pagpili ng wikang
pagbabatayan ng
wikang Pambansa.

1934 1937 1987


1959

1935 1946 1972


IV- Takdang – Gawain

Magsasaliksik ang unang pangkat tungkol sa Mother Tongue – Based Multi- Lingual Education (MTB-
MLE). Ang Pangalawang pangkat ay wikang panturo. At ang Pangatlong pangkat ay ang labing siyam na
dayalekto na itinadhana ng DEPEd na magagamit sa MTB-MLE.

Inihanda ni:

ESTRELITA B. SANTIAGO
Guro ng Wika

Iwinasto ni:

MYRNA LYNN C. MENESES ,MT 1


SHS Coordinator

Sa kaalaman ni:

RUBYLIN M. ORIÑA, Ed D
Asst. Principal II
BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO
FILIPINO 11
LINGGO 1
Hunyo 24-28 2019
I .Layunin :

A. Natutukoy ang ang wikang opisyal at wikang panturo.

B. Nakapagbabahagi ng magandang kaisipan mula sa ginawang facebook post.

C. Nakasusulat ng isang pahayag na nakapanghihiyakat.

II . Paksa :

Wikang Opisyal at Wikang Panturo

Mga Kagamitan :

Laptop, pentel pen, manila paper, tape

Sanggunian :

Pinagyamang Pluma nina Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario pp. 16
- 18

III .Pamamaraan :

.Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagbati sa guro
 Pagtatala ng liban
 Pagbabalik – aral

 Kahapon ay nabatid natin ang mahaba at masalimuot na kasaysayan n gating wikang


pambansa.Magbigay na mga batas at ibigay ang nilalaman nito?

Pagganyak

 Magpapakita ng isang larawan na kasulat ang iba’t ibang dayalekto at ipapasuri ito sa mag-aaral.

MAGUINDANAO SURIGAONON PANGASINENSE IBATAN CHAVACANO KINARAY-A


CEBUANO INGLES TAGALOG AKLANON YAKAN IVATAN

WARAY BIKOL HILAGAYNON FILIPINO ILOKO


TAUSOG SAMBAL KAPAMPANGAN

B. Paglalahad ng Gawain

A. Aktibiti
Pangkatang- Gawain:

Pangkat isa:
Mother Tongue – Based Multi-Lingual Education (MTB-
MLE)

Pangkat Dalawa:
Wikang Opisyal at Wikang Panturo

Pangkat Tatlo:
Labing siyam na dayalekto na itnakda ng DEPEd na
gagamitin sa MTB-MLE

B. Analisis
Ano ang MTB-MLE. Sa anong paraan daw ito maaring makatulong sa mga mag-aaral sa mga unang
taon ng pagpasok nila sa paaralan?
Sa iyong palagay, makatutulong nga kaya sa mga batang mag-aaral kung ang wikang kinagisnan nila
ang gagamiting wikang panturo sa kanila? Magbigay ng mga patunay?

C. Abstraksyon
Kung ikaw ay magkaka-anak baling araw anong wika ang imumulat mo sa kanya o kanila, ang wikang
umiiral sa inyong lugar o ang wikang ingles? Ipaliwanag.

D. Aplikasyon
Gamitin ang iyong kaalaman sa modernong teknolohiya.
Bumuo ka isang makabuluhang Facebook post na hihikayat sa iba
lalo na sa kapwa mo kabataan uapang gamitin,
ipagmalaki, at mahalin an gating wikang
pambansa.
PAKSA/NILALAMAN: Gamit ng Wika

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,


kasaysayan, at gamit ng Wika sa lipunang Pilipino.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan


at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.

MGA KASANAYANG PAGKATUTO: 1. Natutukoy ang ibat-ibang gamit ng wika sa lipunan sa


pamamagitan ng napanood sa palabas sa telebisyon at
pelikula.

2. Naipapaliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan


sa pamamagitan ng mga pagbibigay ng halimbawa.

3. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya


(facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong
pangwika.

4. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga


napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radio,
talumpati, at panayam.

You might also like