Professional Documents
Culture Documents
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN : Nasusuri ang iba’t-ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO : Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t-ibang tekstong binasa. ( F11PB- IIIa-98 )
I. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga katangiang ikinaiba ng tekstong impormatibo sa ibang uri ng teksto
2. Nakabubuo ng impormatibong patalastas o makapagsasagawa ng panel discussion sa napiling paksa.
B. Pagbabalik Tanaw
Tanong: Ano ang tinalakay natin kahapon?
Inaasahang Tugon: Tinalakay natin ang tungkol sa mapanuring Pagbasa.
C. Pangganyak
Alalahanin ang isang pinakabagong balitang napakinggan, napanood, o nabasa, maging ito man ay local,
pambansa, o pandaigdig. Isulat ang buod ng balita at ilagay ang mahahalagang impormasyong naalala sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa talahayanan.
D. Talakayan
Tekstong Impormatibo : Para sa Kaalaman
Mahalaga ang katumpakan ng nilalaman at mga datos sa isang impormatibong teksto. Bukod sa
katumpakan, mahalaga rin na napapanahon ito at makatutulong sa pag-unawa tungkol sa isang
mahalagang isyu o usaping panlipunan.
May iba;t-ibang uri ng tekstong impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad nito. Ang mga
estrukturang ito ay sa pamamagitan ng pagtalakay ng sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay-
depinisyon, at paglilista ng klasipikasyon.
Tekstong Impormatibo ay karaniwang sinasagot ng katanungang ano, kalian, saan, sino at paano.
Pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ay ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang
paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.
Kaiba sa piksyon, naglalahad ito ng kwento ng mga tunay na buhay ng tao o nagpapaliwag ng mga
konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari.
E. Paglalapat/Aplikasyon
Natutukoy ng mga mag-aaral ang Impormatibo isang uri ng Teksto.
F. Paglalahat
Ano-ano ang iba’t-ibang estruktura ng tekstong impormatibo?
Ipaliwanag ang pagkakaiba ng bawat isa.
V. Takdang Aralin:
Mag-aral pa ng ibang uri ng teksto..
MNHS DREAMS (Dedication, Responsibility, and Efficiency for Achieving Meaningful Success)
Prepared by:
RENEIL E. JAVIER
Teacher I
Checked by:
ROILAN P. LOPEZ
Master Teacher II
Noted by:
ROGELIO T. DULAY
Principal II