You are on page 1of 2

Schools Maruhat National High School Grade 11 - HUMSS

Daily Lesson Plan Teacher Reneil E. Javier Subject Pagbasa


Date November 21, 2019 - Thursday Semester Second

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN : Nasusuri ang iba’t-ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP : Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t-ibang teksto.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO : Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t-ibang tekstong binasa. ( F11PB- IIIa-88 )

I. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang kahulugan ng Deskriptibong teksto.
2. Nakikilala at masuri ang mga halimbawa ng tekstong naglalarawan.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Mga Uri ng Teksto
Kagamitang Panturo: pisara, chalk, Laptop
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik pp.31-58
internet
III. PAMAMARAAN:
A. Panimula
 Pagdarasal
 Pagbati
 Pagkuha ng tala ng dumalo at lumiban sa klase.

B. Pagbabalik Tanaw
Tanong: Ano ang tinalakay natin kahapon?
Inaasahang Tugon: Tinalakay natin ang tungkol sa tekstong Impormatibo.

C. Pangganyak
Mahalagang kilalanin ang sarili at alamain ang sariling kahinan at kakayahan bago gumawa ng anomang
desisyon o isakatuparan ang anomang tungkulin. Ilarawan ang iyong sarili sa isang talata. Ibigay ang
iyong katangiang pisikal at iba pang katangian tulad ng pag-uugali, disposisyon at pananaw.

D. Talakayan

Pagpepresenta ng mga Layunin:

1. Natutukoy ang iba’t-ibang paraan at uri ng paglalarawan


2. Nakikilala at masuri ang mga halimbawa ng tekstong naglalarawan

Tekstong Deskriptibo
Makulay na Paglalarawan

Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, lugar, tao, karanasan, sitwasyon
at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan
ng isang partikular na karanasan.
Dagdag pa, nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon mailabas ng mga mag-aaral ang masining na
pagpapahayag. Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na
makakapukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa.

Katangian ng Tekstong Deskriptibo


1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga
mambabasa.
2. Ang tekstong naratibo ay maaring maging obhetibo o suhetibo at maari ding magbigay ng
pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t-ibang tono at paraan sa paglalarawan.
3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye.
Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang paksa na
inilalarawan.

E. Paglalapat/Aplikasyon
Natutukoy ng mga mag-aaral kung ano ang tekstong deskriptibo.

F. Paglalahat
Ano-ano ang iba’t-ibang katangian ng tekstong deskriptibo..

IV. Ebalwasyon / Pagtataya


Nakasusunod at nakakasagot sa lahat ng katanungan ng Guro.

V. Takdang Aralin:
Mag-aral pa ng ibang uri ng teksto..

MNHS DREAMS (Dedication, Responsibility, and Efficiency for Achieving Meaningful Success)

Prepared by:
RENEIL E. JAVIER
Teacher I

Checked by:
ROILAN P. LOPEZ
Master Teacher II

Noted by:
ROGELIO T. DULAY
Principal II

You might also like