Layunin: • Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K. Halliday • Nasusuri ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pahayag mula sa telebisyon at pelikula. • Napahahalagahan ang mga gamit ng wika tungo sa pagbuo ng nagkakaisa at nagkakaunawaang lipunan. Sino si Michael Alexander Kirkwood Halliday? Si Michael Alexander Kirkwood o mas kilala sa taguri na M.A.K. Halliday ay isang bantog na iskolar mula sa Inglatera. Ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang phenomenon. Naging malaking ambag niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang modelo ng wika, ang systematic functional linguistics.
Pitong Tungkulin at Gamit ng Wika ayon kay Michael Alexander Kirkwood Halliday (M.A.K. Halliday) 1.Instrumental 2.Regulatoryo 3.Interaksiyonal 4.Personal 5.Heuristiko 6.Impormatibo 7.Imahinatibo INSTRUMENTAL Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito. REGULATORYO Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar, direksyon sa pagluluto, sa pagsusulit at direksiyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo. INTERAKSIYONAL Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa, pakikipagbiruan, pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu, pagkukuwento sa isang kaibigan o paggawa ng isang liham-pangkaibigan; at iba pa. PERSONAL Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling damdamin, opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at journal, at pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan. HEURISTIKO Ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan, pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon; at pagbasa ng pahayagan, magasin, blog, at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng mga impormasyon. IMPORMATIBO Ito ang kabaligtaran ng Heuristiko. Kung ang Hueristiko ay ang pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasalita at pasulat. Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong-papel, tesis, panayam at pagtuturo IMAHINATIBO Ito ay bunga ng masining na imahinasyon ng isang makata sa pagbibigay kahulugan halimbawa sa pag- iyak ng sanggol, awit, paggamit ng tayutay, ng mga idyoma atbp. Paglalapat
Bakit mahalagang matutuhan ang mga gamit ng wika sa pagbuo ng isang nagkakaisa at nagkakaunawaang lipunan?