You are on page 1of 4

DON GERARDO LL.

OUANO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH

Detailed Lesson Plan (DLP)

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Date: Hunyo 25, 2019 (11-HUMSS, 11-ABM)


Hunyo 26, 2019 (11-GAS)

Learning Grade Level: Quarter: Duration:


DLP Blg. 1 Area: Baitang 11 Una IsangOrasat
Filipino Dalawampung Minuto
Mga Kasanayan Hango sa Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga Code:
Gabay Pangkurikulum napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, F11PN – Ia – 86
talumpati, at mga panayam

Susi sa pag-unawa na Konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo,


lilinangin talumpati, at mga panayam

I. Mga Layunin
Pag-aalala Naipabahagi ang mga depinisyon ng mga konseptong wika
Pag-unawa Naipaliliwanag ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam

Paglalapat Naipapakita ang mga tamang gawain na dapat sundin sa paggamit ng mga konseptong
wika batay sa ginawang dula-dulaan

Pagsusuri Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng


Wikang Pambansa ng Pilipinas

Ebalweting Nakakasulat ng mga repleksyon sa mga kahalagahan ng konseptong wika

Pagbubuo Nakakasulat ng isang panayam o talumpati base sa mga sitwasyong


pangkomunikasyon

Kaasalan Napapahalagahan ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong


pangkomunikasyon sa radio, talumpati at mga panayam

Pagpapahalaga Nakakapagpapahayag nang malinaw na pagpapahalaga sa mga konseptong pangwika

II. Nilalaman Mga Konseptong Pangwika

III. Mga Kagamitang Gabay pangkurikulum , DLP, Laptop, Marker, Teksto


Pampagtuturo

IV. Pamamaraan

4.1 Panimulang Gawain 1- Panalangin


2- Pamukaw-sigla---Ehersisyo
3- Pagwawasto ng bilang ng mga mag-aaral sa klase (liban at hindi liban sa klase)

4.2 Mga Gawain/Estrahiya Pagpapakinig sa klase ng isang talumpati ng Presidente ng Pilipinas at dramang
panradyo

4.3 Pagsusuri Tanong:


1. Ano –ano ang napapansin ninyo sa naging panayam o talumpati sa audio clip na
napakinggan ninyo?
2. Ano ang nagiging kaugnayan nito sa ating wika?

4.4 Pagtatalakay Pangkatang Gawain:


A. Magbibigay ang guro ng teksto tungkol:
1. Paghahain ng kandidatura nina Senador Chiz Escudero at Senadora Grace
Poe
2. Kung ang Tula ay Isa Lamang
3. Dramang Panradyo: Bagito
- Bawat myembro ay magbahagi ng kanilang opinion sa kanilang grupo

B. Magkakaroon ng talakayan sa tulong at gabay ng guro tungkol sa nabasang


teksto base sa konseptong pangwika

 Anong kategorya ng wika ang ginamit sa teksto? Bakit ito ang ginamit?
 Anong mga salita ang ginamit sa teksto upang mapatunayang ito ang
kategoryang ginamit?

C. Ipaliliwanag ng guro ang mga konseptong pangwika

D. Bibigyang linaw o buod ang napag-usapang paksa sa klase

4.5 Paglalapat Pangkatang Gawain:


Gumawa ng maikling dula-dulaan tungkol sa komunikatibong sitwasyon sa
pagitan ng isang DJ at tagapakinig. Pumili sa sumusunod na mga sitwasyon.
a. G. DJ at espesyal na hiling na awitin ng tagapakinig
b. Bb. DJ at ang pakontest niya sa mga tagapakinig na may papremyo
c. G. at Bb. DJ at ang payo sa nakakakilig na usaping pag-ibig
- Ilalahad ayon sa nakatalagang rubrics ng kanilang presentasyon

Kriterya Pamantayan Bahagdan


1. May 15 %
kahandaan sa
kasuotan, props
at musika

2. Maganda ang 10%


ekspresyon ng
mukha

3. Audience 15%
Impact

4. Mahusay ang 20%


pagpili ng mga
salitang
ginagamit

5. Makitaan ng 20%
pagiging
malikhain sa Total: 80%
presentasyon

4.6 Pagtataya

a. Pagmamasid Bubuo ang mga mag-aaral ng grupo at makikipag-usap sa mga kaklase nila at
magtatanong sa kanilang lingguwistikong heograpiya.

b. Pakikipag-usap sa mga
mag- Pagsusuri sa wikang ginagamit ng mga mag-aaral sa mga sumusunod na tanong:
aaral/Kumperinsya  Ano ang iyong lingguwistikong heograpiya?
a. Saang probinsya at bayan nanaggaling ang iyong ama’t ina?
b. Ano ang wikang rehiyonal ng iyong ama’t ina?
c. Nagagamit mo ba sa inyong tahanan ang wika ng iyong mga magulang?
d. Kung magkaiba ang wika in iyong mga magulang, alin ang mas nagagamit
na wika?

 Nagagamit mo ba ang wikang Filipino sa inyong tahanan? Kung hindi, bakit


kaya?
 Nagagamit mo ba ang wikang Ingles sa inyong tahanan? Kung hindi, bakit
kaya?

c. Pagsusuri sa mga Isusulat ng mga mag-aaral ang nabuo nilang pagbubuod ng kanilang lingguwistikong
produkto ng mga mag- heograpiya sa manila paper o kartolina sa pamamagitan ng isang graphic organizer at
aaral ibabahagi sa klase

d. Pasulit A. Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang wika para sa iyo. Tingnan ang una
bilang halimbawa.

Midyum ng
komunikasyon

WIKA

B. Gumuhit ng masayang mukha (  ) sa blangko sa unahan ng bilang kung


tama ang sinasabi ng pangungusap. Gumuhit naman ng malungkot na
mukha (  ) kung mali ang pahayag.
_____1. Walang malinaw na konseptong nag-uugnay sa wika at kultura.
_____2. Tagalong ang unang pambansang wika ng Pilipinas.
_____3. May masistemang balangkas ang wika.
_____4. Unique o natatangi ang bawat wika.
_____5. May mga wikang mas makapangyarihan kaysa iba pang wika.
_____6. Ang opisyal na wika ng bansa ang dapat na maging pambansang
wika.
_____7. Namamatay ang wika kapag namatay ang taong gumagamit o
nagsasalita nito.
_____8. Filipino ang tawag sa kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas.
_____9. Ginagamit natin ang wika para makamit natin ang ating mga
kagustuhan.
_____10. Binubuo ng mga tunog at sagisag ang wika.
_____11. Napagkakasunduang gamitin ng mga tao ang wika.
_____12. Kailangang manatiling puro ang wika at hindi dapat tumanggap ng
mga pagbabago.
_____13. Dinamiko ang wika.
_____14. Walang mga tuntuning sinusunod sa paggamit ng wika.
_____15. May pasulat at pasalitang anyo ang wika.

4.7 Takdang-Aralin
Pagpalilinang/Pagpapaunlad Kapanayamin ang alinman sa sumusunod:
sa Kasalukuyang Arallin 1. OFW na nagbalik bayan
2. Filipino-American na nagbabakasyon sa Pilipinas
3. Banyaga
4. Pilipinong galing sa ibang probinsya na naninirahan o namamasukan sa inyong
bayan o siyudad
- Alamin kung bakit sila bumalik/dumalaw/namasyal sa Pilipinas
- Bakit lumipat ng ibang bayan/siyudad ang Pilipino mula sa kanyang
probinsya/bayan
- Anong mga kompromiso ang kanilang ginawa nasa
Pilipinas/bayan/siyudad na sila
- Naging hadlang ba ang wika. Bakit?
- Sa paanong paraan ito nagging hadlang?

Paghahanda sa Bagong
Aralin Kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika

4.8 Paglalagom
"Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa."
V. Puna

VI. Pagninilay

Inihanda ni:

Jofel C. Cañada

Special Science Teacher 1

Isinuri ni:

G. Dindo T. Alilin

Master Teacher

You might also like