You are on page 1of 5

ARELLANO UNIVERSITY

APOLINARIO MABINI CAMPUS


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2021-2022
IKALAWANG SEMESTRE

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Petsa: Enero 31 – Pebrero 4, 2021

I. Paksang Aralin: ANG TEKSTONG IMPORMATIB


II. Layunin: Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang,

 Naiisa-isa ang uri ng tekstong impormatib at element nito


 Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa teksto
 Nakasusuri ng tekstong impormatib

III. Sanggunian: Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Garce G. 2017. Pinagyamang Pluma
Quezon City. Phoenix Publishong House, Inc.

IV. Kagamitan: Powerpoint Presentation


V. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban

B. Pagganyak
Pagpapakita ng iba’t ibang mga larawan. Himukin ang mga mag-aaral na makapagbigay ng sariling
pananaw tungkol sa mga larawang ipinakita.

C. Paglalahad

ANG TEKSTONG IMPORMATIBO

➢ Ito ay uri ng babasahing di piksyon.


➢ Naglalayon itong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
➢ Ito ay nakabase sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito
masasalamin ang kaniyang pabor o pagkontra sa paksa.
➢ Kadalasan may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang
manunulat o kaya nama’y nagsasgawa siya ng pananalliksik at pagaaral ukol dito.
➢ Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa
pahayagan o baita, magasin, textbook, encyclopedia at web site sa
internet.

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

➢ Layunin ng may-akda: Magkakaiba ang layunin ng may akda sa


pagsulat niya ng isang tekstong impormatibo. Ang nais nila ay
magkaroon nang pag-unawa at malawak na kaalaman ang
mambabasa.
➢ Pangunahing ideya: Ang pangunahing ideya ay dagliang inilalahad
sa mambabasa. Nahahanap ang pangunahing ideya sapamamagitan ng paglalagay ng pamagat
sa bawat bahagi at
tinatawag itong organizational markers na nakatutulong upang
makita kaagad ng mambabasa ang pangunahing ideya.
➢ Pantulong na kaisipan: Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na
mga pantulong na kaisipan o detalye upang makatulong mabuo sa
isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang
matanim o maiwan sa kanila.
➢ Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtampok sa
bagay na binibigyang-diin: Makatutulong sa isang mambabasa ang
magkaroon nang malawak na kaalaman at pag-unawa sa
binabasang tekstong impormatibo, ang paggamit ng mga estilo o
kagamitan/sangguniang maagbibigay-diin sa mahahalagang
bahagi tulad ng sumusunod:

-Paggamit ng mga nakalarawang representasyon: paggamit


ng larawan, guhit, dayagram tsart, talahanayan, time line, at
iba pa.
-Pagbibigay- diin sa mahahalagang salita sa teksto: pagsulat
nang nakadiin, nakalihis, nakasalungguhit, o nalagyan ng
panipi.
-Pagsulat ng mga talasanggunian: Inilalagay ng manunulat ang
mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit
upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging
basehan sa mga impormasyong taglay nito.

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Kasaysayan


✓ Ito ay uri ng tekstong inilalahad ang mga totoong
pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
✓ Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na
nasaksihan ng manunulat.
✓ Maaari ding hindi direktang nasaksihan kundi mula sa
katotohanang nasaksihan at pinatunayan ng iba tulad ng
sulating pangkasaysayan o historical account.
✓ Ang uri nitong teksto ay ay karaniwang sinisimulan ng
manunulat sa isang mabisang panimula o introduksyon.
✓ Halimbawa na lamang sa isang balita, mababasa sa bahaging
ito ang mahalagang impormasyon tulad ng kung sino, ano,
saan, kalian at kung paano nangyari ang inilalahad.
Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman ng
katawan, at karaniwang nagtatapos sa isang kongklusyon.

2. Pag-uulat Pang-impormasyon
✓ Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyong tungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na
nabubuhay at di nabubuhay gayundin ang pangyayari sa
paligid.
✓ Halimbawa paksang kaugnay sa teknolohiya, global warming
at cyberbullying.
✓ Ang pagsulat ng ganitong teksto ay kinakailangan ng
masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at
detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa
paksa.

3. Pagpapaliwanag
✓ Ito ay uri ng tekstong impormatibong nagbibigay ng
paliwanag kung paano o bakit nagana pang isang bagay o
pangyayari.
✓ Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa impormasyong
nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong
kalagayan.
✓ Karaniwan ginagamitan ito ng larawan, dayagram, o
flowchart na may kasamang mga paliwanag.
✓ Halimbawa ay ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto
tulad ng pauparo.

Upang lubos na maunawaan ang tekstong impormatib narito ang isang


halimbawa.

Batas Laban sa Bullying


Nakakapangilabot at nakakaalarma ang tumataas na kaso ng
pambu-bully lalo pa nga minsan itoy nauuwi sa pagkasira ng buhay ng
biktima at pagkitil ng sarili nitong buhay. Ayon sa sarbey ng mga
nagbabantay sa kaso ng bullying, mataas ang ranggo ng Pilipinas sa larangan
ng pambu-bully sa buong bansa. Ayon sa WikiFilipino sinasabing 30
porsyento ng kabataan ang nakaranas na mapag-iwanan, 45 porsyento ang
pinagawa ng mga bagay na labag sa kanilang kalooban, 36 porsyento ang
nagsasabing silay sinaktang pisikal, 39 porsyento ang nakaranas ng
manakawan, at 57-58 porsyento ang nakaranas ng mapagtawanan at gawan ng
katatawanan ng ibang bata.
Ayon sa WikiFilipino , Ika-6 ng Hunyo 2013 nang ipasa ng
mataas na kapulungan o Senado ng ika-15 Kongreso ang Senate Bill
2667 o mas kilala bilang Anti-Bullying Act of 2011. Enero 2012 naman
nang ipasa sa ikatlong pagbasa sa mababang kapulungan ang House
Bill No. 5496, o Anti-Bullying Act of 2012. Ayon sa batas na ito ang
pambubully ay nangangahulugan ng kahit anong paraan ng pangigipit
na ginagawa ng isa o ng isang grupo sa isa pa, pisikal man, berbal o
mental na nagiging dahilan ng kawalang gana o takot na pumasok ng
isang estudyante sa eskwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na
cuber bullying.
Ayon sa GMA online noong Septembre 18, 2013 ang ating dating
Pangulo na si Benigno Aquino III ay nagbigay pahintulot sa pabibigay
aksyon patungkol sa tumataas na kaso ng bullying sa ating bansa. Isang batas
ang kanyang ipinatupad na naglalayong ipagbawal ang bullying sa mga
paaralan sa buong bansa. Nilagdaan ni Aquino ang Republic Act 10627 o ang
Anti-Bullying Act 2013 noong Septyembre 12 ngunit itoy isinapubliko o
ipingbigay alam sa mga tao, higit limang araw na ang nakakaaraan.
Sa ilalim ng nasabing batas ang lahat ng paaralan sa
elementarya at hayskul ay kinakailangan gumawa ng mga polisiya
laban sa kani-kanilang institusyon. Ang kopya ng mga nasabing
polisiya ay kailangang ibigay sa mga mag-aaral at magulang nila.
Layon ng batas na maging pangangailangan sa lahat ng elementarya
ARELLANO UNIVERSITY
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
at hayskul sa buong bansa na pagkaroon ng mga polisiya upang
mahadlangan at magawan ng karampatang aksyon ang mga kaso ng
pambu-bully sa kanya-kanyang institusyon.
Alinsunod sa batas, ipinagbabawal din ang paggamit ng
teknolohiya sa bullying at ang paghigantihan ang mga taong
nagsuplong o nagbigay ng impormasyon tungkol sa insidente ng
bullying. Inuutos ng RA 10627 ang mga paaralan na parusahan ang
mga mahuhuling nambu-bully. Kailangan din silang suamailalim sa
rehabilitation program na pangangasiwaan ng paaralan. Nakasaad
naman sa batas na kailangang gawing “confidential” ang
pagkakakilalan sa nasangkot sa bullying. Binibigyan din ng batas na
ito ang Kagawaran ng Edukasyon ng kapangyarihang magpatupad ng
kaukulang parusa sa mga indibidwal o eskwelahang lalabag sa batas.

Mga Pinagkunan ng Impormasyon:

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Anti-Bullying_Act
http://www.gmanetwork.com/news/story/327044/news/ulatfilipino
/batas-laban-sa-bullying-pinirmah

Pangunahing ideya:
Pantulong na kaisipan:
Pagbibigay- diin sa mahahalagang salita sa teksto:
Pagsulat ng mga talasanggunian:
Uri ng tekstong impormatib: Pag-uulat pang-impormasyon

ARELLANO UNIVERSITY
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2020-2021
Ikalawang Semestre
Ikatlong markahan
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Pangalan: ________________________________ Petsa: Enero 11-14, 2021


Guro: _____________________________________ Pangkat at Strand: __________________

Gawain 1

Panuto: Ipaliwanag nang mabuti ang mga sumusunod na tanong sa

pamamagitan ng pangungusap.Ipapasa sa LMS ang naturang Gawain.

1. Ano ang iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo?

2. Bakit maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o

sulating pagkasaysayan?

3. Anong ulat pang-impormasyon ang nabasa mo na sa pananaw mo


ay nagmarka sa iyo? Anong mahalagang impormasyon ang

natandaan mo sa tekstong ito?

4. Sa paanong paraan nakatutulong ang larawan, dayagram, o

flowchart upang higit na maging epektibo ang isang tekstong

nagpapaliwanag?

Gawain 2

Panuto: Gumupit ng isang balita sa lumang dyaryong tabloid at idikit sa

isang buong papel. Ipapasa sa LMS ang naturang Gawain.

1. Anong uri ng teksto ito?

2. Ano ang layunin ng may-akda?

3. Ano ang pinakamahalagang detalye?

4. Ano ang mga iba pang detalye o pantulong na detalye?

5. Ano ang saggunian o kagamitan na ginamit sa balita?

Ipinasa nina:

Bb. Charity Matining


Bb. Jheza Imperial
Bb. Ashlee Magistrado
G. Ramil Ordinario
Gng. Roselle Funtenilla
G. Daniel Fernandez
Bb. Jhoebelle Liro
Mga Guro sa Filipino

You might also like