You are on page 1of 2

Banghay Aralin ( DLL)

KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO


Petsa: January 9-10, 2023

Unang araw hanggang ikalawang araw

Pamantayang Pangnilalaman:

Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na katangian
at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa loob
ng kultura at lipunang Pilipino.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa
isang sulatin. F11WG-IIh-89

I. Layunin:

1. Nakabubuo ng isang sulatin at nasusuri ang pagkakabuo nito.


2. Nakalilikha ng isang salitaan na may wastong pagkakabuo ng mga salita at pangungusap.
II.Paksang Aralin: - Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Kagamitan:
Laptop, projector, speaker, cue cards Sanggunian: Dayag, Alma M. at del Rosario G. Mary Grace
2016. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix
Publishing House, Inc. Quezon City.
II. Hakbang sa Pagkatuto:
A. Aktibiti
Pangkatang Gawain:
Bumuo ng isang maikling sulatin o sanaysay tungkol sa buhay mo ngayong nasa Grade 11 ka na.
Gawing masining ang bawat detalye. Pagkatapos ay susuriin ng bawat mag-aaral ang paraan ng
pagkakabuo ninyo sa mga salita at pangungusap. (Babasahin ng bawat grupo ang kanilang
ginagawa.)

Paraan ng Pagmamarka
Nilalaman 10
Paraan ng Pagkakabuo ng pangungusap 10
Kabuuan 20 puntos

Analisis 1
1. Magbigay ng mga halimbawa ng mga salita kung saan malimit nagkakamali ang isang mag-aaral sa
paggamit nito?
2. Paano nakakaapekto ang maling paggamit ng mga salita at pangungusap sa pagbibigay ng tamang
ideya sa mambabasa o tagapakinig?
C. Abstraksyon
Ano-ano ang mga kaisipang natutunan mo sa tinalakay na aralin?

D. Aplikasyon:
Bumuo ng isang maikling salitaan na makikita ang wastong paggamit ng mga salita. Ang salitaan ay
tungkol sa panunungkulan ni Presidente Rodrigo Duterte.
Paraan ng Pagmamarka
Nilalaman 10
Paggamit ng salita / pangungusap 10
Kabuuan 20 puntos
E. Ebalwasyon
Panuto: Ilagay sa patlang ang angkop na salita sa baawat pangungusap
______ 1. (Bitiwan, Bitawan) mo ang braso ko kung hindi ay sisigaw ako.
______ 2. Umuuwi siya ng probinsya (kung, kapag) araw ng Pasko.
______ 3. Hindi siya nakapasok kahapon (dahilan, dahil) sumakit ang ulo niya.
______ 4. Tatlong dosenang itlog na lamang ang (ibabayad, ibinayad) ko sa iyo sa halip na pera.
______ 5. (May, Mayroon) anay sa ating dingding.
______ 6. (Pahirin, Pahiran) mo ang sipon ng iyong kapatid.
______ 7. Tayo ng (pahirin, pahiran) ng floorwax ang sahig.
______ 8. Si Maria ay hahara-hara sa (pintuan, pinto)
______ 9. Huwag ninyong gawing tambayan ang (pintuan, pinto) ko.
______ 10. Ibig kong (subukan, subukin) ang ginagawa nila tuwing umaalis ako ng bahay.
F. Takdang aralin
Balik-aralan ang mga tinalakay tungkol sa introduksyon sa wika at kulturang Pilipino. Ihanda ang sarili
sa sunod na aktibiti bukas.

Inihanda ni : Ipinakay:
Emelito T. Colentum Gloria P. Lanutan
Guro Principal

You might also like