You are on page 1of 25

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
IKALAWANG Kwarter – Modyul 9
PAGSULAT NG BIBLIOGRAPIYA

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon
Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Kwarter – Modyul 9: Introduksyon sa Pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipino
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral


Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,
Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato
Tagasuri ng Nilalaman: Dolores A.Tacbas
Tagasuri ng Lingguwahe: Desiree E. Mesias
Tagabalibasa: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar,PhD, EPS 1

Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III


Panrehiyong Direktor
Pangalawang Pangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pangalawang PanrehiyongDirektor
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay
Nimfa R. Lago, PhD
Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay

Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD


Miyembro: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar,PhD, EPS Filipino; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.p
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
IKALAWANG Kwarter – Modyul 9
INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


ALAMIN
Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang


kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang
pagsulat ng pananaliksik

Sa araling ito ang iyong kaalaman at pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating


kaalaman ay mauugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari
mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.

Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong
sagutin ito. Kaya mo ‘to! Hand ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 9

Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino

Markahan: Ikalawa Linggo: 9 - 10

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

Pangkalahatang Ideya

Tiyak na nabigyan ka ng pagkakataong matutunan ang iba’t ibang bagay


tungkol sa wika at komunikasyon sa mga naunang modyul. Ngayon, batid kong
mas masasabik kang matutunan ang huli nating aralin. Sa Modyul 9,
malalaman mo ang ilang panimulang kaalaman tungkol sa pananaliksik. Sa
Senior High School, isang mahalagang aspekto ang pag-aaral mo sa
pananaliksik. Upang lubusang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga
mag-aaral sa gawaing ito, itinakda ng kurikulum sa Filipino mula sa Kagawaran
1
ng Edukasyon ang pagkakaroon ng mga bahagi ng pananaliksik para sa iba’t
ibang kurso at larangang pang-akademiko.

Nilalaman ng Modyul

Napakabuting matuto ang isang tao tungkol sa riserts o pananaliksik.


Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado,
empirical at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal
tungkol sa mga natural na pangyayari. Ayon sa mga dalubhasa, ang
pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok ng teorya, o
paglutas ng isang suliranin.

Mga Layunin

Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa iyong pagtuklas sa ilang


panimulang kaalaman na kakailanganin mo sa pagbubuo ng isang
pananaliksik. Nakapaloloob dito ang mga gawain, mga pagsasanay na
sasagutan nang sa gayon ay masukat ang iyong kaalamang malinang sa
modyul na ito. Inaasahang sa katapusan ng kabanatang ito:

1. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang


kultural at panlipunan sa bansa ( F11EP-IIij-35)

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto. Tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay (Subukin at Tayahin) kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang
pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang
mga hakbang sa pagbuo ng isang sulatin. Makikita sa bahaging pagyamanin naman
ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa pagbuo ng isang sulatin na
lilinangin sa aralin.Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga layuning
pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng
mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigting ng mga natutunan sa
araling tinalakay.

Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang


mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang Pagtataya na susukat sa iyong


dating kaalaman.

2
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag- alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa
na nakapaloob dito.

3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga


kaugnayang gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.

4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka


kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro
ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.

5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag


masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk. Upang mas lalong
makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

➢ Basahin at unawaing mabuti ang mga aralin.

➢ Sundin ang mga panuto ng mga gawain at pagsasanay.

➢ Sagutin nang mabuti at isaulo ang mga gawain.

3
INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO

“Maraming kabutihang naidudulot ang pananaliksik sa pagtugon sa


mga suliranin at mga katanungan ng isip”

https://www.google.com.ph/search?q=pananaliksik&sxsrf=ALeKk00d4dViR-
aWcMGgNgtrR4Ojl6FTPg:1590116166001&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjOieepvMbpAhUTrZQKHUDWDtQQ_AUoAXoECAwQAw&biw=102
4&bih=457#imgrc=XMfmbE6zjVN4SM

4
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan kaugnay sa mga


hakbang sa pananaliksik. Isulat ang titik ng iyong sagot sa hiwalay na papel o
notbuk.

1. Ano itong sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil


sa isang tiyak na paksa o suliranin?

a. Pagtatanong

b. Pananaliksik

c. Panayam

d. Pagbabalita

2. Ano ang huling hakbang sa pananaliksik?

a. Pinal na balangkas

b. Piliin ang Paksa

c. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

d. Pagwawasto at Pagrerebisa

3. Ano itong hakbang sa pananaliksik na binibigyang pansin ang pagsasatama ng


isinulat ng nilalaman at gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng
salita?

a. Pagwawasto at pagrebisa

b. Pinal na balangkas

c. Paglalahad ng layunin

d. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

5
4. Ano itong hakbang sa pananaliksik na tuloy-tuloy ang pagsulat ng kaisipan

o ideyang dumadaloy sa kaisipan?

a. Pangangalap-tala

b. Balangkas

c. Pagwawasto at pagrerebisa

d. Pagsulat ng burador

5. Ito ang hakbang sa paghahanap ng mga impormasyon at pagsulat agad nito


para sa pananaliksik na karaniwang ginagamitan ng index card?

a. Pinal na balangkas

b. Pangangalap ng tala

c. Piliin ang paksa

d. Balangkas

B. Panuto: Sa tulong ng mga salita pagkatapos ng patlang, ayusin ang mga


scrambled na mga letra ayon sa mga terminong may kaugnayan sa pananaliksik.

SCRAMBLED
NA SALITA
SALITA KAHULUGAN
1. RTOAW Manunulat

2. KAPSA Pinag-uusapan sa pananaliksik

3. LBNASGAK Paghahanay ng mga salita

4. RBORDOA Hindi pa pinal


Mga sanggunian na ginamit sa
5. AYIPARGOILBIB
pananaliksik

6
ARALIN 9

Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa kakayahang diskorsal

YUGTO NG PAGKATUTO

A. TUKLASIN

https://www.google.com/search?q=introduksyon+sa+pananaliksik&rlz=1C1RLNS_enPH901PH902&sxsrf=ALeKk02venHEmn02_r_gev0m88WQSGYbNw:1590681201559&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEw
i13OCf9dbpAhVD62EKHdT-AQ0Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1035&bih=580#imgrc=FmLFnXUbd5HQdM

7
Sa puntong ito, subuking sagutin ang sumusunod na katanungan bilang
paghahanda sa gawaing may kinalaman sa pagsulat ng pananaliksik.

Gawain 1

Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba, isulat sa gitnang bilog ang


para sa iyo’y isang mainit at napapanahong isyu sa bansa sa
kasalukuyan na may kaugnayan sa kalagayang kultural at panlipunan.
Sa mga pantulong na bilog naman, isulat kung ano ang alam mo o ideya
mo hinggil sa isyung iyo. magbigay ng sariling ideya ukol sa
pinakamainit na isyu sa kasalukuyan na may kaugnayan sa kalagayang
kultural at panlipunan ng bansa.

__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________

Kasalukuyang isyu sa
kalagayang Kultural at
Panlipunan ng Pilipinas

__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________

8
B. SURIIN

Siyasating mabuti ang mga nakalahad na gabay para sa pagsasagawa ng


pananaliksik.

Gabay sa Pananaliksik

1. Pagtukoy ng Paksa
• Ano ang paksang nais pag-aralan?

2. Panimulang Tanong at Layunin

• Sa lawak ng iyong interes o dami ng natutuhang kaalaman ukol sa


penomenang pangkultura at panlipunan, ilimita ang paksa sa
paghahain ng isang tiyak na tanong. Tiyakin na ang paksa ay ukol sa
kultura at lipunang Pilipino.
• Tukuyin kung ang tiyak na tanong na ito ay nakapaloob sa praktikal,
pilosopikal, tentatibo, imbestigatibo o disiplinal na tanong.
• Ilahad ang layunin ng pag-aaral.

3. Tentatibong bibliyograpiya

• Tiyakin na mayroong inihandang tala ng mga sanggunian


• Isulat ito sa magkakahiwalay na indeks kard- para sa aklat, sa
pahayagan, sa websites at iba pa.
• Sipiin nang buo ang orihinal na teksto kung sa palagay mo ay higit na
magpapalinaw sa puntong nais bigyang-diin.
• Ang talasanggunian ay tala ng mga pinaghanguan ng mga
impormasyong nabanggit sa kabuuan ng sulatin, samantalang
ang bibliyograpiya ay lista rin ng mga sanggunian na ginamit
lamang na batayan sa nilalaman ng sulatin.
• Ang talababa-bibliyograpiya, isang nakalimbag na tandaan na
nakalagay sa ibaba ng teksto sa isang nakalimbag na pahina

9
• Parentetikal-Sanggunian isa pa ring paraan ng pagkilala na kung
saan ay parsyal lamang, nakapaloob sa mga panaklong () ang
pagkilala sa awtor na maaaring makita sa loob o hulihan ng
pangungusap.

4. Paglalatag ng Iba pang Tanong at Pagbabalangkas ng Paksa


a. Mula sa tiyak na tanong, maglaan ng maliliit na tanong kaugnay nito.
b. Isulat ang balangkas ayon sa mga tanong na inilatag.

5. Pangangalap ng Datos at Interpretasyon nito


a. Tiyakin na angkop ang metodo sa pangangalap ng datos
b. Masinop na tipunin at suriin ang datos na nakuha
c. Talakayin ang mga konsepto o ideya na gagabay sa pag-unawa ng
datos.

10
6. Pinal na Balangkas
a. Ayusin ang balangkas ng iyong paksa sa karagdagang
impormasyon at detalyeng nakuha.
b. Magdagdag ng mga sub-topics kung kinakailangan
Sikaping nakatuon sa orihinal na tanong at nakaayon pa rin sa
paksa ang pulidong pagsulat ng pinal na balangkas.

11
Gawain 2

A. Panuto: Isulat sa tamang format ng bibliograpiya ang mga sangguniang nasa


mga kahon gamit ang estilong APA.

Pangalan ng awtor o mga awtor: Paz, Consuelo J. et al.

Pamagat ng aklat: Ang Pag-aaral ng Wika

Taon ng pagkalathala: 2003

Ang tagapaglathala: The University of the Philippine Press

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

Pangalan ng awtor o mga awtor: Ma. Gemma C. Dela Fuente

Pamagat ng artikulo: Kahalagahan ng Pagsasaling-Wika

Petsa ng Publikasyon: Oktubre 23, 2014

Pamagat ng Publikasyon: Udyong Bataan Official Website

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

12
Pangalan ng awtor o mga awtor: Richelle Sy-Kho

Pamagat ng artikulo: Kto 12: Lessons to be Taught in Mother Tongue


to Help Students Learn Better and Stay in School

Petsa ng Publikasyon: June 18, 2012

Pamagat ng Publikasyon: GMA News Online

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

Nagmula sa: Agence France-Presse

Petsa ng Paglilimbag: Agosto 7, 2015

Pamagat ng artikulo: To create a World Without Nuke

Pamagat ng Publikasyon: Philippine Daily Inquirer

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

13
Panagalan ng awtor o mga awtor:Virgilio S. Almario

Pamagat ng aklat: Filipino ng mga Filipino

Taon ng pagkalathala: 2009

Ang tagapaglathala: Avil Publishing, Inc.

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

C. ISAISIP

Napakabuting matuto ang isang tao tungkol sa riserts o pananaliksik. Ayon kay
Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empirical at
kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa mga natural
na pangyayari. Ayon sa mga dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap
ng teorya, pagsubok ng teorya, o paglutas ng isang suliranin.May mga hakbang na
sinusunod ang pananaliksik upang maging matagumpay.

D. ISAGAWA

Gawain 3

Gamit ang iyong naging tugon sa Gawain 1, pag-ugnayin ang mga ideya mo sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga salita at pangungusap upang makabuo
ng isang sulating pananaliksik.

Panuto: Naatasan kang magsaliksik at bumuo ng sulating pananaliksik tungkol sa


paksang may kaugnayan sa penomenang kultural at panlipunan sa ating
bansa. Gumamit ka ng angkop na mga salita at pangungusap upang
mapag-ugnay mo ang ideya sa iyong sulatin.

14
Maari kang pumili ng isa sa mga paksang nakalahad sa ibaba subalit maaari
din namang ikaw ay mag-isip ng kaugnay na paksang ihihingi mo muna ng pahintulot
o pag-apruba ng iyong guro bago mo simulan ang gawain.

Mga natatanging kultura sa inyong sariling bayan,lalawigan,o rehiyon na


hindi makikita saanmang bahagi ng bansa
Mga instrumentong pangmusikang natatangi sa inyong lugar
Mga pagkaing natatangi sa inyong lugar na may potensiyal na maipagbili sa
ibang lugar upang mapagkakitaan.
Magandang lugar sa inyong pamayanan o lalawigan na hindi pa
naipakikilala sa mga turista subalit may potensiyal na maging tourist spot.

Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong gagawing sulating


pananaliksik. Isulat ang iyong gawa sa isang piraso ng papel, ayusin ang pagkasulat
upang mas madaling mabasa at lubos na maintindihan.

Pamantayan 4 3 2 1
Ang paksa ng Ang sulating Ang paksa ng Ang paksa ng
sulating pananaliksiksa sulating sulating
pananalisik sa mga pananaliksik sa pananaliksik ay
mga penomenang mga walang
penomenang kultural at penomenang kinalaman sa
kultural at panlipunan ay kultural at penomenang
panlipunan ay makikita sa panlipunan ay kultural at
Paksa sadyang sriling hindi panlipunan sa
natatangi sa pamayanan, matatagpuan sa sarili mang
sriling lalawigan, o sariling pamayanan at
pamayanan,lala rehiyon subalit pamayanan, maging saan
wigan o rehiyon. makikita rin sa lalawigan,o mang panig ng
iba pang bahagi rehiyon kundi sa bansa.
ng bansa. ibang bahagi ng
bansa.

Nakagamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng Walang


angkop na angkop na mga ibang angkop kaangkupan
angkop na mga salita at na mga salita at ang
salita at pangungusap sa pangungusap pagkakagamit
Paggamit ng pangungusap pag-ugnay- sa pag-ugnay- ng mga salita at
Angkop na kayat hindi lang ugnay ng mga ugnay ng mga pangungusap
Salita napag-ugnay- ideya sa binuong ideya sa sa pag-ugnay-
ugnay nang sulatin. binuong sulatin. ugnay ng mga
maayos ang ideya sa
mga binuong sulatin.
ideya kundi

15
naging
kapanapanabik
din ang
pagbasa sa
bawat pahina.

Nakasunod sa Nakasunod sa Nakasunod sa Magulo ang


tamang mga tamang ilang hakbang naging proseso
hakbang sa hakbang sa sa pagbuo ng sa pagbuo ng
pagbuo ng pagbuo ng sulating sulating
Pagkakabuo sulating sulating pananaliksik. pananaliksik at
ng Sulatin pananaliksik na pananaliksik. itoy makikita sa
nagbunga ng produktong wala
sulating lumabis ring kaayusan.
pa sa
inaasahan

Mga mahahalagang layunin ng pananaliksik ay:

1. Makadiskubre ng bagong kaalaman


2. Maging solusyon sa suliranin
3. Umunlad ang sariling kamalayan sa paligid.
4. Makita ang kabisaan ng ginagamit na pamamaraan estratehiya.
5. Mabatid ang lawak ng kaalaman sa isang particular na bagay.
Napauunlad ng pananaliksik ang kritikal at analitikal na pag-iisip ng isang
mag-aaral na magbubunga ng pagkakaroon ng higit na malawak na
perspektiba at kaalaman sa mga bagay-bagay sa lipunan at sa mundo sa
pangkalahatan. Nakakaya rin niyang tumayong mag-isa, at masanay na siya
sa paghahanap ng mga datos bilang tugon sa paglutas ng mga suliranin at sa
mga pagsubok sa buhay.

16
TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong kaugnay sa mga hakbang sa


pananaliksik. Isulat ang titik ng iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ano itong sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon


hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin?

a. Pagtatanong
b. Pananaliksik
c. Panayam
d. Pagbabalita

2. Ano ang huling hakbang sa pananaliksik?

a. Pinal na balangkas
b. Piliin ang Paksa
c. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
d. Pagwawasto at Pagrerebisa

3. Ano itong hakbang sa pananaliksik na binibigyang pansin ang


pagsasatama ng isinulat ng nilalaman at gayundin ang baybay, bantas
at wastong gamit ng salita?

a. Pagwawasto at pagrebisa
b. Pinal na balangkas
c. Paglalahad ng layunin
d. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

17
4. Ano itong hakbang sa pananaliksik na binibigyang pansin ang
pagsasatama ng isinulat ng nilalaman at gayundin ang baybay, bantas
at wastong gamit ng salita?

a. Pagwawasto at pagrebisa
b. Pinal na balangkas
c. Paglalahad ng layunin
d. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

5. Ano itong hakbang sa pananaliksik na tuloy-tuloy ang pagsulat ng


kaisipan o ideyang dumadaloy sa kaisipan?

a. Pangangalap-tala
b. Balangkas
c. Pagwawasto at pagrerebisa
d. Pagsulat ng burador

6. Ito ang hakbang sa paghahanap ng mga impormasyon at pagsulat agad


nito para sa pananaliksik na karaniwang ginagamitan ng index card?

a. Pinal na balangkas
b. Pangangalap ng tala
c. Piliin ang paksa
d. Balangkas

7. Ito ay talaan ng ibat ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo,


report, peryodiko, magasin, website, at iba pang nalathalang material na
ginamit.

a. Balangkas
b. Bibliograpiya
c. Pangangalap ngTala
d. Pagsulat ng Burador

8. Ito ay napakahalagang mapiling mabuti upang maging matagumpay ang


isang sulating pananaliksik.

a. Paksa
b. Bibliograpiya
c. Balangkas
d. Buod

18
9. Nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik.

a. Introduksyon
b. Balangkas
c. Kongklusyon
d. Katawan

10. Ang bibliograpiya ay nagtataglay ng mga sumusunod maliban sa,

a. Pangalan ng awtor
b. Petsa ng kapanganakan
c. Impormasyon ukol sa pagkalathala
d. Pamagat ng kanyang isinulat

19
20
Panghuling Pagtataya
1. A 6.B
2.B 7. B
3.A 8. A
4.D 9. C
5.B 10. B
Gawain 1.
Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang sagot
Gawain 2.
Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang sagot
Panimulang Pagsusulit
1. A B. 1. AWTOR
2. B 2. PAKSA
3. A 3. BALANGKAS
4. D 4. BORADOR
5. B 5. BIBLIOGRAPIYA
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House, 2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Diwa. 2016 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. C&E. 2016 Sidhaya 11. C&E. 2016
Daloy ng Wika. Brilliant Creations Publishing, Inc. 2016

B. Websites

https://www.google.com.ph/search?q=pananaliksik&sxsrf=ALeKk00d4dViR-

aWcMGgNgtrR4Ojl6FTPg:1590116166001&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved

=2ahUKEwjOieepvMbpAhUTrZQKHUDWDtQQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1024

&bih=457#imgrc=XMfmbE6zjVN4SM

https://www.google.com/search?q=introduksyon+sa+pananaliksik&rlz=1C1RLNS

AQ0Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1035&bih=580#imgrc=FmLFnXUbd5HQdM

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon

21

You might also like