You are on page 1of 5

Ikalawang Markahan

SY: 2022-2023
(Unang Semestre)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

ARALIN 2. ANG MUNDO NG KOMUNIKASYON SA MGA PILIPINO

2.1 ANG KALIKASAN AT KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

Ang nagaganap sa atin araw-araw ay isang komunikasyon. Ang pagtingin sa mga billboards, panonood ng telebisyon,
pagbukas ng Facebook para basahin ang nakasulat sa post ng kaibigan o kakilala, gayundin ang pagkokomento rito, pagkindat at
pagsabi ng “Mahal Kita” sa napupusuan ay bahagi ng tinatawag nating komunikasyon. Ang komunikasyon ay nagmula sa salitang Latin
na communicare, na ibig sabihin ay “maging komon o magbagi”. Ito ay isang proseso ng pagbuo at paggamit ng mensahe upang
makabuo ng kahulugan batay sa impluwensya ng mga partikular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang nag-
uusap.

Ayon sa pag-aaral ng grupo nina Josefina Mangahis, tagapangulo ng De La Salle University, ang komunikasyon ay proseso ng
pagpapahiwatig at pagpapahayag ng mensahe tungo sa pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng isa o higit pang kalahok na gamit ang
makrong kasanayan tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at panonood. Proseso ito dahil nagpapahiwatig ng mga mensahe
na nagpapahayag ng mga kahulugang nakapabalot at nakapaloob sa isang sistema ng signipikasyon o signification. Ang sistema ng
paghihiwatig ay binubuo ng signifier at ng signified. Arbitaryo ang ugnayan ng signifier at signified kung kaya’t iba-iba ang mga
pahiwatig ng wikang ginagamit sa komunikasyon sa iba’t-ibang panahon, lugar, at konsteksto tulad suot, damit, hitsura, tindig, kilos,
gawi. At iba pang nagpapahayag ng mga mensaheng nababasa at nauunawaan ng tao.

2.2 MGA PRINSIPYO NG KOMUNIKASYON

 Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili. Bawat isa sa atin ay bahagi ng komunikasyon dahil ang mundo ay
nangangailangan ng pakikibahagi sa isa’t-isa. Kung paano tinitingnan ang iyong sarili ay malaking bagay kung paano ka
makipagtalastasan o makipagkomunikasyon. Bawat indibidwal ay nabubuhay sa patuloy na nagbabagong mundo ng karanasan
na ikaw ang sentro. Ito ay walang tigil na daloy ng salitang pumupulupot, dayagonal na estruktura na gawaing sosyal. (Shotter,
2000, p.1999).

 Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao. Sa prinsipyong ito, naaplay ang “No man is an Island”. Ipinapakita
rito na ang bawat isa sa atin ay kumikilos sa ating mga tungkulin (roles) ayon sa inaasahan o ekspetasyon ng iba. Bumubuo tayo
ng sariling imahe batay sa mga taong pinaniniwalaan at kung paano ka nila inuuri ayon sa sistemang kinabibilangan. Halimbawa
nito ang tungkulin bilang isang anak sa tahanan, estudyante sa paaralan, at kaibigan sa kinabibilangang pangkat.

 Ang komunikasyon ay binubuo ng dimension. Sa komunikasyon, mahalagang matutuhan na ang mensahe ay binubuo ng
pangnilalaman (content) at relasyon (relational) na dimensyon. Kapag sinabihan ka ng guro na “Tumayo” ang salitang ito ay
nakapaloob sa pangnilalaman na dimensyon na nagsasaad ng pagpapahayag ng pag-utos. Ang pagsasagawa ng kilos mula rito
ayon sa intensyon ng guro, at kung paano mo ito nabigyang-kahulugan batay sa persepsyon mo, ay naghuhudyat na nagawa ang
relasyong dimensyonal.

Kaugnay nito, si Watzlawick et al (1967), ang nagsabi na kapag ikaw ay nakikipagkomunikasyon,


awtomatikong inuugnay mo na agad ang iyong sarili sa kanila. Ipinaliwanag din niya na kapag ang salita ay nasa anyong isinasagawa
sa pagpapadala ng impormasyon, ito ay isang pagnilalamang antas (Content level). Kung paano inuugnay naman ang mensahenito sa
lipunan at personal ay nagiging relasyonal na antas naman ito (relational level) ito.

 Ang komunikasyon ay komplikado. Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil nakapaloob dito ang ibat’t
ibang aspekto ng mensahe – ang berbal,di berbal at pag-uugali nito; ang pagpili ng lugar at tsanel na gagamitin gayundin ang
perkspektiba o relasyon sa pagitan ng tagapagdala (sender) at ng awdyens; at ang sitwasyon kung saan nagaganap ang
komunikasyon. Ang pagbabagong magaganap sa mga baryabol na ito ay makaaapekto sa proseso ng komunikasyon.

 Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo. Lahat ng komunikasyon ay nagpapakilala ng paggamit ng simbolo, paksang
mayroon na sa mahabang tradisyon sa kasaysayan ng ating disiplina (Saussure,1910/1993), isang lingguwistika. Ang simbolo ay
isang bagay o ideya na ang kahulugan ay mas komplikado sa kung paaano ito tingnan. Sinasabi na ito ay arbitraryong
representasyon ng ideya,konsepto,bagay,tao.relasyon,kultura,kasarian at lahi. Halimbawa nito ay hugis ng puso na simbolo ng
pag-ibig at ang bituin sa balikat ng isang marino na sumisimbolo sa kapangyarihan at ranggo. Kasama rin sa simbolo ang
kilos,tunog,larawan logo,marka,at iba pang bagay na kumakatawan maliban sa sarili. Sa komunikasyon ang simbolo at tanda o
P.1
sign ay magkaiba. Ang tanda ay teknikal na nagpapakita ng sanhi ng ugnayan sa isang bagay. Halimbawa, usok ang tanda na
may apoy; ang basing kalsada ay tanda na umuulan.

 Ang komunikasyon ay nangangailangan ng kahulugan(meaning) Sa komunikasyon, mahalaga ang gamit ng mga simbolo
para makabuo ng kahulugan. Subalit ang isang simbolo ay maaring magbago pa ulit ng panibagong kahulugan kung isasama ito
sa sa ibang simbolo. Halimbawa,ang konsepto ng ‘kaligayahan’ ay maaring maipahayag sa salitang “Masaya ako” o sa
pamamgitan ng pag thumbs-up o kaya naman ay pagwagayway ng watawat at pagtalon nang mataas kapag nanalo sa
patimpalak.

 Ang komunikasyon ay isang proseso. Ang komunikasyon ay isang proseso dahil ito ay isang aktibidad
(activity),pagpapalitan(exchange) ng mga set na pag-uugali o behaviour na hindi nagbabago ang produkto. Ito rin ay binubuo
ng hindi lamang isang proseso kundi marami pang proseso na kinasasangkutan ng tagapagdala (sender) at tagatanggap
(receiver). Isang halimbawa nito ay ang pagtiyak ng tagapagdala/tagatanggap ng mensaheng ipinapadala niya, sa paanong
paraan/midyum niya ito ipadadala, mga salita o simbolong gagamitin, paano ito maiintindihan, at ano ang reaksiyon ng
tagatanggap sa mensahe. Halimbawa, sa pagbibigay ng talumpati, hindi lamang ang katotohanan o kaalaman (facts) ang
ibibigay (representasyonal), kundi pati ang pagpili ng mga katotohanan o kaalamang ito na gagamitin sa presentasyon upang
mas magiging kawili-wili sa awdyens (presentasyonal).

2.3 KOMPONENT NG KOMUNIKASYON


Makikita sa ibaba ang isang dayagram ng component ng komunikasyon.

Mga Tao. Mahalagang komponent ng komunikasyon ang tao dahil sila ang tumatayo bilang tapagpadala (sender) at tagatanggap
(receiver) ng mensahe. Ang tagapagpadala (sender) ang nagsasagawa ng pagbibigay o pagsisimula ng pagpapadala ng mensahe (enkowd)
na bibigyang-kahulugan (dekowd) ng tagatanggap (receiver) ayon sa inaasahan o layunin ng mensahe nito.

Mensahe. Ito ay berbal o di berbal na porma ng ideya, naiisip, o naramdaman ng isang tao (tagapagdala o sender) na nais
makipagtalastasan o makipag-ugnayan sa isang tao o pangkat ng tao. Ang mensahe ang nilalaman ng interaksiyon na kung saan
nakapaloob ang simbolo (salita o parirala) na ginagamit para ipahayag ang ideya, gayundin ang ekspresyon ng mukha, gayundin ang
kilos ng katawan, pisikal, na kontak, tono ng boses, at iba pang di-berbal na koda. Ang mensahe ay maaaring nag-uugat sa intensyonal at
relatibong maikli at madaling maintindihan o kaya’y mahaba at komplikado.

Midyum/Tsanel. Ang mensaheng nabuo ng tagapagdala (sender) ay ibinabahagi o ipinapadala sa tagatanggap (receiver) sa pamamagitan
ng instrumento o midyum tulad ng radyo, telebisyon, cellphone, email, mga larawan, at iba pang katulad nito. Sa harapang
komunikasyon (person-to-person communication) naipadala ang mensahe gamit ang tsanel na sound at light waves upang makita at
marinig ka ng tagatanggap.

Pidbak. Bahagi ito ng sitwasyong komunikasyon kung saan magsasagawa ng berbal o di-berbal na sagotang tagatanggap (receiver) sa
pinanggalingan ng mensahe (sender).

Ingay. Ang ingay ay isang sagabal sa pagpadala o enkowd at pagbibigay kahulugan o dekowd ng mensahe. Tinutukoy na ingay rito ay
maaring pisikal o sikolohikal. Pisikal na ingay ito kung may suliraning pandinig, malalakas na tunog sa kapaligiran, gambala sa paningin
tulad ng dumi sa ngipin, gayundin ang espasyo kung gaano kalapit ang kausap. Ang sikolohikal naman ay ang mga gumagambala na
nagaganap o nangyayari sa isipan ng tao tulad ng wala sa katinuan sa pag-iisip o may dala-dalang problema, pamilya, relasyon, at
trabaho. Nakakaapekto ang ingay dahil nakakahadlang ito na matanggap, mabigyang-kahulugan, magbigay ng pidbak hinggil sa
mensahe.

Koda. Ito ay sistematikong pagkakaayos ng mga simbolong ginaganap upang makabuo ng mga kahulugan sa kaisipan ng tao o pangkat
ng tao. Ang mga salita, parirala, at pangungusap ay nagiging “simbolo” na ginagamit upang magdala ng imahen, ideya, at naiisip sa utak
ng ibang tao. May dalawang koda ang ginagamit sa komunikasyon: (1) Kodang Berbal kapag nakapaloob ang mga simbolong gamit sa
P.2
wika tulad nga pagkakaayos ng mga pangungusap. (2) Kodang Di-Berbal naman kapag nakapaloob ang mga nonoral na koda tulad ng
kilos ng katawan, espasyo, oras, pananamit, at iba pang palamuti. Kasama rin sa kodang di-berbal ang punto, haba, intonasyon, bilis,
antala, ng mga tunog na nabubuo ng mga salita o mas kilala ito bilang Paralanguage.

2.4 TATLONG PARAAN NG KOMUNIKASYON

Komunikasyon bilang Aksyon. Sa paraang ito, ang pinagmulan ng mensahe (sender) ay naghahatid ng mensahe na maaring
natanggap ng tagatanggap (receiver). Halimbawa nito ay ang pagpapadala ng simpleng text ni Sophia kay Matteo subalit hindi nabasa
ang mensahe. Sa ganitong paraan, mahirap makita na ito ay isang komunikasyon dahil walang nakabasa, subalit mayroong pagtatangka
o attempt na naganap para magsagawa ng komunikasyon.

Komunikasyon bilang Interaksiyon. Sa paraang ito, nagkakaroon ng pagpapalitan ng impormasyon sa dalawang indibidwal.
Halimbawa nito sa ibinigay na sitwasyon tungkol sa pagpapadala ng text message ni Sophia, nagtangkang basahin na ni Matteo ang
mensahe, subalit hindi ito nagrereply o tumugon dito. Ang pagpapalitang ito ay isang representibo na mas tipikal na persepsyon ng
komunikasyon.

Komunikasyon bilang Transaksyon. ito ang tipikal na bumibigay ng kahulugan ng mga awtor ng komunikasyon. Sinasabing
sa komunikasyong ito, naisagawa ang paraang bahginan ng kahulugan at unawaan ang isa o maraming indibidwal. Sa binigay na
halimbawa tungkol sa nagtetext, nagawa nang replayan o sagutin ni Matteo ang text message ni Sophia na nagpapakita na nagkakaroon
ng transaksyon sa pagitan ng tagapagpadala (sender) at tagatanggap (receiver)

2.5 URI NG KOMUNIKASYON AYON SA KONTEKSTO


Ang komunikasyon ay nagaganap sa isang konteksto-isang set ng sitwasyon o pagkakataon na nagaganap sa dalawang
magkaibigan, pangkat ng tao at iba pang may kaugnayan sa bilang isang tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe. Narito ang iba’t-
ibang uri ng komunikasyon ayon sa konteksto.

 Komunikasyong intrapersonal. Ito ay proseso ng komunikasyon na ang mensahe at kahulugan ay nabubuo o nagaganap sa
sariling isip o ideya lamang. Halimbawa nito ay ang pagkunot ng noo sa napakinggan o napanood na balita sa telebisyon at
pagtawa ng mag-isa dahil naalala ang masayang karanasan kasama ang mga kaibigan noong nasa elementarya.

 Komunikasyong interpersonal. Ito ay ang proseso ng paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan sa pagitan ng hindi
bababa sa dalawang tao sa isang sitwasyon. May dalawang sabset ang komunikasyong interpersonal-ang dyadic at small group
communication.

Source Receiver
Receiver Source

Ang dyadic na kumunikasyon ay nagaganap sa dalawang tao tulad ng interbyu at usapan ng mag=asawa o magkasuntahan at di-
kilalang tao, o kaibigan.

P.3
 Komunikasyong Pampubliko.
Ito ay proseso ng paggamit ng mensahe kung paano nakabubuo ng kahulugan sa isang sitwasyon. Kung saan ang simpleng
pinagmulan (source) ay nagpapadala ng mensahe sa iba’t ibang bilang ng tagatanggap (number of receivers) na nagbibigay ng
di-berbal at minsan ay tanong-sagot na pidbak. Sa kumunikasyong pampubliko, ang pinaggalingan (source) ay umaangkop ng
mensahe sa awdyens bilang pagtatangkang makuha ang pinakamataas na kaalaman at partisipasyon. Karaniwang nagaganap ang
komunikasyong ito sa open forum, talakayan sa klase, misa, at pagtitipon ng iba’t ibang sector.

 Kumunikasyong Pang-masa (Mass Communication).


Ito ay proseso ng paggamit ng mensahe sa pagbuo ng kahulugan sa isang namamagitan (mediated) na sistema sa pagitan ng
tagapagpadala patungo sa malaking bilang ng mga di nakikitang tagatanggap. Tinatawag itong “masa” dahil ang mensahe
naililimbag sa mga pahayagan, napapanood sa telebisyon, nagmumula sa signal sa broadcast studio patungo sa satellite o cable
system bilang paraan ng distribusyon.

 Kumunikasyong Computer Mediated.


Nakabilang dito ang komunikasyong pantao at impormasyon ibinabahagi sa pamamagitan ng communication networks. Sa
komunikasyong ito nangangailangan ng digital literasi ang isang tao- may abilidad namakahanap, makaebalweyt, at magamit
ang impormasyon na makikita sa kompyuter. Ang email messages, discussion group thread (Skype at iba pang ginagamit sa
teleconferencing), instant message sa cellphone, at pagbuo ng mga web page at sites na nagsisilbing mensahe habang ang tao ay
patuloy na nagseserbisyo bilang tagapagpadala (source) at tagatanggap (receiver) ng mga mensahe. Isa pang sikat na halimbawa
nito ang social media katulad ng Facebook at Twitter.

2.6 KOMUNIKASYON AYON SA INTENSYON

Mayroong mg uri ng komunikasyon na dapat maunawaan ang isang mag-aaral ng wika.

1. Tagumpay ng Komunikasyon- sa uring ito, maayos na naipadla at nabigyang-kahulugan ang mensahe ayon sa inaasahang
kahulugan o layunin nito.
2. Miskomunikasyon- intensyonal na naipadala ang mensahe sa tatanggap subalit nagkaroon ng suliranin o problema sa
pagkakaunawa o interpretasyon dito.
3. Aksidental na Komunikasyon- walang intensyong ipadala ang mensahe ng tagapagpadala (sender) subalit nabigyang
interpretasyon ito ayon sa nararamdaman nito. Halimbawa nito ang lagging paghikab ng mga mag-aaral sa loob ng klase habang
nagaganap ang talakayan.
4. Tinangkang Komunikasyon- intensyonal na ipinapadala ang mensahe subalit hindi ito nabigyang kahulugan ng tagatanggap.
Halimbawa nito ang pagtext ng girlfriend na makipagkita ng alas-2 ng hap0on sa isang restawran para pag-usapan ang
namumuong hidwaan dahil sa third party. Kung saan kinokondisyon na ng babae na kapag hindi sumipot ang kanyang
boyfriend, hudyat na ito, hindi nga nabasa ng kanyang boyfriend ang text message.
5. Walang Tangkang Komunikasyon- isa sa pinakadelikadong uri ng komunikasyon ang sitwasyong hindi intensyonal na ipadala
ang mensahi subalit nabigyang-kahulugan ito nang di-wasto. Halimbawa nito ang pangiti ng babae habang naglalakad 9di
intensyong sumagi lamang ang magandang nangyayari sa buhay niya) sa pangkat ng mga lalaki nag-iinuman, ngunit ang
pangkat ng mga lalaki ay napakahulugang ito na may nais o inaakit sila nito.

2.7 ANG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO (COMMUNICATIVE COMPETENCE)

Kaugnay sa pagtalakay ng komunikasyon, malaking pagkakataon na maunawaan ang iba’t ibang kakayahan na nakapaloob sa
kakayang komunikatibo. Sa pagkatuto sa mga kakayahan ay daan para matutuhan nating magsuri at mag-analisa ng mga nagaganap sa
ating wika at lipunan.

Ang kakayahang komunikatibo ayon sa sosyolingguwista na si Dell Hymes (1976-1972), ay siyang aspeto na nagbibigay sa
atin ng abilidad upang ihatid at bigyang-kahulugan ang mga mensahe at maunawaan ang kahulugang interpersonal sa loob ng
espisipikong konteksto. Tinitinggan din ito bilang relatibo, hindi absolute o ganap, at nakabatay sa kooperasyon ng lahat ng mga
sangkot sa participant. Sa kompitens na ito, nangangailangan ng sensitibiti sa dayalekto o rehistro at kaalam sa mga kultural na
reference tulad ng pamilyariti sa lipunan, pulitika, kulturang popular, istatus ng mga pangyayaring panlipunan at iba pa.

Hinahati ng manunulat na si James Cummin ang kakayahang komunikatibo bilang CALP (Cognitive Academic Language
Profeciency) at BICS (Basic Interpersonal Communicative Skills). Ang CALP ay isang dimension ng kakayahan na kung saan ang mag-
aaral ay kayang imanipula at magbigay repleksyon sa mababaw na mukha/ antas ng wika sa labas ng madaliang kontekstong
interpersonal tulad ng mga nagaganap sa klase. Halimbawa ay nag pagsagot sa pagsusulit sa loon ng klase ang pokus sa porma ng wika.
Ang BICS naman ay isang kakayahang natatamo mula pa lamang sa pagkabata upang maisagawa ang pagpalitang interpersonal o
komunikatibong pagpapalitan tulad ng kuwentuhan ng mga barkada o usapan ng pamilya habang namamasyal.
P.4
Sa pag-aaral ng kakayahang komunikatibo, isinasaalang-alang ang kategorya nito: (1) kakayahang gramatikal/lingguwistik at
kakayahang diskurso na tumatalakay sa lingguwistikang repleksyon; habang ang (2) kakayahang sosyolingguwistiks at kakayahang
estratedyik/pragmatic naman ay para sa kominikasyong repleksyon.

Kahalagahan ng Kakayahang Komunikatibo

Mga dahilan kung bakit kailangang may kasanayan komunikatibo.

1. Maipakita ang kalidad ng kakayahang akademik sa gawain.


2. Makaimpluwensya ng isipan ng iba at matularan ang sariling ideya, paniniwala, at pagpapahalaga (value).
3. Mapaglingkuran ang kapwa at mapatunayan ang tunay mong hangarin at layunin sa anumang gawain.
4. Maging maligaya.
5. Magkaroon ng magandang relasyon at pakikipagkapwa-tao.
6. Makabuo ng krebidalidad.

2.8 ANTAS NG PORMALIDAD SA PAKIKIPAGTALASTASAN O KOMUNIKASYON

Si Martin Joss (1967) sa aklat ni Brown (2000) na Principles of Teaching and Learning ay naghanda ng mga payak na
klasipikasyon ng mga estilong pagsasalita na ginagamit bilang pamantayan ng formality o pormalidad.

1. Oratorical o Frozen Style- kadalasan itong ginagamit sa pagsasalita sa harap ng publiko na may malaking bilang ng
awdyens. Mahusay na pagpaplano kaugnay sa mga salitang gagamitin, intonasyon, gayundin sa iba pang mga
mapanghihikayat na paraan ng pagsasalita, ang mga kailangan sa estilong ito.
2. Deliberative Style- ginagamit naman ang estilong ito sa tiyak na bilang ng awdyens na hindi kinakailangan ng mataas na
antas na pormalidad gaya ng nauna. Kadalasan itong isinasagawa sa loob ng klasrum o mga forum.
3. Consultative Style- ito ang tipikal na pakikipagdayalogo. Kailangan dito ang pormalidad sa pananalita sa pamamagitan ng
pagiging mapili sa mga salitang gagamitin. Kadalasan itong masasaksihan sa opisina at mga miting.
4. Casual Style- ang estilong ito ay higit na makikita sa usapan ng dalawang magkaibigan o kaya naman ay usapan sa
pagitan ng magkapamilya, hindi gaanong binibigyang-pansin dito ang pormalidad ng pakikipagsalitaan.
5. Intimate Style- tinataya ang estilong ito ang pagkawala ng anumang uri ng mga inhibisyon sa pakikipagsalitaan.
Nagaganap naman ito sa pagitan ng malapit na kaibigan, kapamilya, o karelasyon kung saan inihahayag ang sarili sa iba.

P.5

You might also like