You are on page 1of 4

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VIII
TACLOBAN CITY

LEYTE NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH

SCIENCE ,TECHNOLOGY, ENGINEERING, AND MATHEMATICS (STEM)

LEARNING ACTIVITY SHEETS (LAS)

PANGALAN ________________________________
TAON ________________________________
SEKSYON ________________________________

MGA KONSEPTONG PANGWIKA


(KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA, PAGTALAKAY NG IBA’T IBANG
INDIBIDWAL UKOL SA WIKANG PAMBANSA AT SANHI AT BUNGA)

PANIMULANG KONSEPTO
"Ang wika ang nagdala ng paglikha ng mga bagay-bagay.” – Henesis
Kapitulo I
Ang wika ang tanging daan tungo sa pag-unlad at pag-uunawaan. Ito rin
ang magiging daan sa pagwasak at pagsiphayo kung magagamit sa maling
paraan (Ponce, et.al, 2011)

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagbuo


at pag-unlad ng wikang Pambansa. (F11PS – lg – 88)

Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang


pagtalakay sa wikang Pambansa. (F11PN – lf – 87)
Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa
pag-unlad ng wikang Pambansa. (F11WG – lh – 86)

PAGSASANAY 1A: Hanapin sa KAHON ang tamang sagot na nasa


Hanay A. Letra lamang ang isulat sa sagutang-papel.

HANAY A
1. Ipinahayag na ang Tagalog ang siyang magiging batayan ng wikang
Pambansa sa Pilipinas.
2. Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng
edipisyon, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.
3. Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-
aralan 1963-64 ang mga sertipiko at diploma ng magtatapos ay ipalimbag
na sa Wikang Filipino.
4. Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog)
simula Hulyo 4,1946.
5. Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 1319
kapanganakan ni Manuel L Quezon.

A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96


B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60
C. .Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
D. Proklamasyon Blg. 186
E. Batas ng Komonwelt Blg. 570

PAGSASANAY 1A: Sagutan ang sumusunod.


1. Bilang mag-aaral, nakatulong ba ang nangyaring pananakop ng isang
bansa sa ating bansa upang magkaroon ng sariling wika?
Pangatwiranan.

PAGSASANAY 2: Tukuyin kung ang mga pahayag ay Opinyon o


Katotohanan.
1. Dapat isabatas ang pagpapalit ng Pilipino mula sa Filipino kung ang
tinutukoy ay wika.
2. Ang Wikang Filipino ay isang pagpapalawak na bersyon ng Pilipino.
3. Napapaunlad ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng palagiang
paggamit nito sa ating pamayanan.
4. Isang katotohanan na ang wika ay tinaguriang katawan at kaluluwa ng
isang bansang malaya.
5. Sa isang komunikasyon, kailangan nating magkaroon ng midyum na
gagamitin na siyang magbibigkis sa atin.

Batay sa mga pahayag mula sa iyong naging kasagutan, ipaliwanag


mo kung bakit OPINYON o HINDI ang iyong napiling sagot sa bawat
pahayag. Isulat ang iyong paliwanag sa sariling sagutang papel.

1. ________________________________________________
2. ________________________________________________
3. ________________________________________________
4. ________________________________________________
5. ________________________________________________
PAGSASANAY 3: Basahin at unawain ang panuto sa bawat bahagi
ng Gawain.

Sa kasalukuyan, ang wikang Filipino ay maituturing nang isang


intelektwalisadong wika sapagkat ito ang pangunahing gamiting wika sa
pagtuturo. Ito ay mula sa mababang antas hanggang gradwado. Kabalikat ng
wikang Ingles ang wikang Filipino dahil sa malayang nagkakapalitan ang
dalawang wika. Ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo ay
nakabatay pa rin sa Ingles. Ang mga paksang panturo ay isinasalin mula sa
Ingles patungo sa wikang Filipino. May mga panghihiram ding nagaganap dahil
magkatuwang ang dalawang wika upang ito ay mahusay na magamit.
Nagagamit na rin ito sa mga gawain ng pamahalaan. Ang mga batas ay may
katumbas na salin sa Ingles at Filipino upang matugunan ang pangangailangan
ng mas nakararami sa pag-unawa nito. Sa pagsulong ng nakakarami
na panatilihin ang Ingles bilang wikang panturo at maging ng sangay ng
pamahalaan ay nagresulta sa pagsilang ng Edukasyong Bilinggwal. Ito ay ang
pagkakaroon ng dalawang opisyal na wikang gagamitin. Ang Ingles at Filipino
na malayang gagamitin sa pagtuturo sa mga paaralan.
PANUTO: Mula sa teksto sa itaas. Punan ang tsart ng sanhi at bunga
ayon sa mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
SANHI BUNGA
Maituturing na intelektwalisadong
wika ang Filipino.
Malayang nagkakapalitan ang
dalawang wika.
Ang mga batas ay may katumbas
salin sa Ingles at Filipino.
Pagsilang ng Edukasyong Bilinggwal.
Magkatuwang na ginagamit ang
wikang Filipino at Ingles.

Mga Sanggunian :
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Kuwarter-
Modyul 9, 10 at 13.
Inihanda ni :

CIELLO MARIE R. IGANA


Subject Teacher

You might also like