You are on page 1of 4

Pahina |1

Sorsogon National High School


Pangalan ng mag-aaral:________________________________________Antas at Seksyon: ________________

PAMAGAT NG ARALIN: SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO, TELEBISYON, SOCIAL MEDIA AT


INTERNET

I. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inasaahang:

1. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa
mga panayam at balita sa radyo at telebisyon. (F11PN-IIa-88)
2. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog,
social media post at iba pa. (F11PB-IIa-96)

II. PAGLALAHAD NG ARALIN:

Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Telebisyon

Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa


dami ng mamamayan na naabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami
ang manonood saan mang sulok ng bansa.
Ang magandang balita, wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating
bansa. Malakas ang impluwensya ng maga programang gumagamit ng wikang Filipino sa mga
nanonood. Hindi kasi uso ang mag-subtitles o mag-dub ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal. Ang
madalas exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga Pilipino ang
nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang
wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan.
Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng mga
estasyon ng radyo sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino sa iba’t ibang barayti nito.
Mayroong programa sa FM tulad ng Morning Rush, na gumagamit ng Ingles sa
pagbobroadcast ngunit ang nakararami ay gumagamit ng Filipino. Sa mga panrehiyonal na radyo ang
kanilang diyalekto ang ginagamit ngunit kapag may kinapanyam ay gumagamit sila ng Tagalog.

Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet

Sa panahong ito ay mabibilang na lang marahil sa daliri ang tao lalo na ang kabataang wala
ni isang social media account tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Printerest, Tumblr at iba pa.
Maging mga nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizen na
umaarangkada ang social life sa pamamagitan ng social media.

III. GAWAING PAMPAGKATUTO


A. Gawain 1 – Pansin-paskil
Panuto: Basahin ang mga social media post. Pagkatapos tukuyin kung anong gamit ng wika ang
ginamit sa bawat post. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo para sa bawat bilang.

No portion of this activity learning sheet may be reproduced without the expressed consent of the writer, and of
Sorsogon National High School. December 16, 2020
Pahina |2

1.____________________________ 2.____________________________
___ ___

3.____________________________ 4.______________________________
___ _

5.____________________________ 6._______________________________
___

B. Gawain 2 – Balita- Basa, Suri!


No portion of this activity learning sheet may be reproduced without the expressed consent of the writer, and of
Sorsogon National High School. December 16, 2020
Pahina |3

Panuto: Basahin ang balita na ipinaskil ng Patrol.ph ng ABS-CBN news tungkol kay Kim Chiu binalikan ang
pinagdaanan dahil sa viral 'bawal lumabas' statement. Na ipinaskil noong May 26, 2020 03:48 p.m.
Pagkatapos tukuyin kung anong gamit ng wika ang ginamit sa balita. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo
sa ibaba.
MAYNILA — Binalikan ni Kim Chiu ang mga pinagdaanan niya bunsod ng kontrobersiyal na pahayag niyang
“bawal lumabas,” mula sa pamba-bash hanggang sa makahanap siya ng lakas na bumangon sa pagsubok.
Binitiwan ni Chiu ang nakakalitong pahayag sa isang Facebook Live noong Mayo 8, kung saan binatikos nila
ng mga kapuwa Kapamilya stars ang pagpapatigil ng gobyerno sa free broadcast operations ng ABS-CBN.
Sa panayam kamakailan ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Chiu na mas positibo na siya, ilang linggo
matapos umiwas sa social media dahil sa pambabatikos na kaniyang natanggap mula sa netizens.
“Lumabas na ako with a different perspective, more happy me. ‘Yon, hindi ako lumabas noong mga
panahong nagsilabasan lahat ng memes ko,” ani Chiu.
“I stopped talking to people, even ‘yong mga Viber group ko, nag-out ako, wala akong kinausap except sa
lahat ng tao dito sa bahay namin,” kuwento niya.
Bukod sa memes, nagkaroon din ng Tiktok videos ng mga taong sumasayaw sa mga kantang hango sa
kaniyang mga pahayag. Doon umano napagtanto ni Chiu na may mga tao naman siyang napasaya dahil sa
nangyari.
“Tapos sabi ko, 'ah, madami pa lang sumaya'. Hindi naman pala nila ako jinudge na bobo ako... hindi naman
pala lahat ‘yon ang sinabi,” aniya.
Kalaunan ay ni-release ni Chiu sa digital streaming platforms ang kantang hango sa kaniyang mga pahayag.

SAGOT:
Ang ginamit na wika sa balita ay ang _______________sapagkat ito ay_____________________________________.

C. Gawain 3- Pagtukoy at Pangangatwiran

Panuto: Basahin at suriin ang transkripsiyon ng panayam kay Manila Mayor Isko Moreno sa Magandang
Buhay. Pagkatapos, tukuyin ang iba’t ibang gamit ng wika sa mga nabasang pahayag.
Pangatwiranan ang sagot.Gayahin ang pormat na ibinigay.
Yorme: Magandang buhay sa inyo mga Momshie at sa ating mga manonood!
Karla: Maraming-maraming salamat at pinaunlakan mo kami ngayon dahil isa ka sa pinakaimportante na,
tao sa ating bansa.
Melai at Jolina: Yes
Karla: Thank you for saying ‘yes’ na binisita mo kami dito, Mayor Isko, Yorme.
Yorme: Maiba naman ang environment dahil, alam ninyo sa City Hall, it’s been my house, for the past four
months, straight, doon ako, meron akong anteroom, ‘yon, tatlong beses akong nahulog ako sa sofa, sa gabi.
Karla: A, doon ka lang? Hindi ka bumili ng parang pansamantalang kama mo.
Yorme: A, hindi may sofa naman ‘yon, doon na lang…dala nga ng kasi very fluid ‘yong sitwasyon ng covid,
nobody has an idea, kung anong...how to address it. So, decisions are being made every hour, every… you
know, very fluid e, kaya kailangan mabilis ang pagtugon. E, awa naman ng Diyos ah, ang Maynila
naman..may covid pa rin kami its very… still in a very dangerous, tricky situation.
Pero na-ma-manage naman. Sa ipinagpapasalamat ko ‘yan sa mga taga-Maynila sapagkat, a, nasunod
naman sila doon sa mga panawagan namin. Meron ding mga ilang pero a, generally, the general population
a, sumusunod naman.
Jolina: Very good. Yes,yes,yes.
Melai: Very good. At dahil din ‘yon sa inyong pamumuno.
Karla at Jolina: Totoo.
Yorme: Tingin ko ang bottom line, taong-bayan. Sa taong-bayan may orientation, right information, tamang
guidance.tingin ko pag naunawaan niya, makikita niya ang gravity ng situations.
Jolina:Corret, totoo, yes
Melai: Pero we cannot belive it Yorme na nakasama ka naming ngayon at ang pogi, pogi talaga sa personal
ni Yorme. Bahala kayo sa buhay ni’yo
Yorme: Sabi nga ni Karla,pogi daw ako noong araw, e.
Jolina at Melai:Aaaaah!

No portion of this activity learning sheet may be reproduced without the expressed consent of the writer, and of
Sorsogon National High School. December 16, 2020
Pahina |4

Ang iba’t ibang gamit ng wika na ginamit sa aking Ito ang napili kung gamit ng wika dahil ito ay
nabasa ay…. (ano ang nakita mong dahilan)

1.___________________________________________ 1.___________________________________________
2. ___________________________________________ 2. ___________________________________________
3.___________________________________________ 3.___________________________________________

IV. PAGLALAHAT – Mag-aaral, Mamamayan, May pakialam!

1. Bilang mag-aaral, bakit kailangan mong matutuhan ang gamit ng wika sa ating lipunan?
Bilang isang mag-aaral, kailangan kong matutuhan ang gamit ng wika sa lipunan
sapagkat_______________________________________________________________________

2. Gaano kahalaga sa iyo bilang mag-aaral ang matutuhan ang mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas
at iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan?

Bilang mag-aaral napakahalaga na matutunan ko ang mga sitwasyong pangwika at iba’t ibang
gamit ng wika dahi ito ay ___________________________________________________________

V. PAGTATAYA
Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng social media posts, programa sa telebisyon at sa radyo.
Pagkatapos ay ibigay ang gamit ng wikang ginamit at pangatwiranan ang sagot.

Social media Gamit ng wika Paliwanag


(Ano ang nakita mong dahilan kung bakit ito ang napili mong gamit
ng wika na ginamit sa post?)
1.
2.

Programa sa Gamit ng wika Paliwanag


Radyo (Ano ang nakita mong dahilan kung bakit ito ang napili mong gamit
ng wika na ginamit sa programa?)
1.
Programa sa Gamit ng wika Paliwanag
telebisyon (Ano ang nakita mong dahilan kung bakit ito ang napili mong gamit
ng wika na ginamit sa programa?)
1.
2.

VI. MGA TALA


Sa bahaging ito, maaari mong sabihin sa iyong guro ang hindi mo lubos na naunawaan, saang bahagi ka
nahirapan? o ano ang iyong natutuhan?
_____________________________________________________________________________________

Prepared by: JULIE ANN V. BALISORO, Teacher III


CRISTINA J. DUGAYO, Teacher I

Language Critic: FRANCOIS L. DETERA, Master Teacher I

Content Editors: FRANCOIS L. DETERA, Master Teacher I


ANNE E. MANCIA, Assistant School Principal II for Academics
MARILYN B. DIVINA, School Principal IV
No portion of this activity learning sheet may be reproduced without the expressed consent of the writer, and of
Sorsogon National High School. December 16, 2020

You might also like