You are on page 1of 6

ST.

ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL


Guinayangan Quezon

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
11-PIETY
Quarter 2- Modyul 2-3
Pangalan:
Petsa:

MGA NILALAMAN
MODYUL 1: Kakayahang Pang Komunikatibo ng mga Pilipino

LAYUNIN/OBJECTIVES
1. Nakapagsusuri ng mga sitwasyon batay sa modelo ng mga lingguwesta
2. Natutukoy kung sino, paano, kailan,saan at bakit nangyari ang sitwasyong pang komunikatibo
3. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita.
4. Nakapagsasagawa ng komentaryo ayon sa konteksto na napakinggan sa mga balita sa radyo o telebisyon.

Panimula at Pagganyak/Hook
Panalangin
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng
Espiritu Santo. Amen

Ama namin……

1
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan Quezon

Lunsaran/Engage
Magandang araw Grade 11! ating ipagpapatuloy ang talakayan sa mga aralin sa
Komunikasyon at Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino. Buksan nyo ang iyong aklat sa
pahina 162-167 at ating ipagpapatuloy ang talakayan, Kakayahang Komunikatibo, ng mga Pilipino
Kakayahang Sosyolingguwistiko. Buksan mo ang iyong aklat sa pahina 164-166 at iyong tunghayan
ang modelo na binuo ni Dell Hymes upang maging mabisa ang pakikipag talastasan ang SPEAKING.
Setting-Participant-Ends-Act Sequence-Keys-Instrumentalities-Norms-Genre.

Bilang paunang pagtataya ay atin munang subukin ang iyong kaalaman sa pagtukoy kung sino, saan, at bakit
nangyari ang sitwasyong pangkomunikatibo. Buksan mo ang iyong aklat sa pahina 169-172 at sagutin ang
sitwasyon sa bawat bilang sa SAGUTIN NATIN A at B. Isulat mo ang iyong sagot sa isang malinis na
papel.
SAGUTIN NATIN A. Ang gagawin nyo ay tutukuyin kung sino, paano, kailan at saan nangyari ang
sitwasyong pangwika.
Halimbawa:
Si Anna Rose ay nakapagtapos ng kursong Public Administration sa Southern Luzon State University. Nag
aral siyang mabuti at nakakuha ng scholarship upang may pantustos sa kanyang pag-aaral.
Sino: Si Anna Rose Balmes
Paano: nag-aral ng mabuti
Saan: SLSU
Bakit: Upang may pantustos sa pag-aaral

SAGUTIN NATIN B. Ang gagawin nyo ay pipili kayo ng angkop na salita (tamang salita) at paraan ng
paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan.
Halimbawa:
Hunyo 1, 2017 ng magtapos ng pag-aaral si Anna Rose na ginanap sa Scool Gymnasium ng SLSU.
Masayang-masaya ang bawat isa lalo na ang mga magulang nito, walang katapusang pagbati ang kanyang
natanggap mula sa mga ,magulang at mga kapatid.
Diyalogo (pag-uusap o conversation ng dalawang tao o higit pa)
Nanay: Maraming salamat sa Diyos at ikaw ay nakapagtapos na.
Anna: Salamat din po sa walang sawang suporta, lalo na sa tulong pinansyal

2
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan Quezon

Tatay: Hangad namin ang iyong tagumpay sa buhay.


(Paalala: ang gagawan ninyo ng diyalogo ay ang mga sitwasyon na matatagpuan sa aklat.)
Ngayon na tapos ka na sa pagsasanay Kakayahang Pragmatik at Istratedyik. Buksan mo naman ang iyong aklat
sa pahina 179-184 at tunghayan ang mga uri ng komunikasyon.
Modelo ni Aristotle Modelo ni Wilbur Schramm

Uri ng Komunikasyon
1. Kinesika- Ipinapakita nito 4. Vocalics- tumutukoy sa
na kahit ang hand gesture lengguwistikong
ay maiintindihan na niyo tunog.
ang ibig sabihin g isang tao.

2. Ekspresyon ng mukha (pictics) 5. Pandama o paghawak


Ipinapakita nito na sa ekspresyon Haptics
palang ng mukha ay makikita mo
na ang kanyang nais sabihin o
nararamdaman.

3. Galaw ng mata (Oculesis) 6. Proksemika (Proxemics)


Ipinapakita naman nito ang komunikasyon na maaaring
expresyon ng isang tao sa may malayo o malapit na
pamamagitan ng mga mata. distansiya.

7. Chronemics ay tumutukoy sa pag-aaral kung paanong ang oras ay nakakaapekto sa komunikasyon.

3
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan Quezon

Gawain/Activity
Gawain 1
Bigyang kahulugan ang ilang mahahalagang salitang nagiging bahagi ng talakayan gamit ang sarili mong
pananalita batay sa iyong pagkaunawa sa bawat isa.
1. Komunikasyon __________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Verbal na komunikasyon __________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Di verbal na komunikasyon ________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
4. Kakayahang pragmatik ____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
5. Kakayahang estratedyik ___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Gawain 2
Buksan mo naman ang iyong aklat sa pahina 187 at sagutin ang mga katanungan sa SAGUTIN NATIN B at C.
SAGUTIN NATIN B. Iugnay ang konseptong natutuhan sa kanilang kahulugan. Isulat ang titik ng tamang
kahulugan sa patlang.
1. _______ 4. ________
2. _______ 5. ________
3. _______ 6. ________

SAGUTIN NATIN C. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng
pagsasalita. Isulat ang sagot sa patlang. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

Gawain 3
Ngayon naman ay simulan mo ang pagpili ng angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan.

4
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan Quezon

Pag-aralan ang ibinigay na detalye sa pahina 188 BUOIN NATIN at bumuo ng diyalogo batay rito. Isulat ang
diyalogo sa isang malinis na papel. Piliing mabuti ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito.
(Paalala: Basahin ang sitwasyon sa pahina 188. Huwag kakalimutan tingnan ang aklat at basahin ang
instructions upang hindi na magkulang sa mga activities na kelangan ipasa. Huwag mahiyang magtanong
sa teacher kung may hindi naiintindihan.)

Pagninilay/Reflection
Bakit dapat isaalang-alang ang kaangkupan ng sinasabi sa sitwasyon, sa taong kinakausap, at sa lugar na
pinangyarihan ng pakikipagtalastasan.

Paglalapat/Transfer
Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan s mga balita sa
radyo at telebisyon.
Isipin mo ngayon na ikaw isang komentarista sa radyo o telebisyon. Magsagawa ka ng komentaryo tungkol sa
talumapati ng dating Pangalawang Pangulong Jejomar Binay. Makikita mo ito sa PALAWAKIN PA NATIN sa
pahina 190-191.
Paalala: Ikaw ay magiging komentarista, (commentator) magbibigay ka ng komento.

Sanggunian: Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino pahina 162-176

Nagampanan mo ang iyong tungkulin sa modyul na ito.


Magkita-kita muli tayo sa susunod na modyul!
Ama. Maraming salamat po sa araw-araw na
biyaya na ibinibigay mo sa aming pamilya.
Maraming salamat din po na patuloy mo
kaming ginagabayan at sa bawat araw.
Patawarin mo po nawa kami sa aming mga
pagkakasala. Patuloy mo po kaming gabayanat
ilayo sa lahat ng uri ng kapahamakan. Amen.

5
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan Quezon

Lagda ng magulang

You might also like