You are on page 1of 4

ST.

ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL


GUINAYANGAN, QUEZON

Ikatlong Panahonang Pagsusulit


Filipino 12

Pangalan: _______________________________________________ Petsa: ___________________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Taon at Pangkat: ____________________
I. Isulat ang tamang sagot sa linya. BAWAL MAGBURA.

____________________________1. Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o


impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala.
____________________________2. Ang kanyang layunin ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa
matapos niya ang kanyang isusulat.
____________________________3. Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng
ginawang pag-aaral at pananaliksik.
____________________________4. Dahil karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang
akademikong Filipino, nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal
nito.
_____________________________5. Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na
pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na
binubuo nito.
_____________________________6. Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may
kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o
paaralan.
_____________________________7. Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng
damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
_____________________________8. Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag.
_____________________________9. Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto
o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin
ang isang problema o suliranin.
_____________________________10. Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at
disertasyon.
_____________________________11. Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginawang
pananaliksik.
_____________________________12. Ito ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad
ng isang taog nais sumulat.
_____________________________13. Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-
analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga,
o maging ang mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
_____________________________14. Mahalagang magkaroon ng tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito
ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat
mapaloob sa akda.
_____________________________15. Dapat isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na
kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki
at maliit na titik.
_____________________________16. Ito ay isang uri ng buod na kalimitang ginagamit sa mga akdang
nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula at iba
pa.
_____________________________17. Nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto.
_____________________________18. Nagsasaad ng solusyon sa isang suliranin.
_____________________________9. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay
ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para dito.
_____________________________20. Nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang
proyekto.

II. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at MALI naman kung
hindi.
___________1. Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng
layunin.
___________2. Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto.
___________3. Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral.
___________4. Ang pagsulat ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalamaan,
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.
___________5. Hindi mahalaga ang paksa o tema sa pagsusulat.
___________6. Bukod sa ang Filipino ay napatunayang mabisang gamitin sa pagkatuto ng mga mag-aaral,
nakasaad din sa Konstitusyon na ito ay isa sa mga opisyal na wikang panturo sa mga
paaralan.
___________7. Mahalagang matutunan ang akademikong pagsulat sapagkat marunong sumulat nang
maayos at may kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakaaangat siya sa iba dala na rin
ng mahigpit na kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at trabaho.
___________8. Ang akademya ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa
pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan na maituturing na haligi sa pagkamit ng
mataas na kasanayan at karunungan.
___________9. Ang lagom ay ang pinakamahaba na bersiyon ng isang sulatin o akda.
___________10. Ang bionote ay hindi maituturing na lagom sapagkat ito ay ginagamit sa pagsulat ng
profile ng isang tao.
III. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa linya.

a. planong dapat gawin g. salaysay ng katitikan l. memorandum


b. nagpadala h. heading m. layunin
c. badyet i. ulat ng katitikan n. petsa
d. adyenda j. resolusyon ng katitikan o. panukalang proyekto
e. pagpapahayag ng suliranin k. mga kalahok o dumalo

f. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto

____________________________1. Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan


ng samahan. Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay
nito at maging ang sumang-ayon dito.
____________________________2. Sa ganitong uri ng katitikan, ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa
pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsasalita o
tumalakay ng paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumasang-ayon
sa mosyong isinagawa.
____________________________3. Isinalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong. Ang ganitong
uri ng katitikan ay maituturing na isang legal na dokumento.
____________________________4. Ito ay naglalaman ng pangalan ng company, samahan, organisasyon, o
kagawaran.
____________________________5. Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga
panauhin.
____________________________6. Ito ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong
o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin,
o utos.
____________________________7. Sa bahaging ito makikita ang mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isagawa ang panukala.
____________________________8. Panahon kung kalian ipinasa ang panukalang papel gayundin ang
tinatayang panahon kung kalian ito matatapos.
____________________________9. Nakatala rito kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang
pangangailangan.
____________________________10. Ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa
suliranin.
____________________________11. Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing
isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto.
____________________________12. Dito makikita ang tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
____________________________13. Ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad ang mga
taong makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nil amula
rito.
____________________________14. Ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng
proyekto ay nakatala sa bahaging ito.
____________________________15. Ito ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong
kabahagi bago isagawa ang pulong.

IV. Enumeration
1-6 Mga Uri ng Pagsulat
7-10 Iba’t ibang uri ng Akademikong sulatin
11-13 Mga Bahagi ng Katitikan ng Pulong
14-15 Mga hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Goodluck

You might also like