You are on page 1of 13

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik
Karagdagang Kagamitang Panturo
IKAAPAT NA MARKAHAN

ARIEL A. ELIGUE

1
PAUNANG SALITA

Para sa tagapagpadaloy:
Ang modyul na ito ay sadyang inihanda sa mga guro ng Senior High School na magtuturo
sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
– Baitang – 11. Inaasahang sa paggamit mo ng modyul na ito ay matatamo mo ang mga
layunin na nais makamit ng mga mag – aaral.

Ang modyul sa Pagbsa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ay


nagbibigay ng higit na malawak na pagtalakay sa gamit ng wikang Filipino sa paglinang
sa kasanayan sa pagbasa at pagsulat ng pananaliksik.

Sadyang inihanda ito upang tugunan ang kinakailangan ng asignatura ng mga mag -aaral
sa Senior High School sa mabisang paggamit ng wika sa pakikilahok sa higit na malawak
na larangan ng pananaliksik.

Bilang tagapagpadaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag – aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag
- unlad nila habang habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag – aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mga mag - aaral:


Ang modyul na ito ay sadyang inihanda sa mga mag - aaral ng Senior High School na
kukuha sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik – Baitang – 11. Inaasahang sa paggamit mo ng modyul na ito ay matatamo
mo ang kakayahan at kasanayan na dapat matutuhan mo sa asignaturang Filipino.
Ang mga gawaing nakapaloob sa modyul ay pinili at isinaayos upang makatulong sa
pagkakaroon mo ng higit na kasanayan sa pagbabasa na magdudulot sa iyo ng
kakayahang sumulat ng isang sistematikong pananaliksik. Gayundin, ang mga
pagsasanay sa modyul ay nagbibigay ng mga kaalaman na makatutulong sa
pagkakaroon ng kamulatan sa kapaligiran, pagpapahalaga sa mga yamang
pangkalikasan ng bansa, at pagiging Makabayan,makatao, at maka – Diyos, na siyang
daan upang ikaw ay maging isangepektibong mamamayan ng bansa at may
pagmamahal sa sariling kultura.
Kaugnay nito, kailangan mong tandaan ang mga bahagi ng modyul

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


ALAMIN NATIN matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo


SUBUKIN NATIN sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot,
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipinapakilala sa iyo sa


GAWIN NATIN maraming paraan tulad ng graphic organizer, isang sitwasyon,
isang kuwento o babasahin at iba pa.

Sa bahaging ito, binibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


TALAKAYIN NATIN Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
2
konsepto at mga kasanayan
Sa bahaging ito, susulat ang mga mag – aaral ng mga natutuhan
LIKHAIN NATIN sa TALAKAYIN NATIN. Maaaring ito ay nasa anyo ng graphic
organizer o pagsulat ng isang tekto na lilinang sa kanilang
kakayahan sa pagbasa at pananaliksik

Ito ang pinal awput na siyang magsisilbing kahingian sa bawat


ISAPINAL NATIN aralin sa modyul

SUSI SA PAGWAWASTO Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain
sa modyul
Sa katapusan ng modyul na ito , makikita mo rin ang:

SANGGUNIAN Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha ng modyul


na ito.

Sa bahaging ito, makikita ang iba’t ibang pamantayan na


APENDIKS gagamitin sa pagbibigay ng iskor sa mga gawain sa modyul.
Partikular sa Likhain natin at Isapinal natin.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul:

1. Gamitin ang modyul nang may nang may pag – iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kakalimutang sagutin ang SUBUKIN NATIN bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing Mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
7. Kung sakalinng mahirapan ka sa pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag – aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagpadaloy.
Maari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong
kaptid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo,
lagging itanim sa iyong isipang hindi ka nag – iisa.
Umaasa ang may akda, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang – unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ALAMIN NATIN

3
Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa kahulugan, layunin, at
kahalagahan ng pananaliksik at ang iba’t ibang bahagi ng pananaliksik kasama ng
kanilang mga kahulugan. Makatutulong ang modyul na ito sa pag – aaral sa proseso ng
kaalaman sa pananaliksik na mgbbubunga sa pagbuo at pagsulat ng isang sistematikong
pananaliksik

Pamantayang Pangnilalaman
▪ Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop ng pananaliksik

Mga Kasanayan sa Pampagkatuto


▪ Natutukoy ang panimulang kaalaman tungkol sa pananaliksik tulad ng kahulugan,
etika at iba pa.
▪ Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika sa pananaliksik.

Nilalaman
▪ Kahulugan, layunin etika at hakbang sa pananaliksik
▪ Pagpili ng paksa

SUBUKIN NATIN

4
TAMA O MALI
Isulat ang TK (Tama Ka) kung ang pahayag ay wasto. Kung MALI naman ang pahayag isulat ang
MK (Mali Ka). Isulat ang sagot sa patlang bago dumating ang bilang

________ 1. Ang pananaliksik ay makaagham na pagkuha at pangagalap ng mga tala upang


masubok ang isang teorya at nang sa gayon ay hindi malutas ang suliraning kaakibat nito.
________ 2. Ang kaisipan ng mananaliksik ay yumayaman dahil patuloy siyang hindi nagbabasa,
nagsusuri at nagbibigay ng interpretasyon sa resulta ng kaniyang pag – aaral.

________ 3. Ang bagong kaalaman mula sa gawaing pananaliksik ay nabibigyan ng interpretasyon


ang bagong pagkatuto sa mga pangyayari.

_________4. Kailangang maging mapanuri siya sa mga batayan upang mabigyan ng


magkakaibang bigat ang mga datos na nakalap niya.

_________ 5. Kinakailagang tratuhin ang lahat ng datos at detalyeng nakuha mula sa sarbey,
interbyu, o anumang paraan na confidential.

_________ 6. Kailangang matapat niyang mailahad ang resulta ng kanyang pananaliksik nang
walang pagkiling sa sinuman. Dapat ay maging patas siya sa lahat.

_________ 7. Sa pagpili ng paksa kailangan isinasaalang – alang ang interes ng mananaliksik ng


paksang bibigyan ng pag – aaral.

_________ 8. Hindi maaaring baguhin ang anumang natuklasan para lamang mapagbigyan ang
ansariling interes o pangagailangan ng ilang tao.

________ 9. Kailangang suriin niyang Mabuti ang mga pangunahing datos at mga pantulong na
datos upang maihanay niya ito nang naaayon sa pangangailangan ng kanyang sulating
pananaliksik.

________ 10. Kailangan din niyang mabigyan ng angkop na pagkilala ang mga tao, awtor, at iba
pang pinagkukunan niya ng datos at maingat niya itong maisama sa kanyang inihahandang
sulatin.

GAWIN NATIN
Kilalanin ang mga taong nasa ibaba at ibigay ang kanilang nainbento. Ibigay ang naging
benipisyo ng kanilang imbensyon o kontibusyon.

5
Pangalan : ___________________________________
Inbensyon : __________________________________
Benipisyo ng Inbensyon ___________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Pangalan : ___________________________________
Inbensyon : __________________________________
Benipisyo ng Inbensyon ___________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Pangalan : ___________________________________
Inbensyon : __________________________________
Benipisyo ng Inbensyon ___________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

TALAKAYIN NATIN

KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

6
Sa makabagong panahon, ang mundo ay pinatatakbo ng teknolohiya bungo ng imbensyon
sa larangan ng agham at teknolohiya. Nakamamanghang isipin na ang mga hinahangaan nating
imbensyong ito ay nagmula lahat sa isang ideya na kalaunan ay ginawang pananaliksik upang
masubok ang pagiging matatag ng ideyang dati lamang ay haka – haka. Hindi mapasusubalian ang
halaga ng pananaliksik sa sangkatauhan. Sa prosesong ito, pinalalawak, binabatikos, at inaayos
muli ang ideya upang mapatunayang makakatindig mag – isa at mapakikinabangan.

➢ Ang pananaliksiksik ay magkakaugnay na Gawain na nagsisismula sap ag – iisip ng paksa


o katanunga. Kasunod ang mga pamamaraan ng paglilikom ng mga datos at
impormasyon, ang mga nalikom na datos ay iaayos, susuriin, bibigyan ng interpretasyon,
at lalapatan ng kongklusyon. Pagkatapos ay idodokumento. Inaasahan na ag pinal na
sulatin o dokumentasyon ay maibabahagi sa iba sa pamamagitan ng pag – uulat at/o
paglalathala nito para sa kapakinabangan ng iba.
➢ Sistematiko ang pananalisik kapag sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na
nagsisismula sa pagtukoy sa suliranin sa mga umiiral na teorya, pangangalap ng datos,
pagbuo ng konklusyon, at pagsasanib ng mga kongklusyon mula sa iba pang pag – aaral
na sinasaliksik.
➢ Ang pananaliksik ay makaagham na pagkuha at pangagalap ng mga tala upang masubok
ang isang teorya at nang sa gayon ay malutas ang suliraning kaakibat nito. Dito aylubos
na kailangan ang pagtitiyaga at maingat na paghahanap ng kinakailangang datos upang
matiyak na matatanggap ang mga ito upang mapatotohanan ang teorya sa pananaliksik.

Malaki ang magiging kontribusyon ng pananaliksik sa iyong sarili, kapuwa, lipunan,


pamahalaan at bayan. Isang malaking kapakinabangan ang isang pananaliksik na may kinalaman
sa pang – araw – araw na pamumuhay ng isang tao. Ito ay tuwirang makapag – ambag ng
mahalagang kabatiran at dagdag na kaalaman sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.

Ang pananaliksik ay mahalaga sapagkat

1. Gumaganap ng tungkuling tagapaghubog sa kinabukasan ng isang bansa at tagapagbigay


ng kaunlaran tungo sa mabuting pamumuhay para sa lahat.
2. Tinitipon ang mga ideya at pinagsasama – sama ang mga pananaw ng mga manunulat
upang maipakita ang ugnayan ng magkakaibang ideya sa pagbuo ng konklusyon.
3. Yumayaman ang kaisipan. Ang kaisipan ng mananaliksik ay yumayaman dahil patuloy
siyang nagbabasa, nagsusuri at nagbibigay ng interpretasyon sa resulta ng kaniyang pag –
aaral.
4. Lumalawak ang karanasan. Sa pangangalap ng mga datos, ang mananaliksik ay maraming
nakakasalamuha, nababasa at naiibang karanasan.
5. Nalilinang ang tiwala sa sarili. Ang sinumang tao kapag maayos na nagampanan ang
tungkulin at naaayon sa tamang resulta, nakatitiyak na nalilinang ang kaniyang tiwala sa
sarili.
6. Nadaragdagan ang kaalaman. Ang bagong kaalaman mula sa gawaing pananaliksik ay
nabibigyan ng interpretasyon ang bagong pagkatuto sa mga pangyayari.

Sa mga nabanggit ay ilan lamang sa kahalagahan ng pananaliksik. Ang pagpapabuti ng


programang pananaliksik sa isang paaralan ay maghahanda sa mga mag – aaral nito na linangin
ang kanilang kakayahan, kasanayan, kahusayan at tiwala sa sarili upang sa susunod ay sila na
mismo ang humanap at magpresenta ng mga datos na maaaring makatulong sa kaunlaran.

MGA URI AT LAYUNIN NG PANANALIKSIK

7
Ayon kay Michael Patton (1990), ang apat na uri at layunin ng pananaliksik:

1. Panimulang Pananaliksik (Basic Research). Ang layunin ng pananaliksik na ito ay


umunawa at magpaliwanag. Ito ay binubuo ng teoryang nagpapaliwanag tungkol sa isang
penomenong sinisiyasat (o pangyayari) at ito ay deskriptibo o naglalarawan.
2. Pagtugong Pananaliksik (Applied Research). Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang
matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon
ay magkaroon siya ng ideya kung paano ito makokontrol. Sa madaling salita, ang uring ito
ay humahanap ng potensiyal na kalutasan sa mga suliranin ng tao at mga suliraning
umiiral sa kanyang kapaligiran.
3. Pananaliksik na Nagtataya ( Evaluation Research). Ito ay tumutukoy sa pag – aaral ng
proseso at kinalabasan ng isang solusyon. Layunin ng formative evaluation nap ag –
ibayuhin ang pakikisangkot ng tao sa ilang kondisyon gaya ng oras, Gawain, at pangkat ng
tao. Samantala, layunin ng summative evaluation na sukatin ang bisa ng isang programa,
polisiya, o produkto.
4. Pagkilos na Pananaliksik (Action Research). Ang pananaliksik na ito ay naglalayong
lumutas ng isang tiyak na sulranin sa isang programa, organisasyon, o komunidad.

KATANGIAN AT PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK

Tunay na mahirap na gawain ang pagsulat at pagbuo ng isang sulating pananaliksik


ngunit ito’y tiyak na makabuluhan at mapakikinabangan bilang isang produktong intelektuwal.

Ang isang mahusay na mananaliksik ay kailangang magtaglay ng mga sumusunod na mga


katangian:

1. Masipag at matiyaga. Kailangang ang tiyaga sa walang katapusang paghahanap ng mga


datos na gagamitin sa pananaliksik. Kailangan ang lubos na pasensiya at malawak nap ag
– unawa sa mga nakasasalamuhang tao habang nangangalap ng datos. Mahalaga rin na
may motibasyong pansarili upang kumilos at mag – isip.
2. Maingat. Kinakailangang maingat maisa – isa ang mga nakalap na datos na may
kaugnayan sa ginagawang sulating pananaliksik. Kailangan din niyang mabigyan ng
angkop na pagkilala ang mga tao, awtor, at iba pang pinagkukunan niya ng datos at
maingat niya itong maisama sa kanyang inihahandang sulatin.
3. Masistema. Maayos at may sistema ang kanyang hakbangin upang walang makalimutang
mga datos o detalyeng kailangan sa kanyang isinusulat na sulating pananaliksik. Sa
ganitong katangian, maayos niyangmapagsusunod – sunod ang mga detalye mula sa
panimula hanggang sa pagtalakay sa resulta ng pag – aaral, konklusyon, at hanggang sa
rekomendasyon.
4. Mapanuri. Kailangang maging mapanuri siya sa mga batayan upang mabigyan ng
magkakaibang bigat ang mga datos na nakalap niya. Kailangang suriin niyang Mabuti ang
mga pangunahing datos at mga pantulong na datos upang maihanay niya ito nang
naaayon sa pangangailangan ng kanyang sulating pananaliksik.

ETIKA NG PANANALIKSIK

Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag -iwas at pag – iingat sa plagiarism o


pangongopya ng gawa ng iba. Kailangan niyang maging matapat sa kanyang isinusulat upang
mapanindigan niyang orihinal ang produktong ginawa niya sa lahat ng oras.

Narito ang ilang matatawag na Etikang Mananaliksik.

8
1. Paggalang sa Karapatan ng iba
Kung gagamitin bilang respondent ang isang pangkat ng mga tao anuman ang antas
na kinabibilangan nila, kailangan ang kaukulang paggalango respeto sa kanilang
Karapatan. Hindi maaaring banggitin ang kanilang pagkakakilanlankung wala silang
pahintulot.
2. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential
Kinakailagang tratuhin ang lahat ng datos at detalyeng nakuha mula sa sarbey,
interbyu, o anumang paraan na confidential. Nasa sariling pamamaraan ng mananaliksik
kung paano niya ilalahad ang kabuoan ng mga detalyeng ito.
3. Pagiging matapat sa bawat pahayag
Ang anumang pahayag sa kabuoan ng sulating pananaliksik ay nararapat na
matapat at naaayon sa pamantayan ng pagsulat. Hindi maaaring baguhin ang anumang
natuklasan para lamang mapagbigyan ang ansariling interes o pangagailangan ng ilang
tao.
4. Pagiging obhetibo at walang kinikilingan
Ang isang mananaliksik ay dapat walang kinikilingan. Kailangang matapat niyang
mailahad ang resulta ng kanyang pananaliksik nang walang pagkiling sa sinuman. Dapat
ay maging patas siya sa lahat. Kinakailangang maibigay kung ano talaga ang nararapat
para sa isang ginawang sulating pananaliksik. napakalanapakalawak

PAGPILI NG TAMANG PAKSA

Dito ay isinasaalang – alang ang interes ng mananaliksik. Sinusuri dito kung ang
paksang napili ay napapanahon, makabuluhan, at kailangan. Sinusuri ang pangangailangan sa
paksa dahil ang unang layunin ng pananaliksik ay ang kapakinabangang maibibigay ng result anito
sa maliit nay unit ng pamayanan, komunidad, o bansa.

Gayundin, kailangan niyang mabatid kung paano lilimitahan o gagawing tiyak ang isang
napakalawak na paksa. Sa pagtukoy at paglilimita ng paksa dapat na:

➢ Isinasaalang – alang ang interes ng mananaliksik ng paksang bibigyan ng pag – aaral.


➢ Suriin ang paksa kung ito ay napapanahon at may kabuluhan.
➢ Tiyaking may sapat na mapagkukunan ng mga impormasyon at kagamitan.
➢ Tiyaking na ang paksa ay hindi malawak o masaklaw.
➢ Pumili ng paksa na maaaring bigyan ng konklusyon at pasya.

Halimbawa:

Sakop ng Panahon
Paksa : Ang araw ng pagkamatay ni Jose Rizal at ang epekto nito sa mga Pilipino
Nilimitahang Paksa : Ang pagpatay kay Jose Rizal at ang epekto nito sa mga
mamamayang Pilipino

Sakop ng Edad
Paksa : Ang Interes sa Pagbasa ng mga Mag -aaral sa Mababang Paaralan ng Batasan
Nilimitahang Paksa : Ang Interes sa Pagbasa ng mga Mag – aaral mula edad 6-8 sa
Mababang Paaralan ng Batasan
Sakop ng Kasarian
Paksa : Ang Profile na Pampersonalidad ng mga Mag – aaral sa Mataas na Paaralan ng
Quezon City

9
Nilimitahang Paksa : Ang Profile na Pampersonalidad ng mga Babaeng Mag – aaral sa
Mataas na Paaralan ng Quezon City
Sakop ng Grupong Kinabibilangan
Paksa : Ang mga Pilipino at batas na kanilang kinabibilangan
Nilimitahang Paksa : Ang mga Igorot at ang pagsunod sa kanilang batas sa pagpaparusa
ng kanilang kalahi
Sakop ng Anyo/Uri
Paksa : Ang Persepsyon ng mga Kabataan sa uri ng Sine at Pelikula
Nilimitahang Paksa : Ang Persepsyon ng mga Kabataan sa mga Uri ng mga Sine at
Pelikulang Tagalog sa Taong 2013 – 2014
Sakop ng Perspektibo/a
Paksa : Ang Epekto ng Kompyuter sa mga Kabataan
Nilimitahang Paksa : Ang Epekto ng Kompyuter sa mga Pilipinong Kabataan sa
Kalakhang Maynila

LIKHAIN NATIN

Gamit ang mga paksa sa ibaba. Bumuo ng isang pamagat ng pananaliksik gamit ang mga sakop sa
paglilimita ng paksa tulad ng panahon, edad, kasarian, grupong kinabibilangan, anyo /uri , at
perspektibo/a. Gumamit lang ng tatlo hanggang 4 na sakop ng paglilimita ng paksa.

10
1. Pagkahumaling sa Social Networking Sites
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
LIKHAIN NATIN

Basahin ang abstrak ng pananaliksik nasa ibaba. Suriin ito batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika sa pananaliksik sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
pangprosesong tanong.

11
Motibasyon sa Edukasyon ng mga Batang Mag-Aaral sa Ikatlo at Ikaapat na
Baitang ng Loma Elementary School
Liezel Bautista
Abstract
Ang edukasyon ang isa sa mga maituturing na pinakamahalagang kalasag ng isang tao
upang siya ay magtagumpay. Sa murang kaisipan ng isang bata ay dapat maikintal sa kanyang
isipan na makatutulong ito upang mapaunlad ang kanyang sarili at magkaroon ng magandang
kinabukasan Malaking tulong din ito sa ating patuloy na paglakadsa buhay at upang mapatatag
ang ating buong pagkatao. Sabi nga, ng ating mga magulang ito ay pamana na higit pa sa
kayamanan at di mananakaw. Subali't paano kung ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi nag-aaral
at malimit lumiban sa klase?Nilalayon ng pag-aaral na ito na makita ang kadahilanan ng malimit
na pagliban sa klase ng mga batang mag-aaral sa ikatlo at ika-apat na Baitang at alamin ang mga
bagay na makakatutulong sa kanila bilang motibasyon upang sila ay makapasok sa paaralan nang
walang liban.
Aksyong pananaliksik ang ginamit na paraan ng mananaliksik upang makabuo ng agarang
solusyon sa nakitang suliranin ng mga batang mag-aaral. Gumamit ang guro ng deskriptiv na
disenyo ng pananaliksik, kung saan ay susuriin at susukatin ang mga datos na nakalap upang
mabigyang solusyon ang suliranin. Gumamit ng survey na tala, frequency counts at pagkuha ng
bahagdan ang mananaliksik.
Batay sa pananaliksik, ang mga batang mag-aaral sa Ikatlo at ika-apat na Baitang ng Loma
Elementary School ay lumabas may 64. 8% o 46 na mag-aaral sa kabuuang respondent na 71 ang
lubos na sumasang ayon na may problemang pinansyal. Ayon din sa isinagawangpag-aaral, ay
lahat o 100% ng mga bata ang gustong makatapos sa pag-aaral. Samantala, 48 o 67. 61% ang
nagsasabing nakatutulong sa kanila ang reward ng guro at magulang bilang motibasyon sa
pagpasok sa paaralan.
Sa ating kapanahunan ang Edukasyon ay tunay na kayamanan na maituturing na susi sa
kinabukasan n gating mga kabataaan. Sa taong ito, napansin ng guro na hindi nakabubuo ang
mga bata ng kumpletong pasok sa loob ng isang kwarter kung kaya't isinagawa ang pag-aaral.
Bahagi ng pag-aaral ang 35 batang mag-aaral mula sa ikatlong baitang at 36 na mga batang mag-
aaral sa ikaapat na baitang ng Loma Elementary School, panuruang 2018-2019. Ang pananaliksik
na ito ay mahalaga upang matukoy ang mga salik o kadahilanan ng malimit na pagliban ng mga
bata sa klase at motibasyon na nag-uudyok sa kanila na pumasok sa paaralan araw-araw. At dahil
dito, magiging batayan ito ng mga guro sa mga istratehiya at programa na makatutulong upang
matagumpay na mapapasok ang mga mag-aaral sa paaralan araw-araw.
Pangprosesong tanong
1. Ano ang pangunahing mensahe ng abstrak?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ano – ano ang paraan ng pangangalap ng datos ang ginamit sa pagsasagawa ng
pananaliksik? Bakit ito ang ginamit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

12
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Paano nagging matagumpay ang isinagawang pangangalap ng datos? Ipaliwanag ang


natuklasang kasagutan batay sa naabasang abstrak?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Kung ibang paraan ang isinagawa sa pangangalap ng datos, paano magbabago ang resulta
ng pananaliksik? Magpanukala ng alternatibong paraan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

13

You might also like