You are on page 1of 30

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Unang Markahan

Modyul
GRADE 7 PICTURES USED

http://clipart-library.com/clipart/18000.htm
http://clipart-library.com/clipart/1132119.htm
https://www.pinclipart.com/maxpin/ioRJhmT/
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa pagsasagawa ng mag-aaral ng mga angkop na hakbang sa paglinang ng
limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks), pagpapaunlad ng talento,
kakayahan at hilig sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa pagsasagawa ng mag-aaral ng mga angkop na hakbang sa paglinang ng
limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks), pagpapaunlad ng talento,
kakayahan at hilig sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga
bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

2
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
b ahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan
Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natut uhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto gawain sa modyul.

3
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul
na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
4. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

4
Aralin Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
1 Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Tasks)

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan
sa aspetong:
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipagugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad
(Pakikipagkaibigan)
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ sa lipunan
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga / nagbibinata
(EsP7PS-Ia-1.1)

Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata


(EsP7PS-Ia-1.2)

Alamin

I. Paksa
Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Tasks)

II. Layunin
Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa
aspetong:
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipagugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad
(Pakikipagkaibigan)
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ sa lipunan
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga / nagbibinata

Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

III. Nilalaman

Tungkol saan ang aralin na ito?


Ang aralin na ito ay tungkol sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata na kung saan ay makararanas
ng mga pagtuklas, paglinang, pag-unawa at pagsasabuhay ng mga angkop na inaasahang kakayahan
at kilos ang isang kabataan. Ang mga ito ay naglalayon sa pag-unlad bilang isang tao habang hinaharap
ang iba’t ibang hamon ng buhay. Sa yugtong ito rin maipamamalas ang pagkakaroon ng kamalayan sa
sarili (self-awareness) upang mabuo niya ang kaniyang pagkakakilanlan (identity).
5
IV. Pamamaraan
Basahin at unawain.

(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Punan ang mga sumusunod na patlang ayon sa iyong sarili. Gumamit ng hiwalay na papel.

Ako ay si ______________ ng Baitang ____ na nag-aaral sa


______________. Ang mga pagbabagong napansin ko sa aking katawan ay
____________, ___________, at ___________. Ako at ang aking mga
kaibigan ay nagkakasundo dahil pareho kming mahilig sa ______________.
Kapag ako ay nasa bahay, tinutulungan ko ang aking magulang sa
______________ at ipinakikita ko ang aking malasakit sa kapwa sa tuwing
________________. Gumawa ako ng mabuti noong ________________.

6
B. Gawain 2:
Panuto: Ang gawaing ito ay isang Self-Assessment Questionnaire na naglalayong mas makilala ang
sarili. Sagutan ng may buong katapatan ang bawat tanong. Gumamit ng hiwalay na papel.
Hal. Alam ng mga taong nakapaligid sa akin na ako ay madasalin at tapat.

1. Alam ng mga taong nakapaligid sa akin na ako ay __________________________________.


2. Masaya ako kapag _____________________.
3. Nalulungkot ako kapag __________________.
4. Ayoko sa taong ________________________.
5. Ang gusto kong ugali ng kaibigan ay _______.
6. Ipinapakita ko ang pagmamahal/ pagmamalasakit ko sa aking pamilya sa pamamagitan ng
_______________________.
7. Napagagalitan ako sa tuwing ______________.
8. Ipinakita ko ang malasakit sa iba noong _____.
9. Pinili kong gumawa ng mabuti noong _______.
10. Masaya ako bilang nagdadalaga/nagbibinaya dahil _________________________________.

C. Gawain 3:
Panuto: Isulat sa kolumn ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili noong ikaw ay nasa elementarya
at ngayong nasa hayskul ka na. May mga halimbawa para sa iyo. Gumamit ng hiwalay na papel.

Noon Ngayon
Hal. Charlyn, Hal. Charlyn, Aileen, Amelia, Liz, Cyleth Camille, John, Donna,
Aileen Isaac, Charlie, Lyn
Pangalan ng
mga kaibigan

Hal. Hal. Pagwawalis, Pagsasaing


Gawaing
Pagwawalis
ginagampanan
sa bahay
Hal. Tahimik Hal. Makwento
Ugali sa mga
kaklase

Hal. Padalos- Hal. Maingat


dalos
Pagpapasya

D. Gawain 4:
Panuto: Magtala ng mga pagbabagong napapansin sa iyong sarili sa panahon ng pagdadalaga/
pagbibinata. May mga halimbawa para sa iyo. Gumamit ng hiwalay na papel.

Pakikipag-ugnayan sa Papel sa lipunan bilang Asal sa pakikipagkapwa Kakayahang makagawa ng


mga kasing-edad babae o lalaki maingat na pagpapasya
Hal. Pakikisalamuha Hal. Hal. Hal.
sa mga mga tao sa Pagiging “ate” o sa mga Paglalaro ng patas Paghingi ng gabay sa guro
paaralan nakababatang mag-
aaral.

7
VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1. Ito ay ang yugto ng pagbabago at pagkalito sa iyong sarili na nararanasan ng kabataang tulad
mo.
A. Pagiging sanggol
B. Pagdadalaga/Pagbibinata
C. Karampatang gulang
D. Pagtanda

_____ 2. Saang aspeto nakararanas ng mga pagbabago ang mga kabataan?


A. Pakikipag-ugnayan
B. Papel sa lipunan
C. Asal sa pakikipagkapwa
D. Lahat ng nabanggit

_____ 3. Ito ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan o
gampanan.
A. Deliverable tasks
B. Developmental tasks
C. Discipline tasks
D. Discussion tasks

_____ 4. Alin sa mga sumusunod ang makatutulong upang magkaroon ng mas malalim na pagkilala sa
iyong sarili ukol sa mga pagbabagong iyong nararanasan?
A. Self-Assessment Questionnaire
B. IQ Test
C. Pagsusulit sa Science
D. Markahang Pagsusulit

_____ 5. Sila ang mga taong madalas kasama ng kabataan na maaaring magdulot ng kabutihan o
kasamaan.
A. Kamag-anak
B. Pamilya
C. Barkada
D. Guro

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2012

Inihanda ni:
Aprilyn G. Miranda
Las Piñas City Technical-Vocational High School
8
Aralin Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
2 Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Tasks)

Kasanayang Pampagkatuto:
Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa:
a. pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at
b. paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas na antas (phase) ng
pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adoscence): (paghahanda sa paghahanapbuhay,
paghahanda sa pag-aasawa/pagpapamilya, at pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay sa
mabuting asal), at pagiging mabuti at mapanagutang tao pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga
tungkulin sa sarili, bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, kosyumer ng
media at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang
paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
(EsP7PS-Ib-1.3)

Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata
(EsP7PS-Ib-1.4)

Alamin

I. Paksa
Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon
ng Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Tasks)

II. Layunin
Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa:
a. pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at
b. paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas na antas (phase) ng
pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adoscence): (paghahanda sa paghahanapbuhay,
paghahanda sa pag-aasawa/pagpapamilya, at pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay sa
mabuting asal), at pagiging mabuti at mapanagutang tao pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga
tungkulin sa sarili, bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, kosyumer ng media
at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda
sa susunod na yugto ng buhay

Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata

III. Pamamaraan
Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan at kilos na
dapat malinang ayon kay Havighurst (Hurlock, 1982, p.11). Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing
edad
2. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
9
3. pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa mga ito
4. pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
5. pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
6. paghahanda para sa paghahanapbuhay
7. paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
8. pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal

Ang pagtataglay ng mga kakayahan o kilos na ito ay mahalaga upang mapaunlad ang sariling
pagkatao. Sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata ang tuon ay ang mga sumusunod:
1. pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad
2. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
3. asal sa pakikipagkapwa
4. pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

Ang yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ay panahon ng pagbabago at maaaring pagkalito.


Kailangang maging maingat at di padalos-dalos sa mga gagawing pagpapasya at kailangang maging
bukas sa pagtanggap ng tulong o payo mula sa mga taong nagmamalasakit at nagpapamalas ng
mabuting pamumuhay.

Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay mahalaga upang mapagtagumpayan ang anumang


hamon na iyong kakaharapin sa yugtong ito. Ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng positibong
pagtingin sa iyong mga kakayahan upang mas mapaghandaan ang mga susunod na yugto ng buhay
(adulthood).

Ang bawat tao ay ipinanganak sa mundo upang gampanan ang kanyang misyon sa buhay. Ang
misyong ito ay makakamit sa pamamagitan ng iba't-ibang tungkulin. Ang mga sumusunod ay ang iba't-
ibang tungkulin ng isang nagdadalaga/ nagbibinata: 1) Ang Tungkulin sa Sarili, 2) Ang Tungkulin bilang
Anak, 3) Ang Tungkulin bilang Kapatid, 4) Ang Tungkulin bilang Mag-aaral, 5) Ang Tungkulin sa aking
Pamayanan, 6) Ang Tungkulin bilang Mananampalataya, 7) Ang Tungkulin bilang Konsyumer ng Midya,
8) Mga Tungkulin sa Kalikasan.

“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para
sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa, tayong lahat ay tinipon ng Diyos na
kapiling Niya.” Mula sa isang awit, ipinauunawa sa atin ng mga linyang ito ang kahalagahan ng pagtugon
sa ating mga tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos.

(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7)

IV. Mga Gawain


A. Gawain 1:
Panuto: Punan ng salita ang bawat pangungusap ng naaayon dito. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

__________1. Naghahanap ang bawat isa ng mga taong makakasama nang mas madalas sa araw-
araw, makakasundo sa maraming bagay, tutulong at tatanggap sa atin. Ang tawag rito ay mga ______.
kaibigan kamag-aral

__________2. Ang mga nagdadalaga o nagbibinata ay bumubuo ng kanilang sariling kahulugan ng


pagiging lalaki o babae na kadalasan ay batay sa kinagisnang ____________.
panaginip kultura

10
__________3. Sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata, mabilis ang mga pisikal na pagbabago sa
______ kung ihahalintulad sa ibang yugto ng buhay, maliban sa unang dalawang taon ng isang
bata.
katawan kaisipan

__________4. Mahalagang sumangguni sa mga may sapat na gulang (adult), magulang o taong
_______ kung nalilito sa pinagdadaanan sa buhay.
pinagkakatiwalaan kakilala

__________5. Ang pagiging mapanagutan sa ___________________ ay pag-unawa at pagbibigay


halaga sa katotohanang hindi nabubuhay ang tao para lamang sa kaniyang saril.
pakikipaglaro pakikipagkapwa

B. Gawain 2:
Panuto: Ang gawaing ito ay isang Self-Assessment Questionnaire. Lagyan ng tsek (/) kung alin sa mga
sumusunod nagagawa mo o hindi pa sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
Mga Gawain Nagagawa Hindi
Nagagawa
1. Pakikipagkaibigan ng
walang kondisyon tulad ng
hindi pagpilit sa mga
kaibigan na maging
katulad ng aking pag-iisip,
kilos at paniniwala
2. Pagiging totoo sa sarili sa harap
ng iba
3. Paghingi ng tulong o
gabay sa mga magulang,
nakatatanda at taong
mapagkakatiwalaan
4. Pag-iisip sa kapwa sa
pamamagitan ng pag-alok
ng maitutulong
5. Pagtitimbang sa mga
pagpipilian sa tuwing
nagpapasya

C. Gawain 3:
Panuto: Sino ang mga mahahalang tao na maaari mong hingan ng gabay sa panahon ng pagkalito?
Ipakilala at pangatwiranan. May halimbawa para sa iyo. Gumamit ng hiwalay na papel.
Ate Claire
Maaari kong hingan ng gabay ang aking ate
dahil naiintindihan niya ang mga pagbabago sa
aking katawan na nahihiya kong sabihin sa
aking mga kaibigan.

D. Gawain 4:
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga inaasahan sa iyo bilang isang nagdadalaga/ nagbibinata.
Gumamit ng hiwalay na papel.

11
V. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1. Ang yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ay panahon ng _____________ at maaaring pagkalito.
A. pagbabago C. pagkalungkot
B. paglalaro D. pagkilos
_____2. Isa sa mga developmental tasks sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay
pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga _____________.
A. kamag-anak C. kasing edad
B. guro D. pinsan
_____3. Ang paggalang sa kapwa at pagbibigay-halaga sa katotohanang hindi nabubuhay ang tao
para lamang sa kaniyang sarili ay napaloloob sa anong developmental task?
A. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
C. Asal sa pakikipagkapwa
D. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
_____4. Mahalaga ang pagtanggap ng tulong o payo mula sa mga taong ___________________ at
nagpapamalas ng mabuting pamumuhay.
A. nakakasama C. nakakakwentuhan
B. nagmamalasakit D. kakilala ng guro
_____5. Ang pagkakaroon ng ________________ ay mahalaga upang mapagtagumpayan ang
anumang hamon sa buhay.
A. maraming pera C. maraming barkada
B. cellphone D. tiwala sa sarili

VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.
Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2012

Inihanda nina:
Aprilyn G. Miranda
Las Piñas City Technical-Vocational High School

Penny Rose C. Llaban


Las Piñas National High School- Gatchalian Annex
12
Aralin
Mga Talento at Kakayahan
3

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan
(EsP7PS-Ic-2.1)

Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at nakikilala ang mga
paraan kung paano lalampasan ang mga ito
(EsP7PS-Ic-2.2)

Alamin

I. Paksa
Mga Talento at Kakayahan

II. Layunin
Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan

Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at nakikilala ang mga
paraan kung paano lalampasan ang mga ito

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Noong nakaraang linggo ay nalaman mo na ang tulad mong nagdadalaga o nagbibinata ay
mayroong mga inaasahang kakayahan at kilos na kailangang linangin upang umunlad bilang isang
mabuting tao. Sa modyul na ito ay higit pang madaragdagan ang pagkilala mo sa iyong sarili. Inaasahang
makikilala mo na bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, may mga talento at kakayahan ka na dapat
paunlarin at mga kahinaang kailangang malagpasan.

Lahat yata ngayon ng estasyon sa telebisyon ay may programang ang tema ay pagtuklas ng
talento. Mapapansin ito sa mga programang may pag-awit, pagsasayaw, pag-arte, o mga kakaiba,
kakatuwa at kamanghamanghang kasanayan o kakayahan. Pero ano nga ba ang talento? Sa Webster
Dictionary, ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan. Ito ay isang likas na
kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin. Tulad ng isang biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.

IV. Pamamaraan
Basahin at unawain.

Kailangang tuklasin ang ating mga talento


Matapos lumilok ni Michaelangelo ng isang napakagandang obra ay tinanong siya kung paano niya ito
ginawa. Tumugon siya na ang obra ay nasa bato mula pa sa simula, kinailangan lamang niyang ukitin
ang mga labis na bahagi nito. Tulad din ng isang obra, ang ating mga kakayahan at talento ay taglay na
natin buhat nang tayo’y isilang. Tayo ang gagawa ng paraan upang tuklasin ang mga ito. Lahat ng
sitwasiyon at okasyon ay oportunidad sa pagtuklas. Kung sa bawat gawain o pagkakataon na ibibigay
sa atin ay magbubuhos tayo ng ating atensiyon, panahon, lakas at talino, matutuklasan natin ang ating
mga talento at kakayahan at ang hangganan ng mga ito.

13
Kailangang malampasan ang ating mga kahinaan.
Narinig mo na ba ang Law of Seeds? Tingnan natin ang isang puno ng bayabas. Sa isang puno
ay maaaring may dalawampu o mahigit pang bunga. Bawat bunga ay maaaring may sampu o higit pang
buto. Maaaring mong itanong “Bakit kailangan ng napakaraming bunga at buto para lamang magkaroon
ng ilan pang puno?” Ang kalikasan ay may mahalagang itinuturo tungkol dito. Marami sa mga butong ito
sa isang puno ng bayabas ay hindi nagiging puno. Kung gayon, kung nais mong makamit ang isang
bagay, hindi sapat ang minsanang pagsubok lamang. Ibig sabihin, kung hindi nagtagumpay sa isang
larangan ay dapat na sumubok muli ng iba.

Nakalulungkot isipin na marami sa atin ang sa unang pagsubok pa lamang ay sumusuko na. Dahil
ito sa kawalan ng tiwala sa sarili. Ano nga ba ang tiwala sa sarili o self-confidence? Ang tiwala sa sarili
ay ang paniniwala sa sariling kakayahan. Ito ay tiwala sa sariling kakayahan na matatapos ang isang
gawain nang may kahusayan. Dahil sa kawalan ng kumpiyansa sa sarili ay maraming pagkakataon o
oportunidad ang pinalalampas ng marami. Dahil din dito, natutuon ang ating pansin sa ating mga
kahinaan at hindi sa ating mga talento at kakayahan.

Ilan sa mga bagay na dapat nating malaman tungkol sa tiwala sa sarili ay ang sumusunod:
a. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana, ito ay natututuhan.
b. Hindi ito pangkalahatan, bagkus ay may iba’t ibang antas tayo ng tiwala sa ating saril sa iba’t ibang
sitwasiyon at gawain. Halimbawa, maaaring mataas ang ating tiwala sa sarili sa pagtutuos (mathematical
computation) ngunit mahina ang loob sa pagsasalita sa publiko.
c. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Maaari itong tumaas o bumababa ayon sa ating mga
karanasan sa buhay.
d. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili gaya halimbawa ng pagiging mayaman o
pagkakaroon ng mga taong nagmamahal sa atin.

Magkakaroon tayo ng tiwala sa ating sarili kung hindi tayo umaasa sa opinyon o paghuhusga sa atin ng
ibang tao. Nawawala ito kung wala tayong matibay na kaalaman tungkol sa ating angking mga talento at
kakayahan. Kung hindi natin kilala ang ating sarili, aasa na lamang tayo sa sinasabi ng iba at sila ang
magdidikta sa atin ng ating mga kakayahan at limitasyon. Kung nasisiyahan sila sa ating ikinikilos,
papupurihan nila tayo; kung hindi naman ay maaring bansagan tayong mahina o

walang alam. Kung hindi natin kilala ang ating sarili, wala tayong magagawa kundi tanggapin na
lamang ang kanilang mga tawag o bansag sa atin.

(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Gumuhit o gumupit ng klipings tungkol sa taong matagumpay sa larangang ginagamitan ng talino
o talento. Alamin kung paano niya pinaunlad ang kaniyang talento. Gumamit ng hiwalay na papel.

Pangalan ng taong may talento/kakayahan: _______________________

Talento/kakayahang ipinamalas: ________________________

(larawan)

14
B. Gawain 2:
Panuto: Isulat ang lahat ng mga asignatura (subjects) sa unang kolum. Pagkatapos, lagyan ng tsek (/)
ang mga kakayahan na sa iyong palagay ay nakatutulong sa pag-aaral nang mahusay. Gumamit ng
hiwalay na papel.

Kakayahan
Asignatura
Pagsasalita Pagsusulat Mahu Nakaiisip ng Nakapag-
upang mapa upang say sa bilang solus lalarawan sa
king maunawaan o pagtu yon sa isipan
gan ng iba ng iba tuos mahihirap na
sulira
nin
1. EsP

2. AP

3. Math

C. Gawain 3:
Panuto: Anong talento/kakayahan ang pinakamadalas mong kailangan sa pag-aaral? Iranggo ito.
Gumamit ng hiwalay na papel.
1. ____________________________
2. ____________________________
3. ____________________________
4. ____________________________
5. ____________________________

D. Gawain 4:
Panuto: Ano-ano ang mga paraan/hakbang na maaari mong gawin upang lampasan ang sariling
kahinaan. Gumamit ng hiwalay na papel.
1. ____________________________
2. ____________________________
3. ____________________________
4. ____________________________
5. ____________________________

VI. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

___ 1. Si Cynthia ay mahusay sa pagbigkas o pagmememorya ng mga salita. Anong talino mayroon
siya?
A. Bodily/Kinesthetic
B. Musical/ Rhytmic
C. Verbal/Linguistic
D. Visual/Spatial
15
___ 2. Natuto si Allison sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya. Anong talino ang
nakikita sa kaniya?
A. Bodily/Kinesthetic
B. Musical/ Rhythmic
C. Verbal/Linguistic
D. Visual/Spatial

___ 3. Ang mag-aaral na si Miguel ay mahusay sa pangangatwiran at problem solving. Anong talino
ang nakikita sa kaniya?
A. Bodily/Kinesthetic
B. Musical/ Rhythmic
C. Mathematical/Logical
D. Visual/Spatial

___ 4. Ano ang tawag sa talinong naghahanap ng sagot sa lahat ng katanungan?


A. Bodily/Kinesthetic
B. Existential
C. Verbal/Linguistic
D. Visual/Spatial

___ 5. Mahilig sa paghahalaman at pag-aalaga ng mga hayop si Mika. Ano ang talinong makikita sa
kaniya?
A. Intrapersonal
B. Verbal/Linguistic
C. Existentialist
D. Naturalist

VII. Pagninilay
Ano ang natutunan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2012
• www.winnpsb.org/TeachersWeb/kjordan/Theorist%20page%201.htm

Inihanda ni:
Melanie E. Villamer
Las Piñas City Technical-Vocational High School

16
Aralin
Mga Talento at Kakayahan
4

Kasanayang Pampagkatuto:
Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan ay mahalaga
sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa
pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at
paglilingkod sa pamayanan
(EsP7PS-Id-2.3)

Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga talento at kakayahan
(EsP7PS-Id-2.4)

Alamin

I. Paksa
Mga Talento at Kakayahan

II. Layunin
Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan ay mahalaga
sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa
pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod
sa pamayanan

Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga talento at kakayahan

III. Pamamaraan
Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983, ang teorya ng
Multiple Intelligences. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong talino?” at
hindi, “Gaano ka katalino?” Ayon kay Gardner, bagama’t lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan,
iba’t iba ang talino o talento. Ang mga ito ay:

17
18
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Ayusin ang mga letra hanggang sa mabuo ng tama ang mga salita.

1. _____________________________ A H M E T I M A T L A C

2. _____________________________ N R I E T E P O S N A L R
3. _____________________________
T N U R L A A I T S
4. _____________________________
T E K N I H S C T E I
5. _____________________________ S A U V L I
B. Gawain 2:
Panuto: Tukuyin kung anong Multiple Intelligence ang tinutukoy batay sa talento at kakayahan. Gumamit
ng hiwalay na papel.

_______ 1. Si Marta mula ng maliit ay mahusay ng umawit. Tinuruan siya ng kaniyang ama at
sinusuportahan ito sa lahat ng kaniyang mga patimpalak.
_______ 2. Natuto si Anabel sa pamamagitan ng paningin at pagsasaayos ng mga ideya.
_______ 3. Si Sarah G. ay madalas sumasali sa mga patimpalak ng pagkanta simula ng siya ay bata
pa lamang.
_______ 4. Ang taong may ganitong talino ay nagiging environmentalist, magsasaka o botanist.
_______ 5. Sila ay matagumpay sa larangan ng politika, pagtuturo, social works.

C. Gawain 3:
Panuto: Tukuyin kung saang Multiple Intelligences ito napabibilang batay sa kanilang larangan.
1. Guidance Counselor: _____________________
2. Pulis: _____________________
3. Mang-aawit: _____________________
4. Magsasaka: _____________________
5. Pintor: _____________________

D. Gawain 4:
Panuto: Magbigay ng mga pangalan ng mga kilala mong tao na nagpapakita ng mga sumusunod na
talento:
1. Musical/Rhythmic _____________________
2. Logical/Mathematical _____________________
3. Verbal/Linguistic _____________________
4. Bodily/Kinesthetic _____________________
5. Interpersonal _____________________

19
V. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

___ 1. Ang larangan na nababagay sa talinong ito ay pagsulat, abogasya, pamamahayag (journalism),
politika, at pagtuturo.
A. Mathematical/Logical C. Visual/Spatial
B. Verbal/Linguistic D. Interpersonal

___ 2. Ang larangan na nababagay sa talinong ito ay sining, arkitektura at inhinyero.


A. Visual/Spatial C. Musical/Rhythmic
B. Bodily/Kinesthetic D. Naturalist

___ 3. Likas na nagtatatgumpay sa larangan ng musika ang taong may ganitong talino. Magiging
masaya sila kung magiging isang musician, kompositor o disc jockey.
A. Intrapersonal C. Bodily/Kinesthetic
B. Existentialist D. Musical/Rhythmic

___ 4. Ang larangang karaniwang kaniyang tinatahak ay ang pagsasayaw, isports, pagiging musikero,
pag-aartista, pagiging duktor, konstruksiyon, pagpupulis, at pagsusundalo.
A. Bodily/Kinesthetic C. Musical/Rhytmic
B. Intrapersonal D. Naturalist

___ 5. Kadalasan siya ay nagiging matagumpay sa larangan ng kalakalan, politika, pamamahala,


pagtuturo o edukasyon at social work.
A. Interpersonal C. Intrapersonal
B. Naturalist D. Existentialist

VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2012

Inihanda ni:
Melanie E. Villamer
Las Piñas City Technical-Vocational High School

20
Aralin
Pagpapaunlad ng mga Hilig
5

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
(EsP7PS-Ie-3.1)

Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito


(EsP7PS-Ie-3.2)

Alamin

I. Paksa
Pagpapaunlad ng mga Hilig

II. Layunin
Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay

Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Marahil, narinig mo na mula sa ibang tao ang pahayag na: “Mahalin mo ang iyong ginagawa at
gawin ang mga bagay na iyong minamahal”. Naniniwala ka ba sa mensahe ng pahayag na ito? Kaya mo
bang gumawa ng isang bagay sa loob ng isang maghapon na kakaunti lamang ang pahinga ngunit hindi
gaanong nakararamdam ng pagod?

Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang malalim na kahulugan ng mga naunang pahayag. Ito ay
magsisilbing gabay sa pag- unawa tungkol sa kahulugan, kahalagahan, mga aspekto; mga larangan,
mga tuon, pagsusuri, at pagpapaunlad ng mga hilig, upang ikaw ay maging handa sa pagpili ng
propesyon, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa, at paglilingkod sa pamayanan.

IV. Pamamaraan
Basahin at unawain.

Dalawang Aspekto ng Hilig:


1. ang larangan ng mga hilig (areas of interest) at
2. ang tuon ng atensiyon (Abiva, 1993).

21
Larangan ng mga Hilig
1. Outdoor Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor)
2. Mechanical Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools)
3.Computational Nasisiyahan na gumawa gamitang bilang o numero
4. Scientific Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo at pag-imbento ng
mga bagay o produkto
5. Persuasive Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o
pakikipagkaibigan
6. Artistic Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
7. Literary Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat
8. Musical Nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog ng instrumentong
musikal
9. Social Service Nasisiyahang tumulong sa ibang tao
10. Clerical Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina

Tuon ng Atensyon ng Hilig


Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain.
1. Tao May kinalaman sa tao
2. Datos May kinalaman sa mga
katotohanan, records, files,
numero, detalye
3. Bagay Gamit ang mga kagamitan
(tools) o makina (machine)
4. Ideya Pag-iisip at pag-oorganisa ng
mga ideya
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Punan ang patlang ng bawat pangungusap. Iugnay ang iyong mga sagot sa iyong mga
kinahihiligang mga gawain. Gumamit ng hiwalay na papel.

1. Ako ay masayang ________________________


2. Hindi ako nababagot kahit paulit–ulit __________
3. Hinahanap-hanap ko ang aking ______________
4. Mas gusto kong __________________________
5. Iniiwasan kong __________________________

B. Gawain 2:
Panuto: Itala ang iyong tatlong mga pangunahing hilig at ang katumbas na larangan at tuon ng hilig.
Gumamit ng hiwalay na papel.

HILIG:________________________
Larangan ng hilig:
______________________________
______________________________
Tuon ng hilig: ___________________

22
C. Gawain 3:
Panuto: Gumuhit o gumupit ng larawan o mga larawan na nagpapakita ng iyong mga hilig. Sa bawat
hilig, ilagay at ipaliwanag ang bawat tuon nito. Gumamit ng hiwalay na papel.
Halimbawa:

D. Gawain 4:
Panuto: Punan ang hinihingi ng tsart. May inihandang halimbawa para sa iyo upang maging gabay mo
sa paggawa sa gawaing ito. Gumamit ng hiwalay na papel.

Aking Hilig Larangan Tuon ng Hilig

Tuon sa tao: Nagtuturo sa kaibigan kung paano kumanta


Halimbawa: Tuon sa Datos: Pagsusuri ng wastong pag-awit
Musical
Pag-awit Tuon sa Bagay: Paggamit ng musical instrument
Tuon sa Ideya: Pag-iisip ng mega bagong paraan pag-awit
Ikaw Tuon sa tao:
naman: Datos:
1. Bagay:
Ideya:
Tuon sa tao:
2. Tuon sa Datos:
Tuon sa Bagay:
Tuon sa Ideya:
Tuon sa tao:
3. Tuon sa Datos:
Tuon sa Bagay:
Tuon sa Ideya:
Tuon sa tao:
4. Tuon sa Datos:
Tuon sa Bagay:
Tuon sa Ideya:

23
Tuon sa tao:
5. Tuon sa Datos:
Tuon sa Bagay:
Tuon sa Ideya:

VI. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
____1. Ito ay tumutukoy sa preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain.
A. Talento C. Hilig
B. Kakayahan D. Tuon ng atensiyon

____ 2. Anong larangan ng hilig na nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools)?


A. Clerical C. Scientific
B. Mechanical D. Preperensiya

____ 3. Ang mga taong nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero ay may hilig sa larangan ng
__________________.
A. Artistic C. Social service
B. Persuasive D. Computational

____ 4. Ito ay isa sa mga tuon ng hilig na tumutukoy sa pag-iisip at pag-oorganisa ng mga kaisipan?
A. Ideya C. Bagay
B. Persuasive D. Outdoor

____ 5. Ang mga taong may larangan ng hilig na nasisiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman,
pagdidisenyo at pag-imbento ng mga bagay o produkto.
A. Artistic C. Scientific
B. Literary D. Computational

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2012

Inihanda ni:
Pascual G. Comillor
CAA National High School Annex

24
Aralin
Pagpapaunlad ng mga Hilig
6

Kasanayang Pampagkatuto:
Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin,
paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan
(EsP7PS-If-3.3)

Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig


(EsP7PS-If-3.4)

Alamin

I. Paksa
Pagpapaunlad ng mga Hilig

II. Layunin
Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin,
paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan

Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig

III.Pamamaraan
Basain at unawain ang sanaysay.

Mula pagkabata, nakasanayan na ni Lesli na panoorin ang kaniyang ina sa paggawa ng oatmeal
cookies. Natuto siyang mag-bake at ito ang kaniyang gustong gawin sa kaniyang libreng oras.

Sinubukan niyang magtimpla gamit ang kakaibang sangkap. Nakatanggap siya ng maraming
papuri dahil sa kakaibang sarap ng kanyang timpla. Dahil dito, nagkaroon siya ng tiwala sa sarili.
Gumagawa siya ng oatmeal cookies kapag may okasyon at ibinibigay sa mga kaibigan bilang regalo.
Hanggang nagbigay siya ng mga ito sa isang ‘Home for the Aged’ dahil nabalitaan niyang wala silang
panghimagas.

Sa edad na 15, nagtayo siya ng bakeshop sa tulong ng kanyang mga magulang dahil sa
kakaibang timpla ng kanyang mga oatmeal cookies.
(Hango sa: www.guideposts.com)

IV. Mga Gawain


A. Gawain1:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa sanaysay na binasa. Gumamit ng hiwalay
na papel.
____________ 1. Ano ang nakasayang ginagawa ni Leslie mula pa sa kanyang pagkabata?
____________ 2. Kanino siya natuto sa paggaya ng oatmeal?
____________ 3. Ano ang gustong ginagawa ni Lesli sa kaniyang mga libreng oras?
25
____________ 4. Paano nakagawa si Lesli ng kakaibang masarap na oatmeal?
____________ 5. Paano niya pinaunlad ang kanyang hilig sa paggawa ng oatmeal?

B. Gawain 2:
Panuto: Gamit ang gabay sa ibaba, buuhin ang mga salita kaugnay sa pagsasagawa ng mga kilos tungo
pagpapaunlad ng mga sariling hilig. Gumamit ng hiwalay na papel.

1. 9-19-9-14-19-19-1-7-1-23-1 _______________
2. 20-21-11-12-1-19-9-14 _______________
3. 14-1-7-19-9-19-9-11-1-16 _______________
4. 16-9-14-1-21-21-14-12-1-4 _______________
5. 19-9-14-1-19-1-14- 1-25 _______________

C. Gawain 3:
Panuto: Punan ang pag-uusap sa comic strip. Gumamit ng hiwalay na papel.

Mahalaga Totoo ‘yan.


talaga na Dahil sa Ganito ‘yan. Kai-
nakakagawa tayo pagpapaunlad ng Tama yan. Kaila-
langan tayong ngan na makaka-
ng paraan sa ating mga hilig maka-gawa ng
pagpapa-unlad ng ay__________ gawa tayo nga-
isang kon-kretong
ating mga hilig ______________ yon ng plano sa
plano kung paano
dahil __________ ______________ pagpapaunlad ng
natin mapapa- ating mga hi-lig
______________ ______________ unlad ang ating
______________ ______________ upang
mga hilig dahil ______________
______________ ______________ ______________
______________ ______________ ______________
______________
______________ ______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________ ______________
______________ Pero paano nga ______________
______________ ______________
______________ ba natin ______________
______________ pauunlarin ang ______________
______________ ______________
______________ ating mga hilig? ______________ ______________

D. Gawain 4:
Panuto: Punan mo ang kasunod na Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig. Ito ay isang konkretong
plano kung paano mo mapapaunlad ang iyong mga hilig. May inihandang isang halimbawa para sa iyo
upang magamit mong gabay. Gumamit ng hiwalay na papel.

26
Plano sa Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig

V. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1. Ano ang ginawa ni Lesli upang mapaunlad ang kanyang hilig?
A. Sinanay C. Isinagawa
B. Pinagsikapan D. Lahat ng
nabanggit

_____2. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng


pagpapaunlad ng hilig?
A. Upang maging kilala
B. Upang maipagmayabang
C. Upang makatulong sa kapwa
D. Upang magkaroon ng mga kaibigan

_____3. Ang mga sumusunod ay mga pararaan kung paano pinaunlad ni Lesli ang kanyang hilig
maliban sa_____________.
A. Matiyaga C. Handang matoto
B. Walang pakialam D. Nagsikap na
matuto

27
_____4. Ito ay tumutukoy sa konkretong plano sa
pagpapaunlad ng mga hilig.
A. Pagpapaunlad ng mga Hilig
B. Plano sa Pagpapaunlad ng mga Hilig
C. Paraaan sa Pagpapaunlad ng mga Hilig
D. Panukala sa Pagpapaunlad ng mga Hilig

_____5. Sino ang mga taong hihingan mo ng tulong/suporta o kokunsultahin sa pagpapaunlad ng iyong
hilig?

A. Kaibigan, magulang at guro


B. Bihasang tao at maraming alam
C. Mga tambay
D. Kahit sino basta may talento

VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

Mga Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2012
• www.guideposts.com

Inihanda ni:
Pascual G. Comillor
CAA National High School Annex

28
29
Aralin 3 Aralin 2
Gawain 1
Ang gawaing ito ay sumasalamin sa pagkatao ng mag-aaral. Narito ang mga maaaring sagot.
Pagtataya
1. B 2. D 3. B 4. A 5. C
Aralin 1
SUSI SA PAGWAWASTO
Aralin 4

Aralin 5 Aralin 6

Aralin 6

30

You might also like