You are on page 1of 33

Edukasyon sa

Pagpakatao
Ikaapat na Markahan
Modyul 13
Ang Seksuwalidad ng Tao
(Ikaapat na Linggo)

Edukasyon sa Pagpakatao– Ikawalong Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 8 - Week 4: Ang Sekswualidad ng Tao

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Charito B. Alcover


Editor:

Tagasuri:

Tagaguhit:
Tagalapat:

Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III Ronald G. Gutay

Eugenio B. Penales, Ed. D. Mary Jane J. Powao

Sonia D. Gonzales Aquilo A. Rentillosa

Dr. Jeanely A. Aleman, CESE Cristina T. Remocaldo

Evelyn F. Importante Mylen G. Villegas

Rosemarie Diocares, Ed. D. Ryan B. Redoblado


Inilimbag sa Pilipinas ng Carcar City Division
Department of Education – Region VII Central Visayas
Office Address: Department of Education-Carcar City Division (Learning Resources Management Section
Telefax: (032)4878495 E-mail Address: carcarcitydivision@yahoo.com

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpakatao 8 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Sekswualidad ng Tao

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalamam ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito.Kinakailangan ding subaysubayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito inaasahan mula sa iyo na
higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpakatao 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa pag-unawa ng napakinggan/nabasang teksto gamit ang naunang kaalaman o
karanasan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

3
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo
Tuklasin
sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibayang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Susi sa Pagwawasto
gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulatang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawainsa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

5
Nahihinuha na:

Ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa seksuwalidad ay mahalaga para sa paghahanda sa


susunod na yugot ng buhay sa isang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya sa
kanyang boasyon na magmahal. EsP8IPIVb-13.3

Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang
nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal.
EsP8IPIVb-13.4

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan


at pag – unawa:

 Kaalaman: Natutukoy ang tamang pananaw sa seksuwalidad ng tao

 Saykomotor: Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa sususnod na yugto ng


buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na
magmahal

 Apektiv: Napapahalagahan ang mga bagay na natutunan tungol sa tamang pananaw sa


seksuwalidad bilang paghahanda sa sususnod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at
nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal

Game ka na ba? Halika na’t sagutin mo ng buong puso’t -galak ang paunang
gawaing nakalaan para lamang sa iyo.

6
Subukin

Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Punan ng tamang salita ang
mga patlang sa bawat aytem gamit ang mga salitang makikita sa loob ng kahon. Isulat sa
sagutang papel ang inyong mga sagot.

birtud kalayaan kamalayan kalinisang- puri


pagkatao grasya paghanga puppy love
manlilikha magmahal

1. Ang instinct sa hayop ay isang awtomatikong kilos o reflex mode na hindi


nangangailangan ng___________, kaya hindi maaaring ikumpara ang katutumong
simbuyong sekswal (sex drive) ng hayop sa seksuwal na pagnanasa ng tao.

2. Ang __________ay kadalasang pinagkamalan nating tunay na


pagmamahal.

3. May mga pagkakataon na ang ___________ ay mas masidhi o sabi nga


“intense” dahil hindi ka na makakakain, hindi makaulog at palagi mo
na lang siyang iniisip.
7
4. Ang kilos loob ay may __________ kaya nga kalian man walang ibang
taong maaaring magpasiya para sa iyo.

5. Ang pagmamahal ay nagsisimula sa isang


pagpapasiyang_______________.

6. Sabi nga ng Banal na Papa Juan Paulo II, ang taong may
__________lamang ay may kakayahang magmahal ng tunay.

7. Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na paghahandog ng buong


___________ sa minamahal.

8. Ang pagmamahal ay isang ___________ na nangangailangan ng


paglinang at pagkilos upang mapaunlad ito.

9. Ang tunay na katuturan natin sa mundo ay upang magbigay – buhay at


makibahagi sa pagiging _____________ng Diyos.

10. Huwag nating kalimutan na ang pagmamahal ay patuloy na


bumubukal mula sa Diyos sa tulong ng kaniyang __________.

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at sagutin ito batay sa iyong natutunan mula
sa unang paksang natalakay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kahulugan ng seksuwalidad?


2. Ayon sa artikulo, bakit hindi kanais-nais ang teenage pregnancy? Sang-
ayon ka ba dito? Ipaliwanag
3. Bakit isang krimen ang abortion? Pangatwiranan.

8
4. Ayon sa artikulo, ano-ano ang maaaring maging masasamang epekto ng
pornograpiya sa isipan ng tao? Isa-isahin at ipaliwanag ang mga ito.
5. Bilang isang kabataan, paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili
laban sa midyang nagpapalaganap ng pornograpiya? Magbigay ng mga
tatlong paraan.

Tuklasin

9
PANUTO: Basahin ang dalawang sitwasyon, Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na
tanong.

Sitwasyon 1: Si Ruben ay lihim na nahihilig sa panooring pornograpiya. Lingid

Ito sa kaalaman ng kaniyang kasintahan na si Gigi. Habang nalululong si Ruben dito, tumutindi
rin ang kanyang pagnanais na makipagtalik kay Gigi. Si Gigi at Ruben ay hindi lamang minsan
nang nagkaroon ng pisikal na pagpapahayag ng kanilang damdamin sa isa’t-isa ngunit hindi ito
humahantong sa paikipagtalik. Npapansin ni Gigi na wari’y nag-iba na ang pakikitungo sa
kaniya ni Ruben. Madalas ay nagagalit ito kung hindi pumapayag si Gigi na makipagtagpo at
pumunta sa isang tahimik at madilim na lugar na maaari silang magkasarinlan. Ibig din ito ni
Gigi ngunit hindi sa dahilang tulad ng kay Ruben. Alam ni Gigi na mahalaga ang komuniasyon
sa isang relasyon. Ngunit bihira naman silang mag-usap nito kahit magkasarinlan.Madalas
hilingin ni Ruben na tuluyan na silang magtalik upang maipahayag ang kanilang pag-ibig sa
isa’t-isa ngunit nagdadalawang isip si Gigi.

Sitwasyon 2: Iba naman ang sitwasyon ni Ramon. May kasintahan din si Ramon Venus.
Kakaiba si Venus sa ibang babaeng kilala niya. Buod sa mahilig ito sa mga kasuotang maikli at
masisikip, hindi rin itong nahihiyang magpakita ng kaniyang damdamin sa pisikal na paraan.
Busog si Ramon sa pangaral ng magulang tungkol sa halaga ng edukasyon at mga paghihirap sa
maagang pag-aasawa. Ayaw ni Ramon na mapariwasa si Venus o humantong sila sa maagang
pag-aasawa, ngunit sadyang naiibigan niya ang ugnayan niya kay Venus. Madalas siya’y
nalilito, “ nais nga ba ni Venus ang ugnayang pisikal?”

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang iyong masasabi sa sitwasyong kinalalagyan ni Gigi sa pakikipag-date kay


Ruben? Sa sitwasyon ni Ramon?

2. Sa iyong palagay, tunay bang mahal ni Ruben si Gigi? Ni Ramon si Venus? Ipaliwanag.

3. Kung pumayag si Gigi sa hiling ni Ruben, ibig ba nitong sabihin ay mahal niya si
Ruben? Pangatwiranan.

4. Kung papaya si Gigi, ano ang mga maaaring maging kahahantungan nito? Bakit?

5. Bakit dapat tumanggi si Gigi sa hiling ni Ruben? Bakit dapat pigilan ni Ramon ang
simbuyo ng damdamin? Ipaliwanag.

10
Suriin

M Modyul
Modyul
10.b Ang Seksuwalidad ng Tao

Ang Sex Drive o Libido


- Sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata, may mga pagbabago sa iyong katawan na
nagiging dahilan ng pagpukaw ng iyong interes sa katapat na kasarian. Sa tamang
panahon, lilisanin mo rin ang sariling tahanan at hahanap ng kapares sa katapat na
kasarian upang magsimula ng sariling pamilya.
- Sa ngayon ang mga pagbabagong ito ay maaaring makalito sa iyo dahil hindi mo lubos
na maunawaan ang mga pagbabagong ito. Hindi mo dapat ipagtaka o ikahiya ang
pagkakaroon ng di mo maipaliwanag na pagkaakit sa katapat na kasarian. Natural
lamang ito, at kung mapamamahalaan mo, ito ay makatutulong upang ihanda ka sa
pagiging ganap na lalaki o babae.
- Ang seksuwal na pagnanasa sa tao ay maaari ninyo itong supilin o hayaang
mangibabaw sa inyong pagkatao. Kung hahayaang mangibabaw, maaari itong
magbunga ng kakulangan ang inyong pagkatao o maging sanhi ng abnormalidad sa
seksuwalidad na oryentasyon.
- Hindi maaaring ikumpara ang katutubong simbuyong seksuwal (Sex Drive) ng hayop
sa seksuwal na pagnanasa ng tao. Ang instinct sa hayop ay isang awtomatikong kilos o
reflex mode na hindi nangangailangan ng kamalayan. Kaya nga kapag nasa panahon
na, hindi mo maawat ang mga hayop na gawin kung ano ang likas sa kanila. Gagawin
nila ito kahit sa gitna ng kalye tulad halimbawa ng mga asong lansangan. Isa lamang
ang layunin seksuwal na pagsasama ng hayop, ang pagpapanatili ng kaniyang uri.

Ang Puppy Love

11
- Ang puppy love ay kadalasang pinagkakamalan nating tunay na pagmamahal. Ang
tototo, maaari naman talaga itong maging simula o pundasyon ng isang tunay at wagas
na pagmamahalan sa pagdating ng tamang panahon. Kailangan lamang ng tamang
integrasyon ang nararamdamang sensuwalidad at damdamin.
- Ang mahalaga, huwag ninyong kalilimutan na kayo ay nasa proseso pa lamang ng
paghahanda para sa tunay at wagas na pagmamahal at ang inyong nararamdaman ay
paghanga lamang at hindi pa tunay na pagmamahal.
- Ang puppy love ay maaring bunga ng seksuwalidad, na pinupukaw ng mga pandama
(senses) at damdamin na tinatawag na sentiment, na bunsod naman ng emosyon.
Kapag nakakilala kayo ng isang tao na sa inyong pamantayan ay nakaaakit, natural
lamang na ang una mong naging batayan ng panghuhusga ay ayon sa iyong mga
pandama. Maaaring sa una ang nakapupukaw ng iyong interes sa kaniya ay ang ganda
ng kaniyang mukha, katawan, kilos, pananamit o kaya’y talento at hindi ang kaniyang
pagkatao; dahil nga hindi mo pa naman siya lubos na nakilala. Katunayan nga minsan
dahil hindi naman kayo nagkakaroon ng pagkakataon na magkasama, at lubos na
magkakilala, nawawala rin kaagad ang interes mo sa kaniya. Ang tunay na
pagmamahal ay Malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal.

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang sumusunod mula sa Pro-Life Philippines (Pilar et. Al. 2005)

Ako ay isang responsableng babae…. Ako ay isang responsableng lalaki….

1. Ang aking mga halik ay di hamak na mas 1. Pinagkakatiwalaan ako ng mga magulang
matimbang kaysa anumang party o sine. ng aking kasintahan at ng aking mga
magulang. Hindi ko ito sisirain.
2. Ang aking katawan ay templo ng Diyos at 2. Igagalang ko ang aking nobya katulad ng
hindi isang laruan. pag-asa kong igagalang ng ibang lalaki ang
3. Ang unang “AYAW KO” ay mahirap aking kapatid na babae.
ngunit ang mga susunod ay madali na. 3. Igagalang ko ang pagkababae niya dahil
ang aking ina ay isang babae. Hindi o
4. Ang pagka birhen ay isang kanais-nais na hihilingin sa aking nobya na gumawa ng
katangian at halaga pa rin. Ang kahalayan mga bagay na ikahihiya kong malaman ng
ay malaking paglabag sa batas moral. aking ina.
4. Ikinararangal at ikinalulugod kong
5. Ang aking pananamit, pagkilos, at makasama ang aking nobya. Isang
pananalita ay maaaring magsilbing tukso pagkakamali ang umasa nang higit pa
sa aing kasintahan. Ako ay magiging bilang kabayaran sa pagtatagpong ito.
mabini para sa aming proteksiyon. 5. Balang araw, magiging isang ina at asawa
ang aking nobya.. Dapat siyang magsilbing
6. Malaki na ang nagawa ng aking mga
halimbawa sa kaniyang mga anak at
magulang para sa akin, nais kong lagi nila
maipagmalaki ng kaniyang asawa.

12
akong ikapuri. Tutulungan ko siyang maging malinis ang
puso at maging disente
7. Ang nobyo ko ay magiging asawa at ama Tulad ng gusto ko sa mapapangasawa ko.
baling araw. Kailangan siyang maging 6. Ang pagkalalaki ay nangangahulugan ng
bayani sa mata ng kaniyang asawa at mga lakas na karakter gayon din ng katawan.
anak. Hindi ako gagawa ng anumang Isang kahinaan ang kakulangan ng
bagay sa aming pagtatagpo na hahadlang pagpipigil sa sarili. Gusto kong malaman
sa katapuran iyon. ng aking kasintahan na ako ay tunay na
8. Gusto kong maging isang ina at asawa. lalaki.
Ilalaan ko ang aking puri at damdamin 7. Ang Panginoong Diyos ay nasa lahat ng
para sa aking magiging asawa at anak. lugar, nakikita ang lahat, at alam ang lahat.
Maaaring itago ako ng kadiliman ngunit
hindi ako maitatago nito ng Diyos.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ayon sa babasahin, ano ang ibig sabihin ng pagiging tunay na lalaki?

2. Ano ang maipapangako mo bilang responsableng babae o lalaki sa


pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian?

13
3. Paano mo maisasabuhay ang pagiging isang responsableng babae o
lalaki?

Isaisip

Natutunan ko ang kahalagahan ng


_____________________________________________________
_____________________________________________________
____
_____________________________________________________
__.
Nahihinuha ko na mahalaga ang mga natutunang ito
dahil________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
______.
Isasabuhay ko ang mga natutunan
ko__________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
Ta

14
15
Isagawa

Panuto: Magtala ng mga gawain na maaaring isagawa sa buong taon bilang paghahanda mo
sa pagganap sa bokasyon sa pagmamahal kapag ikaw ay ganap na binata o dalaga na.

Halimbawa:

1. Ang pagsasakilos ng mga pangunahing responsibilidad sa tahanan, sa paaralan, komunidad


tulad ng:
Sa tahanan – paghuhugas ng pinggan
Sa paaralan – paggawa ng homework o proyekto ng maaga
Sa komunidad – pagtawid sa tamang tawiran

Ang Epekto at Panganib sa Teenage Pregnancy

Pagsasakilos ng mga pangunahing Tamang kilos sa paghahanda sa susunod na


yugto ng buhay bilang nagdadalaga at
responsibilidad sa: nagbibinata

1.
Tahanan
2.

1.
Paaralan
2.

1.
Komunidad
2.

16
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag sa bawat bilang. Isulat ang titik na S kung ikaw
ay sang-ayon at DS kung Di Sang-ayon sa pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang seksuwalidad ay ang behikulo upang maging ganap na tao- lalaki o babae na
ninanais mong maging.

2. Hindi maaaring ikumpara ang katutubong simbuyong seksuwal (sex drive) ng hayop sa
seksuwal na pagnanasa ng tao.

3. Ang puppy love ay kadalasang pinagkakamalan nating tunay na pagmamahal.

4. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal.

5. Ang pag-iisa ng seksuwalidad at pagkatao habang nagdadalaga at nagbibinata, ay


walang kinalaman sa kanyang pagiging ganap na pagsapit ng sapat na gulang
(adulthood).

6. Ang seksuwal na pagnanasa ng tao ay hindi niya kayang supilin.

7. Ayon kay St.Paul II, “Tao lamang ay may kakayahang magmahal, at ang tao lamang
ang makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal.

8. Ang pamantayan tuloy ng kung ano ang kaakit-akit at kaibig-ibig ay kadalasang ayon
sa impluwensiya ng media.

9. Ang tao ay may kilos-loob na ang ibig sabihin ay walang makapagdidikta sa iyo kung
sino ang mamahalin mo.

17
10. Ang paghanga at pagkaakit sa katapat na kasarian ay natural lamang sa mga nasa yugto
ng pagdadalaga at pagbibinata na makatutulong upang ihanda ka sa pagiging ganap na
lalaki o babae.

Karagdagang Gawain

Batay sa mga natutuhan mo sa aralin, sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kahulugan ng pagmamahal?

2. Ano ang tamang pananaw sa seksuwalidad, kaugnay ng pag-aasawa?


Pangatwiranan.

3. Paano mo mapahahalagahan ang mga bagay na iyong natutunan tungkol sa


seksuwalidad bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga
at nagbibinata?

Susi sa Pagwawasto

18
Balikan

1. Ang sekswalidad ng tao ay naugnay sa kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki.

2. Hindi kanais-nais ang teenage pregnancy dahil maraming hindi magandang epekto nito sa
nagbubuntis kagaya na lamang ng pagpapalaglag (abortion), depresyon, at sakit.

3. Ang abortion ay isang krimen dahil unang-una hindi ito legal sa ating bansa at ito ay isang
uri ng krimen o pagpatay sa sanggol habang nasa sinapupunan pa lamang ito.

4. Ang masamang epekto ng pornograpiya sa isipan ng tao ay maaaring hindi magiging normal
ang kanyang pag-iisip lalong-lalo na sa gawaing sekswal.

5. Bilang isang kabataan, mailalayo ko ang aking sarili sa pornograpiya dulot ng pagkalat nito
sa midya sa pamamagitan ng pagiging maingat at responsable sa paggamit ng social media.

( Ang sagot ay maaaring magkakaiba- iba)

Panimulang Gawain
1. 1.Kamalayan 6. Kalinisang - puri
2. 2.Puppy love 7. pagkatao
3. 3.Paghanga 8. birtud

19
4. 4.Kalayaan 9. manlilikha
5. 5.Magmahal 10. grasya

Tayahin
1. 1.S 6. DS
2. 2.S 7. S
3. 3.S 8. S
4. 4.S 9. S
5. 5.S 10. DS

MGA SANGGUNIAN
Dy. M. (2011) Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang at Pakikipagkapwa. Panayam sa
Pambansang Pagsasanay ng mga Tagapagsanay ng Pinagyamang Programa ng Batayang
Edukasyon (K t0 12) sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Abril 17, 2013. Teachers Camp,
Baguio City

20
Esteban, E. (1990). Education in Values: What, Why, and for whom. Manila:
Sinagtala Publishers, Inc.

Pope John Paul II.(2003). Theology of the body. Retrieved from


www.theologyofthebody.net on November 28, 2012

EsP 8 Learner’s Manual pahina 367 - 400


Regina Magnon C. Bognot, et. al.,2014 Edukasyon sa Pagpapakatao. Pasig City
FEP Printing Corporation

21
22
23
24
25
Pagyamanin

Gawain 4: Kumpletuhin Mo’to!

PANUTO: Punan ang nawawalang salita upang mabuo ang Batayang Konsepto.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Bilang obligasyong sa ng tao, ang


ay nakakamit sa o sa mga aspekto
kung saan mayroon siyang na .

Isaisip

26
Gawain 5 : Pagninilay

Panuto: Tingnan ang kahon sa ibaba. Isulat sa unang kolum ang iyong mga talento/kakayahan.
Sa ikalawang kolum, isulat ang iyong mga maaring gawin o maitutulong gamit ang
iyong mga talento/kakayahan.

Talento/Kakayahan Paano ko gagamitin?


1. Pagluluto 1. Ako ang magluluto o maghahanda ng
pagkain ng mga kasama kong volunteer
2.
2.
3.
3.
4.
4.
5
5.

Isagawa

Gawain 5: Pagganap

Panuto:
1. Tingnan ang kahon sa ibaba.
2. Isulat sa unang kolum ang tatlong gawain sa baranggay o sektor na may partikular na
pangangailangan
3. Itala sa ikalawang kolum ang angkop na talento/kakayahan na gagamitin sa pagtulong.
4. Ilagay sa ikatlong kolum ang kilos sa gagawing pagtulong
27
5. Pagkatapos, isulat ang maikling pagninilay kaugnay sa gagawing pagtulong.

Sektor na may Talento/ Pagtulong na Pagninilay sa


Pangangailang Kakayahan na Gagawin Gagawing
an Gagamitin Pagtulong

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:


Kapitbahay na Pagiging Pagboluntaryo na Mahalagang gawin
hindi marunong marunong ipa-enrol on-line ko ito upang
mag-enrol on- gumamit ng ang kapitbahay maibahagi at
line at walang teknolohiya o na walang magamit ko sa
internet computer internet paglilingkod ang
connection connection aking kakayahan na
hindi ako naghihintay
1.
ng kapalit
2.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 5:


1. Nakapagtala ng dalawang tiyak na gawain sa baranggay o sektor na may partikular na
pangangailangan
2. Nakapagbigay ng angkop na talento/kakayahan na gagamitin sa pagtulong
3. Tiyak at makatotohanan ang binanggit na kilos ng gagawing pagtulong
4. Naitala ang lahat ng hinihinging impormasyon sa tsart
5. May kasamang maikling pagninilay ang gagawing pagtulong

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Paano maipakikita ang pakikilahok bilang isang obligasyong likas sa dignidad ng tao?
A. Pipiliin na hindi lumahok sa paggawa ng proyekto sa EsP upang makapagpahinga.
B. Pipiliin na hindi sumama sa barkada upang magawa ang tungkulin sa bahay.
C. Pipiliin na linisin ang kalsada kahit walang pagkakataong gawin ito.
D. Pipiliin na mamuno sa mga pangkatang gawain ng klase.

2. Bakit mahalagang makilahok sa mga gawain ng baranggay ang isang kabataan?


A. Dahil mahalagang maging mapanagutan sa lipunang kinabibilangan.
B. Dahil sa patakarang may penalty ang miyembro na hindi makikilahok.
C. Dahil kailangang maipakita ang pagiging kabilang dito.
D. Dahil simpleng paggawa lamang naman ito.
3. Nag-ipon ng relief goods si Chad para sa mga biktima ng sunog sa kabilang baranggay.
Ngunit ayaw ng tatay niya na pupunta siya roon. Ano ang nararapat niyang gawin?

28
A. Magpasama sa tatay upang malaman nito na pagtulong talaga ang sadya niya roon.
B. Hindi na lamang niya ituloy ang paghatid ng tulong upang hindi siya mapagalitan.
C. Pumunta pa rin siya doon dahil ito ay bukal sa kaniyang kalooban.
D. Ipadala sa isang kakilalang pupunta doon ang naipong tulong.

4. Sina Jun, Paul at Pete ay maglulunsad ng isang programang hahasa sa iba’t ibang kakayahan
ng mga kabataan sa kanilang lugar. Ano ang dapat nilang isaalang-alang?
A. Panahon, talento at kayamanan
B. Pagmamahal, malasakit at talento
C. Talento, panahon at pagkakaisa
D. Kayamanan, talento at bayanihan

5. Ano ang proyektong gagawin ng isang mag-aaral para sa paksang Bolunterismo?


A. Pagkakaroon ng feeding program para sa mga bata.
B. Pagtuturo sa mga bata na magbasa at magsulat.
C. Paglilinis sa buong purok kahit mag-isa lamang.
D. Pagpapatayo ng basketball court.

6. Ano ang tinutukoy ng pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anomang kapalit?


A. Bolunterismo B. Dignidad C. Pakikilahok D. Responsibilidad

7. Alin sa sumusunod ang tunay na kahulugan ng pakikilahok?


A. Isang pagtulong na may inaasahang kapalit
B. Isang paggawa na may kakambal na pagmamahal
C. Isang malayang pagpili na walang puwersa ng pamimilit
D. Isang pananagutang tinututupad tungo sa kabutihang panlahat

8. Nagsagawa ang mga mag-aaral sa EsP 9 ng paglilinis sa pamayanan bilang paglalapat sa


araling Pakikilahok at Bolunterismo. Aling mag-aaral ang may kilos ng pagkukusa?
A. Pumunta si Frances dahil ayaw niyang biguin ang kaniyang mga kapangkat.
B. Pumunta si Marvin dahil kailangan ito upang tumaas ang kaniyang grado.
C. Pumunta si Jun dahil nais niyang makatulong sa gagawing paglilinis.
D. Pumunta si Rey dahil kukuha siya ng larawan na pang-Facebook.

9. Bubuo ng jingle para sa Buwan ng EsP ang pangkat nina Mar.Ngunit kailangan na niyang
umuwi upang magbantay ng kanilang tindahan. Ano ang nararapat niyang pasiya?
29
A. Siya na lamang ang bubuo ng jingle ng kanilang pangkat.
B. Magbigay siya ng perang panggastos ng mga kapangkat niya.
C. Hihingi siya ng isang gawain na puwede niyang magawa sa bahay.
D. Unahin niya ang pagbuo ng jingle kasama ng pangkat kaysa pag-uwi.

10. Alin sa sumusunod ang taliwas sa layunin ng pagsasagawa ng bolunterismo?


A. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.
B. Nakapagbibigay siya ng natatanging kontribusyon.
C. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta.
D. Nagkakaroon siya ng oportunidad upang makilala at sumikat.

Mahusay! Napagtagumpayan mo nang maisagawa ang


mga inatang na gawain.

Susi sa Pagwawasto

Subukin
Bilang ng Sagot
Aytem
1 C
2 B
3 D

30
4 A
5 B
6 C
7 C
8 D
9 B
10 B

Tayahin
Bilang ng Sagot
Aytem
1 B
2 A
3 D
4 A
31
5 B
6 A
7 D
8 C
9 C
10 B

Sanggunian

Edukasyon Sa Pagpapakatao 9 Modyul ng Mag-aaral, pp. 111-128

tnt.abante.com.ph

teachbeyong.org

slideshare.net

32
33

You might also like