You are on page 1of 25

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4 (Week 5)
Impluwensiya ng Heograpiya sa
Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan
AralingPanlipunan – IkawalongBaitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga
Sinaunang Kabihasnan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Resjade Carl A. Ompad
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Normalyn G. Alonso Stella Maris A. Belardo
Tagasuri: Teresa A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR-LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas sa Kagawaran nga Edukasyon


Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4 (Week 5)
Impluwensiya ng Heograpiya sa
Pag-unlad ng mga Sinaunang
Kabihasnan

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Impluwensiya ng Heograpiya sa
Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Heograpiyang Pantao!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaarimong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


Balikan
kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


Suriin
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at


Pagyamanin
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

iii
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto Gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Noong nasa Ikapitong Baitang ka, napag-aralan mo ang tungkol sa
kabihasnang Asyano. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa
impluwensiya ng heograpiya sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo kung papaano mo maiuugnay ang
heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan. Mahalagang
malaman mo ang mga kahalagahan ng katangiang pisikal ng isang lugar at ang
impluwensiya nito sa pamumuhay ng mga naninirahan rito tulad sa naging
implwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa


Daigdig

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig (MELC);
2. Nasusuri ang ugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig;
3. Nailalarawan ang mga katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig;
4. Naipagpapatuloy ang pagpapahalaga samga katangiang pisikal o heograpiya
na naging impluwensiya sa pagbuo at pag-unlad ng pamumuhay ng tao sa
mga sinaunang kabihasnan at maging sa kasalukuyan panahon.

1
Subukin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang
hinihingi ng tanong. Isulat sa isang hiwalay na papel ang iyong mga sagot.
1. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga turista dahil sa mabuting
pakikitungo ng mga Pilipino at tulad sa ibang bansa, magaganda ang mga pisikal
na katangian ng lugar. Ano ang tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang
pisikal ng daigdig?
A. Heograpiya B. Kabihasnan C. Pamumuhay D. Kultura

2. Mahaba ang kasaysayan sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng mga sinaunang


tao. Simula nang madiskubre ang paggamit ng apoy, marami na ang nabago at
umunlad sa kasaysayan.Ano ang tawag sa lokal na salita na nanggagaling sa
salitang-ugat na “bihasa” na ang kahulugan ay “sanay” na tumutukoy sa isang yugto
ng kaunlaran ng isang lipunan o ang maunlad na pagtira sa isang partikular na
lugar. Ano sa palagay mo ang tinutukoy dito?
A. Heograpiya B. Kabihasnan C. Pamumuhay D. Kultura

3. Ito ay nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at


Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia,
ang lupaing matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito.Ano ang inilalarawan nito?
A. Heograpiya ng Mesopotamia C. Heograpiya ng Ilog Huang Ho
B. Heograpiya ng Lambak ng Indus D. Heograpiya ng Egypt

4. Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinaka-


bagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
Ano ang inilalarawan nito?
A. Heograpiya ng Ilog Harappa C. Heograpiya ng Ilog Huang Ho
B. Heograpiya ng Lambak ng Indus D. Heograpiya ng Egypt

5. Ang kabihasnansa China ay umusbog sa tabing-ilog malapit sa Yellow River na


nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya.
Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang
panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North
China Plain. Ano ang inilalarawan nito?
A. Heograpiya ng Ilog Tsina C. Heograpiya ng Ilog Huang Ho
B. Heograpiya ng Lambak ng Indus D. Heograpiya ng Egypt

6. Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinatawag na bilang “The Gift of the
Nile” dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang
disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng
Africa. Ano ang inilalarawan nito?
A. Heograpiya ng Ilog Africa C. Heograpiya ng Ilog Huang Ho
B. Heograpiya ng Lambak ng Indus D. Heograpiya ng Egypt

7. Ito ang kauna-unahang kabihasnang umunlad sa rehiyong America na


kinabibilangan ng malaking bahagi ng Mexico, Guatemala at El Salvador?
A. Mesopotamia B. Mesoamerica C. Egypt D. Indus

2
8. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng
mga sinaunang tao sa timog ng kamlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan
ng Sudan. Anong kabihasnan ang tinutukoy rito?
A. Kabihasnan ng Mesopotamia C. Kabihasnan sa Africa
B. Kabihasnan sa Mesoamerica D. Kabihasnan sa Egypt

9. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America


ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing
sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi
ng America. Anong kabihasnan ang tinutukoy rito?
A. Kabihasnan ng Mesopotamia C. Kabihasnan sa Africa
B. Kabihasnan sa Mesoamerica D. Kabihasnan sa Egypt

10. Ito ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog” na inaakalang


lunduyan ng unang kabihasnan dahil itinuturing na kauna-unahang kabihasnan
sa buong daigdig.
A. Kabihasnan ng Mesopotamia C. Kabihasnan sa Africa
B. Kabihasnan sa Mesoamerica D. Kabihasnan sa Egypt

Aralin
Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-
3 unlad ng Sinaunang Kabihasnan

Isang masayang pagtuntong sa Ikatlong Baitang!


Sa naunang modyul, natutunan mo ang tungkol sa heograpiya at yugto ng pag-
unlad ng kultura sa panahong prehistoriko. Ngayon, mas mapapalawak at
mapapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa impluwensiya ng heograpiya sa pag-
usbong at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan.
Ngayon, mas mapapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa impluwensiya
ng heograpiya sa inyong pamumuhay. Napansin mo marahil ang ikinabubuhay ng
iyong pamilya ay nakadepende sa katangiang pisikal mayroon ang inyong lugar. Sa
lugar malapit sa karagatan, makikita mo rin na maraming mamamayan ang
nabubuhay sa pangingisda. Sa kabundukan, pagsasaka at iba pang gawaing bukirin
ang iyong nakikita. Mahalagang malaman mo na malaki ang impluwensiya ng pisikal
na katangian o heograpiya sa pamumuhay ng tao at nararapat lang pahalagahan ito.
Unang naging saksi nito ang kasaysayan sa pag-usbong at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan ng daigdig.
Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

3
Balikan
Paunto: Sagutin ang mga katanungan. Isulat ang titik o letra ng tamang sagot sa
papel. Isulat sa isang hiwalay na papel ang iyong mga sagot.

1. Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, ang Teorya ng


Ebolusyon ng Tao dakong 2.5 milyong taon na ang nakalilipas nakita ang ninuno
ng tao. Ano ang sinasabing pinagmulan ng tao ayon sa mga siyentista?
A. Ape B. Chimpanzee C. Lucy D. Homo habilis
2. Kung ang edad mo ay nasa 6 hanggang 21 taon ikaw ay kabilang sa “Generation
Z” at kung nasa 22 hanggang sa 37 taon ikaw ay “millennial”. Kapag isinilang ka
naman noong “panahon ng lumang bato” at sinasabing pinakamahabang yugto ng
kasaysayan ng sangkatauhan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Paleolitiko C. Panahong Metal
B. Neolitiko D. Panahon ng Tanso
3. Sa panahon ngayon marami na ang mga kagamitan sa pagluluto, mayroong de
kuryente at stove na pinagagana ng LPG o Liquefied Petrolleum Gashellan. Sa
anong panahon naman sa pag -unlad ng kultura ng mga sinaunang tao na sila ang
nangunguna sa paggamit ng apoy at pangangaso?
A. Panahong Neolitiko C. Panahong Metal
B. Panahong Paleolitiko D. Panahon ng Tanso
4. Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species noong dakong 2.5 milyong taon,
lumitaw na ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang
bato. Ito ay nanganahulugan na able man o handy man. Sino ang tinutukoy rito?
A. Homo habilis B. Homo erectus C. Homonid D. Lucy
5. Sa panahon ngayon lalo na pandemic maraming nawalan ng trabaho at ang iba
ang bumalik na sa kanilang probinsya upang doon nalang sila maghanap buhay
tulad ng pagtatanim. Sa loob ng maraming libong taon, paano nabubuhay ang mga
prehistorikong tao sa panahong paleolitiko?
A. Pangangaso C. Pagtatanim
B. Pangangalap D. Pangangaso at pangangalap

Tuklasin
Gawain 1: PAMAYANAN MO, ILARAWAN MO!
A. Panuto: Masdan ang tatlong larawan sa ibaba. Suriin ito nang mabuti at
isulat ang mga ipinakikita ng larawan sa inilaang espasyo sa ibaba ng bawat
larawan. Pansinin ang katangiang pisikal nito.

LARAWAN 1 LARAWAN 2

4
All Pictures are originally drawn by: Rafael F. Villar Jr
A: ________________________A: _________________________
B: ________________________B: _________________________

LARAWAN 3

Picture originally drawn by: Rafael F.Villar Jr

A: ____________________________B: __________________________

Pamprosesong Tanong:

1. Sa iyong palagay, alin sa tatlong larawan ang may hawig ang iyong pamayanan?
Ilarawan.

Sagot: __________________________________________________
______________________________________________________.

2. Ayon sa mga larawan, may ugnayan ba ang katangiang pisikal oheograpiya ng


lugar sa mga gawain ng tao? Patunayan.

Sagot: __________________________________________________
______________________________________________________.

3. Sa iyong palagay, paano kaya nagsimulang mamuhay ang iyong mga ninuno
at mga sinaunang tao noon?

Sagot: __________________________________________________
______________________________________________________.

5
Gawain 2: WHAT’S THE MAGIC WORD!
B. Panuto: Subukan mong punan ang nawawalang titik sa terminong tinutukoy
sa ibaba.
1. Ito ay may kaugnayan sa pagsisikap ng mga sinaunang tao na mapa-unlad
ang kanilang pamumuhay at tuluyang nakamit ang mataas na antas ng
kalinangan sa kultura.

K B H A N A N

S B L S A Y N

Gawain 3: KABIHASANAN, KABISAHIN NATIN!


C. Panuto: Masdan at suriin ang larawan sa ibaba. Isulat ang mga ipinakikita ng
larawan sa inilaang espasyo sa ibaba ng larawan.

Picture originally drawn by: Rafael F.Villar Jr

1. _____________________ 3. _____________________ 5. ____________________

2. ______________________ 4. _____________________

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kaugnayan ng mga nasa larawan sa salitang kabihasnan o sibilisasyon?

Sagot: _______________________________________________________________

_____________________________________________________________________

2. Para sa iyo, ano ang sinisimbolong mga sumusunod sa isang sinaunang


pamayanan sa pagtaguyod ng kabihasnan o sibilisasyon?
a. Korona ng Hari - ______________________________________.
b. Isda at Palay - __________________________________________.
c. Sistema ng Pagsulat - ____________________________________.
d. Kagamitan - ___________________________________________.

6
3. Subukang magsaliksik at punan ang talahanayan sa ibaba tungkol sa mga
sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig, partikular sa Asya, Africa at
America.
Kontinente Sinaunang Kabihasnan
Asya
Africa
America

Suriin
Gawain 4: SINAUNANG KABIHASNAN WORLD TOUR!
Panuto: Basahin ang kwento ng mga turistang dumalo sa World Tourupang suriin
angugnayan ng heograpiya at mga sinaunang kabihasnan. Sagutin ang mga gabay na
tanong sa ibaba.

Sinaunang Kabihasnan World Tour


Kwento ni Normalyn G. Alonso

Tour Guide: Welcomesa ating Sinaunang Kabihasnan World Tour!


Mga Turista: Excited na po kami! Sabay sagot ng lahat.
Tour Guide 1: Nandito na tayo sa unang destinasyon.
Turista 1: Binasa ang karatula, Welcome to Mesopotamia! Excited nang bumaba ang lahat
sabay-sabay na nagtanong. Ano pong meron dito?
Tour Guide 2: Welcome po sa lahat. Ako pala si Teacher Ema, ako ang magbabahagi ukol sa
lugar. Handa na ba kayong makinig? Sabay naman ang sagot nang lahat na may
kagalakang makinig at sinimulan na ang pagbabahagi.
Teacher Ema: Dito sa ilog na ito umusbong ang pinaniniwalaang kauna-unahang kabihasnan
ng daigdig, ang Kabihasnang Mesopotamia. Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa
mga salitang Greek na meso o”pagitan” at potamos o “ilog”. Ito ay nangangahulugang
lupain “sa pagitan ng dalawang ilog” ng Tigris at Euphrates. Matatagpuan ito sa rehiyon
ng Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf
hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea.
Turista 3: At alam niyo ba, dahil walang likas na hangganan, sinakop at pinanahanan ito ng
iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian,
Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nangtangka ring sakupin ang lupaing ito.
Pamayanang Uruk ang itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig. At
sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey.
Teacher Ema: Tama ka diyan. At alam niyo ba na malaki naitulong ng ilog ngunit may pinsala
ring dala sa pamumuhay ng mga sinaunang tao. Taon-taon umaapaw ang ilog at
nagdudulot ng baha.
Turista 1: Pero ginawan naman po ng paraan ng pinuno at mga tawo. Ang palagiang pag-apaw
ng ilog ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik o “silt”, nagiging mataba ang
lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim.

7
Turista 2: Mahalaga po pala talaga ang ilog at nakakatulong sa mga tao.
Teacher Ema: Tama ka na naman diyan. Para matuto pa tayo, ang susunod nating
destinasyon ay ang Kabihasnang Indus.
Turista 1: Binasa ang karatula, Kabihasnang Indus! Ano pong meron dito?
Teacher Ema: Narito na tayo sa tangway ng Timog Asya kung saan ang sinaunang
kabihasnang Indus. Ito binubuo ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh,
Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal at Maldives. Madalas tawagin ng mga
heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga matatarik na
kabundukan.
Turista 2: Saan po nagsimula ang kanilang kabihasnan?
Teacher Ema: Nagsimula sa paligid ng Indus River. Ang mga lungsod ng Harappa at
Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas ng mga sinaunang
sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Halos kasabay rito ang pagsisimula
ng Sumer noong 3000 BCE. At alam niyo ba, mas malawak ang lupain ng Indus kung
ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia.
Turista 3: Ayon sa aking nabasa kabilang sa mga bundok na ito ang Himalayas.
Teacher Ema: Tama ka! Sa katunayan, ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay
nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na
dumadaloy sa Indus River. May habang 2,900 km at bumabagtas sa Kashmir
patugong kapatagan ng Pakistan. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang
pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang
malinang ang lupain. Para matuto pa tayo ng marami, ang susunod na destinasyon
ay kabihasnang Tsino. Ano pang hinihintay natin! Tara na!
Turista 2: Binasa ang karatula, Kabihasnang Tsino. Ano pong meron sa kanilang
kabihasnan?
Teacher Ema: Magaling na tanong iyan. Itinuturing na pinakamatandang
kabihasnanghalos apat na milenyong nananatili sa buong daigdig hanggang sa
kasalukuyan.Lalong nagpatatag ang mahusay na pamamahala pagkakaroon ng mga
ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism.Sa
aspetong politika, halinhinang nakaranas ang Tsina ng pagkakaisa at pagkakawatak-
watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa
hanggang sa makabagong panahon.
Turista 3: Ano po ang heograpiya ng kabihasnang Tsino?
Teacher Ema: Ang kabihasnan na ito ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River
o Huang Ho na may habang 3000 milya.Ang dinaraanan nito nang mahabang
panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North
China Plain.
Turista 4: Ayon sa aking nabasa, tulad ng ibang ilog, pag-apaw ng ilog ay nagdulot ng
pataba sa lupa. Subalit ang Xia o Hsia ang kauna-unahangdinastiyang naghari sa Tsina
at ang pinunong Yu ang pinaniniwalaang nakagawa ng paraan upang makontrol ang
pagbaha.Tara na sa susunod na kabihasnan!
Turista 1: Binasa ang karatula, Welcome to Africa! Bakit po tayo nakarating dito?

8
Teacher Ema: Magaling na tanong! Matatagpuan ang sinaunang kabihasnan na nagmula
sa lambak ng Nile River sa Egypt sa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Naging mas
matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod
bilang isang estado pagsapit ng 3100 BCE at nakapagpatuloy sa loob ng halos
tatlong milenyo.
Turista 3: Ano naman po ang kanilang heograpiya?
Teacher Ema: Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy
mula katimugan patungong hilaga.Mahalagang tandaan ang tinutukoy na Lower
Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy
patungong Mediterranean Sea.Ang Egypt ay tinatawag na bilang “The Gift of Nile”
dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.
Tulad ng ibang ilog, taon-taon ding umaapaw pero nahinto ang pag-apaw ng Ilog
dahil noong 1970, itinayo ang Aswan High Dam.
Para lubusan niyong makilala ang panghuling sinaunang kabihasnan, lilipad naman tayo
patungo sa America. Handa na ba kayo?
Turista 2:Binsasa ang karatula, Welcome to Kabihasan saMesoamerica! Ano naman po
ang mayroon sa kanilang kabihasnan?
Teacher Ema: Libong taon na ang nakaraan, pinaniniwalaang may pangkat ng mga
mangangaso ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America. Unti-unting
tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong Timog, at
nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng North at
South America.Noong ika-13 siglo BCE, umusbong ang kauna-unahang kabihasnan
sa America.Sila ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang
mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t
ibang bahagi ng America.
Turista 4: Ano naman pong heograpiya mayroon ang kabihasnang Mesoamerica?
Teacher Ema: Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na
nangangahulugang “gitna” ng kontinente. Ang Mesoamerica o Central America
ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca
sa katimugang ng El Salvador.Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga
ilog ng Panuco at Santiago.Ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas
ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi
ng rehiyon.Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at pag-usbong ang
agrikultura. Marami na ba kayong natutunan?
Mga Turista: Marami po kaming natutunan. Salamat at hanggang sa muli.

Gabay na mga tanong:


1. Tungkol saan ang kwento ng mga turistang dumalo sa World Tour?

Sagot: ___________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

______________________________________________________.

9
2. Ayon kwento, ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan
ang may pagkakatulad sa isa’t isa? Ilarawan ito.

Sagot: ___________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

______________________________________________________.
3. May kaugnayan ba ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig? Ipaliwanag.

Sagot: __________________________________________________________________

________________________________________________________________________

______________________________________________________.
4. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa isang lugar sa
pagtataguyod ng kabihasnan?

Sagot: _________________________________________________________________

________________________________________________________________________

5. Sa iyong tingin, malaki ba ang impluwesiya nga katangiang pisikal sa


pamumuhay ng mga taong naninirahan malapit dito? Ipaliwanag.
Sagot: __________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

______________________________________________________.

Pagyamanin
Gawain 5: Mapa Suriin! Pagtapatin!
Panuto: Sa ibaba, suriin ang mga larawansubuking pagtapatin ang hanay A sinaunang
kabihasnan sa daigdig, sa hanay Bheograpikal na kalagayan lugar na nakaguhit sa
mapa. Isulat sa patlang nakalaan.

A B

___ 1. Mesopotamia A.

10
___ 2. Tsino B.

___ 3. Indus C.

___ 4. Africa D.

___ 5. Mesoamerica E.

11
Gabay na mga tanong
1. Madali lang bang pagtapatin ang mga sinaunang kabihasnan at ang
heograpiya nito? Ipaliwanag.
Sagot: ____________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________.
2. Ayon sa mga larawan, anong mga ilog o katangiang pisikal mayroon ang mga
sinaunang kabihasnan? May mahalaga bang ginampanan ang mga ito sa
pamumuhay ng mga tao? Ilarawan ang bawat kabihasnan.

Mesopotamia -___________________________________________________________

Indus - _________________________________________________________________

Tsino -__________________________________________________________________

Africa - _________________________________________________________________

Mesoamerica -___________________________________________________________

3. Para sa iyo, nararapat bang pangalagaan ang mga katangiang pisikal


mayroon ang mga sinaunang kabihasnan magpahanggang ngayon?
Ipaliwanang ang sagot.

Sagot: ___________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

______________________________________________________.

Isaisip
Gawain 6: TRIPLE MATCHING TYPE!
D. Panuto: Buuin ang triple matching type A, B at Csa pamamagitan ng
pagsama-sama ng mga terminolohiya at konsepto sa isang
pangungusap batay sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan.

A B C

a. Sa pagitan ng
ilog

12
b. Nasa gitna ng
kontinente

c. May matabang
lupain sa Huang Ho

d. Biyaya ng
Nile

e. Nasa tangway
ng Timog Asya

Sagot:

1. _______________________________________________________.
2. _______________________________________________________.
3. _______________________________________________________.
4. _______________________________________________________.
5. _______________________________________________________.

Isagawa
Gawain 7: PAMANA AT PAMAYANAN KO, PANGALAGAAN KO!
E. Panuto: Suriing mabuti ang dalawang larawan at punan ang hinihingi
ng talahanayan sa ibaba.

Mga Napuna: Mga Napuna:


LARAWAN 1 LARAWAN 2
13
1. _______________________________ 1. _______________________________

2. _______________________________ 2._______________________________

3. _______________________________ 3. _______________________________

4. _______________________________ 4. _______________________________

5. _______________________________ 5. _______________________________

Gabay na mga tanong


1. Ano ang ipinakikita sa dalawang larawan? Paghambingin.

Sagot: _______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________.

2. Alin sa dalawang larawan ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga


pamana ng ating mga sinaunang kabihasnan at pamayanan? Ipaliwanag.

Sagot: ________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________.

3. Bilang isang Junior High School na mag-aaral, paano mo maipapakita ang


pagpapahalaga mo sa ating mga pisikal na katangiang o kapaligiran sa
paaralan at sa komunidad?

Sagot: ______________________________________________________________________

____________________________________________________________________.

_________________________________________________________.

14
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang
hinihingi ng tanong. Bilugan ang titik ng napiling sagot.

1. Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaan ang


tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog
Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay
nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Noon
pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinatawag na bilang “The Gift of the Nile”,
ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Dahil mayroong Lower at Upper Egypt
B. Dahil nagdulot ito nag pag-apaw ng ilog taon-taon
C. Dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ay magiging isang disyerto.
D. Dahil ang haba ng ilog ay dumadaloy mula katimugan patungog hilaga.

2. Ang paleolitoko ay galing sa salitang Paleos o luma at lithos naman ay


nangangahulugang bato. Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang
Greek na meso o “pagitan” at potamos o “ilog”. Ito ay nangangahulugang lupain
“sa pagitan ng dalawang ilog”. Anong ilog ang tinutukoy nito?
A. Tigris at Nile C. Indus at Euprates
B. Nile at Huang Ho D.Tigris at Euphrates

3. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang
mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean at Elamite. Sa paglipas
ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar
na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan. Anong
kabihasnan ang tinutukoy nito?
A. Kabihasnan ng Mesopotamia C. Kabihasnan sa Africa
B. Kabihasnan sa Mesoamerica D. Kabihasnan sa Egypt

4. Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing


sa ibang panig ng Asya. Bakit madalas tawagin ng mga heograpo na sub-
kontinente ng India?
A. Dahil ito ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok.
B. Dahil ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan matatarik kaya maituturing itong
halos isang hiwalay na kontinente.
C. Dahil ito ay nababalot ng makapal na yelo.
D. Dahil ito ay ay samu’t saring wika na ginagamit.

5. Ayon sa kabihasnang Indus sa Timog Asya, natagpuan ng mga arkeologo ang mga
labi ng dalawang lungsod noong 1920 halos kasabay ng pagsisimula ng Sumer
noong 3000 BCE. Anong mga lungsod ito?
A. Harappa at Uruk C. Harappa at Mohenjo-Daro
B. Mohenjo-Daro at Babylonia D. Sumerian at Assyrian

15
6. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America,
nakapagtatag ng mga kala-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng North
America at South America. Aling pangkat ang naunang makaimpluwensiya
saibang mga pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America?
A. Sumerian C. Americans
B. Olmec D. Brazilians

7. Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-


ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Kadalasan din taon-taon itong umaapaw
at madalas ang pagbaha sa mga lugar malapit rito. Kaugnay s sitwasyon naito, alin
ang naging mahalagang gampanin ng isang pinuno sa isang sinaunang
pamayanan?
A. Gumawa ng mga harang para labanan ang mananakop at nagtangkang
sumakop sa kanilang mga lupain.
B. Pinagtibay ang sistema ng pagsulat para sa maayos na pamayanan.
C. Nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbabahang naidulot ng mga ilog
sa sinaunang kabihasnan.
D. Hinayaan lamang ng mga pinuno dahil huhupa lang naman ang tubig.

8. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga turista dahil sa mabuting
pakikitungo ng mga Pilipino at tulad sa ibang bansa, magaganda ang mga pisikal
na katangian ng lugar. Ano ang tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang
pisikal ng daigdig?
A. Heograpiya C. Pamumuhay
B. Kabihasnan D. Kultura

9. Mahaba ang kasaysayan sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng mga sinaunang


tao. Simula nang madiskubre ang paggamit ng apoy, marami na ang nabago at
umunlad sa kasaysayan.Ano ang tawag sa lokal na salita na nanggagaling sa
salitang-ugat na “bihasa” na ang kahulugan ay “sanay” na tumutukoy sa isang yugto
ng kaunlaran ng isang lipunan o ang maunlad na pagtira sa isang partikular na
lugar. Ano sa palagay mo ang tinutukoy dito?
A. Heograpiya C. Pamumuhay
B. Kabihasnan D. Kultura

10. Ang heograpiya o katangiang pisikal ng isang lugar ay mahalaga sapag-unlad at


pag-usbong ng pamumuhay ng mga sinaunang tao. Ang pahayag na ito ay:
A.Tama dahil ang katangiang pisikal ng isang lugar ay nakaimpluwensiya sa paraan
paano mabuhay ang isang tao o pangkat.
B.Tama dahil ang katangiang pisikal ng isang lugar ay nagpa-usbong sa kabihasan.
C. Mali dahil ang katangiang pisikal ng isang lugar ay balakid sa pag-unlad lalo na
may kalamidad tulad ng pag-apaw ng tubig sa mga ilog samga sinaunang
kabihasnan.
D. Mali dahil ang katangiang pisikal ng isang lugar ay walang ugnayan sa pag-unlad
at pag-usbong ng pamumuhay ng isang tao o pangkat.

16
Karagdagang Gawain

TULA SA PAGKATUTO MESSAGE RELAY

Galing kay TEACHER


Subukan mong gumawa ng isang
maikling tula na may dalawang Binabati kita! Para sa iyong pagpursige
saknong lamang kaugnay sa iyong at pag-aaral ng mabuti. Sana ay
natutunan sa modyul na ito. nasiyahan ka habang natuto sa ating
mga aralin.
Sariling Pamagat:
Naway maging gabay mo ang iyong
_________________ natutunan sa pagiging isang mabuti at
makabuluhang mamamayan sa ating
____________________________ lipunan.

____________________________ Mensahe ng mag-aaral para sa Guro

____________________________ Para sa mga katanungan ukol sa aralin


o mensahe para sa guro, maaaring
____________________________ isulat sa ibaba:

_____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________

May Akda: ___________________________

____________________
(Isulat ang iyong pangalan) Maraming Salamat!

17
18
Tayahin Suriin Tuklasin
Gawain 4 Gabay na Tanong: Gawain 3
Maaaring magkakaiba-
1. C Korona ng Pinuno/Hari, Sistema ng
iba ang sagot.
2. D Pagsulat, Kabuhayan, Pagkain
3. A PAGYAMANIN (Palay) at Kagamitan
4. B Gawain 5 Pamprosesong tanong:
5. C 1. Maaaring magkakaiba-iba ang
6. B 1. C 2. A 3. D 4. E 5. B sagot.
Gabay na Tanong:
7. C 2. a. Sistema ng pamumuno
Maaaring magkakaiba-
8. A b. Kabuhayan at Pagkain
iba ang sagot.
9. B c. Sistema ng pagsulat
10. A Isaisip d. Kagamitan/Teknolohiya
Gawain 6 3. Asya – K abihasnan sa
1. a – g 2.c –h 3. d – j Mesopotamia, Tsina, Indus
4. e – f 5.b– i Africa – Kabihasnan sa Egypt
America – Kabihasnan sa
Isagawa Mesoamerica
Gawain 7 Maaaring
magkakaiba-iba ang mga sagot
Tuklasin Balikan Subukin
10. D
Gawain 1. Paglalarawan ukol sa:
9. C
1. A 1. A
8. A
1. Katangian ng isang pamayanang malapit sa 2. A 2. B
7. B
karagatan at kabuhayan. 3. B 3. A
6. B
2. Katangian ng isang pamayanan sa kanayunan at 4. A 4. B
5. D
kabuhayan 5. D 5. A
4. A
3. Katangian ng isang pamayanan sa kabuhayan 6. B 6. D
3. B
syudad at kabuhayan 7. B 7. B
2. A
Pamprosesong Tanong: 8. A 8. D
1. A
1,2,3 Maaaring magkakaiba-iba ang sagot. 9. C 9. B
Gawain 2. 10. D 10. A
KABIHASNAN at SIBILISASYON
Susi saPagwawasto
Sangunian
Blando, Rosemarie C. et. Al. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan-
Modyul ng Mag- aaral. Pasig City. Vibal Group Inc. 2014
https://www.slideshare.net/SMAP_G8Orderliness/aralin-3-ang-impluwensya-
ng-heograpiya-sa-pagbuo-at-pagunlad-ng-mga-sinaunang-kabihasnansa-
daigdig

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

19

You might also like