You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan- Modyul 5 (Week 5)

Mga Yugto ng Makataong Kilos


Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5 (Week 5): Mga Yugto ng Makataong Kilos

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rowena G. Arcenal
Editor’s Name: Czarina Ritzko J. Sagarino Fe M. Gultiano Earl Adrian C. Cejas
Reviewer’s Name: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Illustrator’s Name:
Layout Artist Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Management Team:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent : Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
EPSVR - LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon-Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.
Website: http://depedlapulapu.net.ph
10
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 5 (Week 5)

Mga Yugto ng Makataong Kilos

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapaktao10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Mga Yugto ng Makataong Kilos.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko
at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na
higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapaktao10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Yugto ng Makataong Kilos.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa


Alamin
modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin


Subukin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay


Balikan
ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan


Tuklasin
tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

ii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
Suriin
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Pagyamanin
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
Isaisip
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang


Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


Tayahin pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


Karagdagang
pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.


Susi sa
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!

Madalas ka bang nagmamadali sa iyong mga isinasagawang kilos o pagpapasiya?


Nakakaapekto ba ang mga ito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay? Dahil ang
pagsasabuhay sa mga ito, ay isang hamon sa iyo na kailangang pagtuonan ng pansin para
magamit ng mabuti at tama ang biyayang ibinigay ng Diyos -ang isip at kilos loob.

Sa Modyul 4, natutuhan mo na ang mga salik na nakakaapekto sa pananagutan ng


tao sa kahihinatnan ng kilos at pasya. Mahalagang mapagnilayan na ang tao ay may
responsibilidad sa kanyang mga gagawing kilos upang mahubog ang kakayahan sa
pagpapasiya.

Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyong pag-uunawa kung ano ang mga yugto
ng makataong kilos. Kailangan na malalaman mo ang mga kilos at pasiyang nagawa na
umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos para maging tiyak na tama at mabuti ang
kalalabasan nito dahil ikaw ay may pananagutan sa bawat kilos na ginagawa mo.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Ang mga Yugto ng Makataong Kilos


Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Naipapaliwanagang bawat yugto ng makataong kilos; (EsP10MK-IIe-7.2);

2. Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng


makataong kilos ( EsP10MK-IIf-7.3) at;

3. Napapahalagahan ang bawat yugto sa pamamagitan ng masusing pagninilay bago


isagawa ang bawat kilos sa araw-araw na buhay.

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang wastong sagot
at isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Dahil sa pandemya na nangyari sa ating mundo ngayon ,si Keith ay gumagawa ng


mga paraan para makabili ng cellphone para sa kanyang online class. Siya ay
nagtitinda ng mga lupa, halaman at iba pa para mas marami siyang maipon. Dahil
sa kanyang pagiging masipag siya nakaipon at nakabili na ng isang android
cellphone. Anong yugto ng makataong kilos ang ginamit ni Keith?
A. Intensiyon ng Layunin C. Bunga
B. Pagpili D. Masusing pagsusuri ng paraan

2. Matagal ng gusto ni Margaux na magkaroon ng isang bagong sapatos. Ngunit alam


niya na na wala pang sapat na pera ang kanyang mga magulang kaya ginamit muna
niya ang kanyang lumang sapatos dahil hindi pa naman ito sira. Anong yugto ng
makataong kilos ang ginamit ni Margaux?
A. Pagkaunawa sa layunin C. Nais ng layunin
B. Paghuhusga sa nais makamtan D. Intensiyon ng layunin

3. Si Janice ay isang mag-aaral sa Baitang 10. Hilig niyang gumawa ng mga suman at
iba pang kakanin lalong-lalo na ngayon sa panahon ng pandemya dahil ginawa niya
itong pangkabuhayan. Habang siya ay nagmamaneho sa kaniyang sasakyan,
nakakita siya ng isang pulubi sa daan,kaya siya ay huminto sa gilid ng daan at
binigyan ang taong ito ng kanyang mga dalang suman dahil alam niya wala pa itong
kain. Ano ang ipinamamalas ni Janice?\
A. Makataong Kilos C. Mapanagutang Kilos
B. Masidhing Damdamin D. Mapagbigay na tao

4. Alam nila Aling Nena at Mang Ben na sila ay may kakayahang tumutulong sa
kanyang mga kapitbahay na nasunugan. Kaya nakapag-isip sila na gumawa ng kilos
para makatulong sa pamamagitan ng pagluluto ng pagkain at pagbibigay ng mga
pinaglumaang damit dahil alam nila ana ito ang pinakakailangan ng kanilang mga
kapitbahay. Ano ang ginamit nila ni Aling Nena at Mang Ben sa kanilang pagtulong
sa kapwa?
A. Kilos -Loob C.Kagandahang Loob
B. Isip at Kilos-Loob D. Kayamanan

5. Habang naglalakad si Lyka patungong paaralan siya nakakakita ng gitara. Matagal


na niyang gustong magkaroon ng ganitong klaseng gitara dahil siya mahilig gumamit
nito tuwing walang ginagawa. Tumingin siya sa tindahan at pumasok ka laonan para
matingnan ang ito. Habang nasa kamay na niya ang gitara, nag-isip siya kung saan

2
siya kukuha ng pera upang mabili ang ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si
Lyka?
A. Pagkaunawa sa layunin C. Intensiyon ng layunin
B. Praktikal na paghuhusga sa pagpili D. Nais ng layunin

6. May gustong bilhin si Queenie na magandang damit na nakikita niya sa online.


Pinag-isipan niya kung saan siya kukuha ng pera para mabili niya ito. Hihingi ba siya
ng pera sa kaniyang mga magulang na nasa ibang bansa o gamitin ang kaniyang
mga naipon sa alkansiya? Nasa anong yugto ng makataong kilos si Queenie?
A. Masusing pagsusuri ng paraan C. Bunga
B. Pagpili D. Intensiyon ng layunin

7. Gamit ang sitwasyon sa Bilang 7. Ang unang reaksiyon ni Queenie ay ang


pagkakaroon ng pagnanasa sa magandang damit sa online. Nag-iisip na siya kung
saan kukuha ng pera para mabili ito. Anong yugto ng makataong kilos ito?
A. Masusing pagsusuri ng paraan C. Pagkaunawa sa layunin
B. Intensiyon ng layunin D. Nais ng layunin

8. Ang ating isip ay kasalukuyang pumipili ng pinakamabuting paraan.Dahil ito ay may


kakayahang malaman at maunawaan ang isang pangyayari. Ito ang ginawa ni
Queenie na ginamit ang kanyang isip para kasalukuyang pumipili ng
pinakamabuting paraan. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Queenie?
A. Masusing pagsusuri ng paraan C. Praktikal na paghuhusga sa pinili
B. Paghuhusga sa paraan D. Pangkaisipang kakayahan ng layunin

9. Kahit may pandemya, ang mga magulang ni Gerry ay matiyaga paring nagtatrabaho
sa kompanya ng kanilang boss. Dahil dito sila ay nakapag-isip na bumili ng isang
bagong multicab dahil hindi na pwede gamitin ang kanilang motorsiklo. Alam ng
mag-asawa na ang kanilang piniling solusyon, ang pagbili ng multicab, ang
pinakaangkop at mabuting paraan para sila ay hindi mahirapan sa pagpunta sa
pinagtatrabahuan. Nasa anong yugto ng makataong kilos na ang mga magulang ni
Gerry?
A. Bunga C. Paggamit
B. Pagpili D. Utos

10. Sa ating pagsilang sa mundong ito tayo ay biniyayaan ng Panginoon ng isip at kilos
– loob para tayo ay makaunawa, makapag-isip nang mabuti para makagawa ng mga
kanaisnais na kabutihan sa ating sarili at kapwa dito sa mundong ibabaw. Ano ang
pinakamagangdang biyaya ito saating buhay pagkatao?
A. Isip at Kilos-loob C. Sanhi at Bunga
B. Makataong Kilos D. Kilos ng tao

3
Aralin
Ang mga Yugto ng
5 Makataong Kilos

Isang masayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!


Natatangi kang nilalang na nabubuhay dito sa mundong ibabaw. Isa kang espesyal
nana may isip at kilos-loob na ginamit mo sa iyong pagpapasiya sa iyong pang-araw araw
na pamumuhay. May pagkakataong bang ikaw ay nalilito sa iyong gagawin na desisyon sa
iyong buhay? Ito ba ay nagdudulot ng kalituhan sa inyo? Mayroon ka bang sinusunod na
mga pamamaraan o pmantayan para makuha mo ang magandang solusyon o hakbang
para sa mga ito?
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyong pag-uunawa kung ano ang mga yugto
ng makataong kilos.Ang mga ito ay kailangan ng maayos na pagtitimbang gamit ang isip at
kilos loob para malaman at makukuha ang kung ano ang dapat piliin at gawin na kilos.
Kailangan ang ginawang kilos ay naayon sa makataong pagkilos.
Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Balikan
Panuto: Balikan natin ang nakaraang paksa ang mga salik na nakaapekto sa pananagutan
ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya. Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin
sa pamamagitan ng paglalapat ng titik sa mga kahon upang mabuo ang kasagutan.Isulat
ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga gawain na paulit- ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng
buhay sa araw-araw.
A I

2. Ito ay pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin
ang isang bagay na labag sa kanyang kilos loob at pagkukusa.
K A A N

3. Ito ay pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta


sa kaniyang buhay o sa mga mahal sa buhay.
A O

4. Ito ay dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay , kilos o damdamin.


M S D N
M A I

4
5. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan sa kaalaman na dapat taglay ng tao.
M N M A

Tuklasin
Gawain 1 sa Pagkatuto Blg.1: PHOTO BUCKET 101
Panuto: Suriin kung ano ang konsepto o mensahe ang nais iparating ng mga larawan at
sagutin ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba.

1.___________________________ 2.__________________________

3._______________________________ 4. ______________________________

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1. Ano ang ipinahihiwatig sa mga larawan na nasa itaas?
2. Nagpapakita ba ang mga ito ng makataong kilos? Ipaliwanag.
3. Nakakatulong ba sa tao ang pagsasagawa ng makataong kilos? Ipaliwanag
4. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng makataong kilos?

Ang mga larawan na ginamit ay Kuha ng may akda

5
Gawain sa Pagkatuto Blg.2: TAMA O MALI, PAANO BA PIPILI?
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa loob ng
kahon ang salitang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng makataong kilos at MALI
naman kung ito ay hindi. Isulat ang paliwanag sa inyong napiling sagot. Isulat ito sa
sagutang papel..

SITWASYON 1: SAGOT: ________________________


Si Meinchu ay nasa Baitang 10 pa PALIWANAG:_____________________
lamang. Siya ay lihim na pumasok sa ________________________________
isang relasyon kahit hindi siya ________________________________
pinayagan ng kanyang mga magulang ________________________________
dahil ayaw niyang mahuli sa kanyang _____________________________.
mga kaibigan na may mga nobyo na.

SITWASYON 2:
SAGOT: _________________________
SITWASSI
Pumunta si Hazel sa mall kahit hindi ito
araw na puwedeng makalabas ang PALIWANAG:_____________________
kanyang Quarantine Pass. Dahil hindi ________________________________
siya pinapasok ng guwardiya sa loob ng ________________________________
mall. Kaya ang ginawa niya ay humiram ________________________________
siya sa isang tao sa labas ng mall at
_____________________________.
binigyan niya ito ng pera.

SITWASYON 3:
SAGOT:_____________________
Nakita ni Xavier ang kanyang kapatid na
PALIWANAG:__________________
nakabasag ng pinggan dahil nagdadabog ito sa
_____________________________
kanyang paghuhugas. Nang dumating na ang
_____________________________
kanilang mga magulang galing sa trabaho,
_____________________________
tinanong sila kung sino ang nakabasag. Agad
_____________________________
naming sinabi ni Lance na ang kanyang kapatid
_____________________________
ang nakabasag nito para hindi na masyadong
____.
magagalit ang kanyang mga magulang.

6
PAMPROSESONG MGA TANONG:
1. Lahat ba ng sitwasyon ay nagpapakita ng makataong kilos? Ipaliwanag.
2. Kung ikaw ang nasa katayuan ng mga tauhan sa bawat sitwasyon , ano ang gagawin
mo para maisagawa mo nang maayos ang pagsasagawa ng makataong kilos?
3. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng makataong kilos?

Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: SANA ALL MABUTI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwento na pinamagatang “Maganda
Na, Mabait Pa!” na nasa loob ng kahon . Pagkatapos, sagutin ang mga tanong at isulat ito
sa inyong sagutang papel.

MAGANDA NA, MABAIT PA


Rowena G. Arcenal

Isang araw, ang pamilyang Arrabis ay pumunta sa bahay ng kanilang ama at ina.
Ito na ang nakaugalian ng kanilang pamilya na bumisita sa mga matatandang magulang
para kumustahin sila at makipagkuwentuhan. Habang sila ay nakasakay sa bus papunta
sa ibang bayan kung saan nakatira ang kanilang mga magulang, si Lovely, ang kanyang
kaisa-isang anak na dalagita ay nakakita ng isang cellphone na aksidenteng nahulog sa
bulsa ng babae.

Hindi nag-alinlangan si Lovely na pagsabihan ang kanyang ina sa kanyang nakita.


Ipinakuha ito ng kanyang ina at sinabihan siya na isauli ito sa may-ari. Isinauli ni Lovely
ang napulot na cellphone sa may-ari. Masayang -masaya ang may-ari dahil ito ay
napakaimportante sa kaniyang trabaho. Pinasalamatan ng babae si Lovely at binigyan ito
ng pera bilang pasasalamat niya sa kabutihang nagawa ni Lovely.

DATA ANALYSIS CHART


BUNGA
YUGTO NG Lagyan ng tsek (/)
MAKATAONG
PAHAYAG MULA SA KUWENTO KILOS MABUTI MASAMA
1. Nakaugalian ng kanilang pamilya na
bumisita sa mga matatandang magulang
para kumustahin sila at
makipagkuwentuhan.

7
2. Ang kanyang kaisa-isang anak na
dalagita ay nakakita ng isang cellpho-ne
na aksidenteng nahulog sa bulsa ng
babae.
3. Hindi nag-alinlangan si Lovely na
pagsabihan ang kanyang ina sa kanyang
nakita. Ipinakuha ito ng kanyang ina at
sinabihan siya na isauli ito sa may-ari.
4. Isinauli ni Lovely ang napulot na
cellphone sa may-ari.

5. Masayang -masaya ang may-ari dahil


ito ay napakaimportante sa kaniyang
trabaho. Pinasalamatan ng babae si
Lovely at binigyan ito ng pera bilang
pasasalamat niya sa kabutihang nagawa
ni Lovely.

PAMPROSESONG MGA TANONG:

1. Ano ang binabanggit sa kuwento?


2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang kuwento?
3. Kung ikaw si Lovely, isauli mo rin ba ang cellphone sa may-ari? Ipaliwanag.
4. Nagpakita ba si Lovely ng makataong kilos? Ipaliwanag.
5. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa pagsagawa ng makataong
kilos sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?

Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: PASIYA, AKO’Y SASAYA?
Panuto: Balikan mo ang iyong mga karanasan sa buhay na hindi mo makalimutan.
Isulat kung ano ano ba ang ginagawa mo sa bawat sitwasyon bago nagpasiya at
ipaliwanag kung ito ba ay nagpapakita ng makataong kilos.Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

Ano ang Nagpapakita ba ito ng


Karanasan sa buhay na Ano ang ginawa ko nararamdaman mo mapanagutang
nagsagawa ng pasiya bago ako nagpasiya? sanakita mong pagpapasiya at
epekto sa nagawa makataong kilos?
kong pasiya? Ipaliwanag
Halimbawa: Hindi ako sumama sa Ako ay naging masaya Oo, nagpapakita ito ng
Niyaya ako ng aking ma kanilang paglalaro, dahil hindi ako mapanagutang
kaibigan na maglaro ng sinabihan ko sila na nagkasakit at naging pagpapasiya dahil mas
basketball kahit hindi pwede ang mga safe ako sa panahong pinipili ko ang pagsunod sa
ipinagbabawal ngayong may gawain na ito sa ito. health protocols na siyang
pandemya. ngayon. ikabubuti ko sa at sa aking
mga mahal sa buhay.

8
1.

2.

3.

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1. Ano ang masasabi mo sa iyong ibinibigay na mga sagot?
2. Nakikita mo ba ang mahalagang pananagutan sa bawat pasiya na iyong ginagawa?
Ipaliwanag.
3. Ano ang nararamdaman mo pagkatapos mo itong napagnilayan kung ikaw ba ay
naging mapanagutan o hindi?
4. Bilang isang kabataan, paano nakakatulong ang pagpili nang maayos na
pagpapasiya at pagsasagawa ng makataong kilos?

Isaisip
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nasa loob ng organizer sa ibaba para mas
malaman ang mga yugto ng makataong kilos.

9
➢ Mahalagang tandaan na hindi sa lahat ng pagkakataon na tayo ay may
kamalayan sa mga yugtong ito, ngunit napakaimportante na malaman at
maunawaan natin ito para may magamit tayong gabay sa ating
pagsasagawa ng mga kilos sa ating pang-araw-araw na buhay.

➢ “Ang paggawa ng kabutihan sa lahat ng pagkakataon ay nagbubunga ng


maganda sa lahat ng pagkakataon.
.

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: MALI KO NOON, ITATAMA KO NGAYON!
Panuto: Balikan ang mga maling pasiyang nagawa mo sa iyong buhay (magulang,
kapatid, kaibigan, at iba pa). Kung ikaw ay bibigyan ng isang pagkakataon, paano mo
maisasagawa ang tamang pagpapasiya sa mga ito. Gamiting gabay ang mga yugto ng
makataong kilos. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Karanasan ng may maling pagpapasiya Paano ko itatama ang mga ito gamit
ang yugto ng makataong kilos?
Halimbawa: Mga magulang Sa susunod, kailangan na isipin at pagnilayan
kung mabuti bago ko gawin ang isang kilos.
Nakita ko ang pera ng aking ina sa kanyang bag. Sinabihan ko ang aking mga magulang, kahit
Nasa banyo ang aking ina at ako lang mag isa sa siya ay nagalit, tinanggap ko iyon, dahil ako
sala, kumuha ako ng isang daang piso para may ay nagkasala at humungi din ako ng
magamit ako sa aking paglalaro ng ML. paumanhin sa nagawa ko sa kanya.

1.

2.

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1. Ano ang napansin mo sa iyong mga sagot?
2. Batay sa iyong mga sagot, natutukoy mo ba na ito ay ginagamitan ng mga yugto ng
makataong kilos? Ipaliwanag.
3. Bakit kailangan mo ang mga yugto ng makataong kilos sa pagsasagawa ng mga kilos?
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang mga bawat yugto sa makataong
kilos na isasagawa sa araw-araw na pamumuhay?

10
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot
at isulat sa inyong sagutang papel.
1. May dalawang kategorya na bumubuo sa labindalawang yugto ng makataong kilos ayon
kay Sto. Tomas de Aquino, ano ano ang mga ito?
A. Sanhi at Bunga C. Likas na Batas Moral at Konsensya
B. Isip at Kilos-loob D. Puso at Katawan

2. Bakit kailangang mausisang isaisip at timbangin ang masama at mabuting maidudulot


ng pasiya?
A. Dahil ang pasasagawa ng makataong kilos ginagamitan ng isip
B. Dahil ang pagsasagawa ng kabutihan ay makapagpasaya sa kanyang buhay
C. Dahil ang pagsasagawa ng kilos ay kailangang may batayan, may dahilan at
pananagutan,
D. Dahil ang pagsasagawa ng kilos ay isang paraan para maunawaan ang layunin

3. Paano mo maisasabuhay ang bawat yugto ng makataong kilos?


A. Sa pamamagitan ng paggamit nito bilang gabay sa bawat kilos na gagawin sa araw-
araw na buhay
B. Sa pamamagitan ng walang pag-alinlangan sa gagawin na kilos kahit ito ay hindi na
ikabubuti sa sarili at sa kapwa
C. Sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa mga nakakatanda para sila na ang
gumawa ng tamang kilos para sa iyo
D. Sa pamamagitan ng paggamit ng malayang pagpapasiya para makamit ang kanyang
gustong kahihinatnan nito

4. Bakit kailangan kailangan ang sapat na panahon bago magsagawa ng pasiya?


A. Para maging masaya ang isang tao
B. Para maging matagumpay ang isang tao
C. Para maging makabuluhan ang kanyang buhay sa mundo
D. Para maging gabay niya ito bago gawain ang isang kilos

5. Alin sa sumusunod na sitwasyon sa buhay ni Jose ang nagpapakita na ginamit ang


unang yugto ng makataong kilos -pagkaunawa sa layunin?
A. Si Jose ay nakakita ng bagong laptop sa online.Matagal na niya itong gusto sapagkat
may pagkaluma na ang sa kanya
B. Si Jose ay nag-iisip ng paraan kung saan siya kukuha ng pera
C. Si Jose ay tumutulong sa kanyang mga magulang sa pagluluto ng mga kakanin para
siya ay makaipon
D. Si Jose ay pinagsabihan ang kanyang mga magulang sa nakitang bagong laptop sa
online

6. Si Queen ay labing anim na gulang pa lamang. Siya ay may nobyo na ang pangalan
ay King. Mahal na mahal niya ang kanyang kasintahan. Niyaya siya nito na sumama
na sa kanya at lalayo na sa kanilang mga magulang. Ngunit kahit mahal ni Queen si
King, hindi siya pumayag sa plano nito. Nagpakita ba ng makataong kilos si Queen?
A. Oo, dahil nagpapakita siya ng pagmamahal sa kaniyang kasintahan
B. Oo, dahil hindi siya pumayag sa gustong mangyari ng kanyang kasintahan sapagkat
mga bata pa sila

11
C. Hindi, dahil kung mahal talaga niya ang kanyang kasintahan, siya ay sasama kahit
saan
D. Hindi, dahil dapat sasama siya sa kanyang kasintahan dahil ito makapagdudulot ng
gulo

7. Bakit kailangang mabigyan na sapat na panahon ang pagpapasiya ng isang tao bago
gawin ang isang kilos?
A. Upang maging maganda ang kanyang kilos
B. Upang maging masaya siya sa kanyang gagawing kilos
C. Upang mapagtuunan niya nang mabuti ang bawat gagawin na kilos
D. Upang magkaroon ng sapat na basehan sa kanyang pagpili ng isasagawa na kilos

8. Habang nanood ng palabas sa telebisyon si Nonie, siya ay nakakita ng bagong modelo


ng cellphone. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong bagong modelo.
Tumigil siya sandal, at nag-isip kung saan siya kukuha ng pambili nito. Nasa anong
yugto ng makataong kilos si Nonie?
A. Intensiyon ng layunin C. Nais ng layunin
B. Pagkaunawa sa layunin D. Masususing pagsusuri ng paraan

9. Gamit ang sitwasyon sa bilang 8. Pinag-isipan ni Nonie ang iba’t ibang paraan upang
mabili ang bagong modelo ng cellphone. Nagmuni muni siya kung hihingi pa siya ng
pera sa kaniyang mga magulang o mag-ipon para makabili nito. Nasa anong yugto ng
makataong kilos si Nonie?\
A. Intensiyon ng layunin C. Nais ng layunin
B. Pagkaunawa sa layunin D. Masususing pagsusuri ng paraan

10. Bakit kailangang dumaraan sa mga yugto ng makataong kilos bago magsagawa ng
isang kilos?
A. Dahil dapat na gawin ang tama sa lahat ng pagkakataon
B. Dahil kailangan ito bago isasagawa ang isang makataong kilos
C. Dahil mahalaga na makita ng tao na ikaw ay gumawa ng kabutihan
D. Dahil tiyak na magiging mabuti ang kalalabasan sa isasagawang kilos

Karagdagang Gawain
Gawain 6: Natuto na Ako!
Panuto: Alam mo na ang mga yugto ng makataong kilos! Sumulat ng pagninilay tungkol
sanatutuhan mo sa modyul na ito.

1. Ang realisasyon ko pagkatapos


kong pag-aralan ang yugto ng
1. Ang mga bago kong makataong kilos ay:
natutuhan sa araling ito ay:
___________________________
_______________________
________________________________

12
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Mary Jean B. Branzuela, et al., Edukasyon sa Pagpapakatao 10( DepEd-IMCS:FEP Printing Corporation
,2015), 143-153.
Galicia, Jane S. (2011) Ang Pagsasabuhay IV. Quezon City: Rex Bookstore Publication.
Quito, Emerita S. (2008) Fundamentals of Ethics. Quezon City:C&E Publication.
Gula, Richard M. ( 1997) Moral Discernment. New Jersey: Paulist Press Publication.
Edukasyon sa Pagpapakatao Learner’s Material
Mula sa Internet:
Chris McDonald. A Guide to Moral Decision Making. Retrieved from
http://www.ethicsweb.ca/guide/ on February 25, 2014.

Manuel Velasquez. Thinking Ethically: A Framework for Moral Decision Making.


Retrievedfrom http://www.scu.edu/ethics/publications/iie/v7/thinking.html from
February 25,2014
Moral Decision Making and Real.-Life Applications. Retrieved from http://www.smp.org/
resourcecenter/resource/2757/from Frbruary 26, 2014.

13

You might also like