You are on page 1of 37

MGA SULIRANING

PANGKAPALIGIRAN
1. Tumutukoy sa anuman uri ng bagay na maaaring
hindi na kakailanganin pa at hindi na nararapat
gamitin.
2. Proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin, at
iba pang materyales sa pamamagitan ng
pagpapasabog, paghuhukay, o pagbabarena.
3. Ang walang habas na pagputol ng mga puno sa
kagubatan
4. Ang pagputol ng mga puno at pagsunog ng mga
kagubatan.
5. Ang pagiging marumi ng kapaligiran na
nagdudulot ng pagbabago sa natural na kalagayan
ng kalikasan.
SULIRANING
PANGKAPALIGIRAN
- ay tumutukoy sa
anumang
pangyayari,
kalagayan, o
problemang may
kinalaman sa
pagkasira ng
kapaligiran at sa
balanseng
ekolohikal.
• Mahalagang matukoy kaagad ang mga suliraning
ito upang masolusyonan o maagapan sapagkat sa
kalaunan ay maaaring ikasira ng pamayanan.

• Dahil sa patuloy na pag-unlad, kasabay ng pag-


usbong ng malalaking industriya at ng hindi
mapigilang pag-unlad ng ekonomiya, patuloy na
nasisira ang biodiversity o ang pagkakaibaiba at
pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng buhay
na bumubuo sa kalikasan.
MGA HALIMBAWA NG SULIRANING
PANGKAPALIGIRAN:

• waste management
• mining
• quarrying
• deforestation
WASTE MANAGEMENT
Ang waste management ay
ang akmang termino sa
wastong
pangungolekta, paglilipat,
pagtatapon o paggamit, at
pagmo-monitor ng basura ng
mga tao. Isinasagawa ito
upang mapangasiwaan nang
maayos upang makaiwas sa
masasamang epekto ng
basura sa kalusugan at
kapaligiran.
SULIRANIN NG WASTE
MANAGEMENT
Tumutukoy ang solid waste sa anuman uri
ng bagay na maaaring pa o hindi na
kakailanganin pa at hindi na nararapat
gamitin. Ang Pilipinas ay nakalikha ng
39,422 tonelada ng basura kada araw noong
taong 2015. Halos 25% ng mga basura ng
Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila
kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7
kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng
130% kaysa sa world average (National Solid
Waste Management,2016).
Ipinatupad ng pamahalaan ang
Republic Act 9003 o kilala bilang
Ecological Solid Waste Management
Act of 2000 upang magkaroon ng
legal na batayan sa iba’t ibang
desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa
bansa

Isa sa mga naging resulta ng batas


ay ang pagtatayo ng mga Materials
Recovery Facility (MRF) kung saan
isasagawa ang waste segregation
bago dalhin ang nakolektang basura
sa mga dumpsite.
MAARING MABAWASAN ANG BASURA SA
PAMAMAGITAN NG PAGSUNOD SA
PRINSIPYO NG:
Reduce - Ang susi sa pagbabawas (reduction) ng basura
ay pangangalaga o pagtitipid (conservation) – ang
matalinong paggamit sa mga pinagkukunan (resources), at
ang paggamit ng kaunti lamang upang maiwasan ang
basura.
Reuse - Maaaring muling pakinabangan o gamitin ang
mga gamit kaysa sa itapon o kaya naman, ibigay o ipasa
sa iba.
Recycle - Simple lamang ang panuntunan: Huwag itapon
ang mga bagay o gamit na maaari pang i-recycle.
PANOORIN
Panoorin at pag-aralan ang video at
sagutan ang chat na ibibigay pagkatapos
mapanood ang video.

Problema sa basura
PERFORMANCE TASK
Sa isang short coupon bond, gumawa
ng isang poster tungkol sa Suliranin
sa basura at ano ang ambag mo
upang ma sulosyunan ito.
PERFORMANCE TASK:
I AM A WITNESS: A DOCUMENTARY
ON COMMUNITIES
ENVIRONMENTAL ISSUES
1. Pagmasdan ang mga gawain sa inyong mga
komunidad. Tingnan at idocument ang mga
gawaing nakakatulong sa kalikasan at mga
gawaing sa tingin mo ay nakakasira dito.
2. Maaaring gawin ang documentation sa paraan ng
pagsulat ng balita gaya ng sa diaryo, o maari din
itong gawin sa paraan ng isang video presentation.
3. Mahalagang matalakay sa nasabing documentary
ang kahalagahan ng gampanin ng bawat myembro
ng komunidad sa pangangalaga ng kapaligiran.
RUBRICS NG PAGMAMARKA
Kaisahan ng diwa- 30%
Presentasyon ng ginawa 50%
Pagkamalikhain- 20%
KABUUAN: 100%
SULIRANIN SA YAMANG GUBAT
SULIRANIN SA YAMANG GUBAT
• Maraming benepisyo ang nakukuha natin mula sa
kagubatan. Ito ang tahanan ng iba’t ibang mga nilalang
na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang
mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na
masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao.

• Sa kabila ng kahalagan, pinangangambahan na maubos


o masira ang kagubatan ng Pilipinas kung magpapatuloy
ang deforestaion.
• Ayon sa Food and Agriculuture Organization ng United
Nations, ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan o
permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t
ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad (FAO,
2010).
• Nagsimula ang deforestation sa Pilipinas noon pang
1500s kung saan ang noo’y 27 milyong ektarya ng
kagubatan ay naging 7.2 milyong ektarya na lamang
ngayong 2013. Sa katunayan sa ulat ni dating DENR
officer-in-charge Demetrio Ignacio, lumabas na ang 24%
kagubatan ng Pilipinas ay pangalawa sa pinakamaliit sa
mga bansa sa Timog silangang Asya.
Ang pangkalahatang epekto ng deforestation
ay nararanasan ng mga mamamayan lalo na
yaong mga mahihirap na umaasa lamang sa
kagubatan. Ang patuloy na pagliit ng forest
cover ay nagpapaliit din sa pinagkukunan
nila ng kabuhayan.
IBA PANG SULIRANING
PANGKAPALIGIRAN
1. Climate Change
Ito ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng kaibahan sa
klima. Ang mga dapat at tipikal
na nangyayari sa panahon at
klima ay naiiba at madalas ito
ay lumalala.Halimbawa ay ang
pagkakaroon ng mainit na
temperatura sa buwan na
dapat ay malamig.
2. Polusyon
Ang polusyon ay ang
presensya sa kapaligiran kung
saan ito ay nagdudulot ng
masamang epekto. Ang
halimbawa nito ay ang
polusyon sa tubig, sa lupa, sa
hangin at sa liwanag , na
madalas ay dulot ng lubos na
paggamit ng mga tao sa
kayamanan o kagamitan nang
hindi inaaayos ang pagtapon
nito.
3. Global Warming
Ang Global warming ay ang
pagtaas ng temperature ng
mundo. Kada isang daang taon
ay napansin ng mga eksperto
na tumataas ang tipikal na
temperature ng mundo. Kapg
ito ay nagpapatuloy sa
pagtaas, matutunaw ang mga
yelo sa hilaga at timog na
bahagi ng mundo, tataas ang
lebel ng tubig at maaring
magkaroon ang mga tao at
hayop ng malalang sakit.
4. Problema sa solid
waste
Ang problema sa Solid
Waste ay dahil sa hindi
wastong pagsasaayos at
pagtatapon ng mga basura.
Hindi nahihiwalay ang mga
kagamitang pwede pang
gamitin at ang mga basura
ay nakahalo sa isa’t isa.
Maaring magdulot ito ng
sakit at pagkahawa.
5. Pagnipis ng Ozone
layer
Ang pagnipis ng Ozone
Layer ay dahil sa labis na
carbon dioxide sa ating
planeta. Kapag labis na
naging manipis ang ozone
layer , lalong tataas ang
temperature ng planeta,
magiging mas mainit at
maaring magkaroon ng
sakit ang mga tao at hayop
at tumaas ang lebel ng
tubig.
6. Pagkawala ng Biodiversity
Ang kaganapang ito ay epekto
ng mga naunang suliraninng
pangkapaligiran. Dahil dito,
maapektuhan rin ang ating
mga pagkain at tirahan ng mga
hayop. Maaring mas maraming
hayop ang maging extinct o
tuluyan nang mawala sa
mundo.
7. Pagkasira ng Lupa
Ang pagkasira ng lupa ay maaring dulot ng
kakulangan sa puno, sa polusyon at iba pang
mga suliraning pangkapaligiran. Dahil dito
maapektuhan ang halaman at ang ecosystem.
8. Urbanisasyon
Ang urbanisasyon ay
tumutukoy sa pagiging
urbanidad ng isang lugar. Ito ay
nagbunsod sa mga kaugnay na
problema gaya ng paglaki ng
populasyon,pagdami ng
mahihirap na lugar o
depressed areas at may mga
pamayanan na may mataas na
insidente ng pagkakasakit at
iba pang panganib sa
kalusugan.
GAWAIN

Panoorin ang video tungkol sa


pagmimina at sagutan ang mga
katanungan na ibibigay.
1. Ayon sa artikulo ano ang epekto ng pagmimina
at pagtotroso sa
mga nararanasang kalamidad ng bansa?
2. Ano ang pangkalahatang epekto ng ating mga
desisyon sa kinabukasan ng ating bansa?
3. Dapat bang ipagpatuloy ang mga gawaing
pangkabuhayan katulad ng pagmimina
nagdudulot ng kalamidad? Oo o Hindi.
Patunayan.
Isaad kung ano ang iyong gagawin sa bawat sitwasyon:
Kopyahin ang sitwasyon sa sagutang papel.
1. May mga nagsusunog ng mga halaman at nagpuputol ng
mga kahoy sa kagubatan na malapit sa inyo.
2. Laging nagbabara ang daluyan ng tubig sa gilid ng inyong
bahay dahil sa hindi wastong pagtapon ng basura
3. Nabalitaan mong gumagamit ng dinamita ang iyong
kapitbahay na mangingisda.
4. Nasisira ang kabundokan na malapit sa inyo dahil sa
isinasagawang pagmimina.
5. May usok na bumubuga mula sa isang pabrika na itinayo
malapit sa kabahayan.
GAWAIN 8. ENVIRONMENTAL ISSUE MAP

Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran. Gumawa ng


environmental issue map sa pamamagitan ng paggawa
sa sumusunod:
a. sanhi – suriin kung ito ba ay gawa ng tao o natural na
pangyayari
b. epekto – suriin ang epekto sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay
c. kaugnayan – suriin ang kaugnayan nito sa mga
suliraning nararanasan sa iba pang likas na yaman
d. tunguhin – suriin ang maaaring maging epekto kung
magpapatuloy ang nararanasang suliraning
pangkapaligiran

You might also like