You are on page 1of 23

PAGKASIRA NG

LIKAS NA YAMAN
• Ang pilipinas ay isa sa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman.Tinatayang
15% ng kabuuang kita ng pilipinas noong 2010 ay kita mula sa direktang paggamit ng mga
likas na yaman , halimbawa nito ay ang pagtatamim at pangingisda . Mahalaga din ang likas
na yaman bilang sangkap sa paggawa ng produkto na gina gamit sa iba’t ibang sektor tulad
ng industriya at paglilingkod, halimbawa , ang mga compiter, sasakyan ,makina at pagkain ay
naggawa mula sa mga likas na yaman.Tunay na napakahalaga ng likas na yaman sa
ekonomiya ng isang bansa . Sa kasaluluyan, patuloy na nasisira at nauubos ang likas na
yaman ng Pilipinas dahip sa mapang abusong paggamit nito, tumataas na demand ng
lumalaking populasyon ,hindi epektibong pagpapatupad ng mga programaat batas para sa
pangangalaga sa kalikasanat natural na mga kalamidad. Matutunghayan sa susunod na
aralin ang mga kalagayan ng ilan sa mga likas na yaman ng ating bansa.
• ANG LIKAS NA YAMANSA KASALUKUYAN
• Kagubatan-mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay
naging 6.43 milyong ektarya noong 2003
• Yamang Tubig- pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat
arawmula sa dating 10 kilo
• Yamang Lupa- pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa huling sampong taon
SULIRANIN SA YAMANG GUBAT

• Maraming benepisyo ang nakukuha natin mula sa kagubatan . Ito ang tahanan ng iba't ibang
mga nilalang na nagpapanatili ng balanse nh kalilasan, mahalagang mapanatili ang balanseng
ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao .
Nagmumula din sa kagubatan ang ibat ibang produkto tulad ng tubig gamot damit at iba
pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng
trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan
(Philipine Tropical Forest Conservation Foundation, 2013). Sa kabila ng kahalagahan
,pinangangambahan na maubos o masira ang kagubatan ng Pilipinas kung magpapatuloy ang
deforestation
• Ayon sa Food and Agriculture Organization ng United Nations,ang deforestation
ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng
ibat ibang gawain ng tao o ng mga natural na kalamidad (FAO,2010) . Nagsimula
ang deforestation sa Pilipinas noon pang 1500s kung saan ang noo'y 27 milyong
ektarya ng kagubatan ay naging 7.2 milyong ektarya na lamang ngayong 2013 (
Philippine Climate Change Commission, 2010) . Sa katunayan sa ulat ni dating
DENR officer-in charge Demetrio Ignacio , lumabas na ang 24% kagubatan ng
Pilipinas ay pangalawa sa pinakamaliit sa mga bansa sa timog silangang Asya
(Andrade, 2013). Higit na mababa ang ulat na inilabas ng European Union Joint
Research Centre kung saan gamit ang satellite-based image, nasabi nila na
mayroon na lamang 19% ang kagubatan ng Pilipinas (Country delegate to the
European Commission 2009)F
• GAWAIN:
• Illegal Logging
• Illegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan. Ang kawalan ng
ngipin sa pagpapatupad ng mga batas sa illegal loghing sa Pilipinas
ang nagpapalubha sa suliraning ito.
• EPEKTO
• Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot ng ibat ibang suliranin
tulad ng pagbaha , soil erosion , at pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop .
Sa katunayan noong 2008 ay mayroong 221 species ng fauna at 526 species
ng flora ang naitala sa threatened list (National Economic Development
Authority, 2011).
• GAWAIN
• Migration
• Ang paglipat lipat ng pook panirahan
• EPEKTO
• Nagsagawa ng kaingin (slash and burn farming ) ang mga lumilipat sa
kabukiran na nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at pagkawala ng
sustansya ng lupain dito.
• GAWAIN
• Mabilis na pagtaas ng populasyon
• EPEKTO
• Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas ay nangangahulugan ng
mataas na demand sa pangunahing produkto kung kayat ang mga dating
kagubatan ay ginagawang plantasyon , subdivision paaralan , at iba pang
imprastruktura.
• GAWAIN
• Fuel wood harvesting
• Pag gamit ngvppunoo bilang ppanggatong. Isang halimbawa ay ang paggawa ng
ulinh mula sa puno
• EPPEKTO
• Ayon sa Department of Natural Resources na lumabas sa ulat ng National
Economic Development Authority (2011), tinatayang mayroong 8.14 milyong
kabahayan at industriya ang gumagamit ng uling at kahoy sa kanilang pagluluto
at paggawa ng produkto, ang mataas na demand sa uling at kahoy ay nagiging
dahilan ng pagputol ng mga puno sa kagubatan
GAWAIN
Ilegal na pagmimina
• EPEKTO
• Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahil kadalasan dito natatagpuan ang
deposito ng mga mineral tulad ng limestone ,nickel , copper and gold. Kailangang
putulin ang mga puno upang maging maayos ang operasyon sa pagmimina .
Nagdudulot din ng panganib sa kalusugan ng tao at ng iba pang nilalang sa kagubatan
ang mga kemikal na ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay na mineral . Ayon sa
DENR , mayroong 23 proyekto ang pagmimina ang matatagpuan sa kabundukan sa
Sierra Madre , Palawan, at Mindoro.
• Ang pangkalahatang epekto ng deforestation ay nararanasan ng mga mamamayan
lalo na yaong mga mahihirap na umaasa lamang sa kagubatan . Ang patuloy na
pagpalit ng forest cover ay nagpapaliit din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan.
• Sa mga nakalipas na taonay mayroong ibat ibang batas, kautusan, programa at
proyekto na isinagawa sa Pilipinas mula sa pagtutulungan ng pamahalaan at ibat
ibang sektor ng lipunam upang mapangalagaan ang kagubatan. Makikitasa timeline
na nahahati sa tatlong bahagi ang una ay noong panahon ng pananakop mula (1910-
1945) panahon matapos ang digmaan (1946-mid 1970s) at 1970-hanggang sa
kasalukuyan. Ang mga impormasyon sa timeline na ito ay hango sa aklat na
pinamagatang One Century of Forest Rehabilitation in the Philippines (Chokkalingan
et al..,2006) (Oliva,2007) at sa opisyal na website ng Forest Management Bureau.

You might also like