You are on page 1of 19

Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri,

eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon


o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o
kalayaan.

Ang diskriminasyon ay isa sa mga isyung panlipunan na


ating nakikita mula pa sa sina-unang panahon hanggang sa
kasalukuyan. Ito’y galing sa mga pananaw ng mga tao na
hindi magkakatulad at nagdudulot ng problema sa lipunan.
 Diskriminasyon sa Edad
 Diskriminasyon sa Kapansanan
 Orientasyong Sekswal
 Katayuan bilang isang Magulang
 Diskriminasyon sa Relihiyoso
 Pambansang lahi
 Pagbubuntis
 Sekswal na Harassment
 Lahi, Kulay, at Kasarian
 Pagrerenda / Paghihiganti
And diskriminasyon ay isang pagtrato sa isang tao
na hindi patas dahil sa mga taglay nitong pisikal o
mental na kaanyunan na tila naiiba sa karamihan
ng mga tao. Bukod dito, ang diskriminasyon ay
makaka-apekto rin sa pagkuha ng trabaho ng ilang
tao.

Isang halimbawa nito ay ang mga taong may edad


ay minsan hindi na nakukuha sa mga trabaho
dahil mas pinipili na lamang ang mga mas-bata
kahit pa mas marmaing karanasan ang isang
aplikante na mas matanda.
Malala Yousafzai
Malala Yousafzai

Siya ay ipinanganak noong July 12,


1997 sa siyudad ng Mingora,
Pakistan, Mingora, Swat Valley, sa hilagang bahagi ng
Pakistan,

kilala bilang Malala sa nakararami, ay isang batang babae na


pinaglalaban ang mga karapatan ng mga kababaihan lalong-
lalo na ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay na
pagtatamo ng edukasyon.
Malala Yousafzai

Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong


paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng
Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang
paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae
sa edukasyon sa Pakistan
Malala Yousafzai

Kinondena hindi lamang ng mga Muslim ang


pagtatangka sa buhay ni Malala. Bumuhos ang
tulong pinansyal upang agarang mabigyang
lunas ang pagbaril sa kanyang ulo.
Taong 2007 nang masakop ng mga Taliban
ang Swat Valley sa Pakistan at mula noon
ipinatupad nila ang mga patakarang nakabatay
sa batas Sharia ng mga Muslim.
Malala Yousafzai

Ang Sharia ay ang katawan ng batas na 


pang-Islam, na isang panuntunan ng pag-
uugali, o batas panrelihiyon, ng
pananampalatayang Islam. Pinaniniwalaan ng
maraming Muslim na ang Sharia ay hinango sa
dalawang pangunahing sanggunian: ang mga
atas na nasasaad sa Qur'an, at sa mga
halimbawang ipinakita ng propetang si 
Muhamad ayon sa Sunnah.
Malala Yousafzai

Ang ilan sa mga klasikal na kasanayan sa


sharia ay naglalaman ng mga seryosong
paglabag sa mga karapatang pantao. Marahil
ang ilan sa kanila ay maaaring maituring na 
krimen sa giyera o krimen laban sa
sangkatauhan. Halimbawa, ang "Mga
digmaang panrelihiyon" at ang paggamit ng
mga sibilyan, na itinuturing na nasamsam ng
digmaan, sa mga gawaing sekswal bilang
alipin at babae.
Malala Yousafzai

Kabilang sa mga ito ay ang


pagpapasara ng mga dormitoryo at
paaralan para sa mga babae, nasa
mahigit 100 paaralan ang kanilang
sinunog sa Pakistan upang hindi na
muli pang makabalik ang mga
babae sa pag-aaral
Malala Yousafzai
Iginawad din sa kanya ang Nobel Peace Prize kasama
ang aktibistang si Kailash Satyarthai noong 2014.
• Nakapagpatayo na rin siya ng paaralan sa Lebanon
para sa mga batang babae na biktima ng digmaang
sibil sa Syria.
• Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapakilala ni
Malala sa tunay na kalagayan edukasyon ng mga
batang babae sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa
pakikipagkita at pakikipag-usap sa mga pinuno ng
iba’t ibang bansa at pinuno ng mga organisasyong
sibil at non- government organizations o NGOs
gaya ng United Nations at iba pa.
Diskriminasyon sa
lalaki
Ang nagiging sanhi ng pagkakaroon
ng diskriminasyon sa kalalakihan ay dahil sa kawalan
ng sapat na kaalaman o skills.

mayroong isang lalaki na hindi


nakapag-aral, maaari siyang
makaranas ng diskriminasyon
Ang isa pang maaaring dahilan ng diskriminasyon ay
ang kulay ng kanyang balat. Maraming tao ang mas
pinipili ang mga lalaking may maputi at makinis na
itsura.
Dahil sa mga nagaganap
na diskriminasyon sa kalalakihan, maraming
lalaki ang hindi confident sa kanilang sarili.
Sila ay nahihirapan maghanap ng trabaho at
makisalamuha sa iba. Ang mga lalaki din ay
pinagbabawalan na gumawa ng ibang mga
gawain lalo na kung ito ay para sa mga
kababaihan lamang.
Diskriminasyon sa
Lgbt
Halos lahat ng miyembro ng
LGBTQ ay nakararanas ng hindi
patas na pagtrato dahil sa kanilang
pagkilos at maging sa kanilang
katangian. Sa madaling salita ito ay
tinatawag na “Diskriminasyon”.
Nararanasan nila ito sa kanilang
eskwelahan, sa kanilang
komunidad, at ang ilan ay mismong
sa kanilang tahanan
Ayon sa Human Rights Watch (2017), ang
diskriminasyong nararanasan ng mga miyembro ng
LGBTQIA ay humahantong rin sa bullying at ang
mas malala pa ay sa mga pisikal na pananakit. Ang
mga pang –aabusong katulad nito ay maaari ding
humantong sa mas mataas na lebel ng depresyon at
pagkabalisa na posibleng magdulot ng suicide at iba
pang hindi magandang bagay.
LGBT - nakararanas ng matinding diskriminasyon ang
mga ito sapagkat sinasabi na tanging lalake at babae
lamang ang ginawa ng Diyos.
 Maging sa trabaho,
 pakikipag-kaibigan,
 paggawa ng mga proyekto ay nakararanas sila ng
diskriminasyon sapagkat sinasabi ng ilan na ang mga
tulad nila ay mahirap pagkatiwalaan sapagkat
pabago-bago ang kanilang desisyon sa buhay.

You might also like