You are on page 1of 9

A.

P l 3RD QUARTER

DISKRIMINASYON

 Ang anumang pang- uuri, eksklusyon o restruksyon batay sa kasarian na nagiging sanhi
ng hindi pagkakakilala at paggalang ng mga karapatan o kalayaan.

KARAHASAN

 Isang uri ng diskriminasyon at karahasang nangyayari dahil sa di pantay na relasyong


kapanyarihan at batayang inaasahan base sa kasarian mga gawaing nagdudulot ng pisikal,
mental, o sekswal na sakit kasama ang pagbabanta, pamimilit, at pagsikil ng kalayaan.

Ang karahasan sa kababaihan ay hindi bago sa lipunang Pilipino

 Ito ay maaaring nangyayari mismo sa loob ng inyong tahanan subalit inaakala ng iba na
ito ay natural lamang at bunga ng pagiging mahina ng kababaihan.

ELLEN DEGENERES (LESBIAN)

 Isang artista, manunulat, stand- up comedian, at host ng pinakatagumpay na talk show sa


Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”. Binigyang pagkilala rin niya ang ilang
Pilipinong mang- awit gaya ni Charice Pempengco

TIM COOK (GAY)

 Ang Ceo ng Apple inc. na gumawa ng Iphone, Ipad, at iba pang apple products. Bagi
mapunta sa Aplle Corporation nagtrabaho din si cook sa Compaq at IBM, at mga
kompanyang may kinalaman sa computers.

CHARO SANTOS CONCIO (BABAE)

 Matagumpay na artista sa pelikula at telibisyon, nakilala siya sa longest- running


Philippine TV drama anthology program na Maalaala Mo kaya, simula pa noong 1991.
Siya ang gaing presidente at CEO ng ABS- CBN Corporation noong 2015- 2018

DANTON REMOTO (GAY)

 Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, at mamamahayag. Nakilala siya sa


pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng myembro ng mga LGBT.

MARILLYN A. HEWSON (BABAE)


 Chair president at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa paggawa ng mga
armas pandigma at panseguridad, at iba pang makabong teknolohiya . Sa mahigit 30 taon
niyang panantili sa kumpanya, naitalaga siya sa iba’t ibang mataas na posisyon. Taong
2017 siya ay napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative sa Amerika.

GERALDINE ROMAN

 Kauna- unahang transgender na myembro ng kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan


ng Bataan. Siya ang pangunahing taga- pagsulong ng Anti-discrimination Bill sa
Kongreso

MALALA YOUSAFZAI

 O mas kilala bilang Malala sa nakakarami, ay isang batang babae na pinaglalaban ang
mga karapatan ng mga kababaihan lalong- lalo na ang pagkakaroon ng pagkakapantay-
pantay na pagtatamo ng edukasyon

-Siya ay ipinanganak noong July 12, 1997 sa siyudad ng Mingora, Pakistan. Isa itong tanyag at
napakagandang lugar ng Mingora noong kabataan ni Malala

-Ngunit lahat ng ito’y nagbago nang pinamahalaan ito ng mga Taliban o isang grupo ng Islam na
naglalayong palakasin ang control ng Islam sa mga bansa kabilang na ang Pakistan.

-Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay barili sa ulo
ng isang myembro ng Taliban noong ika- 9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at
adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan.

-Kinondena hindi lamang ng mga Muslim ang pagtangka sa buhay ni Malala. Bumuhos ang
tulong pinansyal upang agarang mabigyang lunas ang pagbaril sa kanyang ulo .

-Ipinanganak siya noong ika 2 ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley, sa hilagang bahagi ng
Pakistan Malapit sa Afghanistan. Taong 2007 nang masakop ng mga Taliban ang Swat Valley sa
Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang patakrang nakabatay sa batas ng Sharia ng mga
Muslim. Kabilang sa mga ito ay ang pagpapasara ng mga dormitory at paaralan para sa mga
babae, nasa mahigit 100 paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan upang hindi na muli pang
makabalik an mga babae sa pag- aaral.

-Sa mga taong ito, isang batang babae pa lamang si Malala ng kanyang mga adbokasiya noong
2009. Lumawak ang impluwensya ni Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa
mga pahayagan at telibisyon. Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay ang
pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang paglaban sa para
sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
-Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng
mga babae sa Pakistan. Matapos niyang maoperahan, iba’t ibang mga pagkilala at pangaral ang
kanyang natanggap ngunit hindi niya kinalimuta ang mga kapwa niya babae hindi lamang sa
Pakistan , maging sa iba pang bahagi ng daigdig.

-Iginawad din sa kanya ang Nobel Peace Prize kasama ang aktibistang si Kailash Satyarthai
noong 2014. Nakapagpatayo na rin siya ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang babae na
biktima ng digmaang sibil sa Syria.

-Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapakilala ni Malala Yousafzai sa tunay na kalagayan ng


edukasyon ng mga batang babae sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa pagpapakita at pakikipag-
usap sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa at pinuno ng mga organisaysong sibil at non-
government organizations o NGO’s gaya ng United Nations at iba pa.

TUGON SA MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN (ANG MGA PRINSIPYO NG


YOGYAKARTA

 Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas


ang kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa di-pantay na
pagtingin at karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian (sexual orientation at gender identity o SOGI) na nagmula sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang
ika-9 ng Nobyembre,2006 upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa
pagkakapantay-pantay ng mga LGBT .Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa
Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao(Universal Declaration of Human Rights
o UDHR)at ilang mga rekomendasiyon.

PRINSIPYO NG YOGYAKARTA:

Ang Prinsipyo ng Yogyakarta ay isang dokumentong inilimbag sa Yogyakart, Indonesia noong


Nobyembre 2006. Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga karapatang pantao na may
kinalaman sa gampanin ng mga kasarian at ukol sa sekswal na oryentasyon.
Naglalayon ito na maikabit sa unibersong karapatang pantao ang karapatan ng mga lesbian, gay,
bisexual, at transgender (LGBT) at mabawasan ang diskriminasyon at pang-aapi sa kanila.

ANG MAHALAGANG PRINSIPYO NF YOGYAKARTA:

 PRINSIPYO 1: Ang Karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang


pantao

Lahat ng tao ay isinilang na Malaya at pantay sa dignidad at mga Karapatan. Bawat isa, anuman
ang sexual orientation at gender identity ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng
karapatang pantao.

 PRINSIPYO 4: karapatan mabuhay

Karapatan ng lahata ng mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta nalamang pagkaitan ng
buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa sexual orientation at gender identity.

Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa sexual orientation at gender
identity.

 PRINSIPYO 10: ang karapatan laban sa torture at sa malupit, makahayop, o


mapanghiyang pangtrato sa tao

 PRINSIPYO 12: Ang karapatan sa trabaho

Ang lahat ay may Karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng


mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo at diskriminasyong nag-uugat
sa sexual orientation at gender identity.

 PRINSIPYO 16: ANG KARAPATAN SA EDUKASYON


Ang lahat ay may Karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng
sexual orientation at gender identity.

 PRINSIPYO 25: Ang karapatan lumahok sa buhay pampubliko

Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang
mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kaniyang kapakanan; at
upang mabigyan ng pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga pambublikong ahensiya,
kabilangang pagseserbisyo sa pulisya at military, nang walang diskriminasyong sanhi ng sexual
orientation at gender identity.
BAN KI MOON

“LGBT RIGHTS ARE HUMAN RIGHTS”

Ito ang mga katagang winika ni dating UN Secretary General Ban Ki-Moon upang hikayatin
ang mga miyembrong estado na wakasan na ang mga pang-aapi at pang-aabuso laban sa mga
LGBT.

Ano ang VAWC

 Violence against women children


 Isang diskriminasyon, ipinahihiwatig ang babae ay mababang uri lamang ng tao.
 Tumutugon sa pang- aabuso sa mga kababaihan at mga anak ng kanilang dati o
kasalukuyang asawa o live- in, partner or karelasyon.

MGA URI NG KARAHASAN

 Pisikal na pang aabuso- Hal. Pambubugbog, pananakit, pananampal, panununtok,


panggugulpi, paninipa, pag untog.
 Sekswal na pang aabuso: Pamimilit na gumawa ng mga sekswal na bagay, pamboboso,
pambabastos, panghahalay, pamimilit manuod ng mga x- rated na pelikula, pambubugaw
sa asawa.
 Emosyonal o sikolohikal na pang- aabuso: pananakot ng pagkakamatay, pinapahiya,
sobrang pang- iinsulto, madalas na pagmumura, stalking, paninigaw at iba pang mapang-
abusong pananalita, paninira ng gamit, panununtok ng baril, pagkukulong sa bahay,
pagbanta o aktwal ng pang aakit sa babe ng kanyang anak o pagbabanta na sasaktan ang
anak o magulang, pananakot.
 Ekonomiko o pinansiyal na pang- aabuso:Halimbawa di pinapayagang
makapagtrabaho ang babae ng walang sapat na dahilan; di sinusuportahan ang babae at
mga anak

Sino ang biktima sa ilalim ng RA 9262

Ang biktima ay:

 Babae na maaring:

Asawa (kasal man o hindi), dating asawa, karelasyon/ boyfriend, dating karelasyon/ ex-
boyfriend, may anak sa biktima, babae na karelasyon o dating karelasyon ng biktima.
SINO ANG DAPAT MAGREKLAMO?

 Ang VAWC ay isang public crime kaya’t hindi lang ang biktima ang pwedeng
magsampa ng kaso.
 Ang social worker, Pulis, O barangay kagawad, abogado, kamag- anak, kaibigan, kapit-
bahay, o sino man ang may kinalaman sa krimen.

Ano ang mga akto na pinarurusahan ng RA 9262?

1. Pananakit sa biktimang babae o anak


2. Pagbabanta na saktan ang biktima
3. Pagtatangka sa takot na saktan o gawan ng pisikal na pananakit ng biktima.
4. Pagpwersa o tangkang pwersahin ang biktima na gawin ang isang bagay na labag sa sa
kalooban.
5. Paglilimita o pagtangkang limitahan ang galaw ng biktima.

Ano ang mga hakbang ang maaring gawin?

1. medical assistance

2. Counselling

3. Legal Assistance

ISANG PAGLILINAW

 Ang judiciary ay hiwalay sa Executive at Legislative Branch ng pamahalaan.


 Ang mga hukuman o korte ay nasa ilalim ng Judiciary Supreme court
 Ang prosecutor o Fiscal na nasa ilalim ng DOJ executive
 Ang public attorney’s office na nasa ilalim ng DOJ.

ANO ANG PROTECTION ORDER:

 Ang protection order ay ibinibigay para maiwasan ang ano pang mga karahasan sa babae
o bata na nakakaranas nito. Ito ay nakatala sa Seksyun 7 ng Implementing Rules and
Regulations na sumagot sa iba pang pangangailangan ng biktima.
 Ito ay isang kautusan na galing sa Punong barangay o kagawad kung may atestasyon na
wala ang punong barangay na nagsasaad ng mga sumusunod:
 Bawal ituloy ang pisikal na pananakit sa biktima
 Bawal ituloy ang pananakot sa biktima ng pisikal na kapahamakan
 Bawal makipag ugnayan sa biktima
SINO ANG MAARING KUMUHA NG PROTECTION ORDER SA BARANGAY O SA
HUKUMAN?

 Ang maaaring kumuha ng protection order (PO) ay ang mga biktima, mga magulang o
kamag- anak, social workers, of Kagawad ng barangay na may kinalaman sa karahasan.

ANO ANG MGA PANGKARANIWANG AKSYON SA DOMESTIC VIOLENCE?

Ang biktima ay maaaring humingi ng proteksyon:

 Barangay protection order (BPO)


 Temporary protection order (TPO)
 Permanent Protection Order (PPO)

GAANO KATAGAL ANG BISA NG BPO? Ang bisa ng BPO ay 15 araw

ANO ANG GAGAWIN KUNG TAPOS NA ANG BISA NG BPO: maaaring dumulog sa
hukuman upang mag apply ng TPO o PPO.

PAANO KUMUHA NG BPO?

 Pumunta sa tanggapan ng punong barangay o kagawad


 Magdala ng isang sulat at pinanunumpaang salaysay ng biktima bilang patunay na totoo
ang reklamo.
 Ibibigay ng PB o kagawad ang BPO sa araw na nagsampa ng reklamo ang biktima.

PAANO KUNG WALANG PERA O KAKAYAHANG KUMUHA NG ABOGADO ANG


BIKTIMA ? PAANO SIYA MAGSASAMPA NG APLIKASYON NG TPO AT BPO?

- Maaring dumulog sa Public Attorney’s Office (PAO) o sa sinumang opisyal ng DOJ para
sa serbisyong legal.

ANO ANG TEMPORARY PROTECTION ORDER (TPO)

- Isang kautusan na nagmumula sa hukuman na inilbas/ inisyu para sa proteksyon at


kapakanan ng biktima. Ito ay may bisa ng 30 araw.

ANO ANG PERMANENT PROTECTION ORDER? (PPO)

- Isang kautusan na nagmula sa hukuman na may bisa hanggat hindi binabawi o binabago
ng hukuman.
PAANO KUNG TAPOS NA ANG BISA NG TPO NGUNIT WALA PARING
INILALABAS NA PPO ANG HUKUMAN?

- Mapapahaba ng hukuman ng 30 araw ang bisa ng TPO, maaari itong eh extend ng


panibagong 30 araw hanggat walang PPO na inilalabas.

Ano pa ang ibang magagawa ng biktima ng karahasan?

- Meron man o walang BPO ang mga biktima ay maaring mag apply ng TPO sa kahit
anumang hukuman na malapit sa kanilang Barangay.

Saan maaaring magsampa ng kaso?

- Ang mga kagawad ng barangay ay maaaring samahan ang biktima na magsampa ng kaso
sa kahit saang Family Court na malapit sa barangay.

Maaari bang mamagitan ang brgy. Upang magkaayos ang biktima at akusado?

- Hindi ito pinapayagan ng batas.


- Ayon sa Local Govt code, walang kapangyarihan ang barangay na mamagitan sa mga
kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak.

Bakit kailangang tulungan ang mga babaeng nabubugbog?

- Kahit sino ay walang sapat na dahilan upang mabugbog ang babae.


- Ang tunay na pag- iibigan ay nakabatay sa respeto, pagkalinga at pantay na pagturing sa
isang karelasyon.
- Ang pang aabuso ay hindi pribadong usapin kundi isang krimen. Ito ay ang oaglabag sa
karapatang pantao ng babae.
- Sa tulong ng pamilya at komunidad, maaaring makawala ang isang mula sa mapang-
aping relasyon.

CEDAW

- Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of all forms of Discrimination


Againts Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala
din ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of
Women.
- Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal nakasunduan na komprehensibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politika na larangan
kundi gayun din sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunanat pampamilya.
- Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre18,
1979 noong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noongHulyo15,
1980.

You might also like