You are on page 1of 14

SEX AT GENDER

SEKSUWALIDAD Ang sex o seksuwalidad ay tumutukoy sa


natural o biyolohikal na katangian bilang
lalaki o babae. Maaari itong mapalitan,
SEX

ngunit may kahirapan, sa pamamagitan ng


operasyon, pag-inom ng iba't ibang gamot,
at iba pang mga pisikal na pamamaraan.
Samantala, ang gender o kasarian naman
ay tumutukoy sa isang aspektong kultural
na natutuhan hinggil sa seksuwalidad. Ang
KASARIAN mga ideya natin tungkol sa kasarian ay
GENDER

ating natututuhan mula sa lipunang ating


kinabibilangan at ginagalawan.
Napananatili at naipapasa ang mga
ideya at paniniwalang ito sa pamamagitan
ng pakikipag-ugnayan at pag-aaral.
Halimbawa nito ay ang mga paraan ng
pananamit, pagkilos, at gawain.
Kung seksuwalidad ang tutukuyin,
pinapangkat ang mga tao bilang "babae"
at "lalaki." Kung kasarian naman ang
GENDER usapan, ang ginagamit na termino ay
"pambabae" at "panlalaki."
SEX
Ang terminong oryentasyong seksuwal (sexual orientation)
ay tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksiyon na
nararamdaman ng isang indibidwal para sa isa pang
indibidwal

Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay


ang nararamdaman o pinaniniwalaang kasarian ng isang tao,
maging ito ay akma o hindi sa kanyang seksuwalidad.
Mga Papel na Ginagampanan Ayon sa Kasarian
(Gender Roles)
Ang pagkilos, mga gawain, at pananalita ng bawat
indibidwal ay hinuhubog ng lipunan. Ang mga bahaging ito ay
nagmumula sa ating kinagisnang kultura hanggang sa mga
taong ating nakakasalamuha.

Natututuhan ang tungkuling ito mula sa pagkabata sa


pamamagitan ng kanilang mga magulang at pamilya,
relihiyon, pati na rin ng telebisyon, magasin, at iba pang
media.
Ang Sinasabing "Ikatlong Kasarian"
Bukod sa pagiging babae o lalaki, may mga tao ring tinatawag
na kabilang sa third sex o ikatlong kasarian.

Homoseksuwal - Inilalarawan sila bilang mga indibidwal na


nakararanas ng eksklusibong atraksiyon sa katulad nilang
kasarian. Gumagamit sila ng sagisag na watawat na may iba't
ibang kulay.

Ang terminong biseksuwal ay tumutukoy sa mga taong


nakararanas ng atraksiyon sa kapwa babae o lalaki
Ang isang transeksuwal ay taong itinuturing ang kanyang
sarili na kabaligtad ng kanyang kasarian. (bakla, bading,
binabae ect.)

Tomboy naman ang tawag ng mga Pilipino sa mga lesbian o


lesbiyana o mga babaeng nakararanas ng atraksiyon sa
kapwa babae.
Pananaw sa Homoseksuwalidad ng mga Pilipino
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na
pinakatumatanggap sa mga LGBT (gay-friendly nation). Sa
isang pandaigdigang pag-aaral na kinabibilangan ng 39 na
bansa, pangsampu ang Pilipinas sa 17 bansang tumatanggap
sa homoseksuwalidad.

Masasabi na malaki ang impluwensiya ng Simbahang


Romano Katoliko sa pananaw ng mga Pilipino laban sa
homoseksuwalidad.Simbahang Katoliko ay aktibo sa pagkontra
sa pagbibigay ng mga karapatan sa mga pangkat-LGBT.
Relihiyon at Pananaw ng Iba Tungkol sa
Homoseksuwalidad
May mga pangunahing relihiyon sa mundo ang naninindigang
salungat sa kanilang paniniwala ang pagiging homoseksuwal
(tinutuligsa nila ang mga relasyon at kilos ng mga
homoseksuwal. ).
Islam, Hudaismo, at ilang sekta ng Kristiyanismo.
Ang parusa sa mga homoseksuwal sa mga bansang Islam
gaya ng Iran, UAE, at Saudi Arabia ay pagkakakulong o
mas malala ay parusang kamatayan.
Ang katesismo naman ng mga Kristiyano ay nagtuturo ng
pagtanggap sa mga homoseksuwal nang may "paggalang,
habag, at pagiging sensitibo" subalit itinuturo ring dapat
maging celibate o hindi dapat mag-asawa ang mga
homoseksuwal.
https://www.google.com/search?
q=napagtripan+ang+isang+bakla+news&sxsrf=AJO
qlzW4OWbHQZncrbbhaz5W1m0tSoWksQ:1674614
195510&source=lnms&tbm=vid&sa=X&ved=2ahUK
Ewie-
oiC2OH8AhWvmlYBHbbWC4gQ_AUoAnoECAEQB
A&biw=1366&bih=657&dpr=1#fpstate=ive&vld=cid
:d7d00346,vid:4htEcXXH1PE

You might also like