You are on page 1of 14

WEEKLY HOME LEARNING PLAN

Araling Panlipunan 10
IKATLONG MARKAHAN
Week 1-4
Lesson and Mode of
Learning Competency
Learning Task Delivery
Most Essential Learning Competencies:
Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig AP10KIL-IIIc-5 p.6 (UNANG LINGGO)
Nasusuri ang karahasan at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at
LGBT (Lesbian, Gay, Bi-Sexual, Transgender). Week 3-4 (MELC 2)
(IKALAWANG LINGGO) Gawain sa MDL/
Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng Pilipinas Pagkatuto ODL
sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. Week 5-6 (MELC 3)
(IKATLONG LINGGO)
Nakagagawa ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at
paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao
bilang kasapi ng pamayanan. WEEK 7-8 MELC 4 (IKA-APAT NA LINGGO)
Online Classes
*Ang lahat ng output ay gagawin sa itinakdang format ng iyong guro sa google classroom.
*Ipadala ang output sa pamamagitan ng Google Classroom account na ibinigay ng guro o sa
ibang platform na ginagamit ng paaralan. (ODL)
Modular Classes
*Ang output ay ipapasa/dadalhin ng magulang sa paaralan (MDL)
WEEK 1 LESSON 1: KASARIAN SA IBA’T – IBANG LIPUNAN
KONSEPTO NG KASARIAN

Kahulugan ng Sex at Gender

Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba.


 Ang sex ay tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae. Ito rin ay maaaring tumukoy sa gawain ng
babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.
 Ayon din sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
 Ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng
lipunan para sa mga babae at lalaki.
 Karaniwang batayan nito ay ang gender identity at roles na mayroon sa lipunan, ito ay ang pagiging
masculine o feminine.

KATANGIAN NG SEX KATANGIAN NG GENDER


1.Ang mga babae ay nagkakaroon ng 1. Ang lalaki ay itinuturing na malakas at matipuno
buwanang regla samantalang ang mga lalaki samantalang ang mga babae ay tinitingnan bilang
ay hindi mahinhin at mahina.
2. Ang mga lalaki ay may titi at testosterone 2. Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya
habang ang babae ay may suso at estrogen. samantalang ang mga babae ay inaasahang
gagawa ng mga gawaing bahay

Oryentasyong Seksuwal
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)?

Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas
ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang
kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.

Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at


personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya
nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi,
kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit,
pagsasalita, at pagkilos.

Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong
makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho.

Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang heterosekswal, homosekswal, at bisekswal.

 Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na
ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
 Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
bilang sekswal na kapareha

Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na lesbian, gay, bisexual, at transgender o mas
kilala bilang LGBTQIA+.

 Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)
 Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang
nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at
bayot).
 Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
 Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
 Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang
kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na
katauhan
 Queer - mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian, ngunit maaaring
ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong kategorya o
kombinasyon ng lalaki o babae.
 Intersex - kilala mas karaniwan bilang hermaphroditism, taong may parehong ari ng lalaki at babae.

Kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas

Sa pagtalakay ng kasaysayan ng LGBTQIA sa Pilipinas, mababanggit ang mga babaylan noong ika-16
hanggang ika-17 siglo. Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad
sa mga sinaunang priestess at shaman. Ang salitang babaylan ay sinasabing tumutukoy sa babae, mayroon
ding lalaking babaylan – halimbawa ay ang mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo - na hindi lamang
nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan
ng mga espiritu.
Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan ng mga babae,
ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae, sila rin ay pinagkakalooban ng panlipunang pagkilalang
simboliko bilang “tila-babae.” Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay may relasyong
seksuwal.
Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay culture sa bansa. Sa
mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad

Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo


Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo Fortune ay
nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga pangkultura pangkat sa lugar
na ito. Sa kanilang pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat; Arapesh,
Mundugamur, at Tchambuli.
Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga
pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa, at maging sa Estados Unidos.
 Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito.
Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa mga anak,
matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
 Mundugumur (o kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang,
agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat.
 Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin
sa kanilang lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa
mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki
naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.

Sa ilang rehiyon ng mundo , mahigpit ang lipunan para sa mga babae lao na sa mga miyembro ng
LGBTQIA+.
Sa mga ilang bansa sa Kanlurang Asya , matagal ang panahong kanilang hinitay upang sila ay makaboto ,at
makapagmaneho ng sasakyan. Hindi pinapayagan na maglakbay mag – isa, kung payagan man ay nahaharap
sa banta ng pang aabusong pisikal at sekswal.

Ayon sa datos ng World Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o
matanda) nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong
walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at
prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.
Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin
ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan
Ang ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan.
Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang
magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain.
Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights Council noong taong 2011,
may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT.
LEARNING TASK #1
Panuto: Basahin mabuti ang bawat pangungusap, ibigay ang hinihinging sagot sa bawat pahayag.
____________1. Ito ay tumutukoy sa bayolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng
babae at lalaki.
______________2. Ito ay kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal,
emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad
ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
__________3. Pinapaniwalaan na ito ang pinagmulan ng mga LGBTQIA+, kung saan sila ang mga lider -
ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon.
__________4. Ito ay proseso ng pagbabago ng ari ng babae , bata o matanda na walang anumang medical
na benipisyo, isinasagawa batay sa paniniwala.
__________5. Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang
tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang
personal na pagtuturing niya sa sariling katawan.

WRITTEN WORK #1
Learning Competencies: Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender role sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig
Gawain: Pumili ng tatlo sa mga sumusunod na pahayag at ipaliwanag ang ibig sabihin
nito na nauukol sa usaping gender (5 puntos)
LEARNING COMPETENCIES/PERFORMANCE STANDARD
AREA
 Ang Ama ang itinuturing na haligi ng tahanan at ang Ina ay ilaw ng tahanan.
Sa loob ngAP tahanan Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) sex at gender roles sa iba’t bahagi ng
 10 hindi lang ang Tatay ang
nakapantalon gayundin daigdig.
ang Nanay.
 Kung ang Nanay ay kilala bilang housewife, ang
Tatay ay itinuturing
FILIPINO 10naman sa ngayonang
Nailalarawan na mga tauhan batay sa ikinikilos, ginagawi,sinabi at naging damdamin
Houseband mula sa salitang husband.
 Kailan man ay hindi naging salot ang bakla,
bagkus sila ay nagbibigay kulay sa mundo nating
EsP 10 Napapangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa.
minsan ay walang sigla.
 Ang anumang pag-urong sa isang laban ay hindi
maituturing na kabaklaan, mas karuwagan pang
maituturing kung ang mga minamahal mo ay
masasaktan dahil sa iyong kamalian.

Ang rubrik na ito ay hinango sa Grade 10 Learner’s


Manual:Araling Panlipunan Kontemporaryong Isyu, pahina 99

PERFORMACE TASK (AP10, FIL10, ESP10)

Output: Photo Essay


Panuto: Gumupit o gumuhit ng isang kilalalang personalidad na kabilang sa LGBTQIA+ at ilarawan
ang kanilang gawi, kilos, damdamin; batay sa iyong sinulat, pangatwiranan kung ang pagmamahal sa
kapwa ay pag mamahal sa Diyos.

Halimbawa:

(Paglalarawan)
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________________________
(Pangangatwiran)
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubric:
PAMANTAYAN SA PAGBUO NG PHOTO ESSAY
NILALAMAN ORGANISASYON Pangangatwiran
Natatalakay ang uri NG IDEYA Malinaw ang
ng kasarian sa paglalahad ng
ginawang photo Angkop ang mga pangangatwiran tungkol
essay ginamit na salita sa sa pagmamahal sa
paglalarawan ng Diyos at sa kapwa.
(Araling kilos, gawi,
Panlipunan) paniniwala at (Edukasyon sa
damdamin. Pagpapakatao)
30 puntos (Filipino)
30 puntos
30 puntos

WEEK 2 LESSON 2: MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN


DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBT

Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o
kalayaan.

KARAHASAN SA MGA LALAKI, KABABAIHAN, AT LGBT

Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng


United States Agency for International Development (USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia: The
Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong
medikal, pabahay at maging sa edukasyon.Sa ibang pagkakataon din, may mga panggagahasa laban sa mga
lesbian. At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na patuloy ang panawagan sa pagkakapantay-
pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe
noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpatay mula 2008- 2012.
Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ulat tungkol sa mga
ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBT. Ang bansang Uganda ay
nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same- sex relations at marriages
ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.

KARAHASAN/DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN

Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pang-aalipusta, hindi


makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral
na noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan sa daigdig. Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa
China na naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.

Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa
ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng
isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o
bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang
mahigpit na ibinalot sa buong paa.
Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang
milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula
ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal.
Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang
pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha.
Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa
di-mabuting dulot ng tradisyong ito.

Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan
(violence against women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal
o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa
kanilang kalayaan.
May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan.
Subalit ang nakakalungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala. Mababanggit na
halimbawa ang breast ironing o breast flattening sa Africa.
Ang breast ironing o breast flattening ay isang
kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa.
Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang
nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula
na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na
nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad
siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na
ang pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga
dahilan nito ay upang: maiwasan ang (1) maagang
pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-aaral; at (3)
pagkagahasa. Ang mga dahilan na nabanggit ay mula sa
paniniwala ng ina na ang paglaki ng dibdib ng anak ay
maaaring makatawag-pansin sa mga lalaki upang sila ay
gahasain.

Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin ang breast ironing o breast
flattening sa mga bansang Benin, Chad, Ivory Coast, Guinea-Bissau, Guinea-Conakry, Kenya, Togo, at
Zimbabwe. Bukod sa pagiging mapanganib ng breast ironing, marami ring kritisismo ang binabato sa
pagsasagawa nito. Ang GIZ (German Development Agency) at RENATA (Network of Aunties), ay ilan sa
mga organisasyong sumusuporta sa kampanya ng mga batang ina na labanan ang patuloy na pag-iral ng
gawaing ito. Ayon sa ulat ng GIZ, 39% ng mga kababaihan sa Cameroon ang di panig sa pag-iral ng
breast ironing, 41% ang nagpapakita ng pagsuporta at 26% ay walang pakialam.

Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati narin sa buong
daigdig. Sa katunayan, itinakda ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination of
Violence Against Women.

ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN

Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal simula edad 15,
anim na porsyento ang nakaranas ng pananakit na pisikal.
6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal
Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng emosyonal, pisikal at/o pananakit
na sekswal mula sa kanilang mga asawa.
Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa loob ng
12 buwan bago ang sarbey, 65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.
(Mula sa 2013 National Demographic Health Survey ng National Statistics Office)

Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and
Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang (1)
pambubugbog/pananakit, (2) panggagahasa, (3) incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso, (4) sexual
harassment, (5)sexual discrimination at exploitation, (6) limitadong access sa reproductive health, (7) sex
trafficking at prostitusyon.

Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na
nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin.
Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling makita o kilalanin. Ang
ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri; emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso.
Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon. Ngayon, iyong
tunghayan ang mga palatandaan ng ganitong uri ng karahasan.

Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:

tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka;
pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan; sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa
pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;
pinagbabantaan ka na sasaktan;
sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban at
sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.

Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at transgender:

Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang iyong oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bi-sexual at transgender
Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente

Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang ganitong pangyayari:

pinagbabantaan ka ng karahasan.
sinasaktan ka na(emosyonal o pisikial)
humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol.
Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.
Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng panahon.

LEARNING TASK #2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto ang tinatalakay ng
pangungusap, at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sa bansang Uganda ay ipinagbabawal ang same sex relations at marriages.


2. Ang mga kababaihan at LGBT lamang ang nakakaranas ng karahasan sa ating lipunan.
3. Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa.
4. Ang foot binding ay tinatawag na lotus feet o lily feet.
5. Ang limitadong access sa reproductive health ay maituturing na Seven Deadly Sins Against Women ayon
sa GABRIELA.

WRITTEN WORK #3
Gawain: Tukuyin kung ang pahayag o salaysay ay nagsasaad ng diskriminasyon, pagsunod sa tradisyon o
pagsusulong ng pagkakapantay-pantay. Isulat ang mga titik DIS para sa sagot na diskriminasyon, TRA naman
kung tradisyon at PAN naman sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay.
________ 1. Sa isang relasyon, may mga usapin na bawal ang ganitong uri ng kasuotan, mga
taong dapat makasama at pagtawag ng nakaiinsultong mga pangalan (name
calling) o salita.
________ 2. Sa bansang Uganda ay may umiiral na batas, ang Anti Homosexuality Act of 2014. Ito
ay nagbabawal nang pagkakaroon ng relasyon ang magkaparehas na kasarian. Ang
sinumang mapatutunayang lumabag ay papatawan ng parusang panghabang-
buhay na pagkabilanggo.
________ 3. Ang Breast Ironing na isinasagawa sa ilang bansa sa Aprika, ay tumutukoy sa sapilitang
pagmamasahe sa dibdib ng mga nagdadalaga gamit ang bato o anumang matigas
na bagay na makatutulong upang ma-flat ang dibdib ng dalaga, naniniwala sila na sa
ganitong paraan ay maiiwasan ang maagang pagbubuntis, magahasa at matigil sa
pag-aaral.
_______ 4. Ang mga kababaihan sa tribo ng Padaung ay naglalagay sa kanilang leeg ng brass
coil simula sa pagkabata bilang pagkilala sa kanilang tribo,gayundin, ito ay
sumisimbolo ng kagandahan, kayamanan at katayuang panlipunan.
_______ 5. Ang anti-catcalling ay isang ordinansa sa Quezon City na nagpapataw ng kaukulang
parusa sa maling paraan ng pagkuha ng atensyon ng mga kababaihan at sa
sinumang miyembro ng LGBT.
_______ 6. Ang foot binding na nagsimula sa bansang Tsina, ang naging dahilan ng tinatawag
na paang lotus. Nang dahil dito, nalilimitahan ang galaw at paglalakad ng isang
babae. Sinasabing masakit na proseso ang pinagdadaanan sa pagsasagawa nito
dahilan upang ipatigil ang gawaing ito sa buong bansa ng Tsina.
________ 7. Si Rosa Sevilla de Alvero ang nagsulong ng Commonwealth Act No. 34, kung saan ang
mga kababaihan ay binigyan ng karapatang makaboto sa halalan.
________ 8. Sitwasyon: Isang grupo ng mga lalaki ang nag-uusap sa harap ng isang
tindahan, ilang minuto ang lumipas ay mayroong bakla na bibili.
(Ang sitwasyong ito ay hindi hango sa tunay na pangyayari at ang
lahat ng ito ay kathang-isip lamang at walang intensiyong manira
nang sino man.)
Bakla: Pabili nga po ng table napkin.
Unang Lalaki: Ano Baks! Sanitary napkin?
Ikalawang Lalaki: Baks 150 lang!
Ikatlong Lalaki: Hindi nga pwede si Baks bumibili nga ng sanitary napkin.
________ 9. May mga paniniwala sa ating bansa na ang buntis ay makaiiwas sa hirap ng paglilihi
na pinagdaraanan kung kanyang hahakbangan ang kanyang kabiyak sapagkat
maililipat dito ang nararanasan.
________ 10. Pagtatanggal sa isang miyembro ng all male dance group sapagkat nalaman ng
kanilang manager na siya ay bakla.
________ 11. Pagsusulong ng SOGIE Bill upang maging ganap na batas sa bansa.
________ 12. Pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng mag-asawa, ang misis angmagtatrabaho
at si mister ang mag-aalaga ng mga anak at gagawa ng mga gampanin sa loob ng
tahanan.
________ 13. Panawagan na magkaroon ng pampublikong palikuran para sa mga LGBT upang
matugunan ang kalituhan sa kung anong palikuran ang dapat gamitin.
________ 14. Pagpapataw ng expulsion ng paaralan sa mga mag-aaral na kabilang sa LGBT dahil
sa hindi pagsusuot ng wastong uniporme.
________ 15. Ang pagpupugay ng buong bansang Pilipinas sa inuwing karangalan ng isang
babaeng atleta na si Hidilyn Diaz matapos mapagwagian ang kauna-unahang
gintong medalya mula sa Tokyo Olympics.

PERFORMACE TASK 2 (AP10, FIL10, ESP10):


Para sa Performance Task 2, pagbatayan at tignan ang mga panuto na matatagpuan at mababasa
sa WHLP ng ESP (Ikalawang Linggo)

Week 3 LESSON 3: TUGON SA MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN


ANG MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA
Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang
kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at
karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
(sexual orientation at gender identity o SOGI) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang
nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006
upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT.
Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang
Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga rekomendasiyon.

Ito ang mga katagang winika ni dating UN Secretary


General Ban Ki-Moon upang hikayatin ang
mga miyembrong estado na wakasan na ang mga
pang- aapi at pang- aabuso

ILAN SA MAHAHALAGANG PRINSIPYO NG YOGYAKARTA


Prinsipyo 1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng
karapatang pantao.
Prinsipyo 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang
walang diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat
kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang
diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong
diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.
Prinsipyo 4
ANG KARAPATAN SA BUHAY
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa
anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng
mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 12
ANG KARAPATAN SA TRABAHO
Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, samakatarungan at paborableng mga
kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo at diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 16
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 25
ANG KARAPATANG LUMAHOK SA
BUHAY-PAMPUBLIKO
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal,
lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kaniyang kapakanan; at upang mabigyan ng
pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensiya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya
at militar, nang walang diskriminasiyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

Sanggunian: Ilagan, B.P. (2011). Retrieved December03,2014.


http://ypinaction.org/files/03/49/GALANGYogyakarta_Filipino.pdf

Paksa: CONVENTION ON THE ELIMINATION OF ALL FORMS OF DISCRIMINATION AGAINST WOMEN

Ano ang CEDAW?


Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang The Women’s
Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging
internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa
sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979 noong UN Decade
for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may
pinakamaraming bansang nagratipika. Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State parties
noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan
noong 2006, pero kaunti pa lang ang nakakaalam nito.

Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?


1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sakababaihan. Inaatasan nito ang mga
estado na magdala ng konkretong resultasa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mgaresponsibilidad ang estado sa
kababaihan na kailanma’y hindi nito maaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang layunin ng
mga ito.
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi
lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon
nito ang State parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa
babae.
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?
Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin
ang State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
Ang mga State parties ay inaasahang:
1. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong
mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilan
karapatan;
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang kondisyon at karampatang
aksiyon;at
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad
ang mga tungkulin sa kasunduan.

LEARNING TASK #3
Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa isang papel.
a. CEDAW c. Marginalized Women
b. Pamahalaan d. Magna Carta for Women
e. Women in Especially Difficult Circumstances
f. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
_____ 1. Layunin nitong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng
pagbabago at pag-unlad.
_____ 2. Ito ay batas na nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga kababaihan at anak nito.
_____ 3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad ng batas na ito.
_____ 4. Sila ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso, armadong sigalot at prostitusyon.
_____ 5. Sila ang mga babaeng nasa di-panatag na kalagayan, may limitadong kakayahan, at maralitang-
tagalungsod.

WRITTEN WORK #3
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
____1. Kung ikaw ay nakararanas ng pang-aapi at pang-aabuso. Ano ang dapat mong gawin?
A. Labanan ang mga nang-aapi sa iyo.
B. Isumbong sa iyong mga magulang upang makagawa ng hakbang.
C. Ikwento sa kaibigan.
D. Huwag na lang pansinin.
____ 2. Sila ang mga kababaihang pinoprotektahan ng Anti-Violence Against Women and their Children
(AGAWC) maliban sa isa:
A. babaeng nagkaroon ng anak sa isang relasyon
B. kasalukuyan o dating asawang babae
C. babaeng may kasalukuyang o nakaraang relasyon
D. babaeng hindi pinaburan ng korte
____3. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya
itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang dapat na reaksiyon mo ukol dito kung ang batayan ay ang
kasalukuyang panahon?
A. Tama, kasi ito ay bahagi ng ating kultura.
B. Tama. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isang beses.
C. Mali, dahil ang lalaki at babae ay may kanya-kanyang tungkulin.
D. Mali, sapagkat ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang
karapatang tinatamasa ng lalaki noon kaysa sa kababaihan.
____4. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na lumalaban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng
kababaihan.
A. LAGABLAB B. LANTAD C. GABRIELA D. SULONG KABABAIHAN
____5. Siya ang may kakayahang magsagawa ng pang-aabuso at pananakit sa mga kababaihan at kanyang
anak.
A. asawang babae C. Kinakasamang lalaki
B. kasintahang babae D. lalaking may kinakasamang lalaki
____6. Kauna-unahang transgender na miymebro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan ng Bataan.
Siya ang pangunahing taga-pagsulong ng Anti-Discrimation bill sa Kongreso.
A. Geraldine Roman C. Marillyn A. Hewson
B. Charice Pempengco D. Ellen Degeneres
____ 7. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad o primary duty
bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan C. senado B. pamahalaan D. simbahan
____8. . Isinabatas ang Magna Carta fo Women noong:
A. July 7, 2008 C. July 8, 2008
B. July 9, 2008 D. July 10, 2008
____9. Ito ay isinabatas upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay
alinsunod sa mga Batas ng Pilipinas.
A. Magna Carta for Men C. Gender and Equality Rights
B. Magna Carta for Women D.Anti-Discrimination Act for Men and Women
____10. Isang empleyado ng Anderson’s Corporation si Alan. Ang kanyang asawa ay nagdadalangtao. Bilang
isang empleyado, anong benepisyo ang makukuha niya sa kompanya kapag nanganak na ang kanyang
asawa?
A. Maternity Leave C. Leave for Fathers
B. Paternity Leave D. Leave of Absence
____11. Ang diskriminasyon sa kababaihan ay nais wakasan ng CEDAW sa pamamaraang:
A. hindi pagbibigay ng aksyon kung paano magkakaroon ng
pagkakapantay-pantay sa kababaihan
B. ipagbawal ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga kababaihan.
C. hindi pagbibigay linaw sa mga krimeng napapabalita ng karahasan sa
mga kababaihan.
D.pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga
kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon
____12. Ang sumusunod ay tungkulin ng Estado kagaya ng Pilipinas bilang state party sa Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) maliban sa:
A. pagkilla sa karapatan ng kababaihan
B. lumaban sa pamahalaan dahil pabaya ito ukol d ito.
C. Wakasan ang laganap na diskriminasyon.
D. itaguyod ang karapatan ng kababaihan
____13. Dahil sa ipinatutupad na Community Quarantine patuloy na dumarami ang mga babaeng biktima ng
prostitusyon. Saan nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon ayon sa isinasaad sa Magna Carta for
Women?
A. Marginalized Women
B. Women in Marginal Society
C. Focused Women of the Society
D.Women in Especially Difficult Circumstances
____14. Ang batas na ito ay naglalayong lalong pag-ibayuhin ang galing at husay ng mga kababaihan at
makilala ang kanilang karapatan bilang instrumento ng pag-unlad.
A. Magna Carta for Women
B. Women Discrimination Bill
C. Women for Magna Carta Act
D.Act Against Women Discrimination
____15. Matagal nang magkaibigan si Pedro at Juan. Isang araw natuklasan ni Pedro na Bakla pala itong
kanyang kaibigang si Juan. Ano ang dapat na gawin ni Pedro para sa kanyang kaibigan?
A. Lalayuan
B. Ipagkakalat
C. Kakausapin siya at sumbatan kung bakit niya inilihim ito sa kanya.
D. Igalang ang kanyang pagiging bakla.

PERFORMACE TASK 3 (AP10, FIL10, ESP10):


Para sa Performance Task 3, pagbatayan at tignan ang mga panuto na matatagpuan at mababasa sa
WHLP ng Filipino (Ikatlong Linggo)

Week 4 LESSON 4: TUGON NG PAMAHALAANG PILIPINAS SA MGA ISYU NG KARAHASAN


AT DISKRIMINASYON
Sa Pilipinas, may batas na nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan tulad ng Anti-Violence
Against Women and Their Children Act at Magna Carta for Women.Basahin ang susunod na teksto
tungkol sa batas laban sa Karahasan sa Kababaihan.
Anti-Violence Against Women and Their Children Act
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na
nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng
lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga
lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito?
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga
anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating
asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at
babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy
sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong
gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at
pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang
mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.

Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaring


kasuhan ng batas na ito?
Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot sa ilalim ng batas na ito ay ang
mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in
partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng
“sexual or datingrelationship” sa babae.

http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf

Magna Carta for Women


Bukod sa Anti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for Women ay isa ring batas na
nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan. Basahin ang teksto upang malaman mo kung patungkol saan ang
batas na ito.

Ano ang Magna Carta for Women?


Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang
lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng
Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of
All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.

Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila
bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa
katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.Ginawa na tuwirang
responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng
diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.

Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat
at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Kabilang sa mga paraan
na ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa na nagsasaalang-
alang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan.
Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas,
patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasiyon laban sa kababaihan.

Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay ang basagin ang mga stereotype at
tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at
gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki.

SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon,
relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito nang
nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa
iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.

*Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan.
Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at
serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at
manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.

LEARNING TASK namang


**Ang tinatawag #3 Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa
Panuto: Tukuyin
mapanganib nakung ano ango tinutukoy
kalagayan masikip sa
na bawat bilang.
katayuan Piliin
tulad ngatbiktima
isulat ang
ng letra ng tamangatsagot
pang-aabuso sa isangat
karahasan
papel.
armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng
nakakulong.
a. Pamahalaan
b. Marginalized Women
c. Magna Carta for Women
d. Women in Especially Difficult Circumstances
e. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

____ 1. Layunin nitong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng
pagbabago at pag-unlad.
____ 2. Ito ay batas na nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga kababaihan at anak nito.
____ 3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad ng batas na ito.
____ 4. Sila ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso, armadong sigalot at prostitusyon.
____ 5. Sila ang mga babaeng nasa di-panatag na kalagayan, may limitadong kakayahan, at maralitang-
tagalungsod.

WRITTEN WORK #4
Pagsulat ng Sanaysay/Essay
Katotohanan/Sitwasyon:
Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. May pantay na karapatan ang mga mamamayan nito sa
lahat ng aspeto, ngunit minsan ay hindi naiiwasan na pagtalunan ang mga bagay na nauukol sa
pagkakapantay-pantay ng mga tao lalo na ang patungkol sa kasarian. Sa mahabang panahon, palaging
ipinaglalaban ng mga kababaihan at mga kasapi ng LGBTQIA+ ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga
tao sa lipunan anuman ang kanilang edad, pinag-aralan, propesyon, relihiyon at uri o pinagmulan.
Pumili ng isa sa mga sumusunod na isyung pangkasarian. Gamit ang rubriks sa ibaba ipaliwanag ang sagot
sa katanungan.
A. Diskriminasyon sa paghahanap ng
trabaho.
B. Ang paniniwalang mahina ang mga babae
kaysa sa mga lalaki.
C. Pagtuligsa ng iba sa “Same-sex
marriage”.
D. Mababang pagtingin sa mga taong
kabilang sa LGBTQIA+

Tanong:
Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng
bansang Pilipinas na may paggalang sa kasarian,
ano ang maaari mong gawin bilang hakbang upang
isulong ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang
kasapi ng pamayanan at lipunan.

PERFORMACE TASK 4 (AP10, FIL10, ESP10):


Para sa Performance Task 4, pagbatayan at tignan ang mga panuto na matatagpuan at mababasa sa
WHLP ng Filipino (Ika-apat na Linggo)

You might also like