You are on page 1of 3

Pagsusuri sa isang dulang

pampelikula: Sagrada Familia


PAGSUSURI SA ISANG DULANG PAMPELIKULA

Dulang Pampelikula: Sagrada Familia


Direktor: Joel Lamangan
Mga Tauhan:
 Kat (Lovi Poe)- Siya ang isa sa pangunahing tauhan sa pelikula. Siya ay maraming
pangarap sa buhay at kumukuha ng kursong pagkamanggamot nang biglang nagulo ang
kanyang buhay noong gahasain siya ng kanyang ama.
 Merli Asero ( Snooky Serna) – Siya ang ina ni Kat na naging OFW para masuportahan ang
kanyang pamilya. Siya ay isang nurse dito sa Pilipinas ngunit noong pumunta siya sa ibang
bansa ay naging caregiver.
 Johny (Emilio Garcia)- Siya ang asawa ni Merli at ama ni Kat.
 Gloria Diaz- Biyanan ni Merli kung saan niya iniwan ang kanyang pamilya noong siya ay
pumunta sa ibang bansa.
 Felix Roco- Siya ang kasintahan ni Kat.

Sinematograpiya: indie film : GRADED "A" BY CEB


Tagpuan: Ang tagpuan ay sa Pilipinas.
Sound and Lighting effects:
Iba’t ibang mga himig at kanta ang ginamit sa pelikula na nagpadagdag sa “suspense” at
ganda ng pelikula. Ang mga lighting effects naman ang nakatulong upang lalong
maintindihan ang pelikula at dahil ang pelikula ay may mga pangyayaring kabastusan ay
nakatulong ng malaki ang lighting at sound effects.

Pangyayari:
Si Kat ay isang batang lumaki sa isang pamilyang mapagkalinga. Ang kanyang ina na
si Merli ay isang nars at ang kanyang ama naman ay isang gwardiya. Ang kanyang ama ay
lumaki sa isang di magandang pamilya na ang ibig sabihin ay may kaya ngunit walang
pagkakaintindihan. Isang araw ay naimbitahan sila sa bahay ng ama ni Johny, ama ni Kat, at
doon nagkaroon ng matinding away. Sa pag-uusap ng mag-ama ay nag-away sila at naitulak
ni John yang kanyang ama. Nabagok ang ulo ng kanyang ama at naging sanhi ng kanyang
pagkamatay. Ang ninanais ni Jphny ay ang mapasakanya ang isang “set’ ng baril ng kanyang
ama.
Sa paglipas ng panahon ay kinailangan ni Merlin a pumunta sa ibang bansa upang
matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Sa kanyang pag-alis ay maraming
nabago sa kanyang pamilya. Si Johny ay nagbago dahil na rin sa pag-aakalang siya ay
iniwan at nalungkot siya ng sobra. Sa sobrang pagkalungkot ay nagawa niyang gahasain
ang kanyang anak na si Kat. Si Kat ay may kasintahan at nang nalaman ito nji Johny ay galit
na galit siya at nagawa niyang patayin ang kasintahan ng kanyang anak sa pamamagitan ng
pagbaril. Paulit-ulit na nangyari ang panghahalay hanggang sa nagbunga ang kasamaan.
Nadiskubre ito ng ina ni Johny ngunit hindi siya makapagsalita sapagkat tinatakot sila ni
Johny gamit ang kanyang baril. Hindi rin makapagsumbong si Kat sa kanyang ninong na
pulis sapagkat siya ay natatakot. Dumating ang panahon na kailangan nilang lumipat sa
probinsiya. Paulit-ulit pa rin ang mga nangyayari. Isang araw ay sa pagkauwi ni Merli sa
Pilipinas, nadiskubre niya na nawawala ang kanyang pamilya. Pinilit niyang hanapain ang
kanyang pamilya at natunton niya ang lugar kung saan sina Kat at Johny nakatira. Gulat na
gulat siya sa nakita. Ngunit bago siya pumunta roon ay humingi siya ng tulong sa ninong ni
Kat na pulis. Namatay ang ninong na pulis ni Kat dahil siya ay binaril ni Johny. Dumating
ang oras nang tumakas sina Kat ay saktong manganganak na siya at doon ay natunton sila
ng kanyang ama. Dumating ang mga pulis at doon siya binaril.

Teoryang Pampanitikan:
 Teoryang Realismo
Ang mga pangyayari sa pelikula ay tunay na nangyayari sa ilan sa mga pamilyang Pilipino.
Marami sa mga magulang ngayon ang mas pipiliin na mangibang bansa at doon
magtrabaho upang masustentuhan lamang ang pangangailangan ng kanilang mga
pamilya. Kahit na mahirap ang paglayo sa mga mahal sa buhay ay kailangan sapgkat
mahirap ang buhay dito sa Pilipinas. May mga pangyayari rin na dahil na rin sa
pangungulila, ilan sa mga tao ay nagagawa ang hindi dapat gawin. Kung iuugnay ito sa
kasalukuyan, maraming mga ama ang napapabalitang ginahasa ang kanilang sariling anak.
Bakit nga ba ito nangyayari? Nangyayari ang mga bagay na ito dahil na rin sa depresyon na
nadarama at dahil na rin sa mga problema sa buhay.

 Teoryang Feminismo
Dito ipinakita ang kalakasan at kahinaan ng mga kababaihan. Si Merli ay isang inang kayang
gawin ang lahat para sa kanyang pamilya ngunit dumating ang pagkakataong, natalo siya
ng takot sa kanyang asawa. Sa isang babae, kalakasan niya ang kanyang pamilya ngunit
kahinaan niya rin ito. Si Kat ay sumisimbolo sa mga kabataang labis kung magmahal at
walang control sa sarili. Kung maaalala sa pelikula ay siya pa mismo ang nag-alok sa
kanyang kasintahan na gawin ang hindi karapatdapat. Ngunit siya ay naging malakas kahit
na sumuko siya ay lumaban siya upang mabuhay sa mundo.

 Teoryang Humanismo
Dito ipinapakita ang kalakasan at kahinaan ng mga tao. Kahinaan ng mga tao ang sarili
nilang emosyon kagaya ni Johny na hindi nakontrol ang kanyang emosyon kaya humantong
sa pagkasira ng kanyang sarili pati na rin ng kanyang pamilya.

 Teoryang Naturalismo
Lahat ng mga nangyayari sa tao ay dahil na rin sa pinili nila ang daan kung saan sila
tutungo. Normal sa isang tao na harapin ang dpresyon ngunit natural sa mga tao na
hahanap ng paraan upang maresolba ang kanyang problema. Isang magandang halimbawa
nito ay ang paghahanap nina Kat ng solusyon sa kanilang problema sa pamilya. Kung may
mga problema ay dapat harapin .
Aral o mensahe:
 Lahat ng mga magulang ay kayang gawin ang lahat para lamang sa kabutihan ng kanilang
mga anak.
 Hindi magandang kunsintihin ang masamang ugali ng mga anak sapagkat baling arawa ay
ito ang sisira sa kanila maging sa kanilang pamilya.
 Ang mga gawaing masama ay nagbubunga rin ng masama, maaring buhay pa ang kapalit.
 Magtiwala sa Panginoon sapagkat kahit na anong bigat ng problema, laging tandaan na lagi
Siyang nandyan. Ang mga problema ay isang pagsubok upang lalong tumatag ang isang tao
at magkaroon ng magandang pagbabago.

Rating:
Ang pelikulang ito ay maaring bigyan ng 1 para sa rating. Bakit? Sapagkat nakuha ng
pelikulang ito ang atensyon ng mga tao mula simula hanggang wakas nito. Sa bawat eksena
nagkakaroon ng reaksyon ang mga tao, nagbibigay sila ng saloobin nila, iyong gusto nilang
mangyari. Isang mgandang halimbawa nito ay ako na kapag nandyan na iyong tatay ay
sasabihin kong “ hala nandyan na,. Dapat kasi doon na lang sila dumaan. Ang bagal nila!” Ito
ang ilan sa aking mga nasambit noong ako’y nanunuod. Oo, maraming mga mqallaswang
eksena ngunit nakokontrol ito ng mga light effects at sound effects. Ang pelikulang ito ay
nagmumulat sa ating mga Pilipino kung ano nga ba ang nangyayari sa ating lipunan, ang
kahirapan na nagbubunga ng problemang hindi mo alam kung paano sosolusyunan at
tumutulak sa mga taong lumayo sa mga pamilya at ilan sa mga taong gumawa ng masama.

You might also like