You are on page 1of 5

TANDANG SORA NATIONAL HIGH SCHOOL

Mindanao Ave.,Tandang Sora ,Quezon City


FILIPINO 8
Takdang Gawain para sa Linggo 3
Setyembre 30 – Oktubre 4 , 2019

Pangalan :_______________________ Pangkat : ________________ Petsa: ______________Iskor : _____

Tuklasin (Unang Araw)


A. Panimulang Gawain
Ano ang mga salitang maaaring maiugnay sa dula?

DULA

Gawain 1 : Hulaan Mo ….
Ayusin ang mga ginulong mga letra upang makabuo ng salita, pangalan at iba pa.

_____________ 1.yiSerone Resye -- kilalang manunulat at ama ng sarsuwelang Tagalog.

______________ 2.welursasa – Mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng isipan at damdaming makabayan.

______________ 3. galhantan – lugar na pinagtatanghalan ng dula.

Gawain 2 : Paghambingin Mo…


Ihambing ang dula noon at ngayon batay sa tauhan , kilos o ugali, pananalita at tagpuan.

NOON NGAYON
Kilos
Ugali
Pananalita

Gawain 3 : Pagsagot sa mga Pokus na Tanong


1. Bakit umusbong at sumigla ang panitikang Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahong ito?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
B.Linangin ( Ikalawang Araw )
A.Panitikan
Basahin o panoorin ang isang halimbawa ng sarsuwela ni Severino Reyes na pinamagatang “Walang
Sugat”

youtube.com/watch?v=ESBNfhqoRS8

Sagutin
1.Para kanino ang binuburdahang panyo ni Julia ?Bakit niya ito itinanggi kay Tenyong?
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang nangyari sa tatay ni Tenyong na si Kapitan Inggo? Ano-anong pagpapahirap ang naranasan niya sa kamay ng mga
prayle?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
3.Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang lalaking mayaman ? Kung ikaw ang
nasa sitwasyon ni Julia, papayag ka ba sa pasiya ng iyong ina? Bakit?.

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

4.Kung ikaw ay kabataan na nabuhay sa Panahon ng Amerikano, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa
bayan?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
5.Suriin ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang Walang Sugat.

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Sagutin ang mga Gawain

Gawain 4 : Pag –ugnayin natin……


Isulat sa kasunod na tsar tang mga pangyayaring hindi katanggap-tanggap sa Sarsuwelang “Walang Sugat” at
mga pangyayari sa kasalukuyan na maaaring iugnay sa mga pangyayari na isinalaysay sa nasabing sarsuwela.

Mga Pangyayaring hindi katanggap – Mga Pangyayari sa kasalukuyan na


tanggap sa “Walang Sugat”. maaaring iugnay sa Sarsuwelang “Walang
Sugat”.
Alam mo ba …

Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at
manunulat ng dula. Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing
pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat.

Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya tungkol kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang
noong siya ay naging punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kaniyang mga patnugot na wala ng natitirang
materyales upang punuin ang isang maliit na espasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang
kuwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kuwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring
ilagay bilang may-akda kuwentong ito.

Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay
Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga
kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos nito, ang mga kuwento
na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925.
Siya ay nakasulat ng 26 na Sarsuwela.

Kasaysayan ng Sarsuwela….

Ang Sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa España noong ika-17 siglo. Binubuo ito
ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan.
Hinango ang taguring Sarsuwela sa maharlikang palasyo ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, España. Sa
Pilipinas, dinala ito ni Alejandro Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang Teatro Fernandez,
ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas.

Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay namulaklak noong Panahon ng
Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani nina: Severino Reyes na kilala sa taguring Lola Basyang sa kaniyang
“Walang Sugat”, Hermogenes Ilagan “Dalagang –Bukid”, Juan K. Abad “Tanikalang Ginto”, Juan Crisostomo
Sotto “Anak ng Katupunan”, at Aurelio Tolentino “Kahapon, Ngayon, at Bukas.”

Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at
matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati
ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na
lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa
isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat
ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Mga Elemento ng Sarsuwela

1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang
sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.

2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas
ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.

3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan.


Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging
tanghalan din.

4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya sa
itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.

5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal.
Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo , yugto at bahagi ng dula.

6. Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang
tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.
B.Gramatika

Tandaan mo….

Aspekto ng Pandiwa
Ang aspekto ng Pandiwa ay nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos , at kung
nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinanagpapatuloy pa ang pagganap.
1. Aspektibong Pangnakaran o Perpektibo
Kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos na nasimulan a at natapos na
Hal. a.Diyata’t dinakip si tatang?
b.Sa bilangguan ng Bulakan dinala?
2. Aspektong Perpektibong Katatapos
Kung nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula o naganap ang kilos.Ito ay
pinasisimulan ng panlaping ka-.
Hal. a.Kaaalis lang nina Kapitana Putin patungo kay Kapitang Inggo sa bilangguan sa Bulakan.
b. Si Tenyong ay kakakusap lamang kay Julia para magpaalam.
3. Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo
Kung nagsasaad ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang
ipinagpapatuloy.
Hal. a. Masama ang loob ni Julia ay gumagayak siya dahil sa pagdating ni Miguel at ng kanyang
ama.
b. Julia , ako’y natatawa lamang sa iyo.
4. Aspektong Panghinaharap o Kumpletibo
Nagsasaad ng kilos na di pa nasimulan.
Hal. a. Bukas magpapakasal sina Julia at Miguel.
b. Hihilingin ni Tenyong na sumang – ayon ang ina ni Julia na makasal sila.

Pagsasanay 1
Ibigay ang wastong aspekto ng pandiwang kinakailangan.Lagyan ito ng mga panlaping hinihingi ng pagkakataon.

Tipid

1.a._________________ natin ang lahat n gating gamit.

b. Makaiipon ka kung ______________________ mo ang iyong pera.

Paubaya
2.a. Madalas na ________________________ natin ang lahat sa Maykapal.

b. ___________________________ ni John ang sarili sa kamay ng mga espesyalistang mangagamot.

Pagsasanay 2
Pumili ng mga pandiwang ginamit sa sarsuwelang “Walang Sugat”.Pagkatapos ,ilagay ito sa wastong kolum ng
aspekto.
Perpektibo Perpektibong Imperpektibo Kontemplatibo
Katatapos

B.Pagnilayan at Unawain
1.Bakit dapat pahalagahan ang kulturang Pilipino na sumasalamin sa sarsuwela?

Pagmamahal sa Bayan Tapat na pagmamahal sa Pagagalang at pagsunod sa


kasintahan magulang
2.Ituloy ang Pahayag…

Habang binabasa ko ang Sarsuwela ako’y ,


dahil ako’y . kaya nais kong maging
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

D. Ilipat
Kaya Mo Ito….
Pagsulat ng sistematikong pananaliksik
Nabanggit na sa mga unang aralin ang hinggil sa pagsulat ng pananaliksik.

Ano nga ba ang Pananaliksik?


Ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap ,pagsusuri ,pag-aayos
,pag-oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin,pagpapatotoo ng prediksyon at
pagpapatunay sa imbensyong nagawa.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik


1. Pagpili at paglimita ng Paksa
2. Paggawa ng Tentataibong Balangkas
3. Paghahanda ng Bibliograpiya
4. Pagbuo ng Konseptong Papel
5. Pangangalap ng Datos
6. Paghahnda ng dokumentasyon
7. Pagsulat ng burador
8. Aktwal na pagsulat ng pangwakas na papel

Pagsulat ng Pananaliksik
Ikaw bilang pangulo ng Samahang Kabataan ( SK ) ang napiling mamahala ng inyong punong bayan sa
pananaliksik na ito at mangalap ng mga datos na naangkop sa ganitong pag-aaral.Dahil sa lumalalang isyung
panlipunan na may kinalaman sa estado n gating pamayanan tungkol sa kultura,gawi,kaugalian ng pamilya ang
NCAA, kasama ang Lokal na Pamahalaang Panturismo ,DSWD ay maglulunsad ng isang pananaliksik ng isang
pananaliksik tungkol sa paksa na may kaugnayan sa papel na ginagampanan na sarsuwela sa pagpapataas ng
kamalayan ng mga Pilipino sa kultura magtatampok sa mga pamilya na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa
ang mga kultura ,gawi sa makabagong panahon.

Pamantayan sa Pagmamarka
Paksa ------------------------------------------------ 10

Paggamit ng mga aspekto ng Pandiwa------- 10

Orihinal ---------------------------------------------- 10

Sumasalamin sa kulturang Pilipino at

Naaangkop sa kasalukuyan ---------------------- 10

Pagkakabuo ng Pananaliksik ---------------------10

Kabuuan ----------------------------------------------- 50

You might also like