You are on page 1of 1

Manaig, Kristin C.

BSA 1-1
Tanikalang Ginto
Mga Tauhan
 Maimbot- ang salitang “maimbot” ay nangangahulugan sa pagiging maramot
o masiba na siya namang katangian niyang taglay sa dula dahil sa
paggamit ng yaman at kapangyarihan upang makuha lamang ang gusto
partikular na sa pagdadamot niya kay Liwanag sa lahat nang nagnanais na
makasal sa dalaga; siya rin ang pawang sumisimbolo sa pamahalaang
Amerikano
 Liwanag- siya ang dalagang iniibig ni K’ulayaw at siya ring
ipinagdadamot ni Maimbot; ang “liwanag” ay nangangahulugang pag-asa o
kalayaan na tulad ng mga katangiang naipamalas niya sa dula dahil hindi
niya nais na mapasailalim habambuhay kay Maimbot, ang nais niya ay
lumaya at sumaya sa piling ni K’ulayaw, at hindi siya nawalan ng pag-
asa para makamit ito; siya ay simbolo ng pag-asang makalaya ng mga
Pilipino
 K’ulayaw- ang salitang “k’ulayaw” ay nangangahulugang karelasyon o
kaugnayan na ipinakita sa dula bilang mangingibig ni Liwanag; punong-
puno siya ng katapangan at pagmamahal kahit ibuwis man ang sariling
buhay; siya naman ang sumisimbolo sa mga Pilipino o pagiging tunay na
Pilipino
 Nagtapon- siya ang kapatid ni K’ulayaw na inabandona ang sariling
pamilya para sa pera at ginto at siya rin mismo ang nakapatay sa sariling
kapatid; siya rin ang tapat at sunud-sunurang alipin ni Maimbot at
ginagawa niya ito upang kumita at matustusan ang luho ng pagsusugal;
siya naman ang sumisimbolo sa mga Pilipinong nagtaksil sa sariling
bayan, takot, duwag at mahina
 Dalita- ang salitang “dalita” ay nangangahulugang kahirapan o pagdurusa
na katangian niya mismo na naipakita sa dula; siya ang ina ni K’ulayaw
at Nagtapon; mahina at may malubhang sakit, at nangungulila pa sa
kaniyang mga anak; siya ang simbolo ng inang bayan

Buod
Ang Tanikalang Ginto ay isang kilalang sedisyosong dula na isinulat
ni Juan Abad noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa.
Hindi lamang ito isang pangkaraniwang dula ng pag-ibig ng magkasintahang
hindi nagka-tuluyan dahil sa magulang, bagkus ito ay dula na kakikitaan ng
tagong mensahe ukol sa pagmamahal sa bayan at nasyonalismo. Ang dula ay
nagsimula sa monologo ni Liwanag na nalilito sa kung anong gagawin: kung
pakakasalan niya ba ang kaisa-isang mahal na si K’ulayaw o kung tatanawin
niya ba ang utang na loob sa kaniyang amain na si Maimbot. Tutol si Maimbot
sa pag-iibigan nina K’ulayaw at Liwanag dahil ang kaniyang nais ay siya
lamang ang makasama at pagsilbihan ni Liwanag hanggang sa kamatayan. Kaya
naman, ginawa niya ang lahat upang sila’y hadlangan at inutusan niya ang
kaniyang alipin na si Nagtapon na pagbawalan ang pagkikita ng dalawa.
Binigyan ni Maimbot si Liwanag ng tanikalang ginto at nangako pa ng marami
pang kasaganaan kapalit ng pag-ampon niya rito. Ang tanikalang gintong ito
ay sumisimbolo sa kontratang panghahawakan nila. Ngunit, mas nanaig pa rin
ang pagmamahalan nina Liwanag at K’ulayaw. Dahil dito, mas naging marahas
ang paraan ng pagpupumilit ni Maimbot. Nagtapos ang dula sa pagkakapatay ni
Nagtapon sa sarili niyang kapatid na si K’ulayaw.

You might also like