You are on page 1of 1

Manaig, Kristin C.

BSA 1-1

Sa Pula, Sa Puti

Mga Tauhan
 Kulas- mananabong
 Ceiling- asawa ni Kulas
 Teban- kaibigan ni Kulas
 Sioning- kaibigan ni Ceiling

Buod
Ang Sa Pula, Sa Puti ay isang sikat na dulang
pangkomedya na nagpapakita ng mga isyu ng lipunan
partikular na sa kaugalian ng karamihan sa pag-asa sa
suwerte para magkapera at ang pagkalulong sa sugal.
Nagsimula ang dula sa isang probinsya, maaga pa lamang
ay nagtatalo na kaagad ang mag-asawa dahil sa paghingi
ni Kulas ng pera kay Ceiling upang ipangtaya sa sabong.
Nakataya pa rin naman siya kahit gano’n, at ipinangako
sa asawa na kapag natalo siya ay papatayin na lamang niya
ang kaniyang mga manok. Ang kaniyang kaibigang si Teban
ang nagturo kay Kulas upang gawing pilay ang kaniyang
manok at tumaya nang doble sa kalaban upang makapag-uwi
nang mas malaking halaga ng pera. Samantala, si Ceiling
ay tumaya rin sa kalaban upang makasiguro na babalik din
sa kaniya ang perang ipinantaya ni Kulas. Sa hindi
inaasahang pagkakataon ay nagwagi ang manok ni Kulas
ngunit kahit na ganoon ay wala pa rin siyang naiuwing
pera. Kaya naman, pagkauwi nila sa bahay ay naging tinola
na ang kaniyang mga manok. Ang pagkatalo nilang mag-asawa
sa huli ay nagpapaliwanag lamang na tunay ngang walang
naidudulot na maganda ang pagsusugal. Marami pang
kaisipan ang nakapaloob sa akdang ito tulad na lamang ng
kasinungalingan at pandaraya. Isang magandang paraan ang
dulang ito upang ihatid sa atin na walang nagwawaging
tunay kung nakuha mo lamang ito sa daya, at huwag gawing
mundo o buhay ang pag-asa sa mga suwerte at sugal, dahil
kung minsa’y ito pa ang naghahatid sa atin sa
kapahamakan.

You might also like