You are on page 1of 5

KABANATA 4

KABESANG TALES

Magugunita pa marahil ng mga nakabasa ng Noli Me Tangere ang matandang mangangahoy na


kumupkop at nag-alaga kay Basilio sa pusod ng gubat. Buhay pa at maputing- maputi na ang buhok ni
Tandang Selo subalit malusog pa rin ang kaniyang panga- ngatawan. Gumagawa na lamang siya ng walis
at hindi na nangangahoy ni nangangaso, sapagkat guminhawa na ang kaniyang pamumuhay.Ang
kaniyang nag-iisang anak na si Telesforo o Tales ay nagsaka bilang kasamá sa isang mayaman. Nang
magkaroon ng dalawang kalabaw at daan-daang piso, iyon ay nagsarili na sa tulong ni Tandang Selo, ng
asawa't tatlong anak. Sa paniniwalang walang nagmamay-ari ng makapal na gubat sa dulo o labasan ng
bayan, nilinis at kinaingin ng buong angkan ang pook na iyon. Naghirap sila sa pagbubungkal ng lupang
punong- puno ng mga bagay-bagay at mikrobyo kaya't dinapuan ng malarya ang mag- anak. Namatay
ang asawa ni Tales at ang kaniyang panganay na anak na babaeng nasa kasibulan, ang magandang si
Lucia. Bagama't naniniwalang ang pangyayaring iyon ay bunga ng paghihiganti ng espiri- tung
naninirahan sa gubat, at mawawala rin ang galit nito, ang paglilinis at pagta- tanim ay ipinagpatuloy
nila.Nang mag-ani ng kanilang unang pananim na tubo, inangkin ng isang korporasyon ng mga paring
may-ari ng lupa sa kalapit-bayan ang kanilang lupang pinaghirapang linisin at tamnan. Sinakop at
nilagyan ng mga tanda ang nabanggit na lupa. Pinahintulutan silang mag-ani roon ng tagapangasiwa ng
mga pari kung magbabayad sila taon-taon ng dalawampu o tatlumpung piso bilang buwis.Pumayag si
Tales, isang tahimik na tao at masunurin sa mga pari, upang maiwasan lamang ang pag-umpog ng
palayok sa kawali. Unang-una, hindi siya marunong magsalita ng wikang Espanyol at wala naman siyang
ibabayad sa mana- nanggol."Magtiis ka na," ang payo ni Tandang Selo. "Higit na maraming salapi ang
magugugol mo sa pakikipag-usapin kaysa magbayad ka nang makasampu ng buwis sa mga paring Puti.
Maaaring ipagpamisa ka nila bilang ganti. Ipagpalagay mo na lamang na natalo sa sugal ang tatlumpung
pisong iyon o kaya'y nahulog sa tubig at sinakmal ng buwaya."Naging masagana ang ani ni Tales at
marami siyang napagbilhan. Nagbalak siyang magpatayo ng bahay na kahoy sa baryo ng Sagpang, bayan
ng Tiani na katabi ng San Diego.Masagana pa rin ang ani nang sumu- nod na taon, bagama't naging
limam- pung piso na ang siningil na buwis ng mga pari. Ito'y binayaran ni Tales nang walang kagalitan sa
paniniwalang mai- pagbibili ang kaniyang asukal sa mataas na halaga."Magtiis ka pa!" ang pampalubag-
loob ni Tandang Selo. "Ipagpalagay mong lumaki ang buwaya."Nang taong iyon nagkaroon ng kasa-
ganahan ang pangarap ni Tales na mani- rahan sa isang bahay na tabla sa nayon ng Sagpang. Binalak ng
mag-ama na papag- aralin ang natitirang magkapatid na sina Tano at Juli, tulad ng batang lalaki na si
Basilio na kaibigan ng kanilang angkan. Iyon ay ipinanganak ding kasinghirap nila subalit nag-aaral na
noon sa Maynila. Hindi natuloy ang balak sapagkat pinag- kaisahan ng kaniyang mga kanayon na gawing
cabeza de barangay si Tales. Siya ang pinakamasipag sa kanilang nayon at maluwag na ang kanilang
pamumuhay. Hinihingi ng ganitong pangyayari na magpagawa na siya ng amerikana, magka- roon ng
sombrerong piyeltro, at humanda na sa paggugol. Upang hindi na magka- roon ng basag-ulo sa pari o
pamahalaan, binabayaran na rin ni Tales buhat sa sariling bulsa ang buwis ng mga nakatalang pangalan
na namatay na o lumipat na ng tirahan. Maraming panahon ang naaksaya sa kaniya dahil sa paniningil ng
buwis at pagpunta sa ulumbayan ng lalawigan."Dagdagan mo pa ang pagtitiis. Ipag- palagay mong
sumama sa buwaya ang mga kamag-anak niya," ang patawang winika ni Tandang Selo.Kapag binabanggit
ni Juli ang pag- unlad ng kababatang si Basilio, inaaliw na lamang ni Tales ang anak at sinasabing
makapag-aaral din ito sa susunod na taon.Hindi na nakapag-aral sa Maynila ang dalaga dahil sa
naragdagan pa ang buwis. Ang lahat ng bigas sa palayok ay napunta sa talyasi. Nang ang buwis ay
umabot na sa dalawandaang piso, sa halip na mayamot, nagkamot ng ulo at nagbuntong- hininga,
tumutol na si Kabesang Tales at bumulong-bulong. Binalaan siya ng prayleng tagapangasiwa na kung
hindi siya makababayad ng buwis ay ipalilinang na lamang sa iba ang mga lupang iyon yaman din lamang
at maraming taong nag-aabang sa mga iyon.Nalaman ni Kabesang Tales na hindi nagbibiro ang prayle
nang inatasan ng huli ang isa niyang utusang tumira sa lupa ng una. Biglang namutla ang kaawa-awang
kabesa, umugong ang kaniyang tainga at natabingan ang kaniyang mga mata ng isang mapulang ulap.
Parang nakita niya ang asawa at anak na babae na payat, namumutla, halos mapatid na ang hininga
dahil sa lagnat na paulit-ulit, ang makapal na gubat na naging malinis at mayamang bukirin, ang kaniyang
kahabag-habag na sarili na nagsaka sa init ng araw, nagka- buwal-buwal sa mga bato at tuod, tuma-
tagaktak ang pawis na dumidilig sa mga tudling samantalang ang uldog ay nagga- galang sakay ng
karwahe kasama ang taong pagbibigyan ng kaniyang bukirin, at sunod-sunod na tila isang alipin sa
kaniyang panginoon."Nais ko pang lumubog sa lupa ang bukiring iyon at malibing na kaming lahat," ang
bulalas ni Kabesang Tales. "May karapatan ba siyang angkinin ang aking mga lupain gayong wala siyang
kahit isang dakot ng alabok nang pumunta siya rito buhat sa bayan niya? Naranasan ba niyang
mabaluktot kahit isa man sa mga daliri niya sa pagbunot ng mga ugat ng kahoy?"Nanlaban si Kabesang
Tales. Ayaw niyang magbayad ni kalahati at sinabing ibibigay niya ang kaniyang lupa sa unang taong
didilig muna rito ng kaniyang dugo at maglilibing muna ng kaniyang asawa at mga anak.Nang makita ni
Tandang Selo ang mukha ng anak, hindi na ito bumabanggit pa ng tungkol sa mga buwaya. Pinayapa ang
nag-iinit na kalooban nito sa pagbang- git ng tungkol sa palayok at tapayan at sa taong nahuhubaran ng
damit sa pakikipag- usapin."Tayong lahat ay babalik sa lupa at ipinanganak nang walang damit," ang
sagot ni Kabesang Tales sa ama.Pinanindigan ni Kabesang Tales ang di pagbabayad ng buwis at ang di
pagbi- bigay ng kahit isang dipang lupa kung hindi muna mapatutunayan sa kaniya ng mga prayle na sila
ang may-ari sa pagpapakita ng kasulatan. Nang walang maipakita ang korporasyon, humantong sa
hukuman ang usapin sapagkat nanini- wala si Kabesang Tales na kung di man lahat, ay may mga taong
makataru- ngan at gumagalang sa kautusan. Noon lamang nasaksihan sa Pilipinas ang isang usaping
kinasasangkutan ng isang indiyong mangmang at walang kaibigan, na naniniwala sa kaniyang karapatan
at sa kabutihan ng kaniyang usaping ipinaglalaban sa isang malaki at maka- pangyarihang korporasyon.
Mapilit na nakipagtunggali na parang langgam na kumakagat din kahit alam niyang siya'y matitiris,
parang isang langaw na tuma- tanaw sa kalawakang walang hanggan sa kabila ng salamin, parang isang
palayok na nakikipagbanggaan sa kaldero at madu- durog sa sanlibong bahagi. May itinuturo din ang
mga ito: ang mataas na karangalan ng kawalang pag-asa.Kapag hindi nagpupunta sa kabisera, naglilibot
sa kaniyang bukirin si Kabesang Tales na dala ang isang baril bilang pananggalang sa mga naggalang
tulisan na maaaring dumukot sa kaniya at matalo tuloy sa usapin. Asintado sa pagbaril ang matapang na
kabesa, kaya't ang uldog ng mga pari ay takot pumunta sa Sagpang kung walang kasamang mga
guwardiya sibil at ayaw nang kunin ang mga lupain lalo pa't masigasig sa pagbabantay ang matikas na
kabesa.Ang mga hukom-pamayapa sa bayan at sa kabisera man ay hindi nagkalakas ng loob na bigyan si
Kabesang Tales ng katwiran dahil sa takot na mawalan sila ng katungkulan. Hindi naman tunay na
masasama ang mga hukom na ito. Sila'y mabubuting tao na may malilinis na budhi, mababait na
mamamayan, mahuhusay na magulang at mabubuting mga anak, at nakaaalam ng tunay na kalagayan
ng kahabag-habag na si Tales kaysa may sariling katawan. Alam nila ang mga bagay-bagay hinggil sa
karapatan nito subalit may mga kaanak sila na marahil higit ang pangangailangan kaysa mga kaanak ng
kabesa. Pinagkaisahan ng mga nasabing hukom na payuhan o himukin si Kabesang Tales na magbayad
na ng hinihinging buwis. Subalit siya, katulad ng mga ibang may maiklingpaghahaka, ay naging matatag
sa kaniyang paghingi ng mga katibayan ng pagmamay-ari lalo pa't walang maipakita ang mga pari at
walang pinanghahawakan kundi ang mga nakaraang pag-alinsunod.Nangatwiran si Kabesang Tales.
"Kung sa araw-araw ay naglilimos ako ng isang pulubi nang hindi na lamang ako galitin, sino ang
makapipilit sa akin sa patuloy na pagbibigay kung siya'y umaabuso naman?"Patuloy sa kaniyang
pagmamatigas si Kabesang Tales kahit nakipagkita sa kaniya si Gobernador M. upang siya'y takutin.
Ngunit buong tapang na sumagot ang kabesa, "Magagawa ninyo ang ibig gawin Ginoong Gobernador,
ako'y mangmang at walang sapat na lakas. Namatay ang asawa at anak ko sa pagtulong sa paglilinis at
pagbubungkal sa bukiring pinaghirapan ko. Ibibigay ko lamang ito sa sinumang makagagawa nang higit
sa ginawa ko. Diligin muna niya ito ng dugo at ilibing dito ang kaniyang asawa't anak!"Ang pagmamatigas
na iyon ang nag- bigay ng daan upang bigyan ng katwiran ng mga hukom ang mga pari. Nagkaga-
yunman, patuloy pa rin si Kabesang Tales sa paghahabol at pagbabantay nang buong hinahon sa
kaniyang bukirin.Ang kaniyang anak na binatang kasintaas niya at kasimbuti ng kapatid na babae ay
napiling sundalo, pinabayaan niyang lumakad, at hindi ipinagbayad ng makakapalit. Kung mananalo raw
siya sa usapin, si Tano ay mapababalik niya; ngunit kung siya'y matatalo, ito ay hindi na niya
kakailanganin. Napaiyak na lamang si Juli. Nang makaraan ang anim na buwan, may nagsabing nakita
raw na isinakay si Tano sa bapor patungong Carolinas. May nag-aakala namang tila nakita siyang
nakasuot-guwardiya sibil."Guwardiya sibil na si Tano! Sus- maryosep!" ang pamanghang sambit ng ilan,
sabay sa pagsasalikop ng dalawang palad. "Napakabuti at napakabait ni Tano. Requiem aeternam."Ilang
lupa.Pinaalalahanan ni Tandang Selo ang anak na walang laban ang kaniyang gulok sa mga baril ng mga
tulisan. Nang inalisan siya ng gulok dahil sa napakahaba niyon, ginamit naman niya ang matandang
palakol ng ama.Tunay na nangangamba sina Tandang Selo at Juli tuwing nagbabantay sa kani- yang
bukirin si Kabesang Tales. Madalas maabala si Juli sa kaniyang paghabi dahil sa kaniyang pagdarasal at
paggawa ng mga panata habang ang kaniyang ingkong naman ay madalas magkamali sa paggawa ng
buklod at madalas masabi ang muling pagbalik sa gubat.Naganap ang pinangangambahan ng mag-
ingkong nang bihagin ng mga tulisan ang kabesa. Humihingi ang mga ito ng limandaang piso para sa
kalayaan ni Tales sa loob ng dalawang araw, at kapag nag- tagal ang pagkakaloob ng tubos o may
nangyari sa inutusang magbubukid na nagdala ng mensahe, maaaring pugutan nila ng ulo si Tales. Kung
may pambayad daw ito sa mga hukom at mga mana- nanggol, nararapat din na may pambigay siya sa
mga sawimpalad na pinag-uusig.Halos mawalan ng matinong pag-iisip ang dalawang mahal sa buhay ni
Tales sa nangyari sa kaniya lalo pa't hahabulin ng mga guwardiya sibil ang mga tulisan. Si Tandang Selo
ay hindi mapalagay at hindi malaman kung saan pupunta at kung kanino lalapit. Si Juli ay mataimtim na
nagdarasal sa mga imahen upang marag- dagan ang kaniyang dalawandaang piso. Nang hindi matupad
ang panalangin ay biglang nagbihis ang dalaga, tinipon ang mga alahas, humingi ng payo sa ingkong at
binalak na makipagkita sa gobernador- cillo, sa hukom, sa abogado, sa tenyente ng guwardiya sibil.
Sunod-sunuran ang matanda sa lahat ng balak ng apo. Nagda- tingan ang kanilang mga kamag-anak, mga
kapitbahay, at mga kaibigan; ang ilan ay higit na dukha pa sa iba, walang nababatid, at minamalaki ang
lahat ng bagay. Si Hermana Bali, isang pusakal na pangginggerang ipinadala sa beateryo ng La Compania
sa Maynila upang mag- ehersisyo, ay pinakamasigla sa lahat.Ipinagbiling lahat ni Juli ang kaniyang mga
alahas sa pinakamayamang kapit- bahay. Ang tanging hiyas na hindi naipag- bili ni Juli ay ang isang agnos
na may alyande at emeralda na bigay sa kaniya Basi sapagkat hindi pa niya naipag bibigay alam doon.
Ang laki na iyon ay inigay ng bugtong na monghang anak Kapitan Tiyago na si Maria Clara sa isang
ketongin. Ito naman ang nagbigay g hryas kay Bailio bilang gantimpala sa pagpapagaling sa kaniya
Naragdagan lamang ng manang sa kaniya puso ang salaping pantubos. Nang mung Lahi reg isang
kapitbahay na ipagbili ang bahay nang-ayunan iyon ni Tandang Sela na gustong-gusto nang bumalik sa
gubat at makapangahoy na muli katulad noong una"Naku hindi maaaring ipagbili ang hahay, ang patlang
ni Hermana Ball apagkat wala ang tunay na may ari nito. Noong minsang bumili ako ng isang tapis sa
asawa ng hukom binawi ang nasabing tapis dahil sa wala raw kabuluhan ang bilihan sapagkat hindi muna
ipinagbigay- alam sa hukom. Hanggang ngayon ay hindi isinasali ang pisang ibinayad lox kaya naman
hindi ko siya binabayaran kapag nananalo siya sa panggingge Kava lamang ako nagsusugal ay nais kong
masingil siya. sapagkat hindi ko mapahihintulutang hindi ako babayaran ng taong umutang sa akin Nang
mahiwatigan ni Hermana Bali na tatanungin siya ng isang taong pinag- kakautangan niya nagpatuloy siya
sa pagsasalita. "Jull, isanla mo na lamang ang bahay sa halagang dalawandaa't limam pang pisos santang
babayaran kapag nanalo na sa usapin.Nang araw ding iyon, sinamahan Juli ni Hermana Babi sa
mayayaman sa Thant subalit walang nangyari. Talo raw ang spin at ang tumulong sa isang kalaban ng
Pray tila naghihintay na sa paghihiganti ng mga ito. Nakatagpo rin sila ng isang matandang may loob sa
Dakilang Lumika na nagpahiram ng salaping hallangan sa kasunduang maninchihan si Juli sa kaniya
hanggang sa mabayaran ang dalawandaa't limampong piso.Wala namang maraming katungkulan si Juli
kundi mana mana lang samahan siyang magsimba at magkulasyon paminsan minsan patungkol sa kanya.
Nag iiyak na parang bata sa Tanilang Selo nang mahatid na magsisimula na sa kinabukasan, araw ng
Paskn, ang parunilbihan ng pinakamamahal na apo Hindi niya matanggap na ang bugtong, na apong
pinakakaingatan niyang di massi nog ang balat sa init ng araw na may mga daliring hubog kandila at
mapupulang sakong at itinuturing na pinakamaganda sa kanilang pook at maging sa buun bayan man, ay
maninilbihan bilang isang alilang kagagalitan pagsasalitaan nang hindi mabati masisira ang mga daliri,
makatutulog sa kahit saang sulok at magigising nang sa wastong oras Paano na ang pangarap niya para
rito na makapagsaya nang mahaha, makapag salita ng Espanyol, makatayo nang hiwid at makagamit ng
pamaypay o abanikung may mga pinta halad ng mga anak- mayaman? Nagbalak pang maghigt o
magpakagatom hanggang sa mamatay ang matanda. Sinabi pa nito na sa pag-alis ni Juli, babalik na saya
sa gubat at hindi na muling tutuntong ng bayan. Timayapa siул ng apo Ipinaliwanag nito na kailangang
makabalik ang kaniyang ama at kung manalo sa usapin ay matutubos nila siya sa kaniyang paninilbihan
kay Hermana Penchang Naging napakalungkot ng gabing yaon sa maglold Sinuman sa kanila ay hindi
makakain. Ayaw matulog ni Tandang Selo at magdamag na nakaupo nang walang kaimik-imik at walang
kagalaw- galaw sa isang sulok. Iniisip naman ni Juli ang kapalaran ng kaniyang ama at ang kaniyang
kapalaran. Kinabukasan, mani- nilbihan na siya at sa araw ding iyon karaniwang dumarating si Basilio
buhat sa Maynila at dumadalaw sa kaniya na may dalang pasalubong. Kailangang limutin na niya ang
binata sapagkat magiging manggagamot na iyon at siya'y hindi na karapat-dapat maging asawa niyon.
Dumalaw sa kaniyang pangitain na si Basilio ay patungo sa simbahan kasa- ma ang pinakamayaman at
pinakamagan- dang dalaga sa bayan. Kapuwa magara ang suot na damit at maligayang-maligaya. Sa
kabilang dako, siya ay kasama ng panginoon at dala-dala ang mga aklat- dasalan, hitso, at luhuran.
Parang nabu- bulunan ang dalaga at sasabog ang dibdib kaya't hiniling niya sa Birhen na mama-tay na
muna siya bago maganap iyon. "Ngunit," ang sambit sa sarili ni Juli, "mababatid niya na pinili ko pang
isanla ang sarili ko kaysa masanla ang laket na bigay niya sa akin."Nakaginhawa nang kaunti sa kani- yang
pakiramdam ang nasambit at sumaisip ni Juli ang iba-ibang kaba- balaghan. Maaaring makakita siya ng
dalawandaa't limampung piso sa ilalim ng imahen ng Mahal na Birhen; maaa- ring maipanalo ang usapin
bago mag- umaga; maaaring dumating si Basilio at makapulot naman siya ng gusing puno ng ginto sa
kaniyang halamanan, o maaaring dumating si Padre Camorra, na laging bumibiro sa kaniya, at kasama ng
mga tulisan. Dahil sa hirap at kalungkutan sa ginawang pag-iisip, nakatulog ang kahabag-habag na si Juli.
Napanaginipan niya ang kaniyang kabataan doon sa gubat. Masayang naliligo silang tatlong
magkakapatid sa gitna ng batis at nanghuhuli ng mga isdang maaamo at may sari-saring kulay. Nakita rin
niya si Basilio sa ilalim ng tubig at hindi niya maisip kung bakit nakakamukha nito ang kaniyang kapatid
na si Tano. Nagmamasid naman sa kanila sa pampang ng batis ang kaniyang panginoong si Hermana
Penchang.

You might also like